webnovel

Book of You and I

She's an independent girl. Hindi niya alam kung sino ang totoong pamilya niya, may Nanay Ester nga siya pero hindi ito nagtagal sa kanya. Yes! She's alone since she was 12 years old. She's working so hard to keep her life. Until the day of her highschool life. There was someone, bothering her simple life. Taong bumago sa simpleng pamumuhay niya. Akala niya trip lang ito ng lalaki. Pero noon lang pala may lihim na pagtingin na ito sa kanya. There's a happy moments together with kilig factor, na akala niya friendly lang talaga ito. Pero hindi niya alam there's a reason na pala behind that all. May hint siya. Pero hindi niya pinansin ito kasi hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari, aside sa bata pa ito, hindi ito pwedeng mangyari dahil alam niya siya lang ang masasaktan kung pakikinggan niya ang puso niya. Until the day na, tulad ng napapanood natin sa pelikula o nababasa sa libro. Hindi mawawala ang kontra bida. There was a girl change her thought dahil umaalig-aligid ito sa lalaki. Then she realize. Mahal niya ito. Hindi niya kayang mabuhay na wala ito. Oo, mahal niya ang lalaking bigla na lang pumasok sa buhay niya. She do everything, para kausapin ang lalaki. But its too late. She's late. Someone get him from her. Mababalik pa ba niya ang dating masayang pagsasama nila kung alam niyang hindi na ito pwede?

perfectlydifferent · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
21 Chs

PAYONG KAIBIGAN

"Ano pala ang paborito mong cartoons?"tanong ni Jasper at sumubo ng sandwich. Naka-upo kami ngayon sa bakanteng upuan sa kiosk, wala na kasing pwedeng maupuan sa canteen at napaka-ingay pa. Ayaw din naming kumain sa classroom, nakakasawa at boring umupo dun. Kaya nandito kami ngayon sa kiosk, nag-uusap ng kung ano-ano. At ngayon cartoons naman ang napag-usapan, wala na kasing maisip na topic. Kahit grade 10 na ako, hilig ko parin ang manood ng cartoon.

"Tom and Jerry"sagot ko. Tumawa siya. Ano naman meron doon? Maganda kaya panoorin yun. Medyo luma nga lang.

" Hahahaha, wala na bang iba. Yung updated"sabi niya habang walang tigil ang halakhak.

"Bakit hindi ba yun updated? Meron naman sigurong new version ang cartoon na yun. Hindi ko lang napanood."depensa ko. Meron naman siguro, hindi ko lang talaga napanood. Busy kaya ako noh. Hindi parin siya tumigil sa pagtawa.

" Ehh... Ikaw? Ano bang ang paboritong mong panooring cartoons?"tanong ko. Tingnan lang natin, baka mas luma pa ang sa kanya. Tumatawa parin siya. Problema niya?

"Ano ka ba? Sa henerasyon natin ngayon bata lang ang nanonood ng cartoons."sabi niya at tumawa ulit. Bakit ba niya ako tinanong?eh sabi niya bata lang ang nanonood ng cartoons. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita ulit. Pero hindi na siya tumatawa ngayon.

"Wait lang sa comport room muna ako."sabi niya at inubos kaagad ang pagkain. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita siya ulit. Ang bilis rin kasi naubos ang pagkain niya.

" Kung matagalan ako. Mauna ka na sa classroom. "Sabi niya, tumayo siya kaagad at umalis.

" Teka, hindi lang naman bata." Mahinang sigaw ko. Tumawa siya. Nakakainis, hindi lang naman talaga bata ang nanonood ng mga cartoons. Well, bata pa naman ako. Tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko. Hayyy... I'm alone again.

Kinuha ko ang cp ko at binuksan ang writing app na IWrite, wala naman akong kasama at wala rin akong magawa. May latest version na pala ito?bakit ngayon ko lang nalaman?ma-idownload nga. Downloading....

"May!"sigaw ng boses ni Tria sa likuran ko. Likuran na naman?. Oh Tria lagot ka sa akin ngayon. Get ready Tria. Nilagay ko ang cellphone sa bulsa ko at nilingon ko siya. Dead end, parang mapapatay ko talaga si Tria ngayon. Kasama niya si... Yes si Kasper. They both smiling at me, lalo na si Tria. Ano bang nangyayari? Dapat na ba akong matakot?

Walang kupas parin ang ngiti nilang dalawa sa akin habang naglalakad sila, medyo malayo-layo pa kasi sila sa akin ngayon. Anong gagawin ko?tatakbo nalang kaya ako? No May, erase erase. Huwag mong takbohan ang scene na toh, be strong. Ow that jerk! Nag evil smile siya sa akin. Ako yata ang mapapatay ngayon.

"Lopez!"sigaw ng isang guro. Lumingon si Kasper sa kanya. Tama pala, Lopez pala ang last name niya. Lumapit si Kasper sa guro. Mmm... Parang swerte yata ako ngayon. Salamat sayo ma'am. Naglakad sila ng guro. Ow thanks God. And now I'm gonna kill you Tria. No, that's wrong self, klarohin mo lang lahat sa kanya. Huwag mo namang patayin ang best friend mo.

" Eheeem dismayado yata ang best friend ko" sabi ni Tria na nasa harap ko na pala, nagulat ako doon ah. Anong dismayado?

"Anong pinagsasabi mo?"umupo siya sa tabi ko.

"Nahuli ka na May"sabi niya. Anong nahuli na ako?saan? "Umasa kang lalapit si Kasper sayo."

"Ano?bakit ko naman iisipin yun."ngumiti siya.

" Eeehhh"mahinang sigaw nito, na parang kinikilig.

"Totoo naman talaga."

"OK. Sabi mo eh."sabi niya at may kinuha sa bulsa ng Jacket niya. Biscuit pala. Tahimik lang siyang kumain nito. Bakit siya tahimik? Hindi yata ako sanay. Wait, paano ko ba sisimulan sabihin ang totoo. Sasabihin ko ba kaagad? Ok straight to the point nalang self, huwag ng paligoy-ligoy pa. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

" May, Soryy"sabi niya with a sad face. Anyari? May sinabi ba siyang dapat kong ikakagalit?

"Para saan?"tanong ko. Para nga ba saan? "Tungkol ba ito kanina sa flag ceremony?" Tanong ko ulit.

"Sorry May"sinabi niya at niyakap niya ako. So tungkol to kanina.

"It's ok"niyakap ko siya pabalik. "So mas naniniwala ka sa akin?"tanong ko at umalis sa pagkayakap sa kanya.

"Oo naman, best friend kaya kita. Bakit naman ako maniniwala sa lalaking yun?"sabi niya at nagsmile na ulit. That's my friend. Akala ko talaga mas kampi siya sa jerk na yun. Mabuti naman hindi.

"So, ano yung palabas mo kanina?"tanong ko. Bakit niya ba ginawa yun? Tumawa lang siya. Anyari?so it means.

" Trip ko lang yun, sinakyan ko lang si Kasper. Hindi ka naman kasi ganoon, kilala kaya kita. Wala kang balak magkajowa until you turn 18. Hindi ko akalaing naniwala ka naman."paliwanag niya.

"Sabi ko na nga ba. At, oo naniwala talaga ako."tumawa kaming dalawa. Paano ko ba sasabihin ang totoong nangyari? OK straight to the point self.

"So, bakit mo siya kasama kanina?" Tanong ko sa kanya. "Huwag mong sabihing...." Akala ko ba straight to the point?

"Wala, inutusan lang kami ng adviser namin. Kaya nagkasabay kami pabalik." Sagot niya.

"Nag-usap ba kayo?"tanong ko. Baka kasi sinisiraan nila ako. Either si Tria o ang jerk na yun. Ano ba May, sabihin mo na.

"Hindi, tahimik lang siya" sagot niya at kumain ulit. Mmmm... Siya tahimik? Anyari sa kanya?

"Ay Teka, saan pala kayo kanina? Bakit nakapodlock ang room niyo" Tanong ko. Di ba wala sila sa classroom nila. Paligoy-ligoy pa eh, paano mo sasabihin yan self.

"Ahh sa science lab kasi kami nagklase." Sagot niya.

"OK"ok self asabihin mo na in one, two, three go. Magasasalita na sana ako nang biglang siyang nagsalita . O my gosh paano ko na sasabihin ngayon. Baka mag ring na ang bell hindi ko parin nasabi sa kanya ang totoong kwento. Baka magtampo siya, kung bakit naglihim ako sa kanya.

"Teka bago ko malimutan, bakit ka pala tinawag na baby ni kasper? Di ba magkaaway kayo?" Tanong niya. Sakto, hindi na ako mahirapan pa. So yun, pinaliwanag ko na sa kanya lahat, ang bawat detalye nito. Ito naman siya hindi makapaniwala.

"So it means, magkasintahan talaga kayo? Plus servant pa"tanong niya with big eyes. Hindi ba niya naintindihan?

" Ano ka ba, consequences lang yun..."sagot ko. Ngumiti siya. Anong nakain niya?

"Pareho lang yun. Ayieee!!!" Ano daw?

"Hindi yun magkapareha. Mas gusto ko pang maging servant niya kaysa maging girlfriend niya."depensa ko. Ngumiti ulit siya.

"Ano ka ba, pareha lang yun. Walang pinagkaiba."

"May girlfriend bang inaalipin?"tanong ko sa kanya. Totoo naman. "Kung girlfriend ang turing niya sa akin, hindi niya ako aalipinin."ngumiti siya. "Hoy hindi dahil sinabi ko yan. Gusto ko talagang maging girlfriend niya. Ni hindi ko nga siya gusto. And you know dahil lang yun sa masakit niyang balikat."

"Ayiee!!" Eto na naman siya hindi naniniwala. Bakit naman ako magkakagusto sa jerk na yun?

"Hey, sinasabi ko lang na trip lang niya yun, as in T R I P. Wala lang yung magawa sa buhay."paliwanag ko.

"Ok. Pero what if gusto ka talaga niya. Pero yan lang ang nakita niyang paraan para mapalapit sayo."sabi niya. Ano bang pinagsasabi niya?

"Hayys... Tria. Bakit mo ba ako pinupush sa kanya?hindi ko nga siya gusto at hindi yan mangyayari, bakit naman ako magugustuhan ng jerk na yun? hindi naman ako kagandahan. Alam kong trip lang niya yun. Di ba nga dahil lang sa masakit niyang balikat ang consequences na yun."paliwanag ko.

"OK."response niya.

"Pero alam mo, gaano ba kasakit ang balikat niya para sa parusahan niya ako ng gaanong consequences? Naku, hindi talaga masakit yun at I swear trip lang niya yun. Wala bang magawa sa mundo ang lalaking yun? Bakit hindi nalang niya gayahin si Jasper na kambal niya na napakabait?"sumama ang mukha niya. Parang hindi ko na kilala ang best friend ko. Bakit lahat ng sinasabi ko ay parang tutol siya.

" Naku friend, yan ang huwag na huwag mong sasabihin. Hindi mo pa siya kilala. Kaya hindi mo masasabi ang katotohanan. Alam mo para sa akin, sakyan mo nalang kaya siya. Para malaman mo ang totoong dahilan ng ginagawa niya. Di ba nga may kasabihang "Don't judge a book by its cover" kailangan basahin mo muna siya para malaman mo ang reason behind the title, in short kilalanin mo siya. At saka huwag mo siyang i-compare sa kambal niya. Hindi dahil kambal sila, eh dapat pareha na sila ng katangian. You don't know the reason about that. Kaya get closer to him nalang para makilala mo siya. At huwag mong kalimutang sinabi mo sa kanya na gagawin mo ang lahat para sa kanya. Wala kanang takas May, harapin mo nalang ito."paliwanag niya. Ano bang nakain nito?yan ba ang epekto sa biscuit na kinain niya?hindi ko na talaga siya kilala.

"Bahala ka, kung yan ang gusto mong paniwalaan. Pero alam mo, parang tama ka naman. Pag-iisipan ko nalang ang sinabi mo. Ok."pag-agree ko. Ngumiti lang siya. Nag-ngitian lang kami hanggang nag ring na ang bell, nagsasabing tapos na ang recess time. Bumalik na kami sa classroom namin. Hayyy hindi ko na alam ang gagawin ko.