webnovel

Blue Moon: the Keeper and the Cursed

Ayon sa mga kwento, lahat ng nilalang sa mundo ay may nakatakdang tadhana. Anong gagawin mo kung ang tadhanang inilaan sa iyo ay salungat sa iyong paniniwala at kaalaman? Handa ka bang labanan ang tadhana?

Ruche_Spencer · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
5 Chs

Ang Sumpa ni Rovina

Unti- unting binabalot ng pagkamangha at ligaya si Harriette habang sinusuri ng kanyang mata ang malawak na bulwagan. Agaw-pansin ang malaking diyamanteng animo'y blue moon sa gitna ng matayog na arch window kung saan mula rito ay matatanaw ang di kalayuang matatarik na bundok na nasisinagan ng pilak na buwan.

May tatlong naglalakihang dragong yari sa marmol sa harap ng bulwagan at sa bawat paanan ng mga ito ay may tronong yari sa royal purple velvet at ginto. Ang mas malaking trono sa ginta ay may nakaukit na isang gryphon. Ang isang paa nito ay may hawak na orb habang ang isa ay isang scepter na sumisimbulo sa kapangyarihan ng sinumang namumuno.

"This throne has been waiting for its rightful heir," nakangiting saad ni Carlos habang inaakay ang dalaga patungo sa gitnang trono saka siya nito pinaupo. "My lords, behold! She, the chosen one, created from thy blood, is finally here. The answer to our redemption! My lords!" sigaw ng matanda kasabay nito ay kumulog at kumidlat dahilan upang mapasigaw si Harriette.

Makalipas ang ilang sandali ay napuno ang silid ng hiyaw ng dalaga habang namimilipit sa sakit. Pawisan ito habang nakahawak ng mahigpit sa armrest ng kanyang trono. Tumigil ang oras. Ang ihip ng hangin at lagaslas ng tubig ay huminto. Ang buwan ay binalot ng itim na ulap.

Sa isang iglap ay nag-ibang anyo ang dalaga. Nagkaroon siya ng pangil at ang mga mata'y nagkulay pilak. Ang mahaba nitong buhok ay abot hanggang baywang habang ang damit nitong simpleng suit ay napalitan ng isang pulang Victorian erang velvet gown na may disenyong itim na laces.

"What am I? What happened to me?!" takot na takot na tanong ni Harriette ng mapagtanto ang kanyang pag-iibang anyo. Malungkot na tumingin sa kanya ang dalawang lalaki. Tumango si Carlos kay Raul na nagbibigay pahintulot na ipaliwanag sa dalaga ang nangyari.

Bumuntong-hininga si Raul bago bumaling sa dalaga. "A century ago, when all the planets aligned and the wall between mortals and immortals was its thinnest, beings from both worlds roamed freely. For that one night, every soul was free but everyone must be in its world before the Keeper closes the portal. Any unfortunate being shall be cursed and forever be doomed."

Nalilitong pinaglipat-lipat ni Harriette ang tingin sa dalawa. "What's the point exactly? Are you saying that I'm c-cursed?" nag-aalangang tanong ng dalaga.

"Yes," sagot ni Carlos. "You're doomed to kill mortals or to turn them into bloodthirsty monsters like you."

"No! No! That's a lie. I'm not a vampire! Not a monster! Never was and never will be!" mariing saad ng dalaga. "I have NEVER killed someone in my life."

"Have you ever dreamt of wandering to an old mansion with two Romanian dragons on its towering gates?" tanong ni Raul sa dalaga. Napaisip ito saka nanlalaki ang mga matang tumango.

"Tell me. What do you do in those dreams?" tanong ni Carlos habang nakatanaw sa labas ng bintana.

"I- I don't remember. I- whenever I had those nightmares, I- I don't remember exactly. But, I always felt... like a new person---like, er-- I don't know. W-what about it?" kinakabahang tanong ng dalaga.

"I'm afraid those nightmares were not merely bad dreams," saad ni Raul.

Marahas na tumingin si Harriette sa binata saka nagtanong, "W-what do you mean?"

Imbes na sagutin siya nito ay itinuro nito ang isang pintuan patungo sa isang veranda. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit sa naturang lugar. Mula dito ay tanaw ng dalaga ang malawak na lupain na sakop ng kanyang kaharian. Kumukuti-kutitap ang mga ilaw mula sa bahay na nakapalibot sa palasyo at ang tubig sa malapit na lawa na kumikinang sa sinag ng buwan.

Ngunit ang kasiyahan ng dalaga ay agad napalitan ng kaba at pagkalito ng dumako ang kanyang tingin sa matayog na gate sa harapan ng malawak na hardin. Nagmistula siyang estatwa dahil sa di inaasahang nakita.

"No!" sambit ng dalaga ng mahimasmasan saka lakad-takbong pumasok ng palasyo. Patuloy ito sa paglalakad at di alintana ang pasikot- sikot ng malaking palasyo na tila dito siya nakatira. Tumigil ito sa harap ng isang kwartong nasa dulo ng hallway. Sa kabila ng walang tigil na paglalakad ay wala itong maramdamang pagod. Ni isang butil ng pawis ay wala.

Subalit, nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan- dahang binubuksan ang kubling pintuan. Napasinghap ang dalaga sa natuklasan at ang tila magandang panaginip ay nagmistulang bangungot ng sa wakas ay mapagtanto ni Harriette ang mapait na katotohanan.

"This can't be! Nooooooooooooo!" hagulgol ng dalaga.

Tila isang pelikulang nagrewind ang bangungot ng kahapon. Ang bawat mortal na biktima ng kanyang sumpa, bawat hiyaw at pagmamakaawa nila ay nanumbalik sa kanyang isipan. Nagmistula siyang baliw na ginugupo ng sariling takot.

Agad niyang nilisan ang silid ng mga kalansay at tumakbo ito hanggang sa matagpuan niya ang sariling nakadapa sa malamig na sahig ng magarbong sala.

"Fear not, Rovina. Hope is not in vain. Everything will go back to what it once was if we succeed this time," ani ni Carlos habang papalapit sa humihikbing dalaga. Luhaang nag-angat ng mukha si Harriette habang nagtatanong ang kanyang mga mata.

"In the next full moon, the planets will align. You must enter the realm of the immortals before daybreak. This will be your chance, this will be our salvation. Otherwise, it will cost us another century of agony--- another century of you being trapped in that curse," paliwanag ni Carlos.

"So, there's a way to break the curse?" namamaos na tanong ng dalaga. Tumango ang dalawa habang tinutulungan ang dalaga sa pagtayo. "I'll do everything I can to break this. I don't want to be--- a- a monster. Please, tell me what to do," makaawa nito.

"You must help the Keeper find his way," sagot ni Raul. "Tomorrow, he starts his training. He must read the Book of Destiny before the time comes. Only then, he can close the portal and restore the balance between both worlds."

"But how can a monster like me help?" nagdududang saad ng dalaga.

Ngumiti si Carlos saka sumagot, "You might be cursed, but you're still the most powerful priestess of the old religion. Yours and the Keeper's destinies are intertwined and the future of both realms is in your hands!"