webnovel

Chap 2: Ulan

KATHLEEN'S POV:

Pagkalabas ko ng school may naramdaman akong pumatak sa aking balat at biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Wala akong magagawa kundi sugudin ang malakas na ulan wala kasi akong dalang payong, mainit naman kasi kanina.

Bago ako tuluyang makalayo ng gate ng school nakita ko si Andrea na nakasilong sa guard house. Magpapatila pa yata sya ng ulan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, nakita kaya ako ni Andrea.

Medyo nakalayo na ako sa school pero ang lakas parin ng ulan, giniginaw narin ako sa sobrang lamig. Blurred narin yung buong paligid kaya di ko masyadong makita yung dinadaanan ko. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog yung cellphone ko, nag text pala si Andrea.

Text from Andrea.

"Nakauwi ka na ba Kathleen?"

"Nakita kita kanina, bakit mo naman sinugod yung ulan?"

Hindi ko naman sya mareplyan dahil nakabalot pa sa plastik yung cellphone ko.

Nakakainis, nag aalala na sakin si Andrea, dapat pala sumilong narin muna ako dun sa guard house.

Natatakot din ako dahil parang may sumusunod sakin. Hindi naman ako makalingon dahil baka malaman nya na alam kong sinusundan nya ako. Malayo-layo padin yung bahay ko mula dito.

ANDREA'S POV:

Nakita ko si Kathleen na mag isa lang sya, sumugod pa sya sa malakas na ulan. Hindi padin tumitigil yung ulan kaya ti-next ko na sya.

"Nakauwi ka na ba Kathleen?"

"Nakita kita kanina, bakit mo naman sinugod yung ulan?"

Yan yung tin-next ko sa kanya pero hindi padin sya nagrereply ano na kayang nangyari dun, basang basa na yun sa ulan panigurado.

"Sabay na tayong umuwi." Nagulat ako dahil kay Ezekiel, sya pala yung nagsalita.

"A-ah hindi na, hindi tayo kasya sa payong mo, mauna ka na." Sabi ko.

"Hindi okay lang, sumabay ka na." Sabi ni Ezekiel.

"Sumabay ka na sa kanya." Sabi nung guard kaya napatingin ako sa kanya.

"Tara na?" Si Ezekiel, wala na akong nagawa kundi sumabay kay Ezekiel.

Sa tapat ng bahay namin.

"Sorry Ezekiel naabala pa kita." Sabi ko.

"Okay lang." Sabi ni Ezekiel.

"A-ah thank you, sige pasok na ako sa bahay, ingat ka." Sabi ko at agad pumasok sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto ko at sumilip sa bintana.

Nakita ko pa si Ezekiel, bigla kong naalala si Kathleen kaya ti-next ko ulit sya.

"Huy, mag reply ka ano na bang nangyayari sayo hindi ka nag re-reply. Nakauwi ka na ba?"

Text ko sa kanya.

KATHLEEN'S POV:

Nakatanggap na naman ako ng text galing kay Andrea.

Text from Andrea.

"Huy, mag reply ka ano na bang nangyayari sayo hindi ka nag re-reply. Nakauwi ka na ba?"

Bwiset! Hindi tuloy ako makareply kay Andrea. Bigla naman akong nagulat at halos malaglag yung puso ko dahil may dumaan sa likod ko at dire-diretso lang sya sa paglalakad.

Si Aaron lang pala.

"Aarooonnn!" Malakas kong pagtawag sa kanya. Napahinto naman sya at lumingon sakin.

"Ano?!" Pasigaw na tanong nya sakin habang nakakunot ang noo.

"Pasukob ako!" Sigaw ko sa kanya at agad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Oh hawakan mo tong payong." Sabi ni Aaron at laking gulat ko ng kinuha nya yung kamay ko at pinahawak sakin yung payong. Wala na akong nagawa kundi hawakan yung payong.

Gentleman ba tawag sa ganyan? Pogi nga sya kaso hindi naman sya gentleman. Kailangan ko pang itaas yung payong para hindi sya mauntog sa hawak kong payong. Ang tangkad kasi jusko, sana naglakad na lang akong mag isa pinahirapan lang ako.

"Ako na nga ang hahawak ng payong, nakakaawa ka naman, ang liit liit mo kasi." Sabi ni Aaron.

Wow ha, ako pa sinisi.

Ibinigay ko sa kanya yung payong at tumingin ako sa kanya at napatingin din sya sakin kaya nagkatitigan kami.

dug dug dug dug dug dug

Anong pakiramdam to? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang gwapoooo nya talagaaa.

Nagulat na lang ako ng bigla nyang kinuha yung payong sakin.

"Akin na nga!" Sambit ni Aaron.

Bumalik naman ang tingin ko sa dinadaanan. Bigla kong naalala si Andrea, nag text nga pala yun. Agad kong kinuha yung cellphone ko na nakaplastik at tinanggal yun sa plastik. Agad ko syang nireplyan.

"Huy... Andrea, pauwi na ako, nakisabay ako kay Aaron, may payong kasi sya, nakauwi ka na ba?" Reply ko sa kanya.

Agad din naman syang nagreply sa text ko.

"Wow ha... sinabay ka nyan? Eh lagi nga kayong nag babangayan nyan... oo nakauwi na ako." Reply ni Andrea.

"Mag send ka nga ng picture." Dagdag pa nya.

"Okay wait.." Reply ko.

Aba ayaw pa maniwala, sige wait, mag se-send ako ng picture.

Napansin ko namang sumisilip si Aaron sa pinaguusapan namin.

Kalaking tao cheesemoso.

Agad kong pinicturan yung baba para makita ni Andrea, yung sapatos namin ni Aaron. Pagkapicture ko ay agad akong pumunta sa gallery, baka kasi hindi nag save yung picture.

"Patingin nga." Sabi ni Aaron at laking gulat ko ng inagaw nya sakin yung cellphone ko at nilayo nya sakin yun.

"Akin na yan!!" Sigaw ko sa kanya.

"Gusto mo basain ko tong cellphone mo?" Pagtatanong ni Aaron kaya umiling ako.

Nako nakakainis, nasa gallery ko pa naman yung mga pictures nya na sinave ko. Sigurado akong nakita na nya yun.

Tumingin ako sa kanya at kita kong nakatingin sya sa phone ko at nakangiti pa. Nakakainis oh.

"Oh phone mo." Sabi nya.

Nakangiti nya yung binalik sakin, nakakainis sigurado akong pinagtatawanan na ako ng lalaking to.

Agad kong tiningnan yung phone ko at nakita ko yung picture nya, nag picture pala ang loko kaya ngiting ngiti kanina.

Sinend na rin nya kay Andrea yung pinicture ko kanina.

Nag text na ulit sakin si Andrea.

"Oo na, naniniwala na ako, mag ingat kayo." Text nya.

"Sige bye na..." Reply ko naman sa kanya.

SOMEONE'S POV:

"Ayun sila Aaron at Kathleen patayin na kaya natin sila"

Tanga ka ba? Pano kung may makakita satin.

"Oo na tumigil ka na"