webnovel

TRUE OR FALSE

Dec 7 2022

( Tinagong Beach Resort room 27)

Matapos nga ang nakakapagod na araw na iyon ay mas minabuti na lamang nila na magpahinga ng maaga.. kinabukasan ang tahimik ng lugar na iyon ay mas naging tahimik pa mas tahimik pa iyon sa isang abandonadong bahay na iniwan ninuman..

Mula sa isang liham ay sinabi ni Mr. Fuentes na siya ay mawawala lamang ng isang araw at babalik kinabukasan.. doon din ay sinabi niya na ang mga lugar na dapat nilang puntahan ay limitado lamang at may mga taong nagtatago o patagong nagbabantay sa kanilang mga galaw.. at Hindi sila maaring lumayo o umalis sa naturang lugar. ." Bukod sa maligo at kumain ano paba ang pwedeng gawin dito" wika ni jaica. "Ahy.....Kahit ako ay hindi ko alam..hindi ko pinangarap ang humiga lamang sa kama ng isang buong araw..wala iyon sa isip ko.. pero..mukang mangyayari iyon" wika ni Elenie. "Kung para naman nito sa ating kapakanan sumunod na lang din tayo para matapos na ito" wika ni trina. " Alam niyo..hindi nyo naman kailangan pahirapan ang mga sarili ninyo.. pwede kayong maligo sa dagat..o Hindi.. o di naman kaya ay matulog lamang mag hapon.. kung gusto niyo... pero ako ito ang gusto ko" wika ni Rian bago inilabas Ang Isang bote ng whisky. Nang mga sandaling iyon ay nag tinginan nga ang mga magkakaibigan.. Doon ay hindi na kailangan magsalita pa ng bawat isa sa kanila.. dahil ang mga tinginan nila ay sapat na...oo. alam na nila ang gusto nila.. iyon ay ang uminom ulit..

" Batsa tatandaan natin guy's iinum tayo ngayon pero huwag na sanang mangyari ulit ang ginawa ni julia" wika ni Jane. " Kung dito lang tayo sa loob iinum at walang lalabas maaring di na iyon mangyari " wika ni Trina." And beside pwede naman tayo ng uminom pero yong Tama lamang.. at Hindi subra" wika ni elenie. " Guy's hindi tayo bilanggo malaya tayo.. hindi naman nila sinabing bawal ang uminom at magpakalasing tama... so bakit hindi natin gagawin.. oo aaminin ko masarap ng pagkakataon na ito upang makalimot tayo sa mga iniisip natin" wika ni Jica. " She's right lalo't hindi pa naman nila napapatunayan kung tayo nga o kung isa ba sa atin ang pumatay kay julia.. bakit di tayo magsaya" wika ni Rian at agad na binuksan ang Whisky. At agad nga Silang nag inuman..

Mahaba ang oras na meron sila at alam nila iyon.. isang buong araw na hindi nila pinalabas. isang araw na parang ninakaw sa kanila para maging sabik.. nang lumaon ang oras ay hindi na nga nila napapansin ang kanilang mga ginagawa ng dahil sa alak..

Dec 7 2022 7pm

(Tinagong Beach Resort room 27)

habang sila ay nag kakasiyaan ay laging gulat nila ng biglang bumukas ang pintuan at doon ay agad na pumasok si Mr Fuentes kasama si Ginang Rose at ang anak nitong si Randy habang may kasamang mga pulis.

" Surprise girl's... Oh.. pagpasensyahan nyo na kami.. nasira ba namin ang masayang gabi nyo" wika ni Mr Fuentes. " Talagang nakukuha nyo pang magsaya" wika ni Ginang Rose . " Ginang Rose humihahon ka...hayaan mo na kami dito" wika ni Mr Fuentes.nnag mga oras na iyon ay umupo ang lahat sa sala habang mag kakaharap.. " Anong ibig sabihin nito.. ang akala namin ay bukas ka oa darating " wika ni Jiaca. " Sabihin na nating ayaw ko nang mag aksaya pa ng oras" wika ni Mr. Fuentes." Anong ibig mong sabihin" wika ni Jane. " Madami... Tulad na lamang ng mutibo..pagpaplano.. set up.. at pagpatay" wika ni Mr Fuentes. " Pwede ba.. tingilan mo na yan.. deritsuhin mo na kami" wika ni Rian. " Kayo ang tumigil" sigaw ni Randy. " Randy.. hindi makakatulong kung mag papakita ka ng galit.. hayaan mo na saakin ito. Wika ni Mr. Fuentes.

Mula doon ay huminahon nga ang lahat.. bawat sigundong pumapatak ay nahaluan ng tensyon.. kaba at takot..

" Ayoko nang mag paligoy ligoy pa... Alam nyi ba na napakasaya ko ngayong gabi dahil sa wakas nalaman at alam ko na kung sino ang pumatay kay Julia Riaza. ( Nagulat ang lahat at magkatinginan) at ang punatay kay Julia ay nandirito miso sa lugar na ito.. tama..isa sa inyo ang totoong pumatay kay Julia ( mula doon dahil narin sa pagkagulat at pag katakot ay nabitawan ni Rian ang hawak nya na baso na may lamang alak.

" Ayon sa aming magiimbestiga.. malinaw na malinaw dito na pagnanakaw ng malaking pera ang naging dahilan kung bakit pinatay mg biktima si Julia. At mula nga sa mga ibinigay nyo pahayag.. mula doon ay napagtagpu tagpi namin ang lahat nang maaring nangyari bago pa namatay si Julia

Dec 1 2022 2:30pm

Nang unang dumating si Jaica at Elenie sa lugar na ito maya may ay agad na silang hinatid ng mga staff sa kwartong ito at ipinaliwanag nila kung ilan ang kwarto at palikuranat dito..at lahat ng bagay na meron sa loob ng kwartog ito .. matapos iyon ay agad ..bandang alas tressay agad na ding dumating sila Trina , Rian at Julia. Habang si Jane naman ay nahuli ng dating.. ang oag kakaalam ko.. nalate ka ata ng gising dahil may hang over ba tama ba Jane ( tumungo si Jane) habang nag kakasiyahan kayo sa beach ng bantang 3:40pm ay agad na dumating si Jane. Matapos iyon ay kumain na muna kayo bago kayo uminum tama ba ako?? At habang nag iiinum kayo at nag laro kayo ng do ot shoot.. napakadaming masasayang bagay ang ginawa nyo ng mga sandaling iyon.. lalong lalo na ung mga oras na kumukuha kayo ng mga manga..matapos iyon ay ipinagpatuloy nyo ang inuman sa kwarto ito.. at doon ay napansin nyo nga na mabilis na nalasing si Julia.. tinagayan pa nga sya ng beer Jane pero sa di inaasahan nasukahan nya si jane..kaya nga naglinis at naligo muna si Jane sa Cr.

9 : 00 pm nang biglang tumayo si Julia na inakala nyong lahat at tulog na .

doon ay medyo gumawa sya ng kaunting drama.. ngunit naputol iyon ng biglang lumabas ang galit na si Jane. Gayumpaman ay mas pinili nyo parin ang maging masaya ng gabing iyon..maya maya ay napansin ni Rian si Jane na mag isa sa balcony at tila may kausa sa phone.. kaya agad nya itong nilapitan para pakalmahin.. doon at nagulat si Rian dahil sinabi ni Jane na nakita nya si Rian sa likod ng sasakyan ni Julia ng bandang mga alsa tree habang sya ay papasok sa lobby.

Mag aalas onse ng gabj.. doon ay napansin na ni Rian ang mayat mayang pag laban ni Jaica .. doon at sinabi ni jaica na bukos sa madalas sya naiiihi ay nais nya lamang din daw na tumakas sa inuman dahil nahihilo na ito. Kasabay noon ay nag paalam na rin si Trina sa inyo na mag papahinga na sya dahil lasing na ito. Mga bandang 11:30 ay napansin naman ni si Elenie na galing labas.. at ang sabi nya pumunta lamang siya sa lobby para umorder ng pagkain..matapos iyon ay bumalik naulit kayo sa loob para mag-inuman ulit. Sa pagbalik ni Jaica at ni Elenie sa loob ay napansin nito na wala pa ring tigil sa pagkanta si Rian kaya doon ay nainis si Jaica kaya agad niyang inagaw kay Rian ang mic. At dahil doon ay nagalit si Rian at sa galit ni Rian ay naisip nito na i-record ang boses ni Jaica habang ito ay kumakanta. Ngunit sa kasamang palad ay napansin ni Rian na malolowbat na pala ang kanyang cellphone kaya agad itong nag-charge..

Mag-aalis dose ng gabi napansin niyo na tila may umiiyak sa loob ng kubeta at doon nga ay nalaman yung si Julia ang umiiyak sa loob ng cr. Kaya agad yung inalalayan si julia palabas ng cr... At dooon na nga nagsimula ang mainit na tensyon.. dahil sa mga pinagsasabi o sinumbat sa inyo ni julia.

At dala narin ng alak at marahil ng galit ay hindi niyo na napigilan o napagpasensyahan si julia sa lahat ng panunumbat na ginawa nya. dahil doon ay mas lumala ang gulo..

Pakiramdam ni Julia ng mga gabing iyon ay pinagtulungan niyo siya sa galit niya ay pumasok na lamang siya sa loob ng kwarto at doon nga ay sinundan nga siya ni Jane at inakala niyong lahat na mapapakalma siya ni Jane kaya hinayaan niyo na lamang silang dalawa sa loob ng kwarto.

1:00 ng madaling araw nagulat kayong lahat dahil sa isang kalabog na nag mula sa kwarto kung nasaan si Jane at si Julia at sa inyong pagpasok ay nakita niyo ngang nasa lapag na si jane at doon nga ay sinabi ni Jane na itinulak siya ni julia .. dahil sinusubukan nito na pigilan si Julia dahil nga gusto ni juliang umalis ngunit ayaw na ninyong paalisin si julian ng gabing iyon dahil nga siya ay lasing na lasing ngunit huli na ang lahat.. dahil mula sa bintana ay nakita niyong lahat si Julia habang nakasakay sa kanyang sasakyan ay tumakas habang nagmamaneho ng mabilis.

Oo may ilan sa inyong sinubukan siyang tawagan pero hindi niyo nagawa at pagkatapos ng magulong gabing iyon ay sinubukan niyo na lamang magpahinga ngunit kinabukasan ay nalaman niyo na patay na si Julia." Kwento ni Mr. Fuentes.

" alam mo..Nakakatawa ka..ngayon mo sabihin sa aming na alam mo na kung sino ang pumatay kay Julia base sa mga kwento mo .. mga kwento mong!! binase mo lang naman sa mga kwento o salaysay namin.. tapos ngayon uupo ka sa harapan namin at sasabihin alam mo na o isa sa amin ang pumatay kay Julia kalokohan" wika ni Jaica.

" Tama kalokohan nga.... kalokohan ang makinig sa iilan sa inyo na walang ibang ginawa kundi mag sinungaling.. tama ka Jaica ..itong mga sinabi ko sa inyo ay ang mga bagay na sinabi nyo lamang saakin o ang inyong mga salaysay.. at malinaw na malinaw na mero ditong nagsisinungaling at marahil ay pinagtatakpan ng krimen..

Pagod na ko.. ngayon ako naman...

hayaan niyo kung ilatag sa inyo ang buong nangyari nga mga araw na iyon..at sinisigurado sa inyo na nasa koob ng kwarto ito ang pumatay kay Julia