webnovel

CHAPTER 4 ( JAICA CRUZ)

Jaica Cruz

Dec 6 2022 5:00 pm
( Tinagong Beach Resort room 27)

Matapos magbigay ng mga pahayag ni Elenie ay kaagad na ngang tinawag ni Mr Fuentes si Jaica para sa kanyang pag kakataon. Agad nga pinaupo ni Mr Fuentes si Jaica sa kaperang upunan.

"  Kamusta miss Jaica Cruz" tanong ni Mr Fuentes. " Ayos Naman ako..  maari bang mag simula na tayo" wika ni Jaica. "  Maari Naman.. ngunit gusto ko lamang ipaalam saiyo na ang lahat Ang magiging salaysay mo ngayon ay nakarecord..Maasahan ko ba na lahat na iyong isasalaysay ay pawang katutuhanan lamang" wika ni Mr Fuentes. " Maganda Ang recording device na ginagamit mo... kahit pagahinga ng tao ay marerecord nya...  But..Did you know na may application na nyan para sa cellphone.. I remember nung kumakanta ako.. Yan Ang ginagamit ni Rian para e record Ang boses ko.. Malas..nya lang..dahil na lowbat sya" wika ni Jaica. "  Jaica.. Wala tayong Oras para sa mga bagay na iyan.. maari bang magsimula Ka na lamang sa iyo g mga salaysay" wika ni Mr. Fuentes bago nag simula si Juica.

" 2:30pm kami dumating Dito noon sabay kami ni Elenie.. pag hatid saamin ng mga staff sa room na ito.. pumasok muna si elenie sa isang  kwarto para pagpahinga. Ako Naman ay naghilamos muna sa CR. Maya Maya ay dumating na nga Sila Trina, Rian at Julia.. after noon mga 4:00 pm pumunta na kami sa beach.. kararating lang ni Jane ng mga Oras na iyon.. tulad ng ginawa saamin ng mga staff Dito binigyan nya muna si jane ng juice.. iningit nya pa nga kami.. akala nya siguro ay napaka halaga nyang tao para isipin na sya lang Ang binigyan ng juice ng staff.
Matapos iyon kumain na muna kami.. after noon nag inuman na narin kami.. oo napasarap Ang inuman Namin.. Isang mamahaling whisky Ang ininum Namin ng mga Oras na iyon.. sana nararamasan mo yon( biro ni Jaica) alam mo ba iyong do or shot??  Ah.. Bakit ko ba  tinatanong sayo Ang larong iyon...malamang di mo alam iyon.. iyon Ang paborito naming gawin at tulad nga ng sinabi ko.. talagang paborito Namin iyon..kaya ginawa Namin..at dahil doon napasayaw nila ako ng Walang bra.. para saakin mas nanaisin ko  nalang na gawin iyon kesa inumin Ang Isang shot ng tequila... No way!! Hindi ako katulad ni Julia na malakas uminum..
At Hindi pa doon nagtatapos Ang lahat.. noong  natutok muli saakin Ang bote.. ay agad ako inutusan ni Julia na kumuha ng mangga.. syempre ginawa ko iyon.. madali lang para saakin Ang bumato ng Isang mangga.. nakakatawa nga eh nong nakakuha ako ng Isang mangga at nalaman Kong masarap pala Ang mga mangga dito...  Lahat kami.. Tama lahat kami.. ay kumuha ng kanya kanyang bato para makakuha ng mangga.. pinagtawanan ko pa nga si Jane noon.. sa halip na mangga kase Ang batuhin nya.. ilaw Ang natatamaan nya.. pagkatapos noon ay nag punta pa kami sa mga Lugar na may Puno ng mangga.. para kumuha pa ng mangga then after noon bumalik na kami Dito sa kwarto para magpahinga muna.. siguro tumagal iyon ng mga   7:00pm Hanggang 8:00pm.  After noon syempre bumalik na kami sa Sala upang doon ay mag inuman ulit.. natatandaan ko.. sayaw lang kami ng sayaw ni Trina noon.. habang si Rian Naman Ang kumakanta.. nabanggit ko ba kanina na malakas uminom si Julia.. oo Tama nabanggit ko nga...at mukang Mali ako doon.. nagulat lang ako kase mabilis na nalasing si Julia ng gabing iyon.. lasing nga sya.. Tama.. Ang malas nga ni Jane dahil sinukahan sya ni julia.. pagkatapos noon ay nagpalit muna si Jane ng dami.. Maya Maya.. tumayo si Julia.. para lang patayin Ang karaoke  at para magdrama.. doon mas napatunayan ko na lasing na talaga sya.. at para pakalmahin sya sinabi ko na nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa pinahiram nya ako ng Pera para magka kotse.. bagay na pinagsisihan ko.. dahil isinumbat nya rin saakin iyon. Nang bumalik nga si Jane halata sa kanya Ang pagkadismaya.. naniniwala kase sya na sinadya ni Julia na sukahan sya... mabuti nalang at mabilis Ang kamay ko.. kinuha ko Ang remote bago ako nagpatutog ulit ng malakas.. magaling ako sa puntong iyon.. dahil nakalimutan nila Ang nangyari.. at nag inuman nga ulit kami.. Teka.. Tama nalalala ko ung nasa beach kami...may itinanong si Julia Kay Trina bago pa kami uminom.. may bagay daw na naiwan si Trina sa likod ng sasakyan ng tatay nya.. iyon kase Ang ginamit nya na papunta Dito..  ai tama.. sabi ni Trina.. buko raw Ang laman noon .. bakit ko nga ba iisipin na Bomba iyon.. hahaha..nagbibiro lang ako.. pag patak ng mga alas onse ng gabi naramdaman ko na na para akong binabalisawsaw.. Hindi ko alam bakit ako ihi ng ihi ng mga Oras na iyon..  Nakita pa nga ako ni elenie at tinanong nya ako kung bakit sa labas ako umiihi.. Ang totoo nyan.. sinasadya Kong doon umiihi sa labas para makatakas ako kahit papaano sa inuman..nalasing narin kase ako ng Gabi iyon..tyaka.. oo naalala ko sarado ung  Isang CR  dito... di ko rin alam koh bakit..

mga bandang 11:30pm Tama.. Nakita ko si Elenie sa labas..  sabi nya galing daw sya sa lobby para mag request ng towel pero sarado Naman daw Ang lobby that time.. pero napansin ko sa kanya na  sa parking lot sya nanggaling... Sabi nya tinignan nya lang daw Ang mga kotse Namin.. then bumalik na kami sa loob para uminom ulit.. aminin ko naririndi na ko sa boses ni Rian ng mga Oras na iyon kaya inagaw ko sa kanya Ang mic... Di na ko nahihiya ng sandaling iyon..  kumanta ako ng kumanta.. kahit pa alam ko na ni rerecord ni Rian Ang boses ko... Pero minalas sya.. dahil nalowbat ang cellphone nya ... at  di sya nagtagumpay sa pinabalak nya... Alam ko naman kung bakit nya iyon ginawa...  para iparinig saakin Ang boses ko kinabukasan upang mahiya ako sa aking sarili.. oo.. Hindi talaga maganda Ang Boses ko kahit Ikaw di mo ito papangarapin marinig.. kaya noong nag charge sya ng cellphone nya ay sinabi ko sa sarili ko na Hindi nya na maaagaw muli saakin Ang mikropono... Pero di iyon nagtagal.. mga bandang  alas dose ng gabi.. naririnig Namin na may umiiyak na sa CR.. nagulat nalang kami ng tinatawag na kami ni Rian.. at doon ng nalaman Namin na si Julia pala Ang umiiyak sa CR.. at iyon Ang Puntong Ang pinaka ayaw ko.. nagalit bigla si Julia.. nang Walang dahilan.. isinumbat nya saamin lahat.. Ang lahat ng naitulong nya..  oo aaminin ko.. mabait ako.. pero nakalimutan ko maiksi pala Ang pisi ko... Sinumbatan nya kami lahat.. oo nanghiram ako sa kanya ng Pera pang downpayment...balak ko kase kumuha ng kotse.. pero sinabi saakin ng pinsan ko na na bilhin ko nalang ung kotse nya.. anung magagawa ko maganda pa Ang kotse iyon...oo medyo di ko gusto Ang kulay at ung itsura ng loob pero nanghihinayang kase ako.... kaya ung perang pinahiram saakin julia..di ko na ginamit para sa downpayment.. ginamit ko nalang iyon para ipaayos at pagandahin Ang kotse na bininta saakin ng pinsan ko.. pero alam nya iyon.. sumangayon pa nga sya e.. ako raw Ang bahala..
Oo pakiramdam nya pinagtulungan Namin sya nang gabi iyon.. pero kasalanan nya rin Naman kung bakit kami nagalit sa kanya.. then after noon nag walk out sya..gusto nya daw umalis.. pinipigilan Namin sya.. pero di sya nakinig.. akala ko mapipigilan sya ni Jane pero anung ginawa nya.. nagpumilit parin sya dumaan sya sa balcony..bago nya kami iniwan.. ilang beses Namin syang tinawagan para pigilan pero di nya sinasagot lahat ng tawag Namin.. at nakakalungkot man..kung nakinig lang sana sya..di sana iyon nangyari sa kanya.. aaminin ko.. nahihirapan akong maniwala na isa saamin Ang maaring gumawa noon sa kanya at iniisip ko na lamang na sana nakakatulog pa sya" wika ni Jaica.