TAHIMIK na umiiyak ako sa tagong parte ng university. Doon sa hagdan sa fire-exit kung saan walang makakakita sa akin. Destiny is playful. Ang tagal kong inasam na mahalin rin ako ni Jonathan but when finally at mahal na niya ako saka ko naman na-realize na hindi ko pa pala talaga siya lubusang kilala. That all these years I was blinded by my love for him and I disregard his flaws and weaknesses. I was blinded not to see how unworthy he is for my love.
Pero ang sakit-sakit pa rin. Dahil kahit ano'ng dikta ng isip ko na ito ang tamang desisyon. Umiiyak pa rin ang puso ko sa hinanakit at pagluluksa.
Damn these dramas! Comedy `to diba? Hindi naman ako na-inform na paiiyakin ako rito ang alam ko magbabaliw-baliwan lang ako. Pakshet.
Nahinto ang paghikbi ko nang makarinig ako ng kaluskos. Naalertong lumikot ang tingin ko sa paligid. Bukod sa sementadong hagdan at pader ng fire-exit ay wala naman akong ibang nakikita.
"Sino `yan? May tao ba diyan?" Sumilip ako sa ibaba. Baka may mga istudyante ang nakatambay. Nag-echo lang ang boses ko at wala akong nakita o narinig na sumagot. Napakunot ang noo ko.
Isang kaluskos at mabilis na ihip ng hangin ang muli kong naramdaman sa likuran. Alertong napaharap ako pero pader lang ang bumugad sa akin.
MADERPAKER! Minumulto ba ako? Bakit biglang naging horror? Wala sa kontratang pinirmahan ko ito. Na-scam ata ako ng author ng kwentong ito.
Isang nakakalokong tawa ang sunud na umalingawngaw sa paligid. Naggising lahat ng balahibo ko sa katawan. "Apple! Sam! Kayo ba '`yan? Pwede ba huwag nga kayong manakot diyan hindi kayo nakakatuwa!" Pero wala pa ring sumagot.
Biglang tumigil ang mga pagtawa. Matagal na katahimikan ang namayani. Pero ramdam ko ang biglang pagtaas ng temperatura. Nag-chicken skin ang balat ko sa sobrang kilabot.
"Pssst!"
Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Kabado. Namamawis. Pigil-hininga. Biglang akong nakarinig ng sound effects sa mga scary movie. Ano `yon? Saan nanggagaling `yon?
Laking dilat ng mga mata ko nang makita ang isang malaking bulto na nakatayo sa likuran ko. Nanlilisik na mga mata ang huli kong nasilayan bago niya ako sinunggaban at mabilis na tinakpan sa bibig.
***
SUNUD-SUNUD na tunog ng pagtulo ng tubig ang gumising sa `kin. Unti-unting dumilat ang mga mata ko at natagpuan ang sariling nasa mataas na pwesto. Nasaan ako? Nasa school pa ba ako? Natagpuan ko ang tambak na drums sa paligid ng bodega. Mga kinakalawang na tubo at butas-butas na yero. Sa isang butas sa kisame nanggagaling ang pagpatak ng tubig na tanging tunog na maririnig sa gitna ng katahimikan. Ginalaw ko ang ang aking mga paa wala akong maramdaman sa paanan ko. Tila nakalutang ako sa hangin.
Nagilalas ako nang mapagtanto na naka-tali ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng aking ulo habang nakabuhol ang tali sa isang bakal. Kaya naman para akong litson na nakasabit dito.
"Tulong! Saklolo, iligtas niyo ako! Vlad! Apple! Sam! Mga kapitbahay! Pulis! Basurero! Karpintero! Barbero! Pati na rin tindero ng balot! Kahit sino diyan please tulungan niyo ako!" Buong lakas akong nagsisigaw pero imbis na saklolo ay nakalolokong tawa ang sumagot sa akin.
Ang tawang iyon, pamilyar. Iyon ang tawang narinig ko kanina sa fire-exit bago ako mawalan ng malay.
Holy bloody cheesecake! Don't tell me na-kidnap ako. Teka lang, parang nabasa ko na sa online ang ganitong eksena, ah! `Yung bidang babae ay na-kidnap din noong sixteenth birthday niya pero may dumating na gwapo at sobrang hot na Grim Reaper at niligtas siya. Pakshet! `Di ako prepared. Sana nag-make up muna ako diba? At nag-toothbrush kasi baka halikan ako ni Grim Reaper.
(Anj Gee: Shamelessly promoting *ehem* Kiss of Death and Shadows – Grim Reaper Chronicles. Basahin niyo na rin! Bwahahaha!)
"Finally, gising na'ng munting anghel."
Isang lalaking weird ang kasuotan ang biglang sumulpot. Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa `king harapan.
Weird. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Golden brown ang kanyang mga mata. Redish brown ang kulot niyang buhok. Maputi at matipuno ang kanyang pangangatawan. Hindi maitatanggi ang angkin niyang kagwapuhan.
Sino ang lalaking ito? Siya na ba si Grim Reaper? O to the M to the G! In-fairness ang gwapo niya!
Teka, bakit ang kasuotan niya ay parang pang prinsipe sa isang palasyo. Diba dapat hood na black? Naalala ko tuloy ang suot ni Vlad noong una siyang lumabas sa cabinet ko. Halos ganoon din, pareho sila.
"Sino ka? Ano'ng kailangan mo sa akin?"
Ngumisi siya. Kinilabutan ako. His smile. Parehong pareho kung paano ngumisi si Vlad. Pero ang kanya ay nakakakilabot.
"My name is Romeo," sagot niya.
"Romeo? Eh, hindi naman ako si Juliet. Mali ka ng kinuha!"
To my surprised. Humagalpak siya bigla ng tawa. Luh. May sayad lang? Tama na drugs kuya! Huy!
"You got me there." Maya-maya sabi niya nang magsawa sa kakatawa. "I'm not looking for my Juliet. I'm looking for you... Erinna."
Jusmiyo! Ano ba naman ang mga twist ang binibigay sa `kin ni Author? Kung hindi muntikang ma-r@pe ng mga lasing sa kalye, mare-r@pe naman ng first love. At ngayon, pinakidnap pa! Ano ba talaga ang natira ng Author nito? Bakit masyadong masochist? Miyembro siguro ng kulto.
"Please... ano ba'ng kailangan mo sa `kin? Ransom ba? Naku mahirap lang kami wala kaming pera." Umiling-iling si Romeo. Puno ng aliw ang mga mata niyang kumikinang.
"I'm not after for your money. I'm here for you. I want to drink all your blood and drain it until the last drop." Binuka niya ang bibig at lumabas ang dalawang matutulis na pangil. Nanlamig ang buong pakiramdam ko.
Bampira! Isa siyang bampira! Tumalon si Romeo patungo sa akin. Pinutol niya ang lubid at diretso akong bumagsak. Tumama ang balakang ko sa sementadong sahig. Napasinghap ako sa kirot. "Ahhhh..."
Dahan-dahan humakbang si Romeo palapit sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko at hinablot ang buhok ko. Inangat niya ang ulo ko at dinikit ang ilong niya sa sintido ko. Lumanghap siya na tila adik. Pumikit ang mga mata niya at napangiti.
Hindi sumagi sa isip ko na totoong nakatatakot pala talaga ang mga bampira. Vlad is different. I've never thought that vampires are real monsters.
Ginapang ni Romeo ang ilong niya mula sa tenga ko pababa sa `king panga. Madiin na sininghot uli ni Romeo ang amoy ng pawis sa aking balat. "Hmm, you smell delicious."
"Please `wag! Maawa ka." Nasa mga mata niya ang kabagsikan at matinding gutom.
Pinagapang ni Romeo ang dalawang daliri sa leeg ko. Pinindot niya ang isang parte doon. "I feel your warm blood flowing here, the best spot." Madalas na doon ako kagatin ni Vlad. At hindi ko maatim na may ibang bampira ang kakagat sa akin maliban kay Vlad. "I'm so thirsty." Unti-unting binuka ni Romeo ang bibig niya. Binati ako ng dalawang matutulis at malalaking pangil.
Napapikit ako nang mariin. Ito na ba ang katapusan ko?
Vlad where are you??
Sa mga di pa nakakabasa ng Kiss of Death and Shadows, hay nako! You’re missing out half of your life, de charot! Basahin niyo na para maka-relate kayo kay Erin! Hahaha although ang bidang babae hindi baliw, hahahaa
JOIN OUR FAMILY!
FB GROUP: Cupcake Family PH
Add me on Facebook: Anj Gee or like my page to keep updated: facebook.com/AnjGeeWrites