webnovel

BIRDBRAINED

"Dan! mahal mo ba ako o ginagamit mo lang ako para makalimot ka sa nakaraan mo!" "Pwede ba Xnne, tama na ang katatanong mo niyan!" nagagalit na sambit ni Dan. Si Dan ay isang Inhinyero na medyo mapaglaro sa mga babae. Makisig ito, matangkad at lapitin ng mga bakla, Hindi ito tipong masyadong gwapo. Pero malakas ang karisma nito. Kaya madali lang niya mapapaakit ang babaeng magugustohan niya. Si Xnne naman ay isang birdbrained, pakitaan mo lang ito ng kabutihan, mapapalapit na siya sayo. Sa lahat ng bagay lage syang naiisahan, mahina ang utak. Isa siyang napaka tangang babae. Pero maganda si Xnne, matangkad din naman, Mapag mahal, mahina nga lang ang loob nito. Nagkita sila ni Dan sa isang grocery store, nadapa si Xnne at nahulog lahat ng bitbit niya, tinulongan siya ni Dan, at napang abot ang mga mata nila. Nagandahan si Dan sa kanya. sabay sabi "ahh, Miss pwde ko ba mahingi ang phone number mo?" Napatulala si Xnne "Huh? number ko? ahh ehh, sisisige, ahh sandali lng ha, kinuha ni Xnne ang cellphone niya sa bag at pinindot pindot ito. "Hindi ko kasi saulo ang # ko", nahihiyang sambit nito, na namumula na ang mga pisngi. "ako na!"sabay kuha sa cellphone ni Xnne sa kamay nito, idinial ni Dan ang cellphone number niya at nag ring ito. "ohh, ayan, nakuha ko na number mo". sabay balik sa kamay ni Xnne ang kanyang cellphone. Umalis si Dan sa harapan niya para magpatuloy na ito sa bibilhin niya, nandon parin si Xnne sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kong ano ang gagawin niya sa mga oras na yun. "kinuha niya ang number ko! magkakaroon nakami ng kontak" usal ni Xnne, parang kina kausap ang sarili. "Sandali?! kilala ko ba siya? but ko naman binigay sa kanya ang number ko?" naku! naman! ang tanga ko talaga!" sabay taas nguso na sabi ni Xnne. Hindi niya alam na nakatingin sa di kalayuan si Dan sa kanya, na napapangiti sa nakikita niya. Mapapa-ibig kaya si Dan ky Xnne na malayo sa ideal girl nanaka tatak na sa pusot-isipan nito.

esor101 · สมจริง
Not enough ratings
17 Chs

Chapter 5 Apat na taon

Sabi nila ang ika-apat na taon ang pinaka mahalaga sa isang relasyon, kung malalampasan daw ito nang magkasintahan, magtatagal daw ang pagsasama nila.

Nagising sa malalim na pagbabalik tanaw si Xnne, bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan, dali dali siyang bumalik sa loob ng cottage. Ang bangkang kanina pa niya pinag mamasdan ay natanggal ang tali nito at nadala ng alon sa karagatan. Nakita niya ang may-ari ng bangka, dalidali itong lumangoy para maabutan ito. Ngunit huli na, nadala na ito ng alon dahil sa lakas ng hangin at ulan.

Airport:

"Dan..ikaw ba yan?". sabi ng isang babaeng kalalabas palamang sa isang elevator.

"Ohy! Frans! wow! ang ganda natin ah! kamusta ka na?" sabi ni Dan sa babae na nag aayos sa bitbit niyang maleta. "Ito aalis nanaman, pupunta ako sa China, may aasikasuhing mahalagang bagay, hays!

"mmm negosyo? tanong ni Dan. "Hmmm parong ganon nanga!" nalito si Dan, "Bakit parang ganon? what do you mean?"..

"San ka ngayon? ano na pinagkakaabalahan ng isang Dan Monter? hmm?" tanong ng babae na palambing ang bigkas para maiba ang usapan.

"Ito, paalis rin, pupunta din ako sa China, meron bagong project!" sabi ni Dan.

"Ahh, ganun ba, so pano yan pwede ba tayong magkita minsan sa China?" tanong ni Frans.

"Sure, kung maypagkakataon, bakit hindi!?" sabi ni Dan na may ngiti sa gilid ng labi. sabay nag tawanan ang dalawa.

Beach Cottage:

Humupa na ang ulan at nag aayos na si Xnne sa mga gamit niya dahil aalis na ito at uuwi na sa bahay. Tiningnan niya ang kanyang cellphone kung may mensahe siya na galing ky Dan. Subalit, wala parin itong text sa kanya, kaninang madaling araw pa umalis si Dan, pa punta sa airport. Si Xnne naman dahil sa bigat ng nararamdaman, umalis sya at pumunta sa isang beach na matagal na niyang gustong puntahan. Hindi na nagpahatid si Dan sa kanya sa airport dahil ang sabi maaga daw ito aalis, mag tetext nalang daw ito pagmakarating na sya sa Airport. MagHahating gabi na wala parin syang natatanggap na text galing dito.

Lumipas ang dalawang araw.

Iyak na ng iyak si Xnne, hindi niya ma kontrol ang sarili niya, panay unahan sa pagbagsak ng kanyang mga luha. inaalo siya ng kanyang kaibigan na si Marty. "Tahan kana Xnne, mag paparamdam din si Dan, antayin mo lang, Diba nga sabi niya magiging busy siya don." Pero hindi parin matigil sa kaiiyak si Xnne. "Iba ang nararamdaman ko Marty, ang saki sakit ng puso ko, parang kung anong nangyari ky Dan. hindi ko maiwasang kabahan!" natatakot ako Mart. Naramdaman ko na ito dati". Ayaw ko nito, masakit!" sabay yugyog ng mga balikat na hindi na mapigil sa kaiiyak si Xnne.

China:

"Hello, Frans? ohh San kana? paalis palang ako sa room ko. ahhh cge cge magkita nalang tayo don. ok bye!"

Tila walang balak na itext pa si Xnne, nabasa niya ang mensahe nito, at binalik na sa bulsa ang cellphone.