webnovel

Bintang (Accused)

The world is so unfair. Ito na ang kaniyang naging paniniwala simula noon. Hindi totoo ang tinatawag na patas. Alin lang sa dalawa, manglalamang ka o malalamangan ka. Mang-aapi ka o magpapaapi ka. Mananaig ka o magpapadaig ka. Sa lahat ng ito, isa lang ang kaniyang pinaninindigan… hinding- hindi na siya ang lalabas na kaawa-awa katulad noon kundi siya na ang hihingan ng awa.

constancia_23 · สมจริง
Not enough ratings
28 Chs

Awakening the Beast in Me

Lunes ng umaga. Schedule ng training niya with Mady at eight in the morning. Sinuwerte na hindi natraffic sa pagpasok si Benjie kaya dumating siya ng maaga sa gym ng wala pang alas- otso ng umaga. Sa kotse habang nagmamaneho ay dinig niya ang bawat notification alert ng kanyang cellphone tanda ng mga incoming messages na dumarating sa kaniyang messenger. At ngayon ngang nasapit na niya ang gym at kasalukuyang nasa locker room ay nagawa na niyang basahin ang mga mensaheng dumating. Hindi nga siya nagkamali ng kutob, si Joyce ang nag-chat sa kaniya. Iniimbita siya nito sa nalalapit na kaarawan sa darating na sabado. Ayon dito ay sa bahay ng mga grandparents nito sa San Pedro, Laguna ang selebrasyon ng nasabing birthday. Nakagawian na daw kasi nito na doon nagdiriwang kasama ang mga pinsan at iba pang kamag-anak. Minsan lang daw kasi silang magkikita- kita kayat dito na ito naghahanda. Hindi naman sapilitan pero kung gusto lamang niya.

'Why not.' naisip niya. Tila gusto ng kababatang makasama siya sa espesyal na araw na iyon at iniimbitahan siya. Parang umaayon naman ang pagkakataon sa kaniyang mga plano. Tila nais nitong mapalapit pa sa kaniya. Na gumugol ng mahaba- habang oras kasama siya. Napapangisi siyang mag-isa. Alam niyang tumatalab ang kaniyang pagiging maginoo sa babae. Lalo niya itong pakikitaan ng mabuti upang mas mahulog pa ito sa kaniya. Hanggang sa tuluyan niyang masingil ang pagkakautang nito. Dahil naka- active status naman ito sa messenger ay tinawagan niya ito.

"Hey, what's up?"

"I'm good. Ano, makakapunta ka ba?"

"Yeah, yeah, sure. Itatanong ko lang kung magco-commute ba kayo ng parents mo papunta sa Laguna?"

"Uhmm, yeah, bus ang sasakyan namin. Kung gusto mo sumabay ka na sa amin pag-alis namin sa umaga tapos sabay-sabay din tayo uuwi sa gabi."

"What if we just use my car. Anyway, apat lang naman tayo so kasyang- kasya tayo doon."

"Really, Benjie?!" Tila hindi makapaniwalang bulalas nito.

Alam niyang naka-pogi points na naman siya sa pag- offer ng sasakyan. Talagang paniwalang- paniwala marahil si Joyce na wala na siyang anumang hinanakit sa kabutihang- loob na kaniyang pinapakita.

"Oo naman. Special day mo 'yun and I wanna be a part of it."

"Thanks Benj, napaka- bait mo..."

"Maliit na bagay, ano ka ba. Malakas ka kaya sa 'kin." sabi niya ng nakangiti saka pumihit sa kaniyang likuran upang makita si Mady na nakatingin sa kaniya mula sa bukas na pinto ng locker room. Nakasimangot ito. "Hey, I'll just call you later, okay?"

Pagkasabi noo'y agad niyang pinatay ang cellphone.

"Good morning, sweetheart. Uhmm, kanina ka pa ba d'yan?" dagling tanong niya sa babaeng nakapamaywang na ngayon sa harapan niya.

"Sinong kausap mo? Sino iyang malakas sa iyo na 'yan, Benjie, ha?"

Mabuti na lamang at hindi pala nito naulinigan ang lahat ng pinagusapan nila ni Joyce. Marahil ay kadarating lamang nito mga ilang segundo pa lang ang nakakaraan.

"Yung pinsan ko, Mady. Just asking me for a simple favor. Siyempre hindi naman iba kaya pinagbigyan ko naman."

"Exactly what kind of favor are we talkin' about?"

"It's not a big thing. Humihiram lang sa akin ng pera..."

"Nah, I'm not buying it. Give me your phone tatawagan ko siya kung totoo 'yang sinasabi mo."

'What? This is ridiculous. Kailangan ba talagang gawin niya iyon?' Nang hindi niya kusang ibigay ang kaniyang cellphone dito ay walang imik-imik na pasugod itong lumapit sa kaniya na ang layon ay ang mahablot ang hawak niya. Bagaman bahagya siyang nabigla ay mabilis naman niyang naiiwas ang kamay upang hindi ito makuha. Its like deja vu all over again.

"Whoa, what's the matter with you? Ano na naman ba 'to?"

"You are lying to me, Benjie, hindi mo kayang paikutin ang ulo ko!"

'Well, I already do,' gusto niya sanang banggitin. "Teka, teka Mady.., bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang problema?"

"You're not being truthful to me Benjie. Can you be brutally honest with me? Just for once, sino 'yung kausap mo kanina?!"

Hindi niya masabi kung totoong napakalakas nga ba talaga ng intuition ng mga babae pero sa nararanasan niya ngayon ay parang gusto na niyang maniwala. Ngunit kahit anong pamimilit nitong paamin siya ay wala siyang balak na gawin ito.

"Ano Benjie, hindi ba tama ako, may tinatago ka sa akin?" sabi nito na tila napapaiyak na. "Bakit Benjie, kulang pa ba ako, anong meron siya na wala ako,..."

Lumapit siya upang pakalmahin ito ngunit iwinawaksi nito ang kamay niya habang naniningkit ang mga mata sa pagtitig. Hindi maitatago ang pamumuo ng luha nito na pinipigilang tuluyang pumatak.

"Let's stop this Mady." sabi niya habang inaakap ito. "Come on, please , look I'm sorry..."

Sa kaniyang panunuyo dito ay tila lalo pa itong umarte. "You are cheating on me, Benjie? Mas magaling ba siya sa'kin ha, bakit ginagawa mo ito sa'kin?"

Kung may reyna sa pagiging selosa, masasabi niyang na kay Mady ang korona. Ibang klase rin itong manibugho kahit sa simpleng tawag lang. Paano pa kaya kung makita nitong harap- harapan na niloloko niya ito at ipagpalit sa ibang babae. Ano na lang kaya ang maaari nitong gawin.

Maya- maya pa'y bigla na lamang niyang naramdamang mabilis nitong hinigot ang cellphone mula sa kaniyang kamay na nakaakap sa likod nito. Saka biglang kumawala ito sa pagkakayakap niya. Walang anu- ano'y malakas nitong inihagis ang nakuhang cellphone. Sa pagkalagpak ng nasabing bagay ay hindi niya matanto kung tuluyan na nga ba itong nasira o hindi. Mas natuon ang pansin niya sa babae.

Tila nakukulimliman ng maitim na ulap ang kaniyang paningin kay Mady bunga ng ginawa nito. Parang bang gusto niya ngayong dambahin ito at iuntog- untog sa sahig ang ulo ng matigil sa sobrang kahibangan. Hindi niya akalaing ganito ang iaakto nito sa harap niya. Napaka-unpedictable ng mga ikinilos nito. Buong akala niya'y nahimasmasan na ito sa paghingi niya ng paumanhin ngunit mas lalo lang itong naging marahas. At one time she's calm then suddenly she turns aggressive. What kind of behavior is that? Is she having a bipolar disorder? Or she is just insane?

Bagaman nagugulumihanan siya sa inasal nito ay pinili niyang maging mahinahon sapagkat nasa lugar sila kung saan siya nagtratrabaho. Kung papatulan niya ang babae ay hindi malayong mag- iskandalo pa ito at tuluyan ng mabuking ang kanilang lihim na relasyon. Kayat minabuti niyang muling lumapit rito at payapain ang emosyon nito.

"Come on Mady, let's talk it over. Pag-usapan natin ito ng maayos. Let's not make a scene here, please sweetheart, you need to calm down, Mady please..." pagsusumamo niya bagaman nanggigigil na siya rito. Nilapitan niya itong muli saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay nito kahit pa pailalim pa rin ang tingin nito sa kaniya. Niyakap niya muli ito.

"Get off me, naiinis ako sa'yo..." sabi nito habang itinutulak nito ang katawan niya palayo.

Mas hinigpitan niya ang yakap dito upang hindi nito magawang iiwas ang sarili sa kaniya. Maya- maya pa'y tila bahagya nitong binabayo- bayo ang mga bisig niya ngunit hindi pa rin siya bumitaw.

"Damn you Benjie, I hate you..." paulit- ulit na imik nito habang patuloy ang pagwaksi sa kaniya.

Para silang nasa eksena ng isang telenovela. Bagaman hindi pa rin tuluyang napapahinto ang babae sa pananakit sa kaniya ay inapuhap niya ang mga labi nito. Nung una'y may pag- iwas ito na madaitan ng labi niya ang labi nito ngunit ng magawaran na niya ito ng banayad na mga halik ay tinugon na rin nito iyon.

"Sweetheart, I love you so much and it hurts me seeing you mad at me..." bulong niya rito. "Pwede ba huwag na tayo mag-away, please?"

"Ikaw ang umaaway sa akin, Benjie kasi hindi ka nagsasabi ng totoo..."

"Shhh... I'm sorry Mady. Sorry na talaga, please naman patawarin mo na ako, please, bati na tayo, ha?"

Hindi ito umimik ngunit napalitan na ang mabalasik na anyo nito ng mas maamo ng hitsura. Niyakap niya itong muli ng mahigpit habang isang magandang balak ang pumasok sa isipan niya.

"Mady, pwede ba tayong lumabas mamayang gabi? Can I ask you to go out with me tonight?" yaya niya rito.

"Hmmp, ayoko, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo."

"Sweetheart, we have to get over it, l'm really sorry, come on, luluhod pa ba talaga ako para mapatawad mo 'ko?"

Hindi ito sumagot kayat minabuti niyang umakmang luluhod pero pinigilan siya nito.

"You don't really have to do that. But once na ulitin mo pa 'yang pagtatago- tago mo sa akin ng kung anu- anong ginagawa mo, Benjie, talagang pagsisisihan mo ang gagawin ko..."

'Oppps, too late, I'm not gonna let you do anything to me anymore... ' Ngiti ang kaniyang naging tanging tugon sa babae. Hindi nito nalalaman ang nakalatag na planong nabuo sa kaniyang imahinasyon ngayon.

"So is that mean a yes, lalabas tayo mamaya?" paniniguro niya.

Hindi parin ito umimik at nakaismid na tinapunan siya ng tingin. Tila medyo masama pa rin ang loob nito

"Come on, baby. Patawarin mo na ako." muling pakiusap niya saka siya bumulong rito. "I wanna spend another night with you again, please Mady, let's do it again, I'm starving for sushi..."

Tila may mahika ang bulong niyang iyon at naging maaliwalas ang mukhang nito. Tumingin ito sa kaniya na tila ba napapangiti. Sinamantala na niya ang pagkakataon. Muli niya itong niyakap at ginawaran ng halik. Wala na itong pagtanggi sa kaniyang panunuyo tanda ng maayos na nitong mood. Maya-maya pa'y inakit na niya ito palabas ng locker room upang magsimula na ulit silang mag- work out.

'You definitely ruined my morning, guess who's gonna ruin your life tonight...' bulong ni Benjie sa sarili habang dinadampot ang cellphone na hinagis ng babae kanina.