webnovel

Bihag Ni Dakum [BxB, SPG] (Tagalog)

WARNING: LGBTQ+ Theme, R-18. Read in your own responsibility. Sa alitan ng dalawang nayon, ang pinunong si Aparo ay hindi ninanais ang magsimula ng gulo. Ang balak na pakikipag-ayos ay naging hindi inaasahang away mula sa pinuno ng karatig-nayon na si Dakum. Malakas ang kanilang panig kung kaya'y nakayanan niyang bihagin si Aparo sa kaniyang inihandang selda. Noong unang panahon, ilang kuwentong pag-iibigan na ba ang iyong napakinggan? Si Aparo at Dakum ay mga magigiting na pinuno na malabong magkaayos, ngunit paano nga ba nila maibabaligtad ang kanilang pananaw sa isa't isa? Alab at bugso. Isipan, damdamin at katawan. Sikretong katauhan dahil sa mga kakaibang katangian, paano nga ba aaminin ni Dakum? Paano nga ba mangingibabaw ang mainit na pag-iibigan sa gitna ng malamig na pagtitinginan? --- Theme: LGBTQ+ (BoyxBoy), Werewolf, Historical.

danmax_orange · แฟนตาซี
Not enough ratings
14 Chs

Ikaapat na Kabanata: Alok na Hapunan

ᜁᜃᜀᜉᜆ᜔ ᜈ ᜃᜊᜈᜆ

Ikaapat na Kabanata

Nasaan ako?

Marahan akong bumangon sa maputik na lapag. Tumatama sa mga mata ko ang sinag ng araw na malapit nang lumubog. Nanlabo ang aking paningin dahil dito kaya sinubukan kong kusutin ang ang aking mata.

Nakita ko ang aking sarili na nakakulong sa isang maliit na kulungan na gawa sa makapal na kawayan.

Laking gulat ko nang makita na nasa nayon ako mismo, nakakulong sa harap ng aking mga tao. May dalawang malalaking batay ang katabi ng aking kulungan at mariin ang kanilang tingin sa akin na parang kahit saglit ay maaari akong makatakas.

Agad akong tumayo ng tuwid mula sa pagkakaupo dahil sa sobrang pagkagulat.

Bakit nila ito ginawa sa akin at sa nayon? Balak ba nila na pahiyain ako sa harapan ng aking mga pinaglilingkuran? Isa itong matinding kahihiyan na mahirap takasan. Ang pagkakakulong ko na parang bihag na may nagawang malaking kasalanan at hinahatulan ng mahigpit na kaparusahan.

"Amin na ang lugar na ito. Lahat ng mga naninirahan dito ay magiging alipin namin," ani ng pinuno ng karatig-nayon na nasa likuran ko lang pala. "Hawak ko na ang inyong pinuno. Sa akin na rin siya."

Hindi ko kayang marinig ang kaniyang sinabi. Para bang kinuha na niya ang aking dangal at isa na ako sa magiging tuta niya.

Tama na. Masyado na itong hindi maganda.

Lumingon ako sa kaniya, at tumalima din ang tingin niya sa'kin. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagalak at pagkaaliw sa nasasaksihan. Ito lang ba ang gusto niya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito nagugustuhan. Kung sa bagay, magkakaroon na siya ng mga bagong alipin, ngayon.

Kahit kailan ay hindi ako nangmaliit ng aking kapwa at pabagsakin ito ng walang dahilan. Iyon ang ginagawa niya sa'kin ngayon. Hindi ako makapaniwala na sa ganito hahantong ang lahat. Iba ang naging pakay ng pagpunta namin sa kanila ngunit bakit sa ganitong paraan naman kami nakauwi.

Mga diyos at diyosa sa kalangitan, bigyan niyo po kami ng kapatnubayan sapagkat kasalukuyan kaming nasa bingit ng pagbagsak.

Nakita ko rin ang mga kasamahan ko kanina na isinama ko sa karatig-nayon. Nakatali ang kanilang mga pulso at bukong-bukong habang nakaluhod. Nakayuko din sila sa kahihiyan. Kasama din ang kapatid ko, nakatingin siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay puno ng pag-aalala. Batid niya na maisasangkalan sa akin ang lahat ng sisi sapagkat ako lang naman ang nag-isip ng desisyon para humantong kami rito.

Ayokong tingnan ang mga reaksyon ng mga ka-nayon ko, ngunit sinubukan ko pa rin na pagsadahan sila ng tingin dahil kuryoso ako sa nararamdaman nila. Ang lahat ng kanilang mga mata ay nakatingin sa akin ng malamig. Pinapanood lang nila ako na nakagapos.

Maririnig ang pag-iyak at paghagulgol ng mga bata't sanggol, 'tila natakot sa biglang pangyayari. Tinutukan din kasi sila ng mga sibat ng mga kawal.

Nakakalungkot silang panuorin. Wala na akong maisip na paraan upang matakasan namin ang mga masasamang tao na ito. Kung sana ay pinag-isipan ko ito ng mabuti.

"Sumama kayong lahat sa akin. Ako na ang magsisilbing pinuno niyo. Malalagot sa'kin ang sinumang umangal sa mga ipag-uutos ko. Akin na kayo, pati na ang buong lupaing ito."

Pinipigilan kong huwag umiyak. Kinagat ko ang aking labi. Dapat kong ipakita na malakas pa rin ako sa mga ganitong pagkakataon. Dapat na kong mag-isip ng paraan kung paano sila maisasalba. Walang magagawa ang iyak, Aparo.

Ano pa bang sasabihin ko sa kaniya? Paniguradong hindi naman niya ako pakikinggan. Isa siyang aroganteng tao na may maitim na budhi. Wala na akong ibang masabi.

Tumingin siya sa akin na may pagmamalaki. Sabi ko na nga ba, mataas ang ihi ng nakakairitang lalaking ito.

Tinanggal ako sa pagkakakulong at pinasabay nila ako sa paglalakad. Hindi ko nais tingnan ang kanilang mga hitsura sapagkat alam kong puno sila ng hinagpis sa akin. Tanging ang kapatid ko lang ang tunay na makakaintindi.

Dinala nila ako sa isang madilim na selda na gawa sa bato at bakal. Ang tanging liwanag lang na tumatama sa loob ang ang nanggagaling sa mumunting bintana sa taas. Marami pa akong mga katabing selda na may tao. Ito siguro ang piitin nila sa mga masasamang tao. Dapat dito nakakulong ang pinuno nila at hindi ako.

Hindi ko pa alam ang balak nilang gawin sa mga ka-nayon ko. Sigurado akong masama ang kanilang hangarin sa mga ito. Lubusan akong nangangamba.

Gabi na at wala nang liwanag sa loob ng piitang ito. Mabuti nalang at gawa din sa bato at buhangin, kung hindi ay hindi ko nanaising humiga sa lupa.

Sandali lang ay may natanaw akong sulo na palapit sa akin. Binuksan ng kung sino man ang may hawak ng sulo ang kandado ng aking piitan at pumasok sa loob.

Nabuhayan ako ng saya at agad na bumangon mula sa pagkakahiga.

Natanaw ko ang mukha nag kung sino man ang taong ito, laking gulat ko na siya pala ay walang iba kun'di ang hangal na pinuno na nagdala sa'kin dito.

Siya nanaman? Nakakairita!

Kinandado niya ang pinto pagpasok niya upang hindi ako makatakas. Ipinasok niya ang susi sa bulsa ng katad niyang bahag upang hindi ko iyong makuha. Nakatingin siya sa akin na para bang iniisip niya na may plano akong kuhanin iyon, at totoo nga iyon. Iyon lang ang tanging paraan para makatakas ako.

"Nandito ako para ihatid ang hapunan mo," aniya sa malambot na tono.

Parang kanina lang, halos sakmalin na niya ako ng buhay sa tindi ng galit niya. Labis pa rin akong galit sa kaniya.

"Nilutuan kita ng pagkain. Hindi mo lang ba ako papansinin?"

Nilapag niya ang isang mangkok na dala niya. Hindi ko iyon nilapitan, bagkus ay iniwas ko lamang ang aking tingin. Umupo ako sa sahig at hinihintay na siya ay umalis ngunit unti-unti siyang lumapit sa akin.

At nang makarating siya sa harap ko ay laking gulat ko ng hawakan niya ang aking baba at tinapat ito sa pagmumukha niya. Nagniningning ang kaniyang mga mata, kahit sa kaunting liwanag na nagmumula sa sulo.

"Sa palagay ko... hindi ka na rin masama kung tutuusin," sinuri niya ang aking mukha, habang sinusuri ko din pabalik ang kaniya. Napansin ko ang kaniyang pagngisi. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Bakit ka ba nandito? 'Di ba ito naman ang gusto mo? Umalis ka na! Hayaan mo akong mabulok dito sa kulungan."

Napakagat siya sa kaniyang labi.

"H-hindi..." tipid niyang sinabi. "Hindi k-ko mapigilan ang sarili ko na puntahan kita dito."

"Bakit? Ikaw naman ang may gawa nito, e. Imposibleng mabagabag sa kalagayan ko."

"Hindi totoo 'yan," mariin niyang pagkakasabi.

Banayad niyang pinagsadahan ang kaniyang kamay mula sa aking dibdib, pababa sa kalamnan puson. Libo-libong kuryente ang dumaloy sa akong katawan na nagpamula ng aking pisngi.

"A-anong gagawin mo sa'kin?"

Hindi siya sumagot bagkus ay nagpatuloy lang ang paglibot ng kaniyang kamay. Agad kong hinawakan ang magkabila niyang kamay na pareho akong pinagsasamantalahan. Nahuli ko ang isa niyang kamay na malapit nang tumungo sa aking gitna, bandang pagitan ng aking hita.

Hinawi ko ito palayo sa akin.

"Bitiwan mo 'ko!" pinagpag ko pa kunwari ang aking katawan na para bang nandiri dahil dumapo ang kamay niya rito.

Tinignan niya ako na parang inaalam niya ang aking iniisip. Bigla naman akong kinabahan. Pagkatapos ay tumango siya ng marahan, na para bang may natanto siya sa akin.

"Kailangan ko nang umalis. Hahayaan nalang kita na kumain dito mag-isa."

Napakurap-kurap ako dahil hindi ko alam kung paano ako makakakain kung kukuhanin niya paalis ang gamit niyang sulo. Wala akong liwanag dito sa loob ng selda.

"Iiwanan mo rin pala ako, e. Hindi ako makakakain ng walang liwanag, alam mo ba? Baka kasi nakakalimutan mo. Panigurado kapag umalis ka, wala na akong ilaw dito," sabi ko sa kaniya at tinignan ang pagkain na inaalok niya sa akin. "Dalhin mo na rin 'yang pagkain na iyan paglabas mo. Hindi ko naman makakakain, e."

Umupo ako sa sulok ng aking kulungan. Dito nalang sa bahaging ito siguro ako natutulog ngayong gabi. Madilim, malamig at masikip. Hindi pa ako makahiga ng maayos kaya sumandal nalang ako sa pader.

Naramdaman ko ang kaniyang pag-upo sa aking tabi.

"Kung ganoon pala, sasamahan na kitang kumain dito."

Aba nga naman... Ano bang nakain ng isang 'to at biglang bumait?