webnovel

BETWEEN WORLDS

A girl from the future suddenly appeared on Sebastian's life just to change everything. And that is her mission, to stop the chaos from happening in the future. But what if, that girl from the future suddenly fell inlove with the guy in the present time? Would she stay in the present world and forget everything about the mission OR she would sacrifice her love and go back to her world for everyone in the future? Kindly support this story of mine. Thanks!

MissKc_21 · ไซไฟ
เรตติ้งไม่พอ
27 Chs

PRESENT WORLD: Track of Heart 1

Agad na humiga si Avyanna sa kanyang bed nang makauwi na galing sa office.

"Hay! makakapagpahinga na rin" masayang sabi niya habang hinihimas-himas ang higaan.

"Tss. Ang sama talaga ng ugali ng Drayce na 'yun" nasambit niya nang maalala ang nangyari kanina.

(flashback)

She was just trying to calm him down after nitong magalit sa Director na si Mr. Villacosta. That's why naisipan niyang dalhan ito ng tea sa table niya.

"Sir, magtea break po muna kayo. It is made up of lavender and cinnamon para makatulong na mawala ang stress niyo." she said to him kasi kanina pa ito nakatitig sa kanyang laptop habang nakakunot-noo.

"I don't need it" mahina niyang sabi sa dalaga.

"Tikman niyo po sir, kahit isang lagok lang po . I'm sure magugustuhan niyo po ang tea na ito"

"Hindi ka ba nakakaintindi?! Di ba sabi kong ayoko?!!!" tapos hinawi niya ang tea cup sa kanyang table kaya nalaglag ito at nabasag.

Nagkaroon ng katahimikan sa loob.

"Now, get out!!"

"I_ I'm sorry sir... I'm sorry kung naging worried lang ako sa'yo" she said habang pinupulot ang nabasag na tasa.

While Drayce is looking at her, nahimasmasan siya bigla.

"Alis na dyan" he said in a cold tone of voice then dahan-dahan niyang pinulot ang mga natitira pang broken pieces ng tasa. Kinuha rin niya ang hawak ng dalaga in a gentle way para di ito masugatan.

"A_Ako na po dyan sir." insist naman ng dalaga.

"Kapag sinabi kong ako na... ako na, okay? Just do your job. Marami ka pang papers na aayusin." he said na hindi maintindihan nang dalaga kung anong mood na naman ang meron siya.

(end of flashback)

"Grrr! Kainis talaga siya, napakamoody at unprofessional! Makaidlip na nga lang muna't pati ako ay naiistress sa kanya" she murmured.

--------------

Katatapos lang magshower ni Drayce. Habang pinapatuyo ang kanyang buhok using his towel, sumagi din sa isipan niya ang nangyari kanina.

Sa totoo lang, he felt guilty that time kasi pati ang dalaga ay nadamay pa sa inis niya kay Gian. Hindi talaga siya magaling magcontrol ng kanyang temper. Siguro dahil nga nasanay siyang ganoon ang environment lalo na't ang kanyang daddy ang nagtrain sa kanya't lagi nyang nakakasama.

Kaya ngayon, he's been thinking na magsorry sa dalaga lalo na't pangalawang beses na niya iyong ginawa to her.

After niyang makapagbihis, bumaba na siya sa kanyang kwarto at pumunta na sa harapan ng pinto ni Avyanna.

"You just have to say sorry okay?" he said to himself.

Bumuntong-hininga muna siya bago naisipang-kumatok.

"okay.. I can do it" then he's about to knock nang maisipan na naman niyang mas better na magdala sya ng peace offering sa dalaga.

So pumunta siya ng kusina at binuksan ang kanilang ref. Naghanap siya nang pwedeng maibigay and ang nahagilap ng kanyang mga mata ay ang Chocolate Milk Drink na favorite niya. Kinuha nya ito at bumalik ulit sa harapan ng pinto ng dalaga.

(clears throat muna bago kumatok)

"Avya_ Ah...yaya...." he said while still knocking.

Walang sumagot kasi that time, tuluyan nang nakatulog ang dalaga dahil sa pagod.

"Yaya...."

Still, no one answered.

"Okay lang ba siya?" sinubukan niyang pihitin ang door knob and sakto namang hindi ito nakalock, he decided na buksan ang pinto but agad rin siyang napapikit.

Bumungad kasi sa mga mata niya ang dalagang nakapikit at mahimbing na natutulog.

Nakamini-skirt rin ito....habang nakabukaka.

(Oo, literally na nakabukaka. Bwahaha)

"Seriously?" he said kaya agad niyang sinarado muli ang pinto ng kwarto nito.

"What are you doing on Avyanna's room?" tanong naman ng kapatid niya na kakapasok lang ng mansion.

Napaubo ang binata dahil doon at aligaga nang lumayo sa pinto.

"Ah....nothing" he just said habang patungo na sa hagdan upang bumalik sa kanyang kwarto.

"Okay? Hmm.. gising na kaya siya?"

Napatigil naman sa paglalakad ang binata nang lumapit doon si Drake.

"Wait! Don't even dare.." pigil niya kay Drake dahil ayaw niyang makita nito ang hindi niya inaasahan makita kanina.

"Why? may problema ba? I just wanted to call her para kumain. I bought some pizzas" Drake said na may pagtataka sa kanyang mukha.

"M_mamaya na, she's still asleep kaya don't disturb her" sabi niya.

"Yun nga, kaya gigisingin ko siya"

Hinawakan ni Drake ang door knob to open na the door when Drayce held his hand and stopped him.

(Slow motion effect)

Nanlaki ang mga mata ni Drake dahil sa ginawa ni Drayce.

"Hey! you're weird!" nandidiring react ni Drake matapos ilayo ang kamay nito sa kapatid.

Hindi rin naman mabasa ang expression ng mukha ni Drayce dahil sa mga pangyayari. He can't even believe na magagawa niya iyon sa kakambal niya.

"I'm.... just hungry. Tirhan mo na lang si yaya ng Pizza at kainin na natin ang iba" he said while walking papunta sa dining area nila.

Mas lalo pang nagtaka ang kanyang kakambal dahil sa mga ikinikilos niya.

"Really? seryoso ka? Gusto mong kumain...kasabay ako?" he said while following him.

Hindi na umimik ang binata't nagsimula nang maghanda ng plates nila.

"Hey, are you okay? W_wala ka namang sakit di ba?" sunud-sunod na tanong ni Drake sa kanya.

Susubo na sana si Drayce nang pizza when Drake mentioned her name.

"Alam ko na! dahil ba ito kay Mikaela? Ano nga palang balita sa naging conversation niyo kahapon?" he asked while smiling.

But hindi nagustuhan ni Drayce ang pag-ungkat ni Drake sa nangyari kahapon. Dahil doon, agad na niyang ibinaba ang hawak niyang pizza't umakyat na sa kanyang kwarto.

"Wait!....may mali ba sa tinanong ko?" Drake said habang sinusundan ng kanyang mata ang paakyat nang kapatid.

------------

Early in the morning.

Nagising na si Avyanna.

Medyo nagulat siya dahil nakalimutan niya palang magbihis kagabi't tuluyan nang nakatulog.

"Pambihira" she said nang maramdamang medyo makirot ang kanyang katawan while stretching.

Agad na siyang naligo para makapaghanda na nang almusal nung dalawa. Matapos niyang makapagluto, kinatok niya sa pinto si Drake at Drayce since magkaharap lang ang door ng rooms ng mga ito.

"Kain na po!"

Tapos bumaba na siya't pinunasan ang spoons and forks.

"Ang bango!" nakangiting react ni Drake nang makababa na.

"Sana po magustuhan niyo ang niluto ko"

"Is that a bacon?"

"Opo Master, pero mas prefer ko pong tawagin siyang organic neo bacon"

"Bah, ganito rin ba ang foods niyo sa future world?" he asked habang excited nang hinihiwa ang malambot na bacon sa harapan nila.

"Hindi po, that's why I called it organic"

"Organic because?"

"Kasi unlike sa amin, mostly kasi...synthetic foods ang aming kinakain"

"Really? so does it mean na 'yung life span sa panahon niyo ay mas maiksi compared ngayon? Di ba ang synthetic foods ay nakakapagpaikli ng buhay?" Medyo intriguing question niya sa dalaga.

"Same pa rin naman po since LSI found its way to increase the life span ng mga tao doon"

"Like what?"

Napailing na ang dalaga dahil sa curiosity ng binata. Mukhang hindi na siya tatantanan nito sa mga katanungan niya patungkol sa Future World.

"Well, we have this what we called.... Scientific Alteration ng mga pathway of Genes and siguro naman po Master, hindi niyo na po ako tatanungin kung ano iyon" pabirong sabi niya sa binata.

"I'm just amazed! You know what...pinapahanga mo na talaga ako. Ang galing mo talaga pagdating sa mga ganyang katanungan. Malakas tuloy ang kutob kong hindi ka lang ordinaryong tao sa mundo niyo, umamin ka na nga, ano ka ba talaga sa hinaharap?"

Natigil ang pag-uusap nila nang biglang umupo na si Drayce para kumain na rin.

Nagkatinginan si Drake at Avyanna dahil dito. They didn't expect rin kasing sasabay itong mag-almusal sa kanila.

"Can I have the rice?" sabi nang binata kay Avyanna.

"Ah..s_sure po" tapos iniabot na niya ang kanin dito.

Kumuha na rin nang ulam si Drayce at nagsimula nang kumain.

"Ah sir...hindi niyo po ba itatanong kung may poison iyang niluto ko?" she asked while smiling.

She's just happy dahil nakukuha na rin niya ang tiwala ni Drayce.

Hindi naman umimik ang binata at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Anong ginawa mo sa office at parang naging weird siya?" bulong naman ni Drake kay Avyanna.

"Wala naman po Master" pabulong namang sagot niya dito.

"May nasabi ka ba sa kanya or something? Kahapon pa iyan ganyan eh" dagdag na tanong ng binata sa kanya.

"Are you talking about me?" tanong naman ng binata nang mapansin ang pag-uusap ng dalawa.

"Hindi ah." Drake immediately answered.

"Tss. By the way Avyanna... bilisan mo nang kumain at sasabay ka sa akin" Drayce said.

"Hey, what do you mean? Sa akin sasabay si Avyanna"

Dahil sa narinig ni Drayce, padabog niyang ibinaba ang hawak niyang kutsara. Then, he glared at his twin brother bago tuluyan nang tumayo at umakyat ng kwarto.

"Tingnan mo, he's been acting really weird..di kaya...."

Then, an idea popped up on his mind kaya dali rin siyang tumayo at sinundan ang kapatid sa kwarto nito.

"What are you doing here?" nakaekis ang kilay na tanong ni Drayce sa kapatid.

"I'm just here to clarify something"

Tiningnan niya lang si Drake at nagpatuloy na sa pag-aayos ng mga dadalhin niya sa work.

"Do you somehow.... have feelings for Avyanna?"

Natigilan saglit si Drayce sa mga narinig.

"Oh, Bakit hindi ka makasagot?"

"Alam mo namang si Mikaela lang ang gusto ko" Drayce said without looking at him.

"If that's the case then it is subject to change like I do unless kung mahal mo talaga si Mikaela. So ieemphasize ko ulit ang tanong ko sa iyo, do you like Avyanna?"

Napaisip si Drayce about it.

And he has no idea what to answer kaya agad na siyang lumabas sa kwartong iyon at dumiretso na sa kanyang sasakyan.

"Tss. Nahihibang ba siya?" ani ni Drayce sa sarili.

Suddenly, may nagpopped up na naman sa isip niya, and iyon yung gabi nang mabuksan niya ang kwarto ni Avyanna.

Napabuntong-hininga na lang siya dahil dito.

(D and D company)

Sabay na pumasok sa loob si Drake at Avyanna kaya pinagtitinginan sila nang mga tao doon.

"Hay, mukhang hindi talaga ako masasanay na pagtinginan ng mga tao dito. Ano ba kasing meron at parang ngayon lang sila nakakita ng tao?" ani ng dalaga sa sarili.

Nang mapansin naman ng binata na sila ang pinag-uusapan ng mga employees doon, naisipan niyang hawakan ang kamay ng dalaga habang papalapit na sila sa elevator.

Dahil dito, mas lalong nanlaki ang mga mata ng babae sa nasaksihan.

"Are they dating?"

"Sila na ba?"

"Bakit siya?.Sino ba siya?"

"She's pretty but I'm hotter than her"

Napangiti na lang si Drake sa mga naririnig.

Nang makapasok na sila sa elevator, agad na tinanggal ni Avyanna ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay.

"B_bakit mo iyon ginawa? I mean... mas lalo tuloy tayong pinagtitinginan ng mga tao." Avyanna said in an awkward expression.

"Ang ganda mo kasi that's why. Just be thankful"

"Really? Am I that pretty para manlaki ang mga mata ng bawat babaeng makakasalubong namin? I'm proud of myself!" masayang sabi niya sa sarili not thinking na iba pala ang meaning ng mga tingin na iyon.

-------

(Drayce' office)

"That punk, I know I love Mikaela..but...tsk! hindi tuloy ako makapagfocus ngayon" he murmured habang nakatitig sa laptop niya.

Then he sighed.

"Do I like her? Paano naman kasi niya iyon nasabi?"

Nag-isip ulit siya.

"This won't work, maybe I need some advice from the experts" he said kaya agad siyang lumabas sa kanyang office at nilapitan ang isa sa mga senior managers ng company with his attaché case, acting like napadaan lang siya.

"Mrs. Zamonte" sambit niya dito.

Dahil sa biglaang pagsulpot ng binata sa harapan niya, napalunok ito ng di oras.

"Eto na ba? eto na ba ang hinihintay kong milagro na mangyayari sa buhay ko?" bulong niya sa sarili.

Ever since kasi nang maisilang si Dallia Zamonte ( isa sa senior managers ng company) hindi pa niya naranasang magkajowa kahit lumagpas na ang edad niya sa kalendaryo.

Matagal na siyang nagdadasal na bigyan siya ng boyfriend ngunit hanggang ngayon, umaasa pa rin siyang may milagrong magkakagusto sa kanya.

"Kung anu-ano nang pampaswerte ang binili ko para lang dito. Siguro naman, eto na ang wakas ng sumpa. Ang wakas nang sumpang tumandang dalaga!!" sa isip niya.

Sobrang tuwa na lang niya nang lapitan siya ngayon ng kanyang boss, nagkataon rin kasing kagagaling lang niya sa manghuhula kanina. Binigyan siya nang hint nito na may lalaking darating sa buhay niya't magiging sagot sa kanyang kahilingan. Nakakurbata daw ito at laging may dala saan man magpunta.

At nang makita niya ang kanyang boss na nakanecktie rin and may dalang attaché case, naisip niyang siya na nga ang mysterious guy na nasa hula.

"Mrs. Zamonte, are you listening?" ani ni Drayce.

"Ah...ano po iyon sir?" tila pacute nitong tanong sa binata.

"Actually..... I'm not supposed to ask you this but I don't know, may nagtutulak pa rin sa aking itanong ito sa iyo" he said.

"Kabayo ng mga birhen na kagaya ko, totoo na ba talaga ito? siya na ba ang magiging papa ng buhay ko't gigising sa natutulog kong katawang lupa?" tanong niya sa sarili.

"And to be honest...nahihiya akong itanong ito sa iyo since I'm your boss"

"Ehehe..shige lang po sir, huwag na po keyong mahiya" pabebe nitong sabi.

Iniexpect na rin kasi niyang baka kaya ito nahihiya sa kanyang magtapat dahil malaki ang agwat ng edad nila sa isa't-isa.

"sir...age doesn't matter naman po eh" mahina niyang sabi kaya napatingin si Drayce sa mga mata niya.

Para tuloy nagkaroon ng background music sa mga sandaling iyon at wala na siyang ibang naririnig at nakikita kundi ang gwapong mukha ng binata.

"Since you're already married, I know na masasagot mo ang katanungan ko"

But when she heard that word, tila nabagsakan siya nang langit at lupa.

"A_ano?"

"I said, since you're already married, alam kong masasagot mo ang tanong ko" ani ni Drayce.

"Hindi.. hindi.." pag-uulit niyang sinabi.

Hindi siya makapaniwalang agad-agad siyang mahihimasmasan sa mga imahinasyon at pag-asa niyang magkakajowa pa siya.

"What do you mean na hindi?"

"Hindi pa ako kasal, mukha ba akong may-asawa na?! Hindi porque wala akong jowa, gaganyanin niyo ako" mangiyak-ngiyak na sabi nito saka nagwalk out.

Pinagtinginan tuloy ang binata dahil doon.

"Problema nun?" Drayce.

Naisipan na lang niyang bumalik sa kanyang lungga.

Mas lalo tuloy siyang nastress dahil sa reaction ni Ms. Zamonte.

Umupo na siya sa kanyang swiveling chair at nag-isip ulit.

"So what if nagbago siya nang nararamdaman for Mikaela? Does it really mean na I will do it too? Of course not" he said.

"Ah...sir, okay lang po kayo?"

Nang makita ang dalaga na papasok na sa office, tila bagang nagkaroon ng slow motion effect ang paglalakad nito papalapit sa kanya with lugay buhok effects.

"Sir"

"K_kanina ka pa ba dyan?" awkward niyang tanong sa dalaga.

"Hindi naman po, kararating ko lang" she said.

"Okay, good." then napaubo siya't dali-dali nang kinuha ang mga papers sa gilid.

"Siya nga po pala sir, pinapasabi ni Master na nakalabas na daw si Mikaela sa hospital."

"Really? Then its good. I'm happy na okay na siya" he just said.

"Ang swerte po niya noh?" biglang nasabi ni Avyanna.

"Huh?"

"May isa kasing katulad mo ang nagmamahal sa kanya." she said.

Dahil sa sinabi nang dalaga, hindi na siya umimik. Alam niya kasi sa sarili niyang hindi na iyon masusuklian ni Mikaela dahil may mahal na itong iba.

"Gusto niyo po bang puntahan siya after work?"

"Hindi na kailangan. I'm busy" he just said.

"Okay? Hmm... May iuutos po ba kayo sa akin?"

"Yes, pakikuha 'yung mga papers na pipirmahan ko pa sa 29th floor."

"Okay po. Copy! Itatali ko lang po ang buhok kasi medyo sagabal"

Nang itali na ni Avyanna ang kanyang buhok, parang nagkaroon nang magnet ang dalaga na nag-udyok sa binatang pagmasdan siya.

(a sudden heartbeat can be heard)

"Baliw...baliw ka na Drayce" nasabi niya sa sarili.

"A_ano po iyon sir?" tanong naman ng dalaga nang marinig nitong kinakausap na naman ng binata ang sarili.

"I_ I said, your crazy.. I need those papers now kaya faster!"

"O_okay po sir, sorry" saad ng dalaga kaya dali na itong lumabas.

"Aish! Ano na bang nangyayari sa akin?" sabi ni Drayce.