webnovel

BETWEEN WORLDS

A girl from the future suddenly appeared on Sebastian's life just to change everything. And that is her mission, to stop the chaos from happening in the future. But what if, that girl from the future suddenly fell inlove with the guy in the present time? Would she stay in the present world and forget everything about the mission OR she would sacrifice her love and go back to her world for everyone in the future? Kindly support this story of mine. Thanks!

MissKc_21 · ไซไฟ
เรตติ้งไม่พอ
27 Chs

PRESENT WORLD: Her and Her

Nakasuot ng oversized shirt ang dalaga. Magulo ang buhok at tinatakpan nito ang kanyang maliit na mukha.

Dahil sa itsurang bumungad kay Drake, mas lalo pang nagsisigaw ang binata sa loob kaya agad na tinakpan ni Avyanna ang bunganga nito.

"bakit ka ba tumitili? bakla ka ba?" sabi nito sa kanya.

Agad namang inalis ng binata ang kamay ng dalaga sa bibig niya.

"you! anong ginawa mo sa akin?" kabadong ask niya since magkatabi pala silang natulog sa kama. Dali-dali din niyang ipinulupot ang kumot sa katawan niya para protektahan ang sarili from her, thinking na baka pagsamantalahan ulit siya. Never rin niya kasing ma-imagine na may katabi siyang matulog sa kwarto niya since nasanay na siyang mag-isa dito since he was a kid.

"tss. tumayo ka na nga dyan. May hangover ka lang eh" sabi ng dalaga while stretching up.

"so.....does it mean, w_walang nangyari sa atin?" paniniguradong tanong ni Drake.

Avyanna rolled her eyes.

"mukha ba? saka feeling mo ring pagsasamantalahan kita noh."

"eh bakit mo suot ang damit ko? di ba nakadress ka kagabi?" di maipintang reaction ng mukha niya.

"eh paano ba naman kasi, sinukahan mo ang maganda kong dress. Ugh. Ayoko nang alalahanin pa iyon kasi it's so gross" she said na pinipigilang huwag masuka.

Dali namang lumabas ito matapos ang pag-uusap na iyon.

Napaisip saglit si Drake. He's trying to remember what happened last night.

Then, saka lang sumagi sa isipan niya ang oras.

"oh no! I'm late!" then he immediately ran into his bathroom at mabilis na nagshower.

Halos magkadapa-dapa na siya sa pagmamadali. He was really sure that his father was mad at him dahil sa biglaang pag-alis nito sa BOD meeting kahapon and ayaw niyang dagdagan pa ito ngayon. Kaya nang makapaghanda na siya, nagmadali na siyang pumunta sa company building nila.

-----

(D & D Steel Co.)

Naglalakad ngayon sa office corridor ang Chairman kasama ang secretary nito, dalawang bodyguards at si Mr. Villacosta. Lahat ng mga employees na makakasalubong nila ay marespetong yumuyuko bilang pagalang sa may-ari ng kumpanya.

"Donna, any schedule for today?" tanong ng Chairman to his secretary.

"ah..yes Chairman, may executive meeting po ang mga BOD ng Jardine Group mamaya. Since wala po ang President, kayo po ang iniexpect nilang pumunta doon to join their meeting" magalang at klarong pagkakasabi ng secretary nito.

"okay" he replied.

Papasok na sana sila sa office of the Chairman this time nang mapansin nito si Drake na papunta sa direction nila, pero agad rin namang bumalik sa dinadaanan para umiwas sa kanya.

"where do you think you're going?" Chairman asked him while looking at his watch because he knew that Drake was really late.

Napahinto naman ang binata dahil dito. But, hindi pa rin siya humaharap sa matanda.

"bro, tinatanong ka ng Chairman." sambit naman ng kaibigan niya.

"a_ah..actually, kagagaling ko lang sa working area ko eh, naiihi lang ako that's why I'm going w_with that direction" then he tried to smile while pointing where he was going.

Mas lalong nairita ang matanda sa kanya at nilapitan siya.

"I didn't ask you just to lie, you fool"

Tapos kwinelyuhan siya nito. Halatang hindi na talaga niya mapigilan ang inis nito sa binata dahil sa nangyari noon pang mga nakaraang araw.

Pero imbis na magpahalatang takot ang binata sa matanda, nagkunwari siyang wala lang iyon and just smirked.

"you lunatic, hanggang kailan mo ako ipapahiya sa mga tao huh? wala ka nang ginawang tama. Huwag mong sagarin ang pasensya ko sa iyo kasi baka hindi mo magustuhan ang consequence." makikita talaga sa mata niya ang talim ng mga tingin nito.

Ilang saglit pa, binitawan niya ito at bumuntong-hininga. The old man tried to control his temper.

"Chairman..." worried namang nasabi ni Mr. Villacosta.

"let's go, may mas importante pa akong aasikasuhin. I don't want to waste my time for idiots like him." tapos agad na itong lumakad.

Nakahinga din siya ng maluwag.

Natapos na ang kanyang pagpapanggap na he can stand with his father's anger. But hindi pala. Inaakala niya kasing masasanay siya sa mga masasakit na salitang binibitawan ng Chairman sa kanya, pero he's wrong, hindi pa rin siya nagiging manhid sa mala-espada nitong mga banat patungkol sa kanya. Bumabaon pa rin ito sa kanyang puso making him hate his father more.

Gian patted his shoulder bago sumunod sa Chairman.

Kahit matagal nang magkaibigan ang dalawa, he knew na pagdating sa matanda, sunud-sunuran lang rin ito tulad ng ibang mga empleyado sa company. Kaya ni isa, wala siyang mahahanap na kakampi na makakaintindi sa kanya sa loob ng kumpanya.

Nang makapasok na siya sa sariling workplace niya, agad siyang umupo sa swiveling chair.

He tried to calm down at kalimutan ang nangyari kanina.

Then, he noticed some papers sa table niya. He read it and it was about his proposal to extend some help sa mga indigenous people sa karatig-lugar nila. It didn't get the approval from the Chairman since wala doon ang twin brother niya to sign it. Kaya agad siyang napabalikwas sa kinauupuan niya at pinuntahan ang matanda.

Pagpasok niya sa office nito, napatingin silang lahat sa kanya at biglang natigil ang pag-uusap nila sa loob.

Ipinakita niya ang papers sa matanda at ihinagis ito sa table.

"ano na naman ba ang problema mo?" this time, mas lalong tumalim ang mga tingin nito sa binata but he didn't bother.

"why you didn't sign it? I know that you don't like me but extending help to those in need? ipagkakait mo pa rin?" inis na sabi ng binata.

The Chairman just smirked.

Minsan kasi, sumasagi sa isipan niyang wala talagang kwenta ang anak niya lalo na pagdating sa company matters. To him, profit matters most. Pero iba si Drake, mas laging nangingibabaw ang kanyang emotion more than anything. Kaya ang tingin niya sa kanyang anak ay mahina and incompetent, unlike Drayce, his twin brother na halos makuha ang lahat ng traits ng Chairman, making him to be the favorite son. Isa iyon sa mga reasons kung bakit di rin sila magkasundo ng kapatid niya.

"you know what? that's the reason why mom left you, its because you're too selfish!" nasabi ng binata na ikinagulat ng lahat.

Because of what Chairman heard, agad niyang pinulot yung papel at ihinagis ito sa mukha niya.

"get out! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo dito!"

Nagmistulang poste ang mga taong nakasaksi sa galit ng matanda. Tahimik lang sila sa gilid at naghihintay na matapos na ang paghaharap ng mag-ama.

Pero hindi nagpadala ang binata sa galit nito, he just stayed where he is making the people around them more nervous.

"bro....just do what the Chairman said" Gian tried to convince him.

Tiningnan lang niya ito.

"bingi ka ba?!!!! gusto mong ipakaladkad kita sa labas?!!!!" nanggigilaiting sabi ng Chairman sa kanya.

"bro" Gian whispered while leading him to the door.

"tss." He really can't believe it.

Now, lumalabas pa tuloy'ng siya ang may atraso sa daddy niya.

"hindi na talaga siya nagbago ever since" mahinang sabi niya habang nakakamao na siya this time.

Gusto niyang saktan ang daddy niya dahil sa mga naranasan nitong hindi magaganda simula nang pagkabata niya pero hindi niya kaya. Kasi kahit papaano, ama pa rin ang turing niya sa matanda kahit di nito naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na ama. Since he was a kid, he always dreamed of his attention and care, he really tried na kahit once lang sa buhay niya ay maappreciate nito ang mga bagay na ginagawa niya. But his best was not enough at lagi siyang naikukumpara nito sa twin brother niyang si Drayce. Drayce is always the best habang siya ang kabaliktaran nito. Sinubukan niyang tanggapin sa kanyang sarili na kailanman ay hindi niya malalamangan ang kapatid pero habang lumilipas ang panahon, mas lalong ipinaparamdam ng mga tao sa paligid niya na he's the worst. At sobrang sakit ito sa part ng binata. That's why, he's doing things that would make him feel more better. Actually, he's trying to feel better while hiding those pains. While trying to feel okay when he's actually not.

So he decided na umuwi na lang ng mansion. Wala na siyang ganang pumasok dahil sa mga narinig.

(Sebastian's mansion)

Nakapamulsang naglakad sa living room ang binata. Umupo siya sa sofa at binuksan ang napakalaking flat screen t.v nila.

Kinuha niya ang cushion at niyakap ito habang iniisip pa rin ang nangyari kanina.

"hey" Avyanna said when she noticed him staring blankly somewhere.

Drake didn't heard her kaya no response. So she decided na gulatin siya from behind pero sakto namang natauhan ang binata kaya napatingin siya sa kinaroroonan ng dalaga from his back. And the timing was too perfect na halos mahalikan nila ang isa't-isa dahil sa sobrang lapit ng face nila.

(nagkaroon tuloy ng parang slow motion scene habang tinititigan nila ang isa't-isa)

Then, agad na umiwas ang binata after moment of realization kaya nagkauntugan sila dahil dito.

"ouch!" sambit ng dalaga habang himas ang noo.

"Aish! ano ba kasing ginagawa mo dyan?" then bigla siyang nagworry dahil dito.

"patingin nga" he said and agad siyang tumayo sa sofa para tingnan ang namumulang noo nito.

He may be childish but he's a caring guy. Kahit hindi niya naranasan sa iba iyon, he wanted to show it to someone.

To someone who could really accept it and appreciate it.

Habang ginagawa ito ng binata kay Avyanna, pinagmamasdan niya lang si Drake quietly.

Until na mapansin nito na nakatitig lang ang dalaga sa kanya.

Acting awkwardly, daling bumalik na ang binata sa pwesto niya kanina.

"hey, n_natapos mo na bang linisin ang buong mansion?" him trying to break his awkward feeling.

"grabe ka naman, kakadilig ko lang kaya ng mga halaman niyo sa labas. Let me take some rest naman" she said tapos tumabi itong umupo sa kanya.

Hinayaan na lang ni Drake si Avyanna na maupo at manood rin kasama siya.

"I'm gonna get some chips, huwag mong ililipat huh?" he said at dumiretso na siya papuntang kitchen.

Ilang saglit pa, bumalik na ito dala ang crispy chips at soda in can.

Binuksan niya ang junk food at inilagay sa small glass table na malapit sa kanila. Kinuha niya rin ang soda at ininom na ito.

Avyanna tried to open it but nahirapan siya ng konti since wala nang soda in can sa panahon nila. Sparkling water ang usually na iniinom nila (since hindi maganda sa kalusugan ang soda) nakalagay na ito sa isang special aluminum material for sipping using a tiny straw.

"akin na" sabi ng binata sa kanya nang mapansing hindi ito mabuksan-buksan ng dalaga.

When he got it opened, iniabot niya ito to her.

"thanks" then she smiled.

--Saka lang narealize ng binata na she's pretty pala lalo na kapag nakangiti.

"woah!" her reaction nito ng matikman ang soda.

---And cute din kapag na-amaze.

"ngayon ka lang ba nakatikim ng ganyan?"

Then she nodded kaya napangiti ng bahagya ang binata.

Even na hindi naging maganda para kay Drake ang mga nangyari kanina, gumaan naman ng bahagya ang kanyang loob because of her.

"by the way, ba't ka nga ba andito ngayon? namiss mo ba ako?" she asked jokingly without smiling. Making him to feel more awkward.

"h_huh, assuming mo naman. Tinatamad lang akong pumasok kaya ganon" he said tapos ibinaling niya ang kanyang paningin sa tv.

"paano na iyan, ano nang ipapasweldo mo sa akin kapag hindi ka nagtrabaho" Avyanna said.

"tss. Kahit isang taon pa akong hindi magtrabaho, kayang-kaya pa rin kitang paswelduhin." Drake said confidently.

"okay, eh di ikaw na ang mayaman" she replied.

"how about you? ano naman ang pinagkakaabalahan mo noon bago ka mapadpad dito?" he asked.

Well, gusto mang sabihin ng dalaga na sa mundo nila, her family belongs to upper class number 3...hindi na niya ito ginawa since hindi rin naman siya paniniwalaan nito.

(upper class number 3- linya ng mga highest paid professions sa mundo nila since mga scientists ang parents niya tapos siya naman ay chemist. Sila yung mga taong nakatira mismo sa Sky City---particularly called, Laudecius. Maikikumpara sila sa mga philanthropist ng present world.)

"mahilig lang akong mag-aral" she just said.

(then suddenly, doorbell rings)

Wala namang iniexpect ang binata na bisita this time kaya nagtaka siya when he heard it. Tatayo na sana siya to open the door but bigla na lang itong bumukas.

"surprise!" Mikaela said nang makapasok na siya sa mansion.

Pero imbis na ang binata ang masurprise niya, siya ang mas nagulat lalo na nang mapansin ang magandang dalaga sa tabi nito.

"w_who is she?"

"ah....she? s_she's my yaya. Her name is Avyanna" Drake said.

Napataas naman ang kilay ni Avyanna dahil dito.

"no, I'm his girlfriend and he's mine" she insisted tapos nang mapansing medyo kita ang cleavage ni Mikaela, she slightly unbuttoned her blouse para ma-highlight din ang kanya. Well, she's really blessed din naman pagdating sa palakihan.

Napaubo ang binata dahil dito.

Nararamdaman niya rin kasi ang biglang pagtaas ng tension sa loob ng mansion because of the two.