webnovel

BETWEEN WORLDS

A girl from the future suddenly appeared on Sebastian's life just to change everything. And that is her mission, to stop the chaos from happening in the future. But what if, that girl from the future suddenly fell inlove with the guy in the present time? Would she stay in the present world and forget everything about the mission OR she would sacrifice her love and go back to her world for everyone in the future? Kindly support this story of mine. Thanks!

MissKc_21 · ไซไฟ
เรตติ้งไม่พอ
27 Chs

FUTURE WORLD: Laudecius

Bumaba na nang air shuttle si Leander kasama ang LSI Special Unit. This time, nasa tapat na sila ng isang napakamatayog na steel gate which is the main entrance ng Garrison A. Ang Garrison na ito o home base ng mga Military and Police officers ay located sa Sky City o mas kilala sa tawag na Laudecius.

Ang Laudecius ay ang siyudad na sumasaklaw sa halos 1/4 ng alapaap ng 'Maharlika' (capital ng bansa) at nakalutang gamit ang mga special earth materials and developed carbon nanotubes para sa stability nito. Ito ang lugar ng mga upper class.

Nahahati ito sa apat na division. Ang unang division ay tinatawag na "Eksosia", dito nakatira ang mga upper class 1 intended only for the leaders. Sila yung mga taong may authority to mandate or manipulate the place. Bibihira lang ang mga tao sa pangkat na ito at masyadong tago o anonymous ang identity nila kaya hindi sila basta-basta lumalabas sa publiko. Ang ikalawang division naman ay ang "Plousios" para sa mga upper class 2 kung saan matatagpuan ang LSI territory. Nasasakop nito ang majority ng division kasama ang lungga ng mga business philantrophist ng lugar. Ito rin ang pinakamalaking division sa buong Laudecius. Ang third division naman ay ang "Xophus" kung saan nakatira ang mga upper class 3 o known to be "the geniuses of the country". Sila yung mga taong nage-excel sa iba't-ibang larangan, mapasiyensya man, musika o sports. At ang panghuli ay ang Garrison A kung saan nagpunta ang binata kasama ang LSI unit upang ipadakip si Professor Shechem.

Nahuli nila ito sa kanyang hideout nang ma-trace nila ang GPS location nito. Wala na rin ang dalaga doon nang mangyari ang pagdakip sa kanya.

"anong balak niyong gawin sa akin dito?" tanong nang 40 anyos na Professor. Nakalab coat pa siya this time dahil biglaan ang pagdakip na nangyari sa kanya kanina habang busy siya sa pagkalkal sa mga experiments niya doon.

"ano sa tingin mo?" tipid na sambit ng binata.

Napailing naman ang propesor dahil dito. Ngunit, nanatili pa ring tikom ang kanyang bibig kaya mas lalong nairita ang binata sa kanya.

"kapag hindi ka nagsalita, mabubulok ka sa lugar na ito. May 30 segundo ka na lang na natitira para magdesisyon."

"ano bang kailangan niyo sa akin?"

"nasaan ang Dark Iron?" sabi ni Leander in a cold tone of voice.

Huminga ng malalim ang professor and smirked. Wala talaga kasi siyang balak na sabihin kung nasaan ang hinahanap nila ngayon.

Dahil dito, napatingin ng masama ang binata sa kanya.

( a moment of silence

--Ito yung moment na nakikipagtagisan sila ng mga tingin sa isa't isa.)

"kapag sinabi ko ba ang totoo, hindi niyo ako ipapahuli sa mga iyan?" tapos tiningnan niya ito sa mukha trying to read what will be his expression, kung magsasabi ba ito ng totoo.

"huwag mong ubusin ang pasensya ko, kaya mabuti pang sabihin mo na kung nasaan ang Dark Iron!" sigaw ng binata.

"wala sa akin ang Dark Iron."

Nang marinig iyon ng binata, hinigit niya ang lab coat nito.

"anong ibig mong sabihin huh?"

Hindi na umimik pa ang propesor. Ipinakita na lang niya sa expression ng kanyang mukha na he's telling the truth.

Wala nang nagawa si Leander kundi ang itulak siya dahil sa inis. Hindi rin naman niya magawang kitilin ang buhay nito dahil they still need him to tell where the Dark Iron is.

"hanapin niyo si Avyanna" he said dahil iyon lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit wala na sa propesor ang hinahanap nila.

"command received!" then sumaludo ang special unit sa kanya bago sabay-sabay na nagmartsa paalis.

"and him, dalhin niyo siya sa LSI." Leander said sa dalawa pang kasama niya bago nauna nang sumakay sa kanyang air mobile.

(By the way, ang air mobile ay sasakyan intended only for LSI special unit. Ang shape nito ay spherical and ang outside color nito ay white---para sa mga higher rank and black naman----para sa mga lower units. It is controlled by a joystick and it can travel with a speed like those of a race car, ang kaibahan lang is, hindi ito sumasagi sa lupa. Kaya nitong magtravel sa altitude na mas mababa ng kaonti sa airplane. Sinadya ito ng engineers as part of their design para magkaroon ng kaibahan between commercial sky vehicles and private ones, para na rin maiwasan ang aksidente sa taas.)

-----

Plousios, LSI territory.

Sadyang napakalawak ng lugar na ito dahil halos magkalahating oras na silang naglalakad sa corridor para tahakin ang direksyon patungo sa lobby. Ang corridor ay may mababang ceiling lamang, may napakaraming ring ilaw na nakahanay sa itaas nito, plain at walang ibang makikitang kulay kundi puti lamang.

Ilang saglit pa, nakarating na rin sila sa napakalawak at maaliwalas na lobby. Dahil sa magandang architectural design nito, madali lamang pumapasok ang liwanang dahil sa manipis na futuristic glass designs nito. Makikita rin sa labas ang napakagandang pagkakalandscape ng mga rare flowers and hybrid na mga puno. May frozen like smoke ang nakapalibot naman sa part na iyon ng LSI para maprotektahan ang mga tanim sa sobrang init ng araw. May mga 'robos' naman ang naglilibot-libot sa paligid nito para mamaintain ang cleanliness at kagandahan ng lugar since marami ring mga tao ang nagtatambay doon. Usually, mga naka-labcoat din na kagaya ni Professor.

Leander let his fingerprint to be scanned by the biometrics machine para makapasok na sila sa magnetic elevator. Ang magnetic elevator na ito ay siya ring magdadala sa kanila kay Lorcan, ang owner ng LSI.

Isang minuto lang ng paghihintay, nakarating na rin sila sa "Vulizzo". Ito ang tawag sa special room na intended only sa may-ari ng isang well-known building. Ito rin ang may pinakamagandang architectural design and pinakaluxurious room sa buong estruktura.

"Welcome to the heart of LSI" coming from an automated voice nang makatuntong sila sa loob ng Vulizzo.

Then may upuan sa middle at floating glass table on it, kung saan nakaupo si Lorcan.

"Pinuno, andito na po siya" nakayukong pagkakasabi ni Leander.

Tapos biglang umikot yung upuan at bumungad sa kanila ang nasa 70 anyos na lalaking mukhang 50 anyos lang. Kuhang-kuha nito ang itsura ng daddy niyang si Drayce. Mula sa mga matang kapag tiningnan ka ay para tumatagos sa kaluluwa mo hanggang sa paraan ng tindig nito, parehang-pareha sa daddy niya.

Napailing na lang ang Propesor dahil dito. Hindi kasi siya makapaniwalang makikita ng dalawang mga mata niya ang tunay na kaanyuan ng may-ari nitong teritoryo na tinutungtungan nila. Malimit kasi itong magpakita sa public personally, usually kasi, holograms lang ng mukha niya ang ipinapakita kapag may mahalagang announcement siyang gagawin sa LSI. Meroon din siyang kanang kamay na pinagkakatiwalaan niya sa ngayon kaya hindi na niya kailangang magextend pa ng effort para sa mga bagay-bagay.

"kumusta" nakangiting bati nito sa Propesor matapos lumapit sa kanya.

Instead of answering, he bowed to him bilang respeto na rin sa may-ari ng pinagtrabahuan niya noon.

Bahagya namang umatras si Leander at ang dalawa pa niyang kasama para bigyan ng space na makapag-usap ang propesor at si Lorcan.

"good. Well, marami akong gustong itanong sa iyo kaya have a seat first" then he snapped his fingers kaya automatic na lumutang papalapit sa kanila yung dalawang oval shaped na upuan.

"shall we?" kalmadong sabi ni Lorcan.

Nauna na itong umupo kaya sumunod na rin ang Propesor. Medyo natetensyon siya ngayon dahil hindi niya alam kung ano ang itatanong ng matanda sa kanya.

"I just wanted to ask you directly Professor Shechem..." tapos tiningnan siya nito kaya napalunok ng di oras ang propesor.

"where is the Dark Iron?" he asked at nakatitig pa rin ito sa kanya.

Mas lalo tuloy'ng kinabahan si Professor Shechem.

"w_wala na ito sa akin" sambit niya.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Lorcan dahil sa sinabi niya ngayon.

"okay. Kung ganon, nasaan ito?"

"h_hindi ko alam" pagsisinungaling niya.

"you don't know?"

This time, pinagpapawisan na ang propesor dahil nag-iiba na ang mood ng matanda. Hindi na siya kalmado this time dahil halata na sa expression ng mukha niya ang inis.

"alam mo, all my life, inilaan ko ang dugo't pawis ko sa bagay na iyon, doon nakasalalay ang future ng LSI...." tapos tumayo na siya at may iniabot na syringe si Leander sa kanya.

"doon nakasalalay ang future ng Laudecius, I've protected it for many years pero ng dahil sa pagkakamali kong pagkatiwalaan kayo sa bagay na iyon, sinira niyo ang reputasyon ko...sinira niyo ang mga plano ko. So, what do you think will be my reaction sa sinabi mo?"

Hindi na nakapagsalita pa si Professor Shechem dahil nakafocus na siya sa syringe na hawak ni Lorcan.

"sagot!"

Nagulat siya dahil dito.

"n_nagsasabi ako ng_"

"sssh! huwag mong subukang magsingungaling sa akin, I'm giving you another chance to tell me the truth!"

"w_wala akong alam"

"ah...ganon, ayaw mo talagang magsalita" tapos sinenyasan niya si Leander at ang kasama nito na hawakan ang propesor.

"anong_ anong gagawin niyo sa akin?" nagsimula na siyang magpumiglas.

"did you know about enhanced mi...da..zo..lam?"

"no!!! no..." sabi ng propesor but Lorcan already injected it to him.

Hanggang sa mawalan na siya ng awareness sa kanyang sarili. Nakaopen pa rin ang eyes niya pero nahihilo na siya ngayon and hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"bring him to oubliette. Tingnan natin kung hindi pa siya magsalita mamaya"

(oubliette- kulungan ng mga high marked inmates. Usually, dalawa lang ang tao sa loob nito. May mga machines na nakapalibot sa dungeon na ito to torture them, it is either they can feel so much heat or super cold. Depende sa utos ni Lorcan)

-------------

Outside Shield City, sa ibaba ng Laudecius specifically sa Ner.

(Ang Ner ay ang place ng mga middle class. Ito ang most populated place sa 'Maharlika'. Dito makikita ang mga taong malayang naglalakad sa labas with different outfits and fashion styles. This place is actually busy dahil sa dami ng crowd, may mga naglalakad galing from work, may nagde-date, may mga maingay ring nag-uusap, may mga bata ring nagtatakbuhan at kung anu-ano pa ang pinagkakaabalahan nila. They are just the ordinary people kung tatawagin, living a normal life without being pressured on their fame or reputation.)

Dorcy is trying to reconnect her internet sa laptop niya para makausap si Goshen.

Nakatago kasi ang kaibigan ni Avyanna sa tunnel kaya nahihirapan siyang makahanap ng signal sa ilalim. Kailangan niya kasi ang tulong ni Goshen para makapagcommunicate sila ni Avyanna, since magaling siya na engineer at pagdating sa mga bagay na ganon ay talagang maasahan siya.

When she was not able to connect with the internet, minabuti niyang lumabas sa madilim at maruming tunnel na iyon.

This time, naglalakad na siya despite sa siksikan ng crowd sa daan.

(trying to reconnect...)

"oh please.." bulalas niya nang makahagip ng signal sa lugar. Dire-diretso lang siya sa paglalakad until he bumped into someone kaya nahulog ang laptop na dala niya.

"what the!" she murmured habang pinupulot ang gamit.

"kailangan mo ng tulong?"

She paused for a moment at tumingala siya to know kung sino iyon.

Then, he noticed a guy na nakasuot ng black cloak and red silky cloth sa pang-ilalim with his long and dark silky pants. Nakaface mask siya this time kaya the girl couldn't identify him.

"who are you?" bahagyang napaatras ang dalaga ng makatayo siya, thinking that it could be someone na kasama nung mga naghahanap sa kanya.

Dahil sa reaction ni Dorcy, napilitan ang binata na ipakita ang mukha niya. He has this blue marble eyes, pointed nose, with naturally red lips and may maamo na mukha. He also has a scar on his cheeks. When Dorcy saw his face, she somewhat thinks of someone that resembles him pero hindi mahagip ng ala-ala niya kung sino iyon particularly.

"I can help you, I know na galing ka sa Sky City" she was shocked kasi hindi niya iniexpect na someone like him could easily identify her coming from that place.

Kaya napatitig na lang ang dalaga sa kanya. Hindi niya rin kasi alam kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang stranger na ito.

But then, she realized that she has no choice either...

Hindi pa siya masyadong familiar sa lugar kung nasaan siya ngayon so naisip niyang mas makakabuti na rin iyon sa kanya.

"paano ako makakasigurong hindi mo ako sasaktan?" tanong ng dalaga.

"kasi kailangan ko rin ang tulong mo" he said.

"tulong? in what way?"

"para makapasok doon" tapos itinuro niya ang Sky City.

"but why?" Dorcy asked na punung-puno ng curiosity.

"saka ko na sasabihin sa iyo kapag natulungan na kita. Sumunod ka sa akin" tapos naglakad na ito sa sulok ng kinatatayuan nila. Marami kasing mga establishments and buildings sa Ner, halos magkakadikit-dikit lang ang mga ito kaya medyo masikip ang lugar. Pero despite of that, minabuti pa rin ng dalaga ang sumunod sa binata.

"by the way, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" she asked while walking.

"L" tipid na sagot ng binata sa kanya.

"L? that's your name?"

"yes"

(nagkaroon ng katahimikan)

Then suddenly, tumigil na siya sa paglalakad. He entered some secret passcode sa door before ito automatically na nagbukas paitaas.

"come inside" sabi ng binata.

Medyo naghesitate pa ang dalaga dahil walang ibang tao sa loob kundi ang binata lang. And iniisip rin niyang mahihirapan siyang humingi ng tulong in case na may gawin itong masama sa kanya.

"uh...."

But nagulat na lang siya kasi hinawakan ng binata ang kanyang kamay at hinila na papasok.

He turned on the lights and bumungad sa dalaga ang iba't-ibang experimental units and equipments sa tables and may mga computers ding nakaprogram sa gilid.

"no way, you're good on these stuff?" manghang tanong ng dalaga sa kanya.

"not really" sabi niya habang hinuhubad ang cloak na suot niya.

Tapos may napansin ang dalaga sa isang glass box.

"teka, is that atomic number 59?" she said while pointing on its small fragments.

"tama, its Praseodymium." sabi ng binata nang pagmasdan din ito katabi ang dalaga.

"how did you get it? I mean, its a rare earth material"

"nakuha ko ito nang may nangyaring pagsabog sa itaas" he answered.

"really? so, anong plano mong gawin dyan?"

"I can make a prototype of this" lumapit siya sa isang transparent board at ipinakita ang picture ng Dark Iron.

"seriously? impossible. Hindi mo ba alam kung ilang taon ang iginugol ng mga experts sa LSI para lang mabuo ang tinutukoy mo?" she said.

"Just trust me. Bigyan mo lang ako ng isang buwan, I can do it"

"isang buwan LANG?"

He nodded.

He's really serious about it. And she's starting to be amazed sa binata kahit ngayon lang sila nagkita. Even if hindi kapani-paniwala para sa dalaga ang mga sinasabi nito, part of her is still hoping na sana, it can be true.

"fine. I'll help you with your plan. I hope na hindi masayang ang isang buwan na effort ko with you."

"okay, don't worry I'll promise you with that"

Dahil sa sinabi ni Dorcy, nagkaroon ng lakas ng loob ang binata para tapusin ang kanyang nasimulan. Dahil lingid sa kaalaman ng dalaga, nanggaling na sa itaas ang binata.

-----------

Oubliette, sa loob ng LSI Territory.

Labis na ang pagsisigaw ng propesor sa loob dahil sa init na nararamdaman. Tagaktak na ang pawis nito at namumula na ang kanyang balat dahil napapaso na ito sa sobrang init.

Kasama niya sa paghihirap na iyon ang isang lalaking nakaupo lang at tahimik na nakasandal sa wall. Basang-basa na rin ang kanyang buong katawan ng pawis. Pero nanatili pa rin siyang kalmado at walang imik.

"pakawalan niyo ako dito!!!!" sigaw ng Propesor habang pinupukpok ang one-way mirror.

(one-way mirror- reflective sa side niya kaya wala siyang makikita from the inside pero opposite naman kapag nasa labas ka in which you can see the person clearly na nasa loob)

"pakawalan niyo ako sabi!!!"

Ilang minuto na niya iyong ginagawa ngunit wala pa ring dumidinig sa sigaw niya.

"stop it"mahinang sambit ng kasama niya sa loob. Nanghihina na rin ito pero nagagawa pa rin niyang magtiis sa sobrang init.

Dahil dito, natigilan saglit ang Propesor.

"sa tingin mo ba, papakawalan ka nila sa ginagawa mo? Hindi ka nila papakawalan hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila"

Napaupo sa sahig ang Propesor dahil sa mga narinig. He's being hopeless right now, iniisip na niyang sabihin kay Lorcan kung nasaan na ba talaga ang Dark Iron.

"pero bago ka sumuko sa mga iyon, pag-isipan mo munang mabuti...kasi ayon sa mga naririnig ko, walang nakakalabas ng buhay dito."

"hin_di ka ba natatakot na mamatay?" tanong ng Propesor sa kanya.

"mas madaling mamatay kesa ang mabuhay. Pero mas masarap mabuhay kesa ang mamatay" tanging sabi nito.

Tumagos naman iyon sa isipan ng Propesor at naisip niyang tama ito.

Ilang saglit pa, huminto na ang pagpapahirap sa kanila. Bumukas bigla ang pinto sa ibabaw at nakita nila si Leander.

"ano na Professor, sasabihin mo ba sa amin o hindi?" tanong ng binata.

Nanatiling tikom na lang ang bibig ng Propesor.

Ayaw niyang sumuko kasi may mga plano pa siya. And iyon ang malaking sikreto na ayaw niyang mabisto sa mga pagkakataong iyon.

"ayaw mo huh? sige, magdusa ka" tapos isinara na ng binata ang pinto sa itaas.

Another update later! Mwah.

MissKc_21creators' thoughts