webnovel

20

NANGHIHINANG pumasok si Anikka sa kabahayan ng mga Alcala. Tahimik at nakapatay ang mga ilaw sa loob tanda ng kawalan ng tao. Galing siya sa ospital at magdamag naroon hanggang sa dumating ang ina ni Menriz.

Thinking about the incident now makes her want to crumble into pieces. Menriz was hit by a car because of her. Nang makita niya ang sakit na bumadha sa mga mata nito nang makita nito ang pag-akap sa kanya ni Andrew ay alam niyang iba na ang naging pakahulugan nito. And she was very eager to explain herself to him and tell him that he was the one she loves. That she finally realized her own feelings kaya naman tinakbo niya ito kahit pa alam mabilis ang pagpapatakbo ng mga sasakyan sa bahaging iyon. Mabuti sana kung siya na lamang ang nasagasaan, hindi sana ganoon kamiserable ang nararamdaman niya. She was sure she had hurt him emotionally, ngayon ay parang hindi pa siya nakutento, she has also caused him physical pain.

Handa na siyang tanggapin ang sampal ng Mommy nito o ang masasakit na salitang manggagaling dito ngunit hindi iyon dumating. Inakap lamang siya ng Mommy nito at wala na siyang iba pang nagawa kung hindi umiyak at humingi ng tawad dito.

"It will be more painful for him kung ikaw ang nasa operating room ngayon. It was his choice to protect you, and I'm very proud of him." Iyon ang sabi ng Mommy nito nang magawa niyang ilahad rito ang mga nangyari. She even wiped her tears away. "Don't worry iha. My son is strong. He will never leave us. He will never leave you."

And waited together for any news about Menriz. Ilang oras din ang naging operasyon bago lumabas ang doktor at binigyan sila ng balita. The operation went well according to the surgeon but he was still under constant observation. As to when he would be waking up, the doctor cannot give them a direct answer. It will be up to the patient's willingness to wake up, he said.

And that statement scared Anikka. Hindi mawala sa isipan niya ang sakit na bumalatay sa anyo nito ilang oras pa lamang ang nakakalipas. Kung dahil sa pangyayaring iyon ay mahirapan itong bumalik sa kanila, hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Not because she was guilty, but because she loves him.

Pinauwi siya ng Ninang niya pagkatapos nilang makausap ang doktor upang makapagpahinga sia. Tumanggi siya ngunit pinilit siya nito. Baka pati raw kasi siya ay ma-confine sa ospital kung hindi siya magpapahinga. Pumayag na rin siya.

At ngayong nasa bahay na siya ulit ay parang gusto niyang bumalik nang muli sa ospital. Gusto niyang batayan si Menriz hanggang magising ito ngunit hindi niya alam kung may karapatan pa siyang gawin iyon. He was at that state because of her. Kung magagalit nga ito sa kanya sa oras na magising ito ay maiintindihan niya.

Dumiretso siya sa garden ng bahay nang hindi man lamang binubuksan ang mga ilaw sa loob. Madaling araw at madilim sa paligid ngunit wala siyang pakialam. She felt suffocated inside the house. Idagdag pang hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit kapag naaalala niyang dapat ay magkasama sila ni Menriz sa bahay na iyon ngayon kung hindi dahil sa kanya.

Nagulat siya nang pagbukas niya nang pinto ay nagliwanag ang paligid. Nagkalat ang mga maliliit na ilaw sa paligid na awtomatikong bumukas kasabay nang pagbubukas ng pinto. Sa gitna ng liwanag ay nakatayo ang isang lamesang napapalamutian ng bulaklak sa gitna. May dalawang platong nakapatong doon, mga kubyertos at mga kopita. Sa paligid niyon ay may dalawang upuan. It was a a dinner table for two. Bumundol ang kaba sa dibdib niya. Was this prepared by Menriz? Kaya ba ito wala buong araw sa opisina?

Nang muli niyang ilibot ang tingin sa paligid ay napansin niya ang isa pang lamesang nakaset-up sa di kalayuan. Nakapatong doon ang isang laptop at isang projector. Nakatapat ang projector sa puting dingding ng kabahayan. Una niyang inasikaso ang laptop at binuksan iyon. Nang bumukas sa wakas ang laptop ay bumungad sa kanya ang isang larawan. A picture of her when she was in high school. She was even wearing her school uniform.

And then she realized that it was not really a picture. It was a video.

Pinindot niya ang switch ng projector. Her picture was suddenly projected on the wall. At sa nanginginig na kamay ay p-in-lay niya ang video.

It was a slide show of her pictures. Mayroong naka-school uniform siya, Mayroon ding hindi. May mga picture ding kinuhanan sa bahay ding iyon. It was a collection of her pictures. All were stolen shots but captred well. At hindi niya alam na may mga picture pala siyang ganoon. Were the pictures taken by Menriz?

And as if to answer her question, maya-maya ay humalili ang mukha nito sa video. Bigla parang gustong mag-unahan ng mga luha niya. Ang damit nito sa video na iyon ay ang damit ding suot nito ng maaksidente ito. So it was really prepared by him just before he had that accident.

"Hi Anikka." Simula nito. "I know I'm not good with words. Kung hindi, sana noong high school pa lang naging tayo na. But I know sooner or later, I would have to be perfectly honest with you or I might lose you. So kung katabi mo man ako, which I am sure of, please refrain from looking at me or laughing. You should know that this is embarrassing just as it is already. So here goes..." tumikhim ito.

"Alam mo bang noon palang una kitang makilala bilang kinakapatid ay nagkaroon ka na ng puwang sa puso ko. You were that cute girl I never get tired of looking. Kaya nga sa tuwing magpapasukan, lagi kong ipinipilit kay Mommy na ipasok ako sa eskuwelahan kung saan ka pumapasok. Yes, it's true. Hindi coincidence lang na lagi tayong schoolmates. It was always manipulated by yours truly." Inilapat pa nito ang palad sa dibdib. "Noong una akala ko fascinated lang talaga ako sa'yo. Then I started having a crush on you. Kaya sa tuwing makikita kong itinatapon mo ang mga love letter na para sa akin ay natutuwa ako. Iniisip kong kaya ka naiinis dahil nagseselos ka at may gusto ka din sa akin. Until tha day you said you don't like me. Medyo nainis ako sa'yo noon at hindi ko matanggap na magkaiba tayo ng nararamdaman that was why kissed you. At iyon ang pinakatamang nagawa ko sa buong buhay ko kahit pa natikman ko ang kamao mo. Pero please 'wag mo na kong susuntukin ulit. Masakit eh."

Naitakip niya ang palad sa bibig kasabay ng paglalandas ng mga luha sa mga mata niya. Why does he has to be so sweet?

"But then you and your Dad left. I wanted to make you stay. To say that I like you and to just stay with me but I can't. I was still a student then. Isa pa, you were hurt when your Mom died. Alam kong makakatulong sa'yo ang paglayo. So I just let you leave. Ang sabi ko sa sarili ko, kung para sakin ka talaga, you would come back. Kapag hindi ka bumalik, then I'll come find you. Ang talino ko 'di ba?"

Bahagya siyang natawa kahit pa lumuluha pa rin. Kahit kailan talaga, mautak ito.

"I'm saying I won't ever let you go. And now that you've come back, I intend to make you fall for me starting with this. At hinding hindi ako magsasawang gumawa ng mga bagay na makakapagpasaya sa'yo. I know you've been hurt from the past. Dahil sa bago mong pamilya at sa ex mong mukha naman yatang paa. But I promise you from now on, I will make you happy. Ipupusta ko lahat ng yaman ko pati kayamanan ng magagaling kong kaibigan, mapasaya lang kita. Give me a chance to prove myself to you, please? I want to be that man who would make you happy for the rest of your life. I love you, Anikka."

Sa mga huling kataga nito ay hindi na niya napigilan ang sarili. Napahikbi siya habang nakasapo pa rin ang palad sa bibig niya. There, he said it. He loves her. Kahit pa napatunayan na niya iyon nang saluhin nito ang aksidenteng para dapat sa kanya. But hearing it from his own mouth makes her happy and sad at the same time. Wala itong ginawa sa buong panahong nakilala niya ito kung hindi ang tulungan siya. Ang umalalay sa kanya. When her Mom died, naroon ito sa tabi niya kahit pa itinataboy niya ito. Maging nang bumalik siya ay ito ang laging nasa tabi niya. Ipinagluluto siya, inihahatid at isinasabay pauwi, ipinagtatanggol siya sa bruhang stepsister niya. Ito ang dahilan kung bakit sa saglit na panahon ay nakalimutan niya ang sakit na dulot nang nangyayari sa pamilya niya. Nang panloloko sa kanya ng ex fiancé niya. Lahat ng ginawa nito ay para sa kanya. And he succeeded on his goal. She fell in love with him. Pero hindi pa siya nito binibigyan ng pagkakataong tumbasan ang nararamdaman nito. Now he was in the hospital and she cannot do anything for him.

Hindi pa niya nailalabas ang lahat ng nasa dibdib niya ay nakarinig siya ng kaluskos. Did she even bother to lock the front door? Nang mag-angat siya ng tingin ay humantong iyon sa nag-aalalang mukha ng Daddy niya.

"D-dad?" nagawa niyang isatinig.

Nagmamadali namang lumapit sa kanya ang ama.

"What happened? Bakit ka umiiyak?"

"W-what are you doing here?"

"Tinawagan ako ni Menriz ng ilang beses. Kinausap niya ako tungkol sa pamilya natin, sa nararamdaman mo at sa kung paano ko maibabalik ang pagsasama nating ako din naman ang sumira. I have neglected you, sweetheart, and I'm sorry. Kaya ako pumunta rito para makapag-usap tayo. Para ayusin ang lahat." Mahabang paliwanag nito. "Kanina pa akong nasa pinto at nagdu-doorbell pero walang sumasagot hanggang sa malaman kong bukas ang pinto. I saw the lights here kaya dito ako dumiretso. What happened iha? Why are you crying?"

Kung ganoon maging ang problema nila ng ama ay ginawan na rin ng paraan ni Menriz. Muli siyang napahagulgol at hindi na rin nakapagpaliwanag sa ama.

Naramdaman niya ang pagbalot ng mga bisig ng ama sa katawan niya. Lalo namang lumakas ang pag-iyak niya. Ang bigat bigat ng dibdib niya. Menriz was always looking after her. Always. At ang tangi niyang nagawa para rito ay ang maging dahilan para masaktan ito.