"Anikka Cassandra Endrade, what is your problem?!"
Tila na-estatwa sa kinatatayuan si Anikka nang sa pagpasok pa lamang niya sa loob ng kabahayan ay ang dumadagundong na boses na ng ama ang narinig niya. Not to mention, tinawag pa siya nito sa buo niyang pangalan. And when he does that, she was in trouble for sure.
"D-Dad—"
"You created a scene in public! Hindi ka na nahiya at idinamay mo pa ang kapatid mo!"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ng ama pagkuwa'y napaismid. So that was the root of her Father's anger? Ang kaninang takot na naramdaman niya ay napalitan ng inis. Mukhang naikwento na siya sa ama, at kung sino man ang nagkuwento ng nangyari ay pinag-effort-an iyong i-edit kaya naman sa kanya ngayon galit na galit ang ama. At pupusta siyang ang madaldal na nagparating niyon sa ama ay ang malandi niyang stepsister. And true enougn, bumungad sa paningin niya ang nakangising mukha ng babae nang tingalain niya ang ikalawang palapag ng kabahayan. Prenteng nakapatong ang mga braso ni Pia sa barandilya at nakatunghay sa kanilang mag-ama. Sa pagkakangisi nito ay mahahalatang nag-eenjoy ito sa panonood sa kanila.
Ngali-ngaling pukulin niya ito ng sapatos niyang pamatay ang takong kung hindi lang nasa harap niya ang ama at malamang na lalong sasama ang tingin nito sa kanya oras na pag-initan niya ang stepsister niya.
"I see. Nakapagsumbong na naman pala sa inyo ang magaling niyong ampon."
"Anikka! That's not the way to address your sister!" nanlalaki ang mga matang sabi ng ama.
Ngunit kahit pa mukhang sasakalin na siya ng ama ay hindi siya nakaramdam ng takot. Sa halip ay lalo lamang siyang nainis. Siya itong kadugo nito ngunit pinagagalitan siya nito nang hindi man lamang pinakinggan ang panig niya?
Sabagay, palagi namang ganoon ang nangyayari simula nang mamatay ang Mommy niya at mag-asawa itong muli ilang taon pagkatapos nilang manirahan sa America. Noon din niya nakilala ang stepsister niyang ka-edad lamang niya. Tinanggap niya sa pamilya ang mag-ina dahil na rin alam niyang nalulungkot ang ama ngunit magmula noon ay naging masama na rin ang tingin ng ama sa kanya at iyon ay dahil na rin sa paninirang ginagawa ng asawa nito at ng anak. Sa tuwina ay ugali ng Tita Malou niya ang utusan siya kahit pa sandamakmak ang attending maids sa bahay na iyon. Ngunit dahil may isip na siya nang dumating ang mga ito sa buhay niya, hindi niya hinayaang apihin ng mag-ina. Palagi ring naiinis ang mga ito sa kanya kaya naman gumagawa ang mga ito ng paraan upang mapagalitan siya ng ama. At sa paglipas ng mga taon ay nagawa ng dalawang pasamain siya sa tingin ng ama. Kesyo wala siyang galang sa madrasta niya. Na sinasaktan daw niya ang stepsister niya kahit na sa tuwina naman ay ito ang nauunang manakit at gumaganti lang siya kapag napipikon na. Na nagbo-boyfriend lamang daw siya sa unibersidad kahit pa kaibigan lamang naman niya ang lalaking nakita ng stepsister niya na kasama niya.
Oo, ipinapaliwanag niya ang panig niya, ngunit iilan lamang naman doon ang pinakikinggan ng ama. Madalas ay siya pa ang masama dahil sinasabi niya raw na sinungaling ang madrasta at ang anak nito samantalang inaalala lamang daw naman siya ng mga ito. And her stepsister was too modest to hurt her, her Dad said. In short, she was branded a liar.
At sa paglipas ng panahon ay nawalan na rin siya ng ganang magpaliwanag sa ama sa tuwing sisiraan siya ng asawa nito at anak niyon. It was just getting tiring when he does not even listen to her.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay wala siyang balak na manahimik lang. She was hurt because of what she found out that day at wala siyang balak na lalo pang sumama ang loob kung hahayaan lamang niyang pagsabihan siya ng ama kahit na hindi naman siya ang may kasalanan.
Sa pagkakaalala sa dahilan ng sama ng loob niya ay bumangon na naman ang inis.