webnovel

BABY YOU'RE MINE

"Find her! " Wala akong ibang maisip kundi ang tumakbo ng tumakbo kahit dumudugo ang paa ko ay hindi ko ininda ang sakit. Bakit nga ba ako napasok sa sitwasyong ito, everything was fine a week ago. Masaya ako at kontento sa buhay ko may trabaho ako at kumikita ng sapat. Pero nagbago ang lahat nang magtagpo ang landas namin ng kakambal ko. She was in mess, begging for my help and as her sister I helped her, pero hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang pinasukan ng kapatid ko. And now the whole Mafia in the country is chasing me with a bounty on my head! Nang makatakas ako sa impiyernong lugar ba iyon ay agad akong tumungo sa apartment na tinutuluyan ko, I know I'm a mess and smells like shit. Alam kong mukha na akong ginahasa dahil sa itsura ko, pero masisis niyo ba kung totoong ginahasa talaga ako. I knock 3 times pero hindi ako pinagbubuksan ng pinto ng kapatid ko, kinakabahan na ako at kinakain ng takot nanginginig din ang tuhod ko na parang di na kayang suportahan ang katawan ko. Then finally bumukas ang pinto pero di ang kapatid ko ang nagbukas ng pinto it was a stranger! My mouth was in 0 shape. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, and he is half naked tanging ang tuwalya lang ang nagsisilbing takip sa pang ibaba nito. "Honey who's that?" Alam kong ang kapatid ko iyon na kakalabas lang ng banyo at nang magtagpo ang mga mata namin ay isang ngisi ang natanggap ko mula sa kanya, hindi ito ang inaasahan kong reaksyon sa kapatid ko. Kadugo ko siya, kakambal, kapatid ko siya pero bakit ganito parang mas nasisiyahan pa siya sa sitwasyon ko. Then little did I know inangkin na niya ang pagkatao ko. Ang sarili kong kapatid, kadugo, kapamilya ay pinagsarahan ako ng pinto sa sarili kong apartment habang inaangkin ang pagkatao ko. Walang tigil ang mga luha ko sa pagtulo, kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa pagod, wala akong ibang magawa kundi ang umalis at nagtungo sa bahay ng isa kong kaibigan pero tulad ng kapatid ko, tinalikuran nila ako. Habang naglalakad ay napaluhod nalang ako sa simento, at walang tigil na pagtulo ng mga luha ko. Binaboy ako, tinalikuran ng sarili kong kapatid at ngayon wala manlang kahit isang taong tumulong sakin halos tatlong araw na ako dito sa lansangan umaasa sa mga pagkaing tira tira sa mga fast-food. Hanggang sa may nagsalita mula sa likuran ko. " I told you baby. You can ran but you can never hide from me." Halos maduling ang mata ko sa naririnig ko. Bakit siya pa ang taong kumuha sa dangal ko.

ANGELINE_BENIAL · ไซไฟ
Not enough ratings
42 Chs

CHAPTER 36

Masayang lumapit si Billie habang may dalang summer dress, masaya niyang linapitan ang ina at walang sabi-sabing itinulak ang wheelchair patungo sa dressing room malaki ang ngiti ni Billie habang nasa loob sila ng dressing room habang tinutulungan ang ina nitong magpalit ng damit. Pagkatapos ay naunang lumabas si Billie na proud na proud na nakatayo sa harapan ng dressing room.

"Hehehe.....Beatrix tignan mo toh!" Sigaw ni Billie sa kapatid nito na nasa harapan ng mga tsinelas at mukhang namimili rin siya para na ina nito.

Nang marinig ni Beatrix ang sigaw ni Billie ay agad siyang napatingin sa dressing room at doon lumabo ang nanay nilang masayang nakangiti dahil sa kasuotan nito na binili at pinili mismo ni Billie para sa kanya. Tinignan niya ang ina mula ulo hanggang paa, at mabuti nalang at may napigilan tsinelas si Beatrix na babagay sa suot ng nanay nito. Nakangiti siyang naglakad patungo sa kinaroroonan nila at lumuhod para pantayin ang nanay nito at pinasuot sa paa nito ang tsinelas na napili ni Beatrix.

"Ayan bagay," sabi ni Beatrix.

Pinuri naman nila Hellion at Dhom ang nanay nila Billie at Beatrix. Samantalang si Luka naman ay napahawak sa baba nito habang sinusuri ang nanay nila Billie at Beatrix.

"May kulang," sabi nito sabay lingon sa gilid niya at doon may nakita siyang bulaklak. Kumuha siya ng isa rito at banayaran. Pagkatapos ay siya naman ang lumapit at linagay ang bulaklak na nabili nito sa tenga ng nanay nila Billie at Beatrix.

"Much better," sabi nito habang pumapalakpak.

Nahihiya namang napatingin ang ina ng dalawa sa salamin at tulad ng mga komento nila, maganda nga ito.

"Yan mas gumanda ka pa tulad ko," masayang saad ni Billie sa nanay nito sabay hawak sa kamay.

Napahawak rin naman si Beatrix sa isang kamay ng ina nila habang masayahing namati sa repleksyon nila sa salamin.

At doon naman sila kinuhanan ng litrato ni Luka gamit ang selpon nito, napangiti siya dahil maganda ang pagkakakuha. Ilang litrato pa ang nakuha ni Luka.

Hanggang sa natigilan silang lahat dahil sa pagdating ni Callisto.

"Well...well...well...what a happy family to see..." Sabi nito sa kanila. Agad Namang napaligaya sila Dhom, Hellion at Luka kung saan nanggaling ang boses ni Callisto.

Paglingon nila ay nakita nila itong nakataas ang isang kilay habang may ngisi sa labi.

"What are you doing here?" Mataray namang tanong ni Luka dito pero napatawa nalang si Callisto sa tanong ni Luka at napailing pa.

"Oh...Luka my dear ex-friend this is Boracay! Everyone is welcome to come here." Sarcastic na sagot nito habang tumatawa na para bang ang tanong ni Luka ang pinaka nakakatawang tanong na narinig niya.

"Oh yeah I forgot such a stupid question to ask...but thank you for reminding me the Ex-friend kasi EXPIRED ka na...and expired people like you are not welcome to this place lalo na't puno ng ka-toxic-kan ang buo mong pagkatao." Sagot naman ni Luka kay Callisto.

Napaligaya naman sila Billie at Beatrix kung saan nakita nila sila Luka at Callisto na nagsasagutan habang nanonood lang ang dalawang lalaki sa kanila.

Tulak-tulak ni Billie ang wheelchair ng ina nito habang naglalakad palapit kila Dhom at Hellion.

Nagsalita ang mga titig nila Callisto at Billie na maslalong nagpakulo kay Callisto dahil sa sobra-sobrang galit at inggit na nararamdaman nito ay malakas niyang tinulak si Luka sa buhangin at pinagkakalmot ang mukha nito, mabilis Namang lumapit ni Beatrix si Callisto nang agad na napatayo si Callisto at lumayo kay Luka. Nakangisi itong nakatingin sa kanila at hindi naglaon may binunot siya sa sling bag nito isang baril.

Kinuha ni Callisto ang BARIL sa sling bag nito at mala-demonyong napatawa habang kitang-kita niya saa mga pagmumukha nila ang takot na baka isa sa kanila ang mabaril nito.

"Callisto drop the gun," mahinahong saad ni Hellion habang linalapitan ito pero agad na tinutok ni Callisto ang baril kay Hellion.

"Anong tingin mo sakin bobo, pasensyahan nalang tayo." Sagot nito kay Hellion.

"Drop the gun and we'll talk," sabi naman ni Dhom pero natawa lang si Callisto dito.

"Callisto pwede naman nating pag-usapan ito." Sabi naman ni Billie at dahil dito ay linipat ni Callisto ang pagkakatutok ng baril kay Billie. Mabilis Namang tinago ni Dhom ang asawa nito sa likuran niya.

"Dhominic come back to me," sabi ni Callisto habang nakangiti at kita sa mukha nito na desperada na siyang makuha si Dhom kay Billie. "Darling come back to me," sabi ulit ni Callisto.

Pero napailing nalang si Dhom dito, kaya dahil sa dismaya ay pinaputok ni Callisto ang baril at tumama iyon sa may paanan ni Dhom.

Dahil sa ginawa ni Callisto ay nabahala at nagkagulo ang mga tao sa Boracay, ang Ilan ay napapatakbo habang ang ilan ay hindi makagalaw sa kinatatayuan nila at ang iba ay nirereport sa mga pulis.

Nanlaki ang mata ni Dhom dahil sa ginawa ni Callisto, at nanlilisik ang mga mata nito na napatingin sa kinatatayuan ni Callisto na nakangisi habang ang baril Niya hawak ay nakatutok sa isa sa kanila.

Gustong agawin ni Beatrix ang baril na hawak ni Callisto pero hindi niya magawa dahil may kalayuan sila sa isa't isa at kung aagawin niya man ito ay baka hindi niya pa naagaw ang baril ay nakahandusay na siya sa buhangin.

"Kung kailangan kong patayin ang lahat ng mga babaeng umaaligid sayo gagawin ko...kung kailangan kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo gagawin ko...kung kailangan kong patayin yang asawa mo kasama ng anak niyo gagawin ko kung yan lang ang paraan mapasakin ka muli ay hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon!" Sigaw ni Callisto kay Dhom, at mabilis na pinaputukan ng baril si Dhom pero hindi kay Dhom tumama ang baril kundi sa nanay nila Billie at Beatrix. Tinamaan ito sa dibdib kung saan napasigaw sila Billie at Beatrix. Hindi na nagdalawang isip na linusog ni Beatrix si Callisto pero hindi pa man siya nakakalapit dito nang bigla siyang nawalan ng balanse at napadapa sa buhangin. Nagtata siyang napatingin kay Callisto na malawak ang ngiti na nakatingin sa kanya habang nasa buhangin siya.

"Wrong move Beatrix," natatawang saad nito. Samantalang si Hellion naman ay nagwawala pero pinili lang siya ni Dhom dahil baka matulad siya kay Beatrix.

Samantalang walang humpay naman sa pag-iyak si Billie dahil sa pagkakabaril ng ina nito na ngayon ay unti-unting nanghihina.

"Mama!" Sigaw ni Billie habang umiiyak. "Walang hiya ka Callisto!" Sigaw nito sa gitna ng pag-iyak niya samantalang tawang-tawa naman si Callisto sa nakikita niya.

Nagwawalang napasigaw si Hellion at mabilis na inagaw ang baril ni Callisto at itinutok ito sa pagmumukha ni Callisto.

"I Will kill you!" Sigaw ni Hellion habang hawak ang baril ni Callisto. Napahalakhak ng malakas si Callisto bago salubongin ang nagliliyab sa galit na si Hellion. Lumapit pa nga ito at itinapat ang bungo nito sa baril na hawak ni Hellion.

"Do it the kill me Hellion!" Nakangising saad ni Callisto, nanatiling nakatayo si Callisto sa harapan ni Hellion at hinihintay itong iputok ang baril pero hini magawa-gawang paputokin ni Hellion ang baril.

Natatawa namang naglakad si Callisto sa kinaroroonan ni Beatrix, habang nakatulog sa kanya ang baril pero wala siyang pakialam dahil alam niya hinding-hindi siya babarilin ni Hellion.

Nang nakalapit na si Callisto kay tapat ni Beatrix ay agad niyang tinapakan ang bandang tagiliran ni Beatrix kung saan niya iyo nabaril.

AAhhhh!!!!

Napasigaw si Beatrix sa sakit dulot ng pagkakaapak ni Callisto sa sugat nito.

"Stop!" Sigaw ni Hellion pero mas idiniin pa ni Callisto ang pagkakaapak sa tagiliran ni Beatrix.

"Then make me," sabi naman ni Callisto pero ang hindi niya alam ay nasa likuran na niya si Dhom at malakas niyang hinampas sa likuran si Callisto gamit ang kahoy na nakita nito. Dahil sa lakas ng pagkakahampas ni Dhom ay napadapa si Callisto sa buhangin.

Mabilis na binitawan ni Hellion ang baril at napatakbo patungo kay Beatrix na nanghihina dahil sa dalawang tama ng baril sa kanya sa paa at sa tagiliran nito.

Ilang sandali ang lumipas nang dumating na ang ambulansiya at mga pulis, agad nilanh sinakay sa ambilansya si Beatrix kasama ang nanay nito habang si Callisto ay nasa kamay ng mga pulis.

Nang masiguro ni Callisto na naisakay na sa ambulance sila Beatrix at ang ina nito nang mabilis na napatakbo si Callisto habang may ngiti sa labi, mabilid siyang nagtago sa likod ng mga puno ng niyong nang biglang sumabog ang ambulansiyang kinaroroonan ni Beatrix.

Dahil sa pagsabog na iyon ay tumilapon sila Dhom at Hellion mabuti nalang at nakapagtago sila Luka at Billie sa mga puno mga niyog.

Pagtingin ni Hellion sa ambulance ay naluluha siyang napasigaw dahil ang ambulansya ay lumiliyap sa apoy. Agad na napatayo si Hellion at napatakbo pabalik sa ambulansiya pero hindi pa siya nakakalapitnang pinigilan siya ng mga pulis.

"Bitiwan niyo ko....ililigtas ko lang sila... ililigtas ko Lang amg taong mahal ko.... parang awa niyo na... ililigtas ko lang si Beatrix!" Sigaw nito habang nagpupumilagas pero sadyang maraming pumipigil sa kanya kung kayat hindi siya nakalapit sa lumiliyab na ambulansiya.

Tuluyan nang napaluhod si Hellion sa buhangin at nagmamaakawa sa mga pulis.

Samantala si Billie ay nalulunod sa sarili nitong mga luha dahil ang nanay at kaptid nito sabay na kinuha sa kanya.

Naiiyak na napayakap si Billie kay Luka at dahil hindi niya nakayanan ay nawalan siya ng malay agad namang humingi ng tulong si Luka kay Dhom.

Hindi alam ni Dhom ang gagawin, nawawala siya sa sarili niya natauhan lang siya nang malakas siyang sinampal ni Luka sa mukha.