webnovel

Avenue Of Escape

Paano kung ang inakala mong paraiso ay isa rin palang impyerno? Kanino ka tatakbo kung ang mga taong dapat pumoprotekta sa'yo ay ang mismong nanakit at nang-aabuso sa'yo? Paano ka tatakas kung ang mismong buhay na meron ka ang nagsisilbing kulungan mo?

kristinfinityy · วัยรุ่น
Not enough ratings
8 Chs

Four

Disclaimer: This story contains violence, strong language, family issues, abuse, suicide ideations and other mature content. If you are under 18 and/or going through something, please drop this book.

QUESHA

Hindi pa halos sumisikat ang araw ay gising na kami ni Kaylen kahit na kulang ang tulog naming dalawa. Dahil maaga pa nga ay napag-pasiyahan naming maglibot sa buong bahay. Mas nakita namin ang ganda ng buong bahay--o mas tamang sabihing mansion dahil sa laki nito.

Tatlo ang palapag nito at sa pakiwari ko'y dalawang basketball court ang katumbas ng laki ng bawat palapag na iyon. Ang ikalawang palapag, kung nasaan ang kwarto namin, ang una naming inikot. Wala namang kahit ano doon bukod sa limang kwarto na halos katulad lang din ng disenyo ng kwarto namin.

Sunod naming inakyat ang ikatlong palapag. Ang unang kwartong bumungad sa amin ay naka-lock. Marahil ay doon natutulog si Papa dahil ang ibang kwartong katabi noon ay hindi naman naka-lock.

Ang sumunod na kwarto ay puno ng mga paintings na may iba't-ibang laki at kulay. Ang ganda at sarap sa matang pagmasdan ng mga iyon ngunit nagulat ako nang mapagtanto kung ano ang mga nakaguhit sa mga paintings na iyon. Kung hindi mga pribadong parte ng tao ay mga batang walang saplot ang naroon.

Ang pinakamalaking painting na naka-display doon ay isang batang nakatuwad sa mesa, nakadapa habang may piring ang mga mata at may tali sa kamay, habang tila nakadagan ang isang lalaki sa kanyang likuran.

Agad kong hinila palabas nang silid na iyon sa Kaylen at pumasok sa isa pang kwarto. Kung kanina'y puro paintings, ang kwartoong ito naman ay puro litrato na iba iba rin ang laki ngunit katulad kanina ay puro kalaswaan ang nasa larawan at halos bata ang karamihan no'n.

Hindi ko alam kung bakit puro ganoon ang gamit ni Papa gayunpama'y ipinag walang bahala ko iyon. Dali-dali kong hinila palabas si Kaylen.

Sunod naming nilibot ang malawak na bakuran. Sa paglabas ay mas nakita namin ang tunay na ganda ng mansion. May kalumaan ang disensiyo ngunit makikitaan mong matibay at humihiyaw ng karangyaan.

Mas napansin ko din na sobrang lawak ng bakurang nakapalibot sa mansion. Maliit na sa paningin ko ang gate sa layo no'n na sa tingin ko'y kung lalakarin ko lang ay aabutin ako ng siyam siyam.

Malinis ang paligid kahit na karamihan sa mga halamang nandoo'y kung hindi patay o tuyo ay damong ligaw.

Nang mabusog ang mga mata nami'y bumalik kami sa loob at napagpasiyahang maghanda ng almusal.

At tulad ng napansin namin ay wala halos makikitang ibang bahay na nakatayo malapit dito kundi mga nagtataasang kahoy.

"Paano pala ang pag-aaral mo, Quesha?" Untag ni Kaylen habang nagbabati ng itlog. Isinalin ko muna ang mainit na tubig sa thermos bago siya sinagot.

"Hindi ko pa alam. Hindi ko rin napag-isipan 'yan. Pero siguro ay lilipat na lang ako sa school na malapit dito. Kakausapin ko rin si papa na pag-aralin ka. Mukhang kaya niya naman, e."

"Kahit hindi na. Okay na 'ko na nakaalis na 'ko sa puder ni Tiya Benilda. Basta pangako mo, kahit magkaroon ka ng bagong kaibigan, ako pa rin bestfriend mo, ha?"

"Arte mo. Hindi bagay sa 'yo."

"Tss. Wala kang kwentang kausap." Nakakunot ang noo at bakas ang pagkainis sa mukha niya. Ilang segundo rin akong nakatitig kay Kaylen dahil sa tinuran niya at napabunghalit ng tawa.

Tinaasan niya ako ng kilay, nagma-maldita. Lumapit at yumakap ako sa likod niya.

"Biro lang. Syempre hindi kita ipagpapalit."

"Talaga?"

"Oo naman! Walang tatalo sa amoy mong nananapak."

"Hindi ka talaga matino kausap! Pero, promise 'yan, ah?" Ang tono niya'y naninigurado, sinagot ko siya ng tango bago humalik sa pisngi niya.

"Promise! Kahit makakilala ako ng iba at magkaroon ng maraming kaibigan, hindi kita ipagpapalit at iiwan. Hindi ko ipagpapalit ang kapatid ko."

"Sabi mo 'yan, a?" Nagulat ako nang umiiyak na siyang humarap sa 'kin, kahit kailan ay napaka iyakin.

"Oo nga. Huwag ka na umiyak diyan. Hindi na natin kailangan umiyak dahil maayos na ang buhay natin ngayon." Paninigurado ko habang tinatapik tapik ang likod niya.

Kahit walang katiyakan ay gusto kong umasang magiging maayos na nga ang buhay namin dito.

"Oh, may agahan na pala. Aba, masisipag pala kayo, e." Mabilis kaming napabitaw sa isa't isa nang dumating si Papa na pupungas pungas pa. Agad naman naming hinanda sa mesa ang iniluto namin nang umupo na si Papa sa silya.

"Pasensiya na po kung nangialam kami sa gamit niyo, maaga po kasi aming nagising kaya nagluto na po kami ng almusal." Paliwanag ko habang inaasikaso rin si Kaylen.

"Okay lang. Ganito ulit mamaya, ha?" Tugon ni Papa habang sumusubo.

"Opo," sagot ko na may kasamang tango. Katahimikan ang bumalot sa buong bahay pagkatapos noon dahil wala nang umimik hanggang sa matapos kaming kumain. Kami ni Kaylen ang nagligpit ng pinagkainan habang si Papa ay umakyat ulit sa kwarto niya. Kami na rin ni Kaylen ang naghugas at nagligpit ng mga pinggan.

***

Kung tama ang bilang ko ay pang walong araw na namin dito. Biyernes nang gabi kami umalis at Sabado na ngayon. Sa loob ng ilang araw na pananatili namin dito ay masasabi kong maayos naman ang buhay namin kung ikukumpara sa dati naming sitwasiyon.

Kami ang gumagawa ng mga gawaing bahay maging ang paglalaba ng mga damit. Wala naman kaming reklamo dahil sanay kami sa gano'n.

Wala rin kaming ibang mapagka abalahan ni Kaylen bukod sa asarin ang isa't isa, mag-away, maglambingan at magkwentuhan tungkol sa kung anong maisipan. Hindi rin kami makatagal sa panonood ng telebisyon dahil wala kaming hilig doon, si Papa ang mas madalas na nakaharap doon lalo na't tuwing gabi pag-uwi niya. 'Yun nga lang ay puro kabastusan ang pinanonood niya. Nakita ko iyon nang minsang bumaba ako para uminom.

Kahit na nakakaburyo dahil wala kaming ibang mapuntahan o magawa ay mas maayos na ang ganito. Mas pipiliin ko ang araw araw na pagkaburyo kesa araw araw na palo at pang-aabuso.

Hindi ko pa nakakausap si Papa tungkol sa pag-aaral namin ni Kaylen, nahihiya kasi ako. Kahit na siya ang tatay ko ay hindi ko pa siya gaanong kilala. Sa loob din kasi ng ilang araw naming pananatili dito ay hindi ko naman siya madalas makausap at makasama.

Mas madalas siyang nasa kwarto niya o 'di kaya ay nasa ikatlong palapag. Sa hapag naman ay hindi rin siya halos nagsasalita kahit na kinakausap namin siya ni Kaylen.

Naalala ko ang sinabi niya nu'ng una kaming nagkita, miss niya daw ako. Pero bakit parang hindi naman?

Gayunpama'y wala naman akong reklamo. Tulad ng lagi kong sinasabi sa sarili ko, mas maayos na ang ganito kaysa sa dati naming sitwasiyon.

Hindi na kailangang mangalakal ni Kaylen. Hindi ko na rin kailangang humiling nang humiling na sana'y nakauwi na si mama para lang makaligtas ako pambababoy nang amain ko.

Hindi na namin kailangang umiyak dahil sa palo o sampal. Dito, hindi na namin kailangang mamuhay sa takot at pang-aabuso. Oo nga't napapaligiran kami nang mataas at matibay na bakod at mga puno, pero masasabi kong malaya na kami.

"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagkabilang kon'ng sampu, nakatago na kayo." mula sa pagkakayuko ko sa isang puno ay nakita ko ang patakbong pagpasok ni Kaylen sa loob ng bahay, kahit na bawal sa laro ay nakasilip ako.

Dahil wala naman kaming ibang magawa sa maghapon ay naglaro na lang kami, wala din kasi doon si Papa. Lagi siyang umaalis sa umaga at gabi nang uuwi, kung minsan ay lasing pa.

Pero nung nakaraan ay may dala siyang mga bagong damit namin na magaganda. Bumili din siya ng ilang gamit sa pagligo. Merong ding lotion at pabango. Si Kaylen ang pinaka natuwa doon dahil babango na raw siya.

Matapos ang ilang segundo ay nagsimula na rin akong maglakad.

"Isa."

Tinatanaw ko ang mula sa bintana si Kaylen.

"Dalawa."

Nakangiting sigaw ko. Ilang segundo ng katahimikan ang pinalipas ko bago bumilang ulit.

"Sampu!"

Pandaraya ko. Wala pa nga sa pito ang bilang ko. Patakbo rin akong pumasok sa bahay. Una kong tinungo ang kusina pero wala akong nakitang Kaylen doon.

Nang tumungo naman ako sa salas ay hindi ko rin siya nakita. Hahakbang na sana ako paakyat ng hagdan ng mapatingin ako sa bintana sa gawing kaliwa.

Gusto kong bumunghalit ng tawa nang may nakita akong pares ng mga paa. Buang talaga. nagtago nga, labas naman ang paa. Dahan dahan akong naglakad sa direksiyon niya. Tiwala akong hindi niya ako nakikita dahil makapal ang tela ng kurtina.

"Bulaga!" Sigaw ko sabay hawi ng kurtina. Napahiyaw din naman sa gulat ang kawawang si Kaylen habang tawa ako nang tawa. Hindi ko alam kung sadyang nakakatuwa si Kaylen o mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. Marahil ay pareho.

"Maduga!"

"Anong maduga? Hindi ka lang talaga magaling magtago."

"Eh, basta! Maduga."

Kahit na naiinis ay nakipaglaro pa ulit sa akin si Kaylen. Wala din naman siyang magagawa, ang isa't isa lang ang pwede naming makalaro. Nang mapagod ay nagpahinga muna kami saglit.

Nang pumatak ang alas sais ay nag-asikaso na kami ng hapunan. Kasama din sa mga laging uwi ni Papa ay mga pagkain at sangkap sa pagluluto kaya't hindi na namin ulit nararanasan ang malipasan ng gutom.

Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin ako na nakilala ang tatay ko. Hindi man katulad ng relasiyon ng ibang mag-amana sobrang lapit talaga sa isa't-isa, ang mahalaga sa akin ay 'yung nandito siya.

Kulang ang salitang 'salamat' upang tumbasan ang ginawa niya sa amin. Inalis niya kami sa impyernong kinalalagyan namin noon.

"Gusto ko nang kumain, Mama Quesha." sambit ni Kaylen habang hinihimas ang tiyan niya. Katatapos lang namin magluto ng ulam, siguro ay natakam na siya.

"Ito na po, maghahain na si mama."

Imbis na mainis ay sinakyan ko na lang ang trip niya. Hindi ko rin maintindihan sa isang 'to, seryoso yata talaga siyang gawin akong nanay niya.

"Bait talaga ng mama ko." pang-uuto niya na inismiran ko lang.

Naghain na din ako at sabay kaming kumain. Hindi na namin hinintay si Papa dahil aabutan kami ng gutom kung sakali. Ipaghahain na lang namin siya pag-uwi niya.

Nanatili muna kami sa alas pagkatapos mag-hapunan at magligpit ng kinainan. Ilang oras din ang pinalipas namin sa pagku-kwentuhan tungkol sa mga bagay bagay hanggang sa mapunta sa kung anong pangarap namin.

Pareho kaming nakaupo sa mahabang sofa habang nakaharap sa patay na telebisyon.

"Ano bang pangarap mo, Mama?" Saglit akong napatitig sa kanya, Naitanong na rin sa akin ito ng guro ko. Ang pagkakaiba nga lang ay nung panahong itanong iyon sa akin ni Ms. Ging ay pangarap lang iyon at tila isang bagay na mahirap abutin.

"Ang pangarap ko? Natupad na." Nakangiti kong tugon. "Talaga? Ano ba iyon?" puno ng kyuryosidad ang mata at tinig niya.

"Pangarap kong makaalis tayo sa impyernong kinalalagyan natin noon. Gabi gabi akong nagdadasal na sana, makalaya na tayo sa mapang-abusong kamay ng mga magulang natin. Yung maranasan natin paano maging bata. 'Yung buhay na malaya sa takot, sa sakit, at galit sa mga taong dapat ay mahal natin.

Nagpapasalamat ako kasi nakikilala natin si Papa Lucas. Nung dumating siya, nakaalis tayo sa kinalalagyan natin. Maayos na ang buhay natin ngayon. Saka pangarap ko ding maging nanay... isang mabuting nanay. At lahat iyon natupad na. Salamat sa iyo, Kaylen."

"Bakit ka nagpapasalamat sa 'kin? Wala naman akong ginawa para matulungang matupad iyon." Nakanguso na namang sagot niya.

"Meron." Giit ko.

"Eh ano naman naitulong ko?" Kakamot kamot na tanong niya ulit.

"Nung oras na hindi ako pinaniwalaan ni mama, gusto ko nang sumuko. Pero dumating ka. Corny pakinggan pero dahil sa'yo nagkaroon ako ng dahilan para magpatuloy. Dahil sa unang pagkakataon, may isang taong naniniwala at nagtitiwala sa 'kin. May taong nagmahal at tumanggap sa akin. Walang panghuhusga.

Dahil sa'yo, hindi ako tumigil sa pagdadasal. Hindi ako tumigil sa paniniwala. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako sumuko sa pangangarap na balang araw, makakaalis din tayo sa sitwasiyon na 'yun at magkakaroon ng maayos na buhay. At ito na nga. Nasa paraiso na tayo."

Nagsimula nang magbatis ang mga mata ko ngunit nanatili akong nakangiti.

"Hindi ko alam na gano'n pala ang nararamdaman mo. Akala ko wala akong naitulong sa'yo kasi wala naman akong magawa. Salamat sa sinabi mo. Ngayon hindi ko na nararamdaman na wala akong silbi tulad nang laging sinasabi ni Tiyang sa akin.

Salamat din sa'yo kasi hindi mo 'ko pinabayaan. Kahit na meron kang sariling pinagdaraanan, nagagawa mo pa rin akong damayan. Salamat din kasi dahil sa'yo meron na 'kong kaibigan, kapatid at kakampi ko sa lahat."

Pareho na kaming umiiyak habang nakangiti. Parang mga ewan lang. Siguro ito 'yung tinatawag nilang tears of joy. Lumapit pa ako sa kanya para mayakap siya. Minalas man kami sa pamilya, masuwerte naman kaming natagpuan namin ang isa't isa.

"Teka, sabi mo natupad na 'yung anak mong maging mama.." untag niya pagkatapos kumalas sa pagkakayap sa akin. "May anak ka na?" Kunot noo'ng tanong niya.

"Oo, ikaw. Di ba sabi mo gusto mo 'kong maging mama?"

"Ay, oo nga! Hahahah. Pero... sinong papa ko? Hindi ba dapat may tatay ang pamilya?"

Napakamot ako sa batok ko kahit hindi naman talaga makati.

Ito talagang si Kaylen, o. Tsk!

"Meron." sagot ko na lang.

"Sino papa ko, mama?"Pangungulit niya.

"Si Edgar Allan." Nakangiting sagot ko.

"Edgar Allan? Teka, si EA Guzman ba 'yung tinutukoy mo, mama?"

"Oo, bakit?" Takang tanong ko. Biglang nawala ng ngiti niya at sinimangutan ako.

"Hindi, ayaw ko." Sabi niya sabay halukipkip. Pailing iling pa ang ulo.

"At bakit?" Nagma-malditang sagot ko sa kanya.

"Ayaw ko siyang maging papa."

"At bakit?" Ulit ko.

"Kasi crush ko siya."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sa lalim at tagal ng pagsasama namin, ngayon ko lang nalaman na pareho kami ng crush. Hindi rin naman namin napag-uusapan ang ganoong bagay.

"Bawal! Nauna ako magka-crush sa kanya."

"Hindi mo siya pwedeng ipagdamot, 'no! Crush ko pa rin siya kahit bawal. Hati tayo, hindi naman ako kasing damot mo."

"Hindi pwede! Akin lang siya!" Giit ko.

"Hindi siya sa' yo, kay Shaira na siya!"

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan dahil sa tinuran niya. May-maya'y pareho na lang kaming natawa.

"Basta, gusto ko pa rin siya." Sabi ko na lang saka umayos ng upo.

"Ako din." Pilyang sambit ni Kaylen habang ginagaya ang ginawa ko kaya't patalon ko siyang dinaganan saka kiniliti.

"Tama na, Quesha hahahaha."

Saka ko lang siya tinigilan nang mapansing nahihirapan na siyang huminga sa katatawa.

Pinagmasdan ko lang siya habang tumatawa siyang tumatayo mula sa pagkakahiga. Sa tingin ko, iyon na ang pinakamagandang tanawing nakita ko simula nang ipinanganak ako.

Sana laging ganito.

Nang manawa sa paglalaro ay nag-asikaso na din kami para sa pagtulog. Si Kaylen ang nag-boluntaryong mag-ayos ng higaan habang ako ay nauna nang maligo.

Sa banyo ay pakanta kanta pa 'ko habang nagkukuskos ng katawan. Kahit nang matapos ay nakangiti pa rin ako. Walang paglagyan ang saya ko at hanggang ngayon ay lubos pa rin ang pasasalamat ko sa Diyos na ipinadala niya sa buhay namin si Papa Lucas. Kung hindi, marahil ay naroon pa rin kami sa impyernong kinasadlakan namin ngayon.

"Kaylen, ikaw naman ang mali-" nabitawan ko ang hawak kong tuwalya.

Hindi ko lubos akalain. Nanlalaki ang mga matang nagsimulang lumuha. Bigla ay nahirapan akong huminga sa nakita ko. Ang hayop na si Lucas ay nakapatong sa hubad na katawan ni Kaylen, sarap na sarap sa ginagawa niyang kahayupan habang ang huli ay tahimik na umiiyak.