webnovel

Avenue Of Escape

Paano kung ang inakala mong paraiso ay isa rin palang impyerno? Kanino ka tatakbo kung ang mga taong dapat pumoprotekta sa'yo ay ang mismong nanakit at nang-aabuso sa'yo? Paano ka tatakas kung ang mismong buhay na meron ka ang nagsisilbing kulungan mo?

kristinfinityy · วัยรุ่น
Not enough ratings
8 Chs

Five

Disclaimer: This story contains violence, strong language, family issues, abuse, suicide ideations and other mature content. If you are under 18 and/or going through something, please drop this book.

QUESHA

Ang mga mata ko ay nagsimulang lumuha. Bigla ay nahirapan akong huminga sa nakita ko.

Hindi ko lubos akalain. Ang hayop na si Lucas ay nakapatong sa hubad na katawan ni Kaylen, sarap na sarap sa ginagawa niyang kahayupan habang ang huli ay tahimik na umiiyak.

Sa galit ko ay sinugod ko siya at buong pwersang itinulak. Sa laki ng katawan niya ay hindi man lang siya natinag.

"Hayup ka! Hayup ka!" Gitil na sigaw ko.

"Anong ginawa mo kay Kaylen?" Patuloy ako sa pagsigaw at pagsuntok sa kanya.

"Ano bang problema mo?" Ganting sigaw niya na.

"Naiinggit ka ba, bata? Huwag kang mag-alala, ikaw ang isusunod ko." Nakangisi at tila ipinagmamalaki niya pa ang kahayupan niya at parang wala lang sa kanya na ipinagpatuloy ang paghalik sa katawan ni Kaylen.

Ang kawawang Kaylen ko.

Tinalon ko siya at sinakyan sa likod. Isinakal ko sa kanya ang kanang braso ko habang ang kaliwa ay nakasabunot sa buhok niya. Gamit din iyon ay itinaas ko ang ulo niya at kinagat siya sa tenga.

Napahiyaw siya sa sakit dahilan upang tumayo siya at iwagwag ako paalis sa likod niya. Muli akong kumapit sa kanya nang muntik akong mahulog dahil sa pagsiko niya sa dibdib ko.

Masakit iyon ngunit dahil mas nanaig ang galit ay hindi ko ininda ang sakit na iyon. Mas diniinan ko ang pagsakal sa kanya ngunit parang wala lang sa kanya iyon dahil sa liit ko. Patuloy kami sa pakikipagbuno nang naglakad siya paatras.

Malakas niyang iniatras ang katawan niya dahilan upang humampas ako sa pader. Dahil sa sakit dulot ng pagtama ng ulo ko sa matigas na pader ay napabitiw ako. Naramdaman kong may tumulong likido sa ulo ko.

Hindi ko pa nanamannam ang sakit ng pagkahampas at pagbagsak ay umikot na ang paningin ko dahil sa malakas na sampal na iginawad niya. Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko. Maging ang leeg ko ay nanakit na rin.

"Putang ina ka! Ayaw ko sa lahat ay 'yung naiistorbo ako. Masakit sa puson alam mo ba 'yun ha?"

Hawak niya ako sa pisngi, walang saplot na nakaluhod sa harap ko.

Kita ko rin sa mata niya ang galit. Ang kapal ng mukha, siya pa ang may ganang magalit?

"At dahil pakialamera kang hayup ka, ikaw na lang." Naroon na naman ang ngisi niya habang tinitingan ang katawan ko.

"Sakto katatapos mo lang maligo."

Kinilabutan ako sa tinuran niyang iyon. Gumapang ang takot sa katawan ko. Ang kaninang tapang ko ay tila bulang naglaho nang magsimula siyang halikan ako sa leeg habang ang kamay ay kung saan-saan napadpad.

Napaluha na lang ako nang maramdaman ipinasok niya ang ang daliri niya sa loob ng pagkababae ko. Tahimik na pag-iyak na lamang ang nagawa ko nang tuluyan niya 'kong halayin.

Sa loob ng gabing iyon ay ilang beses niya 'kong hinalay. Ni hindi ako makalaban. Ni pagbuka ng bibig upang sumigaw at humingi ng tulong ay hindi ko magawa sa sobang panghihinang nararamdam ko. Nang matapos siya ay basta niya na lang akong iniwan sa sahig.

Nanatili ako sa pagkakatitig ko sa pader dahil sa pagod. Ilang minuto pagkatapos kong makaipon ng lakas ay tumayo na rin ako nang maalala si Kaylen.

Nandoon pa rin siya sa pwesto niya kanina, nakahiga, nakatulala at nakabuka ang mga hita at tahimik na umiiyak. Muli akong napaluha nang makita ang kalagayan niya.

Nanghihina man ay nilapitan ko siya at binihisan. Nang matapos ay tinabihan ko siya sa paghiga.

"Kaylen..." hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha niya. Patuloy ang pag-agos ng mga luha kong hindi ko na pinagkaabalahan pang punasan.

"Quesha," halata sa boses niya ang panghihina nang tawagin ako. "Kantahan mo 'ko ulit," halos pabulong na pakiusap niya saka humarap at yumakap siya sa akin.

"Hindi ako makatulog, e." Dagdag niya.

Bata pa nga si Kaylen. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay isang kanta lang ang gusto niya. Pero ang kabataang iyon ay ninakaw na sa amin.

Matagal din bago ako nakatugon sa kanya dahil nag-iisip pa 'ko ng kanta nang maalala ko ang isang awit na laging kinakanta sa akin ni mama no'ng bata pa 'ko. Noong mga panahong maayos pa ang pagsasama naming mag-ina at buhay ko.

Ang sayang balikan ang mga panahong ligtas pa ako sa kamay ng sarili kong ina. Ang sarap balikan ang mga sandaling bata pa ako, walang muwang pero masaya. Hindi tulad ng kalagayan namin ngayon.

May nagsasabing maaga daw kaming namulat sa katotohanan. Ngunit tingin ko'y mali sila, dahil ang sitwasiyong kinasadlakan namin ay hindi katotohanan kundi karahasan. At ang karahasan ay hindi dapat maging normal sa paningin ng tao upang ituring ito bilang 'katotohanan'.

Hindi ko tuloy napigilang mapaluha na naman. Umiiyak na hinalikan ko siya sa noo bago pinagbigyan sa simpleng hiling niya.

"Tulog na, mahal ko. Matulog na tayo. Tulog na mahal ko. 'Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama. Saka na mam'roblema.."

Sa pagtulog na lang kami nagiging bata. Dito na lang kami nagiging ligtas kahit sa maiksing oras. Sa pagtulog na lang kami nakakaramdam ng kapayapaang malabo yata naming malasap sa reyalidad.

Bakit ba kami nauwi sa ganitong sitwasiyon? Bakit ganito ang kinasadlakan naming dalawa? Kami ba ang pinarurusahan para sa pagkakasala ng magulang namin?

Paano nasikmura ng sarili kong ama ang kahalayang ginawa niya sa'min? Putangina niya. Alam kong hindi maganda ang murahin ang sarili mong magulang pero sa mga sandaling ito ay ubos na ang respeto ko sa kanila.

Walang matinong magulang ang papayag na mapasama ang anak nila. Hindi sila nararapat sa respeto ko o ng sinuman.

Pinilit ko mang tatagan ay hindi ko mapigilang tuluyang humagulgol sa gitna ng pagkanta. Naramdaman ko ang pag-higpit ng yakap sa akin ni Kaylen. Dinig ko din ang pag-iyak niya. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

Bakit ba kasi ako nagtiwala sa taong iyon? At bakit ko pa isinama dito si Kaylen. Buong akala ko ay isa itong paraiso, iyon pala ay panibagong impyerno. Ibang demonyo nga lang ang dahilan ng paghihirap namin.

Buong gabi ay pag-iyak na lamang ang nagawa ko hanggang sa makatulog kaming pareho.

Pagdating ng kinabukasan ay pareho naming hindi malaman ni Kaylen kung ano ang gagawin. Natatakot kaming lumabas ng kwarto sa takot na maulit ang nangyari kagabi.

Nakaupo lang kaming pareho sa dulo ng kama, nakikiramdam sa kung anong susunod na mangyayari nang biglang bumukas ang pinto. Pareho pa kaming napapitlag hindi lang sa gulat, kundi maging sa takot kay Lucas.

"Hoy, mga puta! Anong oras na? Wala pa ring almusal!" Gitil na sigaw ni Lucas pagkatapos akong sampalin.

"Ano pang inuupo-upo niyo diyan?" Sunod niyang binalingan si Kaylen at malakas na itinulak ito.

Kung hindi siguro malambot ang kamay ay basag na ang ulo niya sa lakas ng pagkakahampas sa kanya.

"Magsikilos na kayo!"

Sa takot naming pareho ay nauna pa kaming lumabas ng kwarto ni Kaylen at agad na nagtungo sa kusina upang mag-asikaso. Pinagtulungan namin ni Kaylen ang pagluluto sa sinangag, itlog at tuyo.

Iniwan ko na sa kanya ang pagbabantay no'n at tumungo sa lagayan ng mga pinggan. Nanginginig ang mga kamay kong kumuha ng tasa. Habang naglalagay ng kape at asukal ay naisipan kong lagyan iyon ng betsin.

Hindi ko sigurado kung nakakamatay iyon, pero maaari kong subukan nang sa gano'n ay makaganti man lang kami ni Kaylen bago umalis sa impyernong 'to. Siniguro ko munang wala pa si Lucas upang hindi ako mahuli kung sakali.

"Quesha, anong ginagawa mo?" sulpot ni Kaylen sa gilid ko. Sinenyasan ko lang siya na huwag mag-ingay. "Masama iyan." Giit niya na ikinasimagot ko.

"Bakit, 'yung ginawa niya sa'tin kagabi, hindi ba masama iyon? Mas masahol pa nga siya, e. Gaganti lang ako, Kaylen!" Galit na sagot ko at saka ipinagpatuloy ang paglagay ng betsin sa kape.

Nagtulong kami ni Kaylen sa paghahanda ng pagkain sa mesa ngunit nang matapos ay ilang segundo din kaming nakipagtitigan sa isa't-isa. Nagtatanungan kung sino ang tatawag kay Lucas gamit lamang ang mata. Ako na lang sana ang magp-prisinta nang dumating na si Lucas.

Maangas ang naging pagpasok niya. Padabog din niyang hinila ang isa sa mga upuan. Napapapikit pa ako sa takot nang gumawa ng ingay ang pagbagsak ng upuan.

"Anong tinayo-tayo niyo diyan? Magsikain na kayo," untag sa amin ni Lucas ngunit parang wala kaming narinig dahil nanatali lang kami ni Kaylen sa gilid at tahimik na nakamasid, ipinagsisiksikan ang sarili sa isa't isa.

"Putangina, mga bingi ba kayo?" Gitil na sigaw niya matapos ng ilang sandali. Nakatutok sa direksiyon namin ang hawak niyang tinidor.

Sa takot ay halos mag-unahan pa kami ni Kaylen sa paglapit at pag-upo. Nasa kanan ako ni Lucas habang nasa kaliwa ko si Kaylen. Mas maigi nang ako ang malapit kay Lucas dahil baka kung ano na namang kahayupan ang maisip niya, mas mabilis kong map-protektahan si Kaylen kung sakali.

Inalalayan ko si Kaylen sa pagkuha ng pagkain kahit na sobra ang panginginig ng mga kamay ko.

Tahimik lang kami pare-pareho sa pagkain nang biglang ibuga ni Lucas ang kapeng ininom niya. "Putangina, bakit ganito lasa nito?" gitil na sigaw niya, naniningkit ang mga matang nakatingin sa amin.

"Anong nilagay mo dito, ha?" Sa sandaling iyon ay nakatitig siya sa mga mata ko, wari'y alam niya at sigurado siyang ako ang nagtimpla ng kape.

"W-wala po." Pagsisinungaling ko.

"Sinong niloko mong puta ka?!" Tumayo siya at lumapit sa akin. Napadaing ako ng hawakan niya 'ko sa panga at pilit na ipinainom sa akin ang kape. "Tikman mo nga nang malaman mo kung anong lasa niyan!"

Wala na 'kong nagawa nang tuluyan niyang ibuhos iyon sa bibig ko. Muntik pa 'kong mabulunan at napa-ubo dahil do'n. Nahilo ako bigla. Hindi ko sigurado kung epekto iyon ng pag-inom ng kapeng may betsin o dahil sa malakas na pagsabunot ni Lucas sa buhok ko.

"Ang pangit ng lasa 'di ba? Gago ka!" Sa lakas ng pagkakabatok niya sa akin ay muntik pang humampas ang mukha ko sa mesa. Naramdaman ko ang pagyakap ni Kaylen sa likod ko.

"Ayusin niyo trabaho niyong mga puta kayo! Kapag mamayang tanghali ay ganyan pa rin, makakatikim kayo sa'kin."

Padabog na umalis si Lucas sa kusina. "Tangina, agang kabwisitan 'to."

Nang masigurong malayo na siya sa amin ay saka ako humagalpak ng tawa. Napahawak pa 'ko sa tiyan ko.

"Anong nangyayari sa'yo, Quesha? Naalog ba utak mo dahil sa ginawa ng papa mo sa'yo?"

Batid ko ang pag-alala sa boses ni Kaylen pero patuloy lang ako sa pagtawa hanggang sa manawa.

"Huy!" Untag ni Kaylen. Nang huminahon na 'ko ay saka ko siya hinarap. "Nakita mo ba itsura niya kanina? Ang sagwa! Hahahaha."

"Quesha, huwag kang maingay. Baka marinig niya tayo. Lagot na naman tayo niyan."

"Sorry na. Natawa lang talaga ako sa itsura niya kanina." Natatawa pa ring sambit ko.

"Para kang gaga! Nasaktan ka na nga, tuwang tuwa ka pa!" Hinampas niya 'ko sa braso.

"Okay lang 'no! Hindi man siya namatay tulad ng inaasahan ko, at least nabadtrip siya ngayong araw." Nakangising sagot ko saka tumayo at nag-umpisang magligpit.

"Hindi ko talaga maintindihan takbo ng utak mo, Quesha." Tugon ni Kaylen habang tinutulungan ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan.

Natawa na lang ako sa tinuran niya. Kahit ako rin madalas ay hindi maintindihan ang sarili ko. Siguro ay nasobrahan sa alog tuwing binubugbog ng magulang ko.

Nang matapos ay nagpasiya kaming bumalik na sa kwarto namin. Nakita namin si Lucas na nakaupo sa mahaba niyang sofa habang may kausap sa telepono niya.

Napatingin pa siya amin dahilan upang kabahan ako at mapahinto sa paglalakad pero ibinalik niya din ang paningin niya sa telebisyon.

Nagmamadali kaming pumanhik sa hagdan at pumasok sa kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at isinubsob ang mukha ko sa unan.

Parang gusto ko ulit matulog, 'yung wala nang gisingan. Pero hindi pwede. Maiiwang mag-isa si Kaylen.

Tumayo na lang ako ulit at inaya si Kaylen na maligo. Ang tamad na bata, nakasimangot pa. Kahit sa pagbihis ay kailangan ko pa siyang alalayan na parang limang taong bata habang nakasimangot siya. Pagkatapos kong suklayin ang buhok niya ay isinipit ko doon ang regalo kong pink na hair clip.

"Ano nang gagawin natin Quesha? Pati dito ay hindi tayo ligtas" tanong niya sa gitna ng katahimikan sa buong silid.

Inilahad ko ang mga braso ko sa kama at dinama ang lambot no'n. "Ano pa, edi tatakas tayo" tugon ko.

"Kailan?"

"Mamaya. Kapag pumasok siya sa kwarto niya o kaya kapag umalis siya" Maingat na bulong ko sa kanya.

Inisip ko na ring tumakas kagabi pa, pero dahil mas nanaig sa akin ang takot ay hindi ko nagawa. Isa pa, alam kong mas kabisado ni Lucas ang lugar na ito. Kung susubukan naming tumakas ng madilim ay baka mahanap niya lang din kami. Mas mabuti kung aalis kami ng may liwanag pa.

"Saan tayo pupunta?" Tumagilid siya upang makaharap sa 'kin, ginagaya ang paraan ng pagsasalita ko.

"Kahit saan. Basta makaalis tayo sa impyernong 'to." Walang katiyakan ngunit desididong sagot ko. Ilang oras pa ang pinatay namin.

Inayos ko na ang mga damit at gamit namin at itinago ang bag na pinaglalagyan noon sa ilalim ng kama. Hindi ko rin talaga alam kung saan kami pupunta o magtatago sa pag-alis namin pero bahala na.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa paghihintay nang may tumapik nang malakas sa pisngi ko. Napaigtad pa 'ko nang pagmulat ay si mukha ni Lucas ang bumungad sa akin.

"Nagugutom na 'ko, gisingin mo na 'yang kaibigan mo nang makapagluto na. Bilisan mo," wika niya saka lumabas ng kwarto. Nilingon ko si Kaylen na nakatulog din at tinapik tapik siya upang magising.

Sa kusina ay pareho kaming tahimik at walang imik. Gaya kaninang umaga ay niluto namin kung ano ang pagkain na meron sa ref niya. Balak ko sanang lagyan ulit ng betsin ang ulam pero naalala kong kakainin din namin iyon ni Kaylen kaya hindi ko na itinuloy.

Sa gitna ng pag-uusap namin ni Kaylen gamit ang mata kung sino ang tatawag kay Lucas ay pumasok na siya mismo ulit sa kusina. Mabuti na iyon.

"Baka nilagyan niyo na naman ng kung anu-ano 'tong pagkain ha?" Pasigaw na sambit niya habang inuusisa ang mga pagkaing nakahain.

Nang makuntento marahil sa lasa ay nag-umpisa na siyang kumain. Ilang saglit nang tapunan niya kami ng tingin. "Magsikain na kayo."

Maging sa pagkain ay hindi kami gumawa ng ingay. Mahirap na, baka topakin pa si Lucas at kung ano na naman ang gawin niya sa amin. Katulad kaninang umaga ay kami din ang nagligpit at naghugas ng mga pinggan habang si Lucas ay bumalik sa salas.

Nang matapos ay pumanhik kami sa kwarto na parang mga daga na takot makita ng pusa. Sa pag-akyat sa hagdan ay nakita kong natutulog si Lucas kaya't minadali ko si Kaylen.

"Tatakas na tayo." Pabulong na sambit ko kay Kaylen matapos maisara ang pinto.

"Ngayon? Nasa sala si Lucas."

Naiintindihan ko ang nararamdaman niyang takot pero hindi naman kailangan ang gano'ng emosiyon ngayon. Baka hindi na kami ulit magkaroon ng pagkakataong makaalis.

"Tulog naman siya, e. Kailangan lang nating bilisan."

"Natatakot ako, Quesha." Nagsimula na siyang umiyak kaya't hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. "Ano ba, Kaylen. 'Wag kang umiyak, may mapapala ka ba diyan?"

"Hoy." Pareho kaming napaigtad ni Kaylen nang sumulpot si Lucas sa gilid namin. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya. Narinig kaya niya ang plano namin?

"Aalis ako. Dito lang kayo. Huwag na kayong magtangkang tumakas dahil wala din naman kayong mapupuntahan."

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa lumabas siya at isara ang pinto. Nakangiting lumingon ako sa kaibigan ko.

"Ito na 'yun, Kaylen. Tinutulungan na tayo ng tadhana para makaalis dito. Huwag ka na umiyak, okay? Makakaalis na tayo dito," mahinang sambit ko sa kanya.

Hindi pa rin siya tumatahan kaya't niyakap ko na lang siya at tinapik-tapik ang likod. Iginaya ko siya sa kama at pinaupo doon hanggang sa tumahan siya.

"Saglit, sisilipin ko lang kung nakaalis na siya, dito ka lang."

"Quesha." Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ayaw akong bitawan. "Huwag na, dito ka na lang."

"Kaylen, ano ba?" Ipinakita ko sa kanyang naiinis na 'ko kaya't sa huli ay siya rin ang bumitaw.

"Dito ka lang," paalala ko.

Dahan-dahan ako sa pagbaba at paliga-linga. Kahit saan ko ibaling ang paningin ko ay hindi ko makita si Lucas. Kahit sa kusina ay sumilip ako ngunit wala siya. Napadaan akong muli sa salas at patay na ang telebisyon.

Nang sumilip ako sa labas mula sa bintana ay may nakita akong kotse na paalis. Kahit na hindi ko nakikita ang tao sa loob ay alam kong kay Lucas iyon. Nakita ko na ang kotseng iyon nang sunduin niya 'ko. Isa pa ay wala namang halos tao sa lugar na ito.

Patakbo akong umakyat at bumalik sa kwarto. Nakita ko pa ang pagkagulat ni Kaylen na umiiyak pa rin. Nginitian ko lang siya at lumapit sa kama. Hinila ko ang mga bag namin at iniabot sa kanya ang isa.

"Bilisan mo, Kaylen. Nakaalis na si Lucas."

Agad ko siyang hinawakan sa kamay at hinila palabas nang maisukbtit niya nang aayos ang bag niya. Base sa itsura niya ay para siyang natutuliro na hindi maintindihan. Lakad takbo ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa pintuan. Halos mapatalon ako sa saya nang pagpihit ko ng seradora ay bumukas ang pinto.

Bakit kaya hindi niya ni-lock?

Hindi ko maiwasang magtaka pero mas mabuti na siguro iyon. Siguro ay hindi pa talaga kami tuluyang inabandona ng Diyos.

Sa labas ay malamig na hangin at mainit na sikaw ng araw ang bumati sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng gate. Hawak pa rin si Kaylen ay tinahak namin ang daan kung saan ko nakita ang kotse ni Lucas kanina. Naisip kong baka iyon ang daan paalis dito.

Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming naglalakad sa gitna ng malupang daan pero pagod na ako. Tulad ng unang beses na punta namin dito ay walang madadaang bahay kundi nagtataasang puno at talahib.

Gustuhin man naming tumigil at magpahinga kahit sandali ay hindi pwede. Baka maabutan kami ni Lucas. Nauuna na sa akin si Kaylen sa paglalakad dahil bumabagal na 'ko.

"May kotse!" Sigaw ni Kaylen. "Tulong!" Kumaway-kaway pa siya sa papalapit na sasakyan.