Nagising ako ng may mahinang tumatapik sa pisngi ko kaya napamulat ako agad ng mga mata ko at nabungaran ko si Kazami.
"Hey! sweetheart gising na nandito na tayo." Napatango ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin nandito na pala kami kaya kaagad akong napaayos ng upo.
Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan akong makalabas nakita ko sina Aika na naghihintay sa amin nakangiti sila ng malapad kaya napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya.
"Sweetheart kailangan na naming umalis para makapagpahinga na kayo." Tumango ako sa kanya at akmang tatalikod ng hinawakan niya ako paharap sa kanya at hinalikan ako sa noo napangiti ako sa ginawa niya pero namula dahil nandito pala sina Aika.
"Goodnight, Sweetheart." Bulong niya at saka pumasok sa kotse niya kumaway pa sa akin sina Shin at Irham, hindi na ako nakapag goodnight dahil nahihiya ako.
Hinintay pa nila ako na makapasok sa apartment at nakasunod lang sa akin sina Aika at sa gulat ko ay bigla na lang silang nagtilian na ikinagulat ko.
"Omg! Seirin kinilig ako."
Kinikilig na sabi ni Maria kaya namula ako at napayuko.
"Well care to tell me what is happening in your first ever surprise date with our hot boss." Nakatawang sabi ni Agneta na sinangayunan naman ni Aika at halata ang saya sa mukha.
Pinaupo pa nila ako sa sofa at pinagitnaan nina Aika at Maria habang si Agneta ay nasa harapan ko napailing na ako kapag ganito sila wala na talaga akong kawala.
"Kumain kami, sumayaw, nagkwentuhan kung ano ang mga ginawa sa nakalipas na buwan iyon lang." Nahihiya kong kwento sa kanila pero parang hindi sila satisfied at parang may gusto pang malaman na iba kaya namula ako nang maalala ko ang halik na pinagsaluhan namin ni Kazami.
"Hindi kayo nag kiss?" Nagtatakang tanong ni Agneta na parang nanghihinayang pa pero nahihiya akong sabihin dahil naalala ko pa rin ang halik ni Kazami kanina, napayuko ako at napahawak ng mahigpit sa damit ko nahihiya akong tumingin sa kanila sasabihin ko ba?
"Alam kong meron pero sa ngayon hindi ka namin pipilitin na magkwento."
Nakangiting sabi ni Aika na sinangayunan nina Agneta at Maria parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan grabe muntik na iyon.
"Magpahinga na tayo may pasok pa tayo bukas nighty baby girl." Humalik si Aika at Agneta sa akin bago naunang pumasok sa kwarto nila nag-goodnight din ako sa kanila.
"Ipagtitimpla muna kita ng gatas hintayin mo ako sabay na tayo pumanhik." Sabi sa akin ni Maria na nakangiti tumango ako sa kanya at tinignan ang cellphone ko na naiwan ko pala kanina at ibinigay sa akin ni Aika kanina lang.
Walang email pero may miss call ni Gavin siguro ay mangungumusta lang, tinext ko na lang siya na okay lang ako.
Natatanaw ko si Maria mula dito sa sala na apat na baso nang gatas ang tinitimpla sa aming lahat iyon.
Maria is like a big sister to me and Aika ganoon rin si Agneta kaya maswerte kami at sila na rin ang madalas na magluto para sa amin.
Mula nang mag-transfer sila dito ay magkakasama na kami lagi at sa iisang bahay na rin nakatira, at dahil may kanya-kanya kaming pera ay mag-dadalawang linggo palang ang nakakaraan ay lumipat kami ng bagong bahay na binili nina Maria at Agneta, dito sa isang subdibisyon malapit lang ito sa university sabi nga nila ay trip lang nila na bumili ng ganito kalaking bahay.
"Halika ka na baby girl." Niyaya na ako na pumanhik sa taas ni Maria at bitbit niya ang isang tray na may apat na basong mainit na gatas at may cookies rin sa bowl.
Sabay kaming pumanhik sa hagdan ni Maria at pumunta sa silid nina Agenta at Aika.
"Ito na po ang gatas niyo mahal na prinsesa." Nakangiting sabi ni Maria sa kanila napangiti ako sa kanila, hindi kami nakakatulog ng walang gatas sa gabi kaya si Maria ang laging nagtitimpla ng gatas namin siya rin ang laging nagluluto dahil masarap siyang magluto.
Sabi nga ni Aika ay may instant chef na kami dito sa bahay.
"Inumin niyo na yan habang mainit pa at ito ang cookies." Para kaming bata na sumunod kay Maria at ininom namin ang gatas na hindi naman gaanong mainit kaya madali namin itong naubos.
Humalik siya sa pisngi ko at nakangiting pumasok sa kwarto niya.
Pumasok na rin ako at linapag muna ang gatas sa lamesita sa tabi ng kama ko kumuha ng damit sa kabinet at pumasok sa banyo para maglinis ng katawan ko.
Pakanta-kanta akong nag-shower at iniisip pa rin ang nangyari kanina hindi ako makapaniwala na nakita kong muli si Kazami at muling nayakap.
Naalala ko bigla ang halik na binigay kaya namula ako sa alaalang iyon pinagpatuloy ko na lang ang paliligo ko at hindi muna inisip ang nangyari kanina.
Nakatapos na akong maligo at habang sinusuklay ko ang buhok ko ng biglang tumunog ang cellphone ko sino kaya ito? nang tingnan ko ay unregisterd number ang nakalagay kinabahan ako pero binasa ko pa rin at kay Kazami pala ito paano kaya niya nalaman number ko nagtataka ako pero naalala ko na baka si Aika ang nagbigay sa kanya.
Umupo ako at binasa ang message niya.
'Hello Sweetheart. Pasensya na hindi ko nasabi kanina na hiningi ko kay Aika number mo by the way goodnight and sweetdream again. Dream of me i miss you already.' Basa ko sa text niya.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nagkikita pa lang kami kanina na miss agad niya ako.
"Goodnight rin ulit Kazami sweetdream din" Sagot ko sa kanya tapos ay inilagay ko sa contact list ko ang number niya tapos naghanda na para makapagpahinga na ako.
Kinuha ko ang prayerbook at rosary na nakalagay sa bedside table ko and nag-pray.
Pagkatapos ay binuksan ko ang ipod ko at pinatugtog ang classical music na lagi kong pinapakingan hanggang sa makatulog ako.
Laging ganito ang routine ko gab-gabi para hindi ako dalawin ng bad-dreams bigay ito sa akin ni mama mula nong ten years old ako siya rin nagturo sa akin na mag-pray afterbed.
I remember the day i was woke up in coma and nalaman ko na patay na ang mga magulang ko at hindi ko matanggap iyon kaya hindi ako nakipag-usap kahit kanino kahit na sa mga kapatid ko na nagpakilala sa akin, pero nang dumating si Kazami sa bahay mula nang ampunin siya ni papa ay unti-unti akong gumaling siya ang dahilan kung bakit gumaling ako mula sa hindi pagsasalita ng halos isang taon dahil daw iyon sa trauma na nangyari sa akin.
Natatandaan ko pa nong unang beses kong makilala si papa at mama mula nang magising ako ng dalhin ako ni Uncle Simon sa Romania ang nakatatandang kapatid ni mama pagkatapos na mangyari ang trahedyang iyon umiiyak si Mama Alliana na yumakap sa akin at paulit-ulit na humingi ng tawad sa akin at dahil hindi ko pa maintindihan ay takot lang ang naramdaman ko hinanap ang mommy ko.
Simula ng araw na iyon ay lagi na siyang nasa tabi ko kasama si Papa Takashiro.
Hindi nila ako iniwan kahit malayo ang loob ko sa kanila noong una lagi siyang nasa tabi ko pag nagkakaroon ako ng mga bangungot, tinuruan niya akong mag-pray para daw hindi ako magkaroon ng bad dreams simula non ay unti-unti ko na siyang natatangap at humiling na mama ang itawag ko sa kanya nakita ko kung gaano siya kasaya non nang unang beses ko siyang tinawag na mama.
Si Mama Alliana rin ang nagturo sa akin mag-pinta at tumugtog ng piano, hanggang sa lumipas ilang taon na unti-unti na rin akong gumagaling dahil laging nasa tabi ko ang pamilya ko.
Dumagdag pa si Kazami na laging nasa tabi ko, doon ko na rin nalaman kung bakit kailangan kong lumaki na malayo sa totoo kong mga magulang at kailangan naming laging lumipat ng lugar at bahay.
Pinoprotektahan nila ako sa mga tao na gustong manakit sa akin at ilayo ako sa mga magulang ko katulad nang nangyari sa nag-iisang anak na babae ni Uncle Amshel, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatagpuan ang pinsan ko kaya ginawa nina papa ang lahat para mailayo ako sa kanila para sa ikaliligtas ng buhay ko.
Hindi madaling lumaki sa isang mafia family dahil maraming kalaban ang pamilya namin, ito ang dahilan kung ingat na ingat sina Kuya Seiran na malaman ng mga kalaban kung nasaan sila dahil posibleng malaman ng mga ito na buhay ako.
Walang nakakaalam na may bunsong anak pa sina papa kaya ginagawa nila ang lahat para walang makaalam ng totoo kong pagkatao.
At dito sa Pilipinas ay walang makakakilala sa akin dahil malayo ito sa bansa namin at kahit sa Japan ay walang mag-aakala na nandito ako.
Napakaraming nangyari sa mga nakalipas na taon mula nang umalis si Kazami dahil kinakailangan na niyang bumalik noon sa Japan iyon na din ang huling araw na nakita ko siya kaya noong una ko siyang makita muli ay hindi ko agad nakilala dahil marami nang nagbago.
At saka hanggang ngayon ay ayaw pa rin sa kanya sina kuya dahil noong mga bata pa kami ay lagi siyang binu-bully ng dalawa kong kuya lalo na ang kambal.
Pero ngayon ay ibang-iba na siya hindi na ito ang batang lalake noon na payat at lampa, laging umiiyak sa tuwing aawayin ni Kuya Ryuuren.
At laging parang takot kahit konting kalabog lang ibang-iba na talaga si Kazami.
Ano kaya ang nangyari sa kanya sa mga nakalipas na taon at ibang-iba na siya ngayon.
Pero napagtanto ko rin na isa nang mafia si Kazami at marahil ay dahil dito kung bakit ito nagbago.
Dahil sa pag-iisip ko ay dito na ako tuluyang dinalaw ng antok at niyakap ko ang unan saka pumikit.