webnovel

Chapter ten

Hindi naging madali ang bawat araw na nagdaan sa akin dahil nalulungkot ako na hindi ko nakikita si Kazami, Pero si Aika ay lagi pa rin nasa tabi ko.

Dalawang buwan na rin ang nakararaan ni tawag o text manlang ay wala akong natanggap kay Kazami na masakit sa puso.

Maraming nangyari sa lumipas na buwan at ipinagpapasalamat kong naging maayos ang lahat.

Sina Usui at Gavin ay lagi paring nakabantay sa akin at sinisigurado na walang nam-bubully dito sa akin sa school.

Para makapasok sila dito ay nagpapanggap silang bodyguard or minsan ay janitor natatawa na lang ako sa pinaggagawa ng dalawa dahil puro kalokohan ang mga naiisip kaya hinahayaan ko na lang as long as na wala silang gawing hindi ko magugustuhan.

Hindi ko na rin masyadong nakakaharap ang grupo nina Vanessa dahil kay Aika na laging nakabantay sa akin, ilag kasi ang mga ito sa kanila at mula nang makilala ko ang bago naming kaibigan.

Sina Maria at Agneta ang dalawa na nanggaling pa sa Japan na nakilala ko isang buwan na ang nakakaraan.

Nag-transfer sila dito at ang nakakagulat pa ay kaibigan rin daw sila nina Kazami at Shin.

Naalala ko ang araw na una ko silang nakilala pinagtanggol nila ako kina Vanessa ng inabangan nila ako sa harap ng library wala non si Aika dahil may isa pa siyang subject at ako ay wala nang pasok kaya nagpasya akong pumunta ng library at nakasalubong ko sina Vanessa, may balak nanaman sila na ibully ako pero dumating sila at nakita ko kung paano matakot sina Vanessa sa bagong dating na dali-daling nagsialisan.

Nagpakilala sila sa sa akin at nalaman kong dito na sila mag-aaral at ang mas nakakagulat dito ay kaibigan sila ni Kazami at miyembro ng grupong kinabibilangan ni Kazami na boss daw nila.

Kaya simula ng araw na iyon ay naging kaibigan ko na ang dalawa mababait sila at marasap kasama idagdag pa na kakilala din sila ni Aika na best of friends din.

Minsan pa nga ay hindi ko maiwasan na tingnan sila at hindi mag-isip dahil ang gaganda nila.

Baka naging girlfriends sila ni Kazami at alam kong hindi malabong mangyari iyon pero sa hindi ko malamang dahilan ay biglang nasabi ni Agneta na hindi sila naging girlfriend ni Kazami kahit na magaganda pa sila.

"Wag kang mag-alala Seirin dahil kahit maganda kami ni Maria at Nia ay hindi kailanman nagkaroon ng interes sa amin si Boss Keita." Natatawa niyang pahayag kaya para akong nakahinga na maluwag.

"Mahirap hulihin ang isang iyon kahit halos lahat kaming mga meyembro niyang babae na may crush sa kanya.

Purely business lang at isang kaibigan lang turing niya sa amin at itinuturing niya kaming kapatid.

Well hindi naman namin maiwasan na hindi mag ka gusto sa kanya dahil grabe.

Ang gwapo niya at mahirap i-describe ang isang lalaking tulad niya.

Pero nagkaroon siya ng girlfriend noon na miyembro din ng grupo at siya ang kauna-unahang babaeng pinag tuunan niya ng pansin si Yoko pero wag kang mag alala dahil matagal na siyang wala namatay siya sa isang aksidente." Dagdag pa ni Maria kinabahan ako dahil sa sinabi dahil may nabanggit siyang pangalan ng babae na naugnay kay Kazami.

Napatango na lang ako sa kanilang dalawa marami pa akong nalaman tungkol sa kanila pero hindi ko makalimutan iyong sinabi ni Maria na naging dating nobya ni Kazami.

Biglang sumikip ang pakiramdam ko at bakit parang masakit na malaman na may iba pala siyang ginusto at alam kong minahal niya.

Sino kaya si Yoko?

Buong araw ay nag-iisip ako sa mga sinabi ng dalawa pero si Aika ay napansin iyon, wag daw akong mag-isip tungkol sa dating nobya ng pinsan niya dahil may dahilan kung bakit nangyari iyon.

Hindi man sinabi ni Aika kung ano iyon nakabawas naman ito sa iniisip ko.

Nag-aayos ako ng mga damit ko sa kabinet ng biglang pumasok sina Aika, Maria at Agneta.

Nagtaka ako kung bakit sila lahat nakabihis gayong araw ng linggo at dapat ay nandito lang kami lahat sa bahay at nag-lilinis.

"Sei punta tayo sa mall dali narinig kong may bagong bukas na botique doon shopping tayo." Kulit sa akin ni Maria napailing na lang ako sa kanya ang kulit niya kaka-shopping lang niya nung huwebes tapos shopping nanaman ngayon.

"Oo nga bessy tara bihis ka na diyan." Kulit rin ni Aika na tiningna ko lang din bakit parang ang kukulit nilang lahat ngayong araw kaya sumasakit ang ulo ko sa kanila parang kagabi pa sila excited na hindi ko maintindihan.

"Kayo na lang medyo wala ako sa mood." Sabi ko sa kanila at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko wala talaga ako sa mood kahapon pa.

"Pero Seirin, hindi pwedeng maiwan ka dito kaya sumama kana sa amin." Pinaharap ako ni Maria sa kanya at nakikiusap na nakatingin sa akin.

"May surpresa kami sayo kaya kailangan mong sumama sa amin." Napatingin ako kay Aika na nakangiti kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango dali-dali naman akong hinila nina Maria papunta sa banyo at pinaligo na kaya wala akong nagawa.

May dalang damit si Aika ng pumasok siya sa banyo at binigay sa akin nang matapos ako sa pagligo nagtataka man ay sinuot ko na lang ang damit na binigay niya sa akin.

Kasyang-kasya ito sa akin ng tumingin ako sa salamin ay namangha ako sa sarili ko dahil bagay sa akin ang dress na suot ko ngayon.

"Wow! Bagay na bagay sayo Seirin hindi ako nagkamali sa pagpili niyan." Natutuwang turan ni Maria kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Sabay-sabay nila akong pinuri.

Tumingin ulit ako sa sarili ko sa salamin isang dress na royal blue ang kulay at tapos bumagay din ang buhok kong normal na nakalugay at isang flat shoes namiss ko ring magsuot ng ganitong damit.

Noong nasa Italy pa ako ay ganito ang madalas kong isuot katulad ng nakaugalian ko.

Pero ng pumunta ako dito sa Pilipinas ay laging blouse at Jeans nalang ang suot ko at minsan ay pinaparisan ko ng rubber shoes.

Sabi pa nga ni Aika ay weird daw ang sinusuot ko araw-araw.

At ngayon ay nakasuot ako ng dress pinahiran lang ako ni Maria ng lite makeup at pink na lipstick saka kami lumabas ng kwarto ko.

"Teka akala ko ba ay sa mall tayo pupunta pero bakit ganito pinasuot niyo sa akin at ganyan mga suot nyo?" Nagtataka kong tanong sa kanila bigla naman silang nag kanya-kanyang dahilan na hindi ko na lang pinansin.

Feeling ko lang may mali sumakay kami ng kotse ni Agneya na siyang nag-drive at ako ay pinasakay nila sa likod katabi ko si Maria na hawak-hawak pa ang kamay ko.

"Good luck wag masyadong pabebe." Bulong niya kaya napatingin ako sa kanya. Ano daw?

"Maria ano ka ba quiet okay." Saway ni Agneta na pinandilatan pa ng mata si Maria.

Ngayon ay naghihinala na ako sa kinikilos nila.

Bumuntong hininga na lang ako at tumingin na lang sa labas ng bintana ano naman kaya ang balak ng mga ito.

Habang daan ay wala na silang imik busy sina Aika at Maria sa cellphone nila at nagawa pang makipag selfie sa akin.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa kaming bumyahe pero nagtaka ako at hindi naman ito mall isang resto sa isang open space area ang ganda ng lugar nagtataka akong tumingin sa kanila ng bumaba kami sa kotse.

"Nasaan na tayo hindi naman to mall."

Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Ah Bessy basta pasok ka lang sa loob at doon mo siya makikita." Masayang turan ni Aika.

"May date ka ngayon." Sabi ni Maria at pinapasok na ako sa loob naiwan silang kumakaway at parang ang sasaya nila napailing na lang ako sa kawirduhan nila sinetup pa talaga ako sa ganitong bagay.

Dahan-dahan lang akong naglalakad papasok sa loob ang ganda ng lugar puro bulaklak at may mini waterfalls sa gitna.

Nakakita ako ng lalake sa dulo na nakatalikod kinabahan ako sa nakita ko bigla akong napatigil sa paglalakad ng bigla siyang humarap bigla akong napatigil sa paglakad ng magtama ang mga mata namin.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla na lang itong bumilis sa pagtibok.

Kazami.

Siya nga nandito siya namasa ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin nawala ang ngiti niya ng mapansin niyang sumisinghot ako.

Naiiyak ako dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero alam kong masaya ako na makita siya.

"Hey, Sweetheart bakit ka umiiyak hindi mo ba ako gustong makita?" Malambing niyang tanong saka pinahid niya ang luhang tumulo mula sa mga mata ko at niyakap ako nang mahigpit.

Habang ako lumakas lalo ang hikbi ko dahilan para mas humigpit ang yakap niya lalo at paulit-ulit na hinalikan ang ulo ko.

"Kazami." Paulit-ulit kong usal sa pangalan niya dahil sa pagkasabik ko sa kanya.

"Tahan na Rin, please tahan na nandito na ako." Turan niya at saka tiningala ko siya habang umiiyak ako.

Nasa ganoon lang kaming posisyon ng ilang sandali at saka na dahan-dahan siyang humiwalay sa akin.

Pinahid niyang muli ang luha ko at hinalikan ako sa mag kabilaan ang pisngi ko.

Hanggang sa magtama ang mata namin at dahan-dahan bumaba ang mukha niya sa akin at unti-unting lumapat ang labi niya sa labi ko napapikit ako at tinugon ang halik niya sa una ay banayad lang at biglang lumalim na buong puso kong tinanggap ganito pala ang sinasabi nilang first kiss.

Masarap lalo na at ang taong ito ay minamahal mo.

Oo! Mahal ko si Kazami mahal ko siya mula noon hanggang ngayon at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

Nang malapit na kaming kapusin ng hininga ay unti unti niyang pinaghiwalay ang mga labi namin pareho pa kaming habol ang hininga.

"God! Sweetheart you have the sweetest lips i ever taste, no this is my first ever kiss." Namula ako sa sinabi niya at ngayon ko lang napagtanto ang ginawa namin parang biglang nanlambot bigla ang tuhod ko buti na lang ay hawak niya ako kung hindi ay bumigay na nang tuluyan ang mga tuhod ko.

Nakangiti siyang tumingin sa akin at hinila ako paupo sa isang bench dito at pinaupo niya ako sa kandungan niya na ikinagulat ko.

Yumakap siya sa akin at sumiksik ang ulo niya sa gilid ng leeg ko nakapikit siya habang mabilis ang paghinga iniyakap ko din ang dalawang braso ko sa leeg niya at ninamnam ang ilang sandali na walang nagsasalita sa bawat isa sa amin.