webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · แฟนตาซี
Not enough ratings
216 Chs

Bilis

>Sheloah's POV<

Hinawakan ko yung metal sa bubong ng service car with my left hand para ma-balance ko sarili ko at pinagbabaril ko yung mga zombies na nasa left and right ng service car.

It may sound easy, but it's actually difficult. Hindi ko inakala na mahirap rin pala yung mga nakikita namin sa games and animes na pinagbabaril ang mga zombies on a moving vehicle baka hindi mo ma-shoot mismo yung zombies.

Nakita ko yung kotse ni tito at nakita ko si Sir na kumakaway sa amin. Nag signal siya na dumeretsyo kami sa SM at susunod sila. Hinintay kasi kami bago pa sila pumasok.

"Veon! Bilisan mo na at papunta na rin sila sa SM," sigaw ko at sumigaw din si Veon.

"Sabi mo, ah! Kumapit ka lang diyan," sabi ni Veon at hinawakan ko yung metal nang mas mahigpit at binilisan ni Veon.

"Ah," sigaw ko at mas hinigpitan ko yung hawak ko sa metal.

Nakarating kami sa SM at ang daming zombies na nakakalat. TIningnan ko ang orasan at 5:54PM na. Gabi na… ang dilim na ng langit at ang ginaw pa.

"Sheloah, pasok ka na. Bilis! Hindi na safe diyan sa taas. Ang daming zombies," sigaw ni Veon at binagalan niya yung pagtakbo niya ng kotse para makababa ako.

Bumaba ako at pumasok ako sa bintana para makaupo na ako sa passenger's seat.

"Sheloah! May zombie patakbo papunta sa bintana mo," sigaw ni Veon at tumingin agad ako sa right ko at binaril ko yung zombie. Sinusundan namin ang kotse ni tito.

"Josh, Tyler! Sa likod niyo," sigaw ko sa kanila.

Lumingon sila agad at binaril nila yung zombies na pataas sa service car doon sa pwesto nila. Sinipa nila yung katawan nila at sinarado na nila yung pinto ng service car.

Huminga kami ng malalim. "That was close," comment ni Tyler at biglang nag buzz yung phone ko.

Tinanggap ko yung tawag. "Sir Jim," sabi ko over the phone at narinig ko yung heavy breathing niya.

"Ipapasok natin yung kotse sa SM," sabi ni Sir Jim at nagulat ako.

"Paano natin ipapasok yung kotse?! You mean… ipapasok sa mismong building," tanong ko at narinig ko na ang boses ni tito.

"Loah… ipapasok natin yung kotse doon sa main entrance. Since zombie apocalypse, we have no choice," sabi ni tito at tumingin ako kay Veon na patuloy paring nagmamaneho at sinusundan si tito papunta sa main entrance ng SM.

"Sige, tito. Susundan ka namin," sagot ko na lang sa tito ko at bibaba niya na ang tawag.

Tiningnan ko si Veon. "Veon, sabi ni tito na ipapasok yung kotse sa SM," sabi ko sa kanya at nag react sila.

"Ha!?" Tatlo silang napasigaw and I just shook my head.

"It's safer that way," sabi ko at tumango si Veon.

"Kung binilisan ni tito ang pagtakbo ng kotse, bilisan mo na rin," dagdag sabi ko pa at sumandal ako sa seat ko at nilagay ko agad yung seatbelt ko to keep safe.

Nakita namin na bumilis ang pagtakbo ni tito ng kotse at ang daming zombies na nasasagasaan dahil sa kanya.

Huminga ng malalim si Veon. "Okay, guys… hang on tight. Bibilisan ko na," sabi ni Veon at humawak na kami tightly sa bagay na pwedeng mahawakan para hindi kami madisgrasya.

Binilisan ni Veon at ang dami ring nasasagasaan na zombies. Nagulat nga kami no'ng may zombie na napunta sa pinakaharap ng kotse. Buti hindi nabasag yung glass.

Tumawag nanaman si Sir Jim at tinanggap ko yung tawag. "Ano na ang susunod na plano," tanong ko sa kanya.

"Sabi ng tito mo, deretsyo tayo sa gunshop," sabi ni Sir Jim at binaba niya yung tawag. Habang nasa kami sa loob ng SM, mas binilisan namin at ang daming zombies talagang nasasagasaan pero marami rin ang humahabol sa amin.

"Madami na ang humahabol," sabi ko at binuksan ko yung bintana at nagbabaril nanaman ako ng mga zombies na malapit sa amin.

"Mag ingat ka, Sheloah. Marami na ang zombies dito kaysa sa labas," sabi ni Veon at patuloy parin akong pumapatay ng zombies.

Nawalan ako ng bullets kaya kumuha ako sa pouch na dala ni Veon at naglagay pa ako sa baril ko. Binuksan din ni Josh at Tyler yung bintana nila, left and right. Sa left si Josh at sa right si Tyler. Binabaril din nila yung mga zombies na malapit sa amin.

Tinawag ko naman si Sir Jim. "Sir, 'di na kayo tumatawag," reklamo ko at may naririnig din akong gunshots sa kanila.

"Sorry… pre-occupied. Medyo marami na rin dito," sabi niya at naririnig ko parin yung gunshots. "Ibababa ko na ito. Papasok na lang tayo agad sa gunshop. Once nasa harap na, baba na kayo agad at tatakbo tayo papasok. Hold your guns, and don't forget to fire," sabi pa ni Sir Jim at pinatay niya na yung call.

I sighed in exasperation. "Ano na ang plano," tanong ni Veon sa akin habang sinusundan yung kotse ni tito.

"Run and shoot. Pag nasa harap na raw tayo ng gunshop, baba na raw agad, at tatakbo papunta sa gunshop. Babaril tayo ng zombies habang tatakbo papunta roon," sagot ko sa tanong niya at tiningnan kami ni Josh at Tyler.

"Nandoon na ba sila," tanong ni Josh sa akin and I shook my head.

"Ewan ko. Tingnan na lang natin kung patakbo na sila. Sila ang mauuna, eh," sagot ko sa tanong ni Josh at tumango na lang sila ni Tyler.

Nakita ko si Sir Jim at si tito na lumabas sa kotse. Nagbabaril si tito at si Sir nakapasok na, inaantay si tito. No'ng nakapasok na sila, kumuha si Sir Jim ng baril at tinulungan niya si tito bumaril ng mga zombies. Inaantay na nila kami.

Tinanggal ko yung seatbelt ko at hininto na ni Veon ang kotse niya. "Let's go, guys," sabi ko sa kanila at bumaba na kami.

No'ng pagkababa namin, ang daming zombies na nakaabang kaya binaril na namin agad ni Josh at Tyler. Si Veon kasi walang dalang baril kaya stick muna yung gamit niya.

"Takbo," sigaw ko at tumakbo na kami papunta sa gunshop habang binabaril yung mga zombies na malapit sa amin.

Nakita kami ni tito at ni Sir Jim kaya binuksan agad nila yung glass door. "Bilis," sigaw ni tito at no'ng nakapasok na kami, sinarado nila agad ni Sir ang pinto at naglagay sila ng mga malalaking box sa harap ng glass door para harang namin.

Salamat sa pagbabasa! :3 Pag may nakita kayong errors, paragraph comment po kayo. ^^

MysticAmycreators' thoughts