webnovel

Chapter 2

TAIKA

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhh!" agad akong napapikit ng makita ko ang liwanag.

Makalipas ang ilang minuto saktong pagmulat ko ng mata ko ay nabighani ako sa ganda ng lugar na napuntahan ko. Hindi ko na naisip kung paano ako napunta dito dahil sobrang nakakamangha ang ganda kahit mahahalata mong forest dito. Bumalik ang pag iisip ko sa reyalidad nang biglang magsalita ang lalaking nakacape.

"Paano ka napunta dito?" gulat na tanong ng lalaking nakacape

"Aba hindi ko alam! Hinawakan lang kita tapos napunta na ako dito"

"Impossible, hindi pwedeng makapunta dito ang ordinaryong tao lang." hindi makapaniwalang sambit niya.

"teka nga! Nasan ba ako?"

"Wala ka sa mundo ng mga tao."

"Tanga ka ba? Anong tawag mo sayo? Hindi ka ba tao?" natatawa kong tanong sa kanya

"I mean, hindi to mundo ng mga mortal."

"Hay nako sabihin mo nalang kung nasan ako"

"Hindi ako pwedeng magsalita tungkol sa lugar na ito sa mga mortal. Maaari pa sumama kana lang sa akin"

"Ako? Sasama sayo? Hindi naman kita kilala eh." Tinalikuran ko siya at naglakad ako palayo. Hindi pa ako nakakalayo ay bigla niya akong hinigit.

"Hindi ka pwedeng magpagala gala dito. Hindi mo kabisado ang lugar na ito maaari kang mapahamak."

"Mas lalong mapapahamak ako kung ikaw kasama ko. Ikaw nagdala sakin dito. Tsaka hindi nga kita kilala bakit ako sasama sayo?"

"Hay nako. Ang hirap talaga intindihin ng mga mortal." Mahahalata mong naiinis na siya sakin.

"Mortal ka ng mortal, ih mortal ka din naman. Ikaw ang mas mahirap intindihin."

"Hindi mo ako maiintindihan. Sumama kana lang sa akin kung ayaw mo mapahamak."

Naglakad na siya palayo pero hindi ko siya sinundan. Bigla siyang huminto paglalakad ng mapagtanto niya sa hindi ako nakasunod sa kanya. Agad na nagkamot siya ng ulo at lumapit sakin. Siguro may kuto to lagi nagkakamot ng ulo.

"Okay. Ako nga pla si Zadi Mali."

"Ang weird naman ng pangalan mo. I'm Taika Hellarow."

"Tara na sumunod kana sakin."

Habang naglalakad kami parang nagiging familiar sakin ang daan. Nagiging familiar na sa akin ang kagubatan na ito. Maya maya pa ay nakalabas na kami sa kagubatan at tumambad sa akin ang napakalaking eskwelahan.

"Wow!" namamanghang sambit ko.

Agad na bumukas ang gate ng eskwelahan.

"Sumunod ka sa akin." Agad naman akong sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami papunta kung saan ay nakukuha ko ang atensyon ng mga estudyante. Sakin nga ba o sa lalaking kasama ko?

May lumapit sa aming babae at bigla itong tumingi sakin at kay Zadi.

"Zadi, sino yang kasama mo?"

"Ah, Veli si Taika, Taika si Veli kaibigan ko."

"Ahm. Hi" nahihiyang bati ko sa kanya.

"Hello." Nakangiting sambit niya at nakipag kamay sakin

Agad na lumapit yung Veli kay Zadi at bumulong.

"Zadi, paano siya napunta dito?" narinig kong bulong niya.

Bago pa makasagot si Zadi ay nauna na akong makasagot.

"Hinabol ko kasi si Zadi tapos napakapit ako sa kanya tapos un napunta na ko dito"

Agad na rumehistro sa mukha nila ang gulat dahil sa sinabi ko.

"Paanong narinig mo ang sinabi ko kay Zadi?" naguguluhan niyang tanong.

"Malakas pagkakabulong mo eh."

Tumingin ito kay Zadi at parang nagtatanong. Nagkibit balikat nalang sa Zadi.

"Una na kami Vel. Kelangan ko pa pumunta kay Headmaster. Tara na Taika."

Maya maya pa ay nakarating na kami sa lugar kung nasaan ang Headmaster nila.

Agad na kumatok si Zadi.

"Pasok."

Pagbukas ni Zadi ng pinto ay napalingon sa amin ang headmaster nila. I mean sa akin.

"Maupo kayong dalawa."

Sabay kaming umupo sa malampot na sofa.

"Paano ka napunta dito?"

Kinulbit ko si Zadi para sabihing siya nalang magpaliwang.

"Diba inuutusan niyo po akong magdala ng halamang gamot ka Ms. Forester. Saktong pagbukas ko ng portal ay dun ako sa may tao napabagsak. Binuhat ko yung babae para dalhin sa mataong lugar kaso may narinig akong papunta sa kinatatayuan ko kaya iniwan ko ung babae tapos hinabol ako ni Taika paghawak niya sakin saktong bukas ko ng portal nakasama siya dito."

Wala kaming nakuhang reaksyon kay Headmaster. Bagkus ay pinalabas nalang muna niya si Zadi.

"For the mean time Ms. Taika, dito kami sa school na ito."

Gulat ang rumihistro sa mukha ko.

"Pero paniguradong hahanapin ako ng aking ina."

"Miss, isang beses lang sa isang lingo nagbubukas ang portal kaya sa isang linggo ka pa pwedeng makaballik sa mundo ng mga tao."

"ANO?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa ideyang pumasok sa isipan ko. Paniguradong malilipat kami ni Taiko sa Arbington.

"Hindi pwede yun headmaster. Mapapalipat ako sa Arbington kapag hindi ako nakapasok ng isang linggo."

Bahagyang natawa ang headmaster sa sinabi ko.

"Don't worry Miss. Ang isang linggo dito ay isang araw lang sa mundo ng mga mortal.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Pansamantala ay dito ka muna. Heto ang susi para sa kwartong tutuluyan mo. May uniform doon. Mag aaral ka muna dito tulad ng ibang estudyante."

Hindi nalang ako umimik at kinuha ko ang susi pagkatapos ay lumabas ng Office.

Paglabas ko ng office ay nasampal ako ng reyalidad dahil hindi ko kabisado ang lugar na ito.

"Paano ko hahanapin ang tutuluyan ko?" naglakad lakad ako hanggang sa may makasalubong akong babae.

"Um. Miss pwede magtanong?" natigil sa paglalakad ung babae at bahagyang ngumiti sa akin.

"Sure what is it?"

"San ang Rm. 254?" bahagyang nagulat ang babae sa tanong ko. May mali ba sa tanong ko?

Maya maya ay agad na nagtatalon ang babae dhil sa tuwa.

"Waaaa! Hulog ka ng langit! Sa wakas magkakaroon narin ako ng makakasama sa kwarto. Tara hatid na kita sa kwarto natin." Pansin ko napaka lively ng babaeng ito.

"By the way, My name is Meyerixia Forestgibson and I'm an Elementalist." Elementalist? Pinagsawalng bahala ko nalang ito.

"Ako nga pala si Taika. Taika Hellarow."

"Saan class ka kabilang?" magiliw na tanong niya.

"Class?"

"Hindi mo alam yun. Ako elementalist, pwedeng alchemist ka, mage, shapeshifter, necromancer at kung ano ano pa."

"I don't know what you are talking about. I'm just new here. Galing ako sa mundo ng mga tao."

"Omg! It means tao ka?" gulat niyang tanong.

"Bakit hindi ka ba tao?"

"I mean normal kang tao? Paanong nakapasok ka dito?"

Bago pa man ako makapag salita ay naramdaman akong magpabulusok na kung ano samin pag tingin ko sa isa taong apoy. Lumilipad na apoy?

"Miss tabi dyan!"

Bago pa ko makaalis ay agad kong hinirang ang kamay ko sa akin. Makalipas ang ilang segundo ay wala akong naramdamang kahit ano. Tanging pagsabog nalang ang narinig ko.

Pagmulat ko ay tulalang mukha ng mga tao ang nakita ko.

Agad na nakarecover si Meyerixia sa pagkakatulla.

"Ow em ge! Are you okay? Paano mo nagawa iyon?"

"Ang alin?"

"Paano mo nagawang makapagpalabas ng apoy kung normal ka?"

Sa pagkakataong ito, ako naman ang natulala.

End of Chapter 2

(Sana may magbasa. Follow, vote and comment for improvement. Thank you! Sorry sa typographical error. Once I'm done writing this. I will edit it. )