*Tristan's POV
Kanina pa ako nakatingin kay Tyler habang umiinom ito sa garden. Ilang araw na rin na andyan lang siya. Pumapasok lang siya pag matutulog na. Nababagabag na nga ako eh. Hindi siya kumakain. Hindi pa ako handang dalawin siya sa mental pag natuluyan na siya. Paano na lang si Ken? Ang mga future pamangkin ko?
You see, I am still a good person. Kapatid ko pa rin naman yung pinaglaruan ko. I waited for Ken to tell Tyler the truth but I heard from April what happened to her.... About her parents. Ilang araw na rin na hindi pumapasok si Ken sa klase. Nakikita ko siya tuwing gabi sa bar, umiinom. Nakakabahala. Isang kapatid na lasenggo at future sister-in-law na lasenggo. Perfect.
Noong mga unang araw, I really expected na sasapakin ako ni Tyler tuwing makikita niya ako pero imbes ay nagkukunwari lang siyang hindi ako nakikita. Nakokonsensya na talaga ako. Mas mabuti pa yung sinusuntok niya ako eh. Mas masisikmura ko pang lagi siyang ganito... So I decided na ako na mismo ang magsasabi sa kanya. Kaya nga ako andito ngayon diba? Tingin niyo iri-risk ko ang buhay ko para lang panuorin siya?
Umupo ako sa harap niya saka tinungga ang beer na kakalagay niya lang sa baso. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at pagbabago ng ekspresyon. Mukhang handa na siyang patayin ako.
"Chill bro. Bago mo ako patayin, hear me out first." wika ko.
"Get lost, bastard."
I laughed. "Geez, you really love Ken that much huh?"
Napahigpit ang kapit nito sa bote. Yung tipong pinipigilan niya lang ang sarili niyang wag ihampas yun sa ulo ko? I know my brother. He's really hot-tempered.
"I knew Ken before you know her. We are really close, you see? Halos parehas kami sa lahat ng bagay. Noong mga bata pa kami, lagi kaming sabay sa lahat, kulang na lang ay sabay kaming maligo--"
Malakas niyang binagsak ang hawak na bote kaya nabasag iyun. He's really a scary brother. Hindi man lang muna ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Get the hell out of my sight before I kill you." malakas niyang wika halos mayanig ang buong mansyon.
Takot akong tumawa. "I didn't come here for that... I came here to tell you something." huminga ako ng malalim. "Ken's facing a very difficult problem right now and--"
"I don't care."
"You obviously do, dude." wika ko. Sinamaan na naman niya ako ng tingin. I raised both my arms. "Naglayas si Ken sa kanila at ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa klase niya. Nag-aalala na sina April. Ikaw lang yung naiisip kong sabihan nito dahil baka makinig siya sa--"
"Bakit di na lang ikaw? Tutal mukhang ikaw naman ang gusto niya." he said bitterly.
"Jesus christ! You're dumb! We don't like each other. Kung gusto namin ang isa't isa, malamang kami na dati pa lang... But sadly for everyone and gladly for you, We're just like brother and sister."
Ay grabeh. Hindi ko talaga maimagine na i-explain ang sarili ko ngayon. Bwesit naman kasing April na yun.. Sila tong papasok sa ganitong gulo tapos makokonsensya naman pala. Tsk.
"What happened in that bar... It was just a dare. Yeah, sure... What a dumb shit to do to someone... But Ken didn't really have a choice. Our asshole friends threatened her that they'll tell her parents about all her secrets kung hindi niya gagawin ang dare. So she did. Kahit na mahal ka nung tao." simula ko.
Magsasalita na sana siya but I stopped him. "I told you already, I know her since we were kids... Mukha lang siyang tigasin pero mahina yun. She loves her family. Ayaw niyang madisappoint sila dahil lang ganun siyang klaseng tao. I know, iniisip mo siguro ngayon, ano bang problema kung mahilig siyang lumabas at mag-party? Well brother, Ken's parents are perfectionist. Oras na malaman nila na naggaganun siya, malamang mapapatay siya ng tatay niya.
"After that little show, Ken saw his father with another woman. She confronted her mother but it didn't end well. She ran away which I understand. I'd do the same kung malalaman kong naglolokohan lang sina mommy at daddy. Nagkagulo na. Hindi na siya pumapasok. Lagi ko siyang nakikita sa bar gabi-gabi, naglalasing tulad mo ngayon. Your little girlfriend's broken, brother. You should at least fix her."
Huminga ako ng malalim at tumayo na. I waited for him to talk but he stayed still. Parang nag-iisip.
"She loves you... Hindi niya sinasabi pero she loves you. We talked before that night. She told me how much she wanted you and how much she wanted to kill herself for thinking about hurting you. She hated me for agreeing kapalit ang kotse. Sayo lang siya nagkaganyan, Tyler. Kahit doon sa una niyang naging kasintahan, hindi naman siya ganyan. You're a lucky bastard. Congratulations. Ikaw lang ang naglakas ng loob na patibukin ang batong puso ng kaibigan ko.... And anyway, about that kiss... I kissed her without her permission. I was just tryna help her. I made it easy for her."
Ngumiti ako saka naglakad na paalis sa harap nito. Tsk. Hindi ko alam kung sapat na ba yung mga sinabi ko para patunayang siya lang ang gusto ni Ken... But I think he'll probably want to hear Ken's side. Hahanapin niya yun. Sila na ang bahala. Matanda na sila. Kapagod makisali sa relasyon ng ibang tao.
*Ken's POV
Out again tonight. I heard from my friends that mom was looking for me. Glad they didn't tell her. I really don't want to see her face.
"Cheers!" sigaw ko sabay taas ng hawak na wine.
I danced with the crowd. Ngayon lang ako nagwala ulit ng ganito. I miss this life. Ang maganda ngayon, hindi ko na kailangan pa magtago. Wala na akong pakialam sa nakakita. I learned my lesson. Ayaw kong maging tulad ng mga magulang ko.
Someone touched me from the back. Napatingin ako rito. Dahil lasing na ay nakisabay na ako sa pagsayaw nito. He tried to touch me pero agad ko iyung tinanggal. No way. Iisa lang ang pwedeng humawak sa akin ng ganun... But sadly, that someone's not here. Baka nakahanap na ng iba. Bahala siya. I don't care about him anymore. I'm sure parang si daddy lang rin siya. Afterall, napaka-babaero niya nung una ko siyang nakilala.
"Let's go home now Ken." ani April habang hinihila ako paalis ng dance floor.
Ngumuso ako. "Mamaya na."
"Tsk. Ilang bote na ba ang ininom mo? Lasing ka na."
"I'm not!"
"Lasing ka na." ulit niya.
I rolled my eyes. Naglakad ako sa harap niya. "See? Hindi ako lasing. Hindi ko pa kailangang umuwi. Ano namang gagawin ko dun? Magmumukmok? I'd rather stay here. As if may mag-aalala kung nasaan ako ngayon."
"Ken naman eh!! Umuwi na tayo, please?"
"Ayoko nga. Ang kulit!" wika ko saka maglalakad na sana pabalik sa dance floor when I heard another voice.
"Uuwi ka na."
Napatingin ako doon. Nagulat ako ng makita si Tyler. Seryoso itong nakatingin sa akin. Gulong gulo ang buhok niya at ang itim itim ng ilalim ng mga mata niya. Gusto kong matawa. I miss him so much, nakikita ko na siya ngayon sa harap ko. Parang totoong totoo.
Tatalikod na sana ako ulit ng hawakan ako nito.
"Are you going to avoid me now?" tanong nito.
Napakunot ang noo ko. I poke his cheeks. "Totoo ka?"
"What do you think? Andito ako para sunduin ka. Uuwi ka sa akin. Hindi ikaw ang masusunod ngayon."
Napakagat-labi ako. It's really him. Hindi na ba siya galit? Anong gagawin niya sa akin ngayon?