webnovel

Anxious Heart

Agatha Liondra Martina - COMPLETED Alonzo Series #1 Agatha Liondra Martina o mas kilala bilang Ali Martina. Ang dalagang walang ibang hinahangad kundi ang masaya at tahimik na buhay kasama ang kanyang Mama Alicia at Daddy Philip. Na kahit tatlumpu't anim na taon ang agwat ng edad ng kanyang mama sa kanyang daddy ay hindi iyon hadlang para hindi sila magkaroon ng masayang buhay. Alam ni Ali na pamilyado at kilala ang Daddy niya sa kanilang lugar, paano na kung dumating ang araw na kinakatakot nilang mag-ina? Saan sila kukuha ng tapang para bumangon at ipagpatuloy ang buhay? Paano kung may panibagong gulo ang dumagdag? Kakayanin niya pa kaya? Paano na ang pangarap niyang masaya at tahimik na pamilya? Alonzo Series #1 : Agatha Liondra - Anxious Heart -UNEDITED VERSION-

ArbsByTheOcean · สมจริง
Not enough ratings
29 Chs

Wakas

"Bakit mo ba ko tinitignan? Baka mabangga tayo, Yuan." Sabi ko dito. Kanina ko pa kasi siya napapansing pa-tingin tingin sa direksyon ko habang minamaneho ang sasakyan. Mahirap na, baka makabangga kami dito sa Cavitex.

"Baka kasi mawala ka bigla sa tabi ko." Gulat pa kong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Paano naman ako mawawala sa tabi mo eh nagmamaneho ka at nasa loob tayo ng kotse mo. Alangan naman tumalon ako." Tumawa lang si Yuan sa sinabi ko.

An almost two hour drive bago kami makarating ng hacienda. Pinapasok naman kami ng security dahil nakita nila na nasa loob ako ng kotse. The moment I step out the car, bumuntong hininga muna ako bago hawakan ang kamay ni Yuan na nasa harapan ko na pala. I smiled at him bago ko siya iginaya sa malaking bahay.

I'm sure they're here. Dinner time na at sigurado dito kami magtitipon para kumain dahil nga sa nalalapit na kaarawan ni Lola.

"I hate you! Super hate you! I thought you will buy it?! Wag mo akong kakausapin hangga't hindi mo binibigay sa akin iyon!" sigaw ng nagmumutargang si Kiesha sa kausap nito sa cellphone nito habang pababa ng hagdanan. Nagulat pa siya ng makita niya akong nakatayo malapit sa pintuan.

"Hey, finally. It's dinner time...kanina ka pa hinahanap ni Tito Charlisle ka---oh! Who is he??" Nagtatakang tanong pa ni Kiesha pero ng kalaunan ay parang naintindihan niya na kung sino ang lalaking ka-holding hands ko. "O-M-G! as in Oh my gosh!!!!!" Tili pa nito na siyang dahilan kung bakit nagsilabasan sa dining area ang mga Kuya nitong si Kuya Thirdy at Kiefer. Gulat din ang rumehistro sa kanilang mukha dahil sa lalaking kasama ko. Kilala din kaya nila kung sino ito?

"What's happening here people?" Cool pang banggit ni Kuya Xavier pero ng makita ako at ang kasama ko ay napanganga na lamang ito at ng makabawi ay binigyan ako ng malademonyong itsura at parang ipinapahiwatig na 'lagot ka kay Kuya Xander mo'.

"What are you doing here?!!" Nagulantang ako sa lakas ng pagkakasigaw ni Kuya Xander at akmang susugurin ang tanong katabi ko ngunit nahablot agad ito nila Kuya Xavier. Agad ko naman tinago sa likod ko si Yuan kahit na alam kong mas malaki siya sa akin. But Yuan insisted. Nagpumilit siyang tabihan ako.

"You Asshole! Wag mong hahawakan ang kapatid ko!" Sigaw muli ni Kuya Xander. It's too late, Kuya. "Bitawan niyo ko at babasagin ko ang mukha ng gagong iyan!" Nagpumiglas ito ngunit hindi pa din nakatakas sa pagkakahawak ni Kuya Xavier, Thirdy at Kiefer. Si Kiesha naman ay parang loka loka na vinivideohan ang pangyayari.

"Anong kaguluh--" Nabitin ang pagsasalita ni Papa ng makita niya kami. Gulat din ang rumehistro sa mukha ni Mama. Nang akmang magsasalita na si Mama pero pinigilan siya ni Papa.

"Mama...Papa, Kuya... si Yuan po." Pakilala ko kahit na alam kong kilala naman na nila ito, hindi ko sigurado kay Papa.

"Ali, ano sa tingin mo itong ginagawa mo? Sinusuway mo ako! Kami ng pamilya mo!" Ani Mama sa galit na tono. Napatungo na lamang ako dahil doon.

"I'm here to explain. Wala po akong kahit na anong masama ng intensyon sa anak niyo at sa anak namin, Tita Alicia. Kung ano man po ang away niyo ng pamilya ko ay labas po ako doon at ang ibang pinsan ko. Malinis po ang intensyon ko kay Agatha." Paliwanag ni Yuan.

"Malinis ang intensyon? Ha! Paanong malinis ang intensyon eh bakit mo binuntis ang anak ko noon!" Sigaw pa ni Mama.

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Yuan. "I love her. Hindi ko man po nilinaw sa kanya ang nararamdaman ko ay mahal ko na siya. Mali man po sa paningin niyo ang nangyari sa amin dalawa, ay hindi po ako nagsisisi. I can fund her and our baby kung hindi siya lumayo...kung hindi niyo siya nilayo...kung sana binigyan niyo lang ako ng pagkakataon." Humigpit ang hawak ni Yuan sa kamay ko ng tumigil siya sa pagsasalita.

"Mommy...." Ani ng malambing na boses mula sa hagdanan. "Mommy...Da-ddy..." Ngayon ay basag na ang boses nito. Sinalubong ito ni Yuan para makababa na.

"Daddy...ikaw ang Daddy ko..." Umiiyak na sambit ng anak ko, niyakap nito ang nakaluhod na si Yuan para pantayan ito. "I miss you, Daddy...hindi ka na po ba aalis? W-ag mo na ko iwan Daddy...sasabihin ko kay Papa Xander na wag kana awayin, isusumbong ko siya kay Lolo Charlisle at Lolo Philip." Humihikbi pang sabi ng anak ko habang nakayakap sa Daddy niya.

"Hindi kana iiwan ni Daddy. Kayo ni Mommy, hindi na. Promise yan ni Daddy ha? Wag kana umiyak." Hindi ko ding maiwasang hindi umiyak sa nakikita ko. Hindi ko akalain na magiging ganito kabilis ang pagtanggap nito sa akin at sa anak ko.

Tiningnan ko si Mama na ngayon ay umiiyak na din kagaya ko. Nang humakbang ako para sana puntahan siya ay agad itong umalis at bumalik na ng dining area. Tinanguan naman ako ni Papa bago inaya sila pabalik sa Dining. Kahit na bakas sa mata ang pagtutol ay sumunod na din si Kuya Xander dito.

Nang maiwan kaming tatlo nila Yuan sa living room ay inaya ko na sila sa aming bahay. Kinuha muna ni Yuan ang pagkain na binili nito na pasalubong sa anak tsaka kami nagtungo sa kwarto namin.

"Ubusin mo iyan ha...ako ang pumili niyan for you." Magiliw na sambit ni Yuan.

"Opo, Daddy." Nanatili ang pagkakatitig nito sa anak namin na wari'y sinasaulo ang itsura nito.

"He looks like your father, Agatha. Pero pag tititigang mabuti, nakikita ko na ang pagkakahawig niya sa batang ako." Natutuwang sambit ni Yuan. Naglakad naman ako patungo sa pwesto niya at umupo sa tabi nito.

"Noong bata pa siya, kamukhang kamukha siya ni Papa, pero nitong lumalaki na ikaw na ang magiging kamukha. Tama nga sila....kung hindi kamukha ng Tatay ang bata pag baby pa...pag lumaki na doon magiging kamukha." Sambit ko.

"Hmmm...eh sino kaya ang magiging kamukha niyang nasa tiyan mo?" Tanong nito.

"Anong sinasabi mo?!" Gulat na tanong ko dito.

"Well...for sure magkakaroon na ng kapatid ang anak natin dahil sa kanina....Yulesis, gusto mo na din bang magkaroon ng kapatid?" Nahampas ko si Yuan dahil doon.

Tumayo naman agad si Yulesis at biglang niyakap ang ama nito. "Mommy! Wag mo awayin si Daddy."

"Oo nga, Mommy." Ani Yuan na ginaya pa ang boses ni Yule.

"Daddy, opo! Gusto ko na din po ng baby brother!" Tinignan naman ako ng nakakaloko ni Yuan.

-

After a few hours na pakikipag laro at pakikipag daldalan ni Yuan kay Yulesis ay nakatulog na ito. Magkatabi sila ngunit si Yuan ay gising. Bumaba ako kanina para iligpit ang pinagkainan nila Yule, ng nakasalubong ko ang Kuya Xavier at sinabing pumunta kami ni Yuan sa home office pag tulog na ang bata. Kaya heto kami ni Yuan ngayon, patungo doon na magkahawak kamay.

Pagkapasok namin doon ay nanduon ang Papa, Mama at sila Kuya.

"Ma..." Hindi pa man kami nakakapunta sa uupuan namin ay sinubukan ko ng kunin ang atensyon ni Mama pero hindi nito ako tinitignan. "I'm sorry po. Sorry kung sinuway ko kayo...pero...alam ko po na ito ang tama. Ma, ayaw mo ba akong makitang masaya? Kami ni Yulesis? Kuya Xander, alam ko na nagagalit kayo. Pero please...intindihin niyo naman ako." Umiiyak kong sambit. Agad naman akong inalo ni Yuan at niyakap.

"Kagaya po ng sinabi ko kanina, wala po akong intensyon na masama. Hinding hindi ko po sasaktan si Agatha, aalagaan ko pong mabuti sila ng anak ko. Hindi ko din po sila ilalayo sa inyo." Ani Yuan.

"Ano ba ang kaya mong ibigay sa anak ko, hijo?" Nanunukat ang tingin ni Papa kay Yuan.

"Kaya ko pong ibigay ang pangangailangan nila materyal man po iyon o ano...kung papayagan niyo lang po sana ako. Kung bibigyan niyo lang po ako ng pagkakataon....handang handa na po akong ibigay ang apilyido ko sa anak at apo niyo." I stunned with that. Maging ang aking Mama ay ganun din.

"Hindi lang po dahil sa may anak kami o kung dahil sa pangako ko kay Lolo na aalagaan ko si Agatha, o kung ano pang pwedeng maging dahilan...Mahal na mahal ko po si Agatha." Lalo akong napaiyak dahil doon. Hindi ko alam kung deserve ko ba talaga itong si Yuan sa kanila ng maling desisyon na nagawa noon.

"Kung ganoon...kailan mo papakasalan ang anak ko?" Napatakbo ako kay Mama ng sabihin niya iyon! Niyakap ko ito ng mahigpit at umiyak sa balikat nito at paulit ulit akong nagpapasalamat dito.

"Bago po lumaki ang tiyan niya, Mama." Napatigil ako sa pag-iyak sa sinabi ni Yuan! Hindi lang dahil sa pagtawag niya ng Mama sa Mama ko, kung hindi dahil sa sinabi niya tungkol sa paglaki ng tiyan ko!

"Aba't gago ka talaga no!" Mabilis na paglapit ni Kuya Xander kay Yuan at sinapak ito.

"Wag mo awayin Daddy ko!" umiiyak na sigaw ng bagong gising na si Yulesis kay Kuya at mabilis na yumakap sa Daddy niya. "Lolo, Lola inaaway nanaman ni Papa Xander ang Daddy ko." Sumbong ng anak ko..

"Apo, last na daw yun." Ani Papa.

At napuno na ng tawa ni Papa at Kuya Xavier ang buong opisina kaya lalong umiyak si Yule na nakakalong na sa nakaupo sa sahig na si Yuan.

Hinila naman na ni Papa si Kuya Xander palayo sa mag-ama ko bago  sumulyap amim ni Mama.

Niyakap ko lalo ito ng mahigpit at bumulong..."Mama, thank you."

"Just...be happy." and as she smiled at me, she wipe my tears and take my anxious heart away....