webnovel

Animated Love

Shanelle is a girl who is badly hurt by her ex boyfriend. In order to not be pitied by anyone, she made up a love story of her and a guy who is actually one of her fictional characters which she created through a sketch. Shanelle's story and her fictional character began as this fictional character becomes a real human.

Nev_Zepol · แฟนตาซี
Not enough ratings
63 Chs

Chapter 59

"I know Tita. Sige po Bye," binaba ni Shanelle ang tawg agkatapos makarinig ng tawag galing sa mama ni Riza. She looks at Chihoon. "It's Riza's mom. Gusto niya na samahan ko siya bukas ng umaga."

Tumango si Chihoon. "Go. Sobra na siguro siyang nag-aalala para kay Miss Rizalane."

"So, I'll leave everything to you tomorrow," ani Shanelle na tinanguan naman ng lalake. "Matutulog na ako ngayon. Matulog ka na rin at magpahinga," aniya saka tinalikuran ito. Ngunit tumigil siya halfway saka nilingon ang lalake. "Monster Chi, I'll keep that bedroom for you forever," aniya at dali-dali ng umalis. Alam niya na pagkatapos bukas, aalis na siya ng tuluyan at di niya alam kung makikita pa niya ito o hindi na.

_________

Morning came, Gab and the whole police force gather at Kim's family for the ransom money deal. Napagdesiyunan nilang ang ama ni Riza ang makikipag-usap sa mga kidnapper dahil mas malakas ang loob nito kumpara sa mama niya.

"Uncle calm down," ani Gab habang nakaupo ang matanda at inaantay ang tawag.

Kringgg...Kring... They all took their positions and get ready nang marinig ang tunog ng telepono. Hinawakan ni Gab ang kamay ng ama ni Riza bago niya sagutin ito. He signals his team to ready everything. The team puts on their headphones. "Don't be nervous. Just act according to the plan," bilin ni Gab kay Mr. Kim.

Sinagot na ng ani Mr. Kim ang telepono. "Hello?"

"Nakahanda na ba ang pera?"

"It's prepared. Parang awa niyo na wag nyong sasaktan ang anak ko."

"Dalhin mo ang cellphone mo at dalhin mo ang pera sa van. Drive the car yourself and don't play tricks."

"Saan ako pupunta?" tanong ni Mr. Kim.

"get on the road first. Tatawagan kita ulit mamaya."

"Wait, I want to hear my daughter's voice."

"Say something," sambit ng kidnapper kay Riza. "Dad!" sigaw ni Riza na narinig naman ni Mr. Kim. "Narinig mo ba?"

"hello? Hello?!" sigaw ni Mr. Kim nang Nawala na ang tawag.

Tinignan ni Gab sila Jackson. Umiling si Jackson dito. Napapadyak si Gab sa inis.

"Forget it. Nalaman siguro ng mga kidnappers na involve ang pulis. We can only play it by ear now," sambit ni Gab. Tinignan niya ang dalawang puilis na kasama ni Jackson. "you two, follow my car. I've already dispatched police at several locations. Sa oras na malaman natin ang exchange location, tumawag kayo agad ng backup. Jackson, Charm, sit in my car."

"Okay," sagot ng mga kasama.

Tinignan niya si Mr. Kim. "tito, bukod sa phone call na pwede naming mamonitor, sa damit mo may isa pang monitoring system. We will continue to monitor the car. Just do as I tell you. We will save Riza."

"Thank you," sambit ni Mr. Kim.

"Move!" sambit ni Gab.

Sakto naman noon na pumasok si Mrs. Kim kasama si Shanelle.

"Shanshan, iiwan ko na sayo si tita," ani Gab

"Be careful then," sagot ni Shanelle.

Umalis na nga ang mga pulis sa bahay nila Riza at naiwan sina Mrs. Kim at Shanelle.

Pagkalabas ni Gab sa bahay Nakita niya ang pagdating ni Troy. "Bakit ka nandito?"

"Sasama ako sayo," sambit ni Troy.

"No, you're not trained, its dangerous," aniya saka tinalikuran na ito ngunit mabilis na hinawakan ni Troy ang mga braso ni Gab. He seriously looked at him as if he doesnt have choice but to let him go with him.

"Fine, get in the communication car," sambit nalang ni Gab.

Pumasok na nga silamg lahat sa mga kani-kaniyang sasakyan.

Habang nasa daan, patuloy na sinusundan nila ang van na sinasayan ni Mr. Kim.

Luminga-linga naman si Mr. Kim sa paligid. Sa tabi niya nakalagay ang bag ng ransom money.

Nag-ready na rin si Chihoon na sumunod. Siya ang nasa tuktok at siya din ang back-up plan nila. He will chase the car by air para masigurong malalaman niya ang location ni Riza.

"I'm near the museum," sambit ni Mr. Kim sa communication device niya sa mga kidnappers.

"Now go north. Go to Metro Road," anang kidnapper.

Pumunta nga si Mr. Kim sa sinabi ng kidnapper na location. Sumusunod lang naman sina Gab sa sasakyan niya.

Chihoon also jumps through walls to and roofs of buildings para sundan ang sasakyan.

"Nasa Northside Park na ako," sambit ulit ni Mr. Kim.

"Go south to Damascus Road."

_______

Sa kabilang dako, dahi tinawag ng kidnapper kagabi kay Mrs. Kim na kung gusto niyang maligtas si Riza, ipalit niya si Shanelle sakanya kaya pinapunta niya ito sa bahay niya. I'm sorry Shanelle, but I will do this for my daughter.

________

"Gab, mukhang pinaglalaruan tayo ng kidnapper," sambit ni Jackson habang sinusundan nila ng tingin ang tinatahak ng sasakyan ni Mr. Kim. "If we go like this, then we are going back to our original position."

"Shhh..." Gab signals him to keep quiet. Pinakinggan niya ang device niya where the kidnaper is communicating with the Mr. Kim.

"100 meters ahead of Binada Elementary, theres a transfer shop. I prepared a new phone, new clothes, a hat and a mask for you. Change quickly and get back in the car."

Tumigil nga ang sasakyan ni Mr. Kim sa transfer shop. Pumasok siya dun.

Inaantay naman nila Gab ang paglabas nito.

"Gab anong gagawin natin?" sambit ni Charm.

"Wait," sagot ni Gab habang nag tingin ay nasa labasan ng shop. Prince Chihoon, I'm asking for your help.

Nakita nila ang isang lalakeng naka black coat, mask at hat na lumabas sa shop. Pumasok ito sa sasakyan. Nag-ready na rin sina Gab na sumunod sa sasakyan ni Mr. Kim.

"At the next intersection, turn right," narinig nila ang devive nila na kinakausap ng kidnapper si Mr. Kim.

"Tito, good job," sambit ni Gab.

"Kahit na pinalitan niya ang kasuotan niya at phone," kinuha naman niya ang monitoring device na nasa damit niya, sambit ni Jackson.

"Okay, got it," sambit ng isang kidnapper sa kasamahan nila na tinawagan niya. He kicked the chair of Riza. "Miss Riza pano ba iyan, the money for the meat is still on the way. But the butcher is going impatient."

________

Biglang lumiko ang sinakyan ni Mr. Kim sa kasagsagan ng red light.

"Gab, why did he turn left?!" sambit ni Charm habang tinitignan ang direksiyon na tinatahak ng sasakyan

Bumusina si Gab dahil sa tagal ng usad ng sasakyan.

"Gab, ang bilis na ng sasakyan. Mas madali nang mawawala ito sa paningin natin," sambit ng isang pulis mula sa communication car kung saan nakasakay si Troy.

"Tito, slow down. We're waiting at a red light," ani Gab na kinakausap ito mula sa device niya. Nang mag-green na, binilisan na din nilang magpatakbo para maabutan ang sasakyan.

"Gab tumigil ang sasakyan," sambit na naman ng pulis na nagta-track sa sasakyan. "Makikita niyo ito if you make a right turn at the next intersection."

Nakita nga nila ang sasakyan na nakatigi sa gilid ng daan. Bigla na naman itong tumakbo kaya sinundan ulit nila.

"Why are they not calling for such a long time?" sambit ni Troy na napapaisip. Kinausap niya ang pulis na katabi. "Ey, kung magsasalita ba ako, maririnig ako ni Gabrielle?"

"Oo," sagot ng pulis.

"gabrielle, Gabrielle, we got tricked," sambit ni Troy na naririnig naman ni Gab.

_______

At the transfer shop, makikita doon ang nakagapos nang si Mr. Kim. Ang taong lumabas na sa shop ay hindi siya kundi ang isang kidnapper na. Naalala ni Mr. Kim na pagkapasok niya sa loob, may isang taong pumalo sa likod niya kaya siya nawalan ng malay.

_______

"We can't get through Uncles phone?" bulalas na sambit ni Gab sa mga kasama.

"oo," sagot ni Jackson.

Hinawakan niya ang device niya para kausapin ang pulis sa communication car. "Locate the code name Mountain Monster and tell me. Also, call the police to intercept the van in front and ask someone to go to the transfer shop."

"Got it," sagot ng pulis.

"gab, kaninong code name ang Mountain Monster?" nagtatakang tanong ni Jackson.

Di siya sinagot ni Gab. Pinatakbo na naman niya ang kotse.

Pumunta naman ang isang sasakyan ng mga pulis sa harapan ng sasakyang sinakyan kanina ni Mr. Kim kaya napatigil ito.

Lumabas ang dalwang pulis at tinutukan ng baril ang driver. "Baba! Dali!"

Takot na takot namang nagtaas ng kamay ang driver na bumama ng sasakyan.

Hinawakan siya ng isang pulis sa mga kamay at sinandag sa nguso ng sasakyan. "Bakit mo dina-drive ng sasakyang ito?!"

"I-isa akong substitute driver at nag drive lang ara sa isang tao," takot na sambit ng driver.

"Substitute driver?!"

"Oo," sagot nito.

"Nasaan na ang dating driver nito?"

"Nagpalit siya sa isang van at umalis na," takot paring sagot ng driver.

"Pasok!" Pinasok nila ang driver sa police car."

Nakapikit namang nag-aantay ang mga kidnaper sa pagdating ng kasamahan nilang may dala ng pera. Maya-maya lang ay may narinig na silang busina ng sasakyan.

"The money for meat is here," sambit ng isang kidnapper.

Tumigil nga ang sasakyan sa harap ng nakakulungan ni Riza. Sinalubong naman siya ng mga kasama.

"Magaling," sambit ng isa sa lumabas na kasama na siyang naghampas ng likod ni Mr. Kim sa transfer shop. "we can even spare the hostage switch."

"Check the money first," sambit naman ng isa sa kasama.

Bigla namang may malakas na hanging nagsara sa pintuan ng kotse na nakapagpataas ng balahibo ng driver.

Lumingon siya sa likod niya ngunit wala namang tao.

"Anong problema?" tanong ng mga kasama na lumapit sakanya.

"Di ko alam. B-bigla nalang sumara ang pintuan," takot na sambit ng driver.

"Over here," sambit ni Chihoon kaya napatingin ang mga kidnapers sakanya.

Nandun na si Chihoon na nakatayo kung saan nakaupo si Riza at nakagapos.

Kinuha ng isang kidnapper ang itak niya saka nilaro-laro sa kamay niya.

_________

Sa kabilang dako, nagda-drive parin sina Gab upang i-locate naman ngayon ang location ni Chihoon upang sa ganun malaman kung nasaan si Riza.

"Wait, the Mountain Monster stop moving," sambit ng pulis.

"Good. Nandun siguro ang mga kidnappers. Catch up to it," bilin ni Gab.

_________

"D-dont come over!" takot namang bulalas ng mga kidnappers pagkatapos silang gulpihin ni Chihoon. Pinalipad silang lahat isa-isa ni Chihoon. Tumakbo naman ang isa at halos naihi na siya sa pantalon niya dahil sa takot. Bigla din siyang pinalipad ni Chihoon saka pinagkakatabi ang mga ito dahil nawalan na sila ng mga malay.

Tinanggal na din ni Riza ang mga tali niya saka tinignan si Chihoon. "Upo ka muna at magpahinga," aniya dito.

Umupo nga si Chihoon. Inabot naman ni Riza ang phone niya na hiniram nito upang tawagan ang mom niya. "Sinabi ko na sa mom ko na okay ako. Sabi niya na nasa CR daw si Shanelle so she didn't say anything."

"You don't seem surprised at all. Sinabi na ba sayo ni Shanelle ang katauhan ko?" tanong ni Chihoon na inabot ang phone niya saka binulsa.

"Hindi si Shanelle. Kagabi, sinabi sakin ni Justin Hubert." Napangiti siya sa pananahimik ng lalake. "Don't worry. He did say bad things about you, but I didnt believe him. Iniisip niya siguro na diko magagawang mabuhay pa pagkatapos ng araw na ito. Kaya sinabi na niya lahat sakin. But after I listened to your legend, alam ko nang makaliligtas ako."

"Bakit naman?"

"I didn't get the Girl Best Friend Nobel Prize Award for nothing," nakangiting sambit ni Riza. "Shanshan will do her best to make you save me."

Ngumiti si Chihoon. "tama ka. She'll always be like that to her friends."

Pagkagising namang ng mga kidnappers, magkakahawak kamay silang lumalakad upang tignan ang nagyayari.

"A-anong nangyayari?" tanong ng isa sakanila.

"But I'm curious. You've lived for many years. How did you get used of Shanelle's crazy ways?" curious na tanong ni Riza.

Napatahimik si Chihoon saka biglang lumapad ang ngiti. Naalala niya ang mga sinabi nito sakanya.

"What species are you? Where did you came from?"

"Oh, right, you're that dormant subject that the research center spent a fortune to rent for their research. But you woke up because of me. Two idiots also think that you're stolen. And theyre searching for you everywhere." Bigla itong tumawa ng malakas na halos napapapalo na siya sa sahig.

"Sige na please, huli na talaga," hawak niya sa damit ng lalake dahil sa request niyang lumipad. "Really for the last time. Please? Just for a short time, eo? We definitely wont get caught," she pouts and did her puppy eyes at him.

"Saan mo nirentahan ang sasakyan na iyon? okay, it seems that I have to buy that car, right? Ha, I guess that white car that jumps off the building in her commercial is the right thing to do right now. Gahhh!!!!" aniya at ginulo ang buhok.

"Besides your looks. Besides being rich, everything else doesnt meet my criteria. And I'm such a picky person. Kung meron mang isang bagay akong ayaw sa isang tao, aayawan ko talaga siya. Naiintindihan mo?"

Umiling si Chihoon habang inaalala ang mga iyon.

"No tapes at home?" tanong ni Riza na ang tinutukoy ay ang mga tapes na pwedeng ilagay sa bunganga.

"No noise-blocking tape," ani Chihoon. Bigla naman siyang napatingin sa labas ng may marinig.