webnovel

Chapter Three: Wings

3rd Person's POV

Nang mawalan ng malay si Therese ay agad siyang binuhat ng lalaking malaki ang katawan na humarang kanina sa kanya. Isinakay siya nito sa isang kulay itim na van.

Lumalalim na ang gabi. Mahaba na ang byahe ngunit hindi pa rin sila nakakarating sa napagkasunduang pagdadalhan sa dalagita.

Hindi pa rin nagigising si Therese.

Makalipas ang dalawa pang oras ay nakarating na sila sa lugar na sadya nila. Agad na binuhat muli ng lalaki ang dalagita na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. Sa ikalimang palapag niya ito dinala. Binuksan niya ang pinto at pabalibag na ibinaba ang dalagita.

Lumabas din ang lalaki sa silid at ikinandado ito. Bumaba siya sa ikalawang palapag gamit ang elevator. Dumiretso siya sa silid kung saan naroroon ang kanyang boss.

Pagkapasok na pagkapasok niya ay bumungad sa kanya ang lalaking malaki rin ang katawan, mahaba ang balbas, may takip ang isang mata at nagtotobacco na seryosong-seryosong nakatingin sa kanya. Siya ang kanyang boss. Unti-unti ay napapangisi ang kanyang boss.

"Boss, ayos na po. Nasa silid na siya," panimulang sabi ng lalaki.

"Magaling! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa iyo bilang tagasunod sa utos sapagkat hindi mo ako binibigo," anang boss.

"Ano na po ang gagawin natin sa kanya? Papatayin? Hahaha. Expert po ako doon sa bagay na iyon," muling sabi ng lalaki habang nakangisi ng malapad.

"No, no, no. Hindi magiging kaabang-abang ang laban namin ni Louie kapag pinatay ko kaagad ang anak niya. Isang araw ay magagamit pa nating alas ang anak niya," sagot naman ng kanyang boss atsaka nagtawanan na animo'y mga demonyo.

Nagpalabas ng alak ang boss niya at nag-inuman sila. Kung ano-ano ang kanilang pinag-usapan. Yung iba ay tungkol sa mga taong napatay na nila at yung iba naman ay ang darating na election.

"Hahahaha! Boss, patayin ko na lang kaya yung anak ni Louie?" tanong ng lalaki. Halatang siya ay lasing na lasing na.

"Sige, sige, sige! Magandang ideya iyan! Kunin mo ang baril ko sa ilalim ng unang nasa sofa," sagot naman ng kanyang boss na lasing na lasing na din.

Tumayo ang lalaki sa kanyang kinauupuan at naglakad papunta sa sofa na nasa likuran ng kanyang boss.

Nang makalapit siya doon ay agad niyang iniangat ang unan atsaka niya kinuha doon ang baril.

"Boss, Colt Paterson Revolver? Aba! Mahal itong ganitong klase ng baril, ah!" namamanghang anang lalaki.

"Hahaha! Oo, mahal nga iyan. Gusto mo bang gamitin?" tanong nito.

"Oo naman, boss! Gusto ko itong iputok sa Louie na iyon! Ngunit wala naman siya dito kaya anak na lamang niya ang pagbabalingan ko ng galit ko sa kanya. Hahahahaha!"

"Sige. Barilin mo na ang dalagang mahimbing na natutulog doon. Hahahahahaha!"

Louinna Therese's POV

I was shocked when I found myself in a dark room. Kakagising ko lang kaya naman hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking iyon.

The last thing that I remember is that I was reaching for Crystal's hand when suddenly, may panyong pilit na ipinaamoy ang lalaking iyon which made me pass out.

I was inside a dark room. I could see nothing but darkness.

I walked around the room, not minding the things that I might bump into. What's important to me was to escape from here. I need to find a way out.

Nabuhayan ako nang may masilayan akong ilaw. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling basta bigla na lamang nabuhayan ang loob ko. Pakiramdam ko ay may magliligtas sa akin dito.

The happiness that I felt suddenly turned into a cry when I saw the guy who brought me here, holding a gun. I was frightened. Agad akong nagtago sa likod ng pinto na kanyang binuksan, nagbabakasakaling hindi niya ako makikita.

As seconds pass by, my heart beats faster. I can even hear my own heartbeat.

"Therese, where are you?" the guy asked in a loud voice and started walking inside the room. He was drunk, based on how he speak and on his smell. Well, I have a strong sense of smell.

I never made a single noise. I even stopped breathing for a moment just to make sure that he won't find me. I do not want to die. Not now, please! I haven't reached my dreams yet!

He stopped walking in front of a table, beside a mirror in front of me, and looked under it. He shook his head and walked again.

"Therese, where are you? Magpakita ka na! Hahahahahaha! Ayaw mo ba sa akin? Tatapusin ko na nga ang paghihirap mo, eh. Ayaw mo ba? Ha? Hahahahahahahahaha!" muling anang lalaki. Para siyang baliw sa tawa niyang iyon!

I was startled when I saw him standing meters away from me, looking at my direction. A minute passed and he's still looking at my direction. I can feel my hand trembling in fear. I am sure that he saw me already. I am hopeless.

I just closed my eyes and waited for the guy to kill me, but minutes passed and nothing happened.

I opened my eyes and searched for him. He was in front of a wooden cabinet beside the table. He opened it and put the gun that he was holding a while ago inside.

I felt less nervous, but still, I should not let my guard down. Who knows what his next plan is?

After a moment of deafening silence, his phone rang. He stared at it for a while before answering the call.

"Yes, boss?" bungad niya.

Tumahimik siya ng ilang saglit, nakikinig sa sinasabi ng kanyang kausap.

"Pero, boss naman. Wala siya dito. Hindi ko alam kung paano siya nakatakas!" muling tugon niya sa kausap. Ngayon ay galit na siya.

"Okay, boss. Pupunta na ako diyan. Pasensiya na po talaga, boss. Nakatakas, eh," huling sabi niya at pinatay na ang tawag.

I felt relieved. All my nervousness left me. Ang mabilis na pintig ng puso ko kanina ay unti-unti nang bumabagal. Ang kaninang matinding takot ko at unti-unti na ding lumilisan.

Dumiretso siya sa may pinto at lalabas na siya. Ngunit nang hilahin niya ang pinto ay bigla siyang napatigil at...

Isinara niya ang pinto ngunit nasa loob siya. Nakita ko na lamang ang mukha niya sa pamamagitan ng teleponong nakatapat sa mukha niyang may malawak na ngisi.

Muling nanumbalik ang takot na aking naramdaman kanina. Pakiramdam ko ay uminit ang silid sapagkat tumagaktak ang pawis ko mula sa aking noo patungo sa aking leeg.

Mas lalo akong nilamon ng kaba nang bigla niyang itutok ang telepono niya sa akin na ngayon ay nakabukas na ang flashlight.

"Hahaha! Huli ka! Akala mo ay maiisahan mo ako, ha? Hahahaha! Nagkakamali ka! Hindi ako malilinlang ng kahit na sino! Hahahahahaha!" sabi niya which brought shiver down my spine.

"W-Why---?"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang itutok sa akin ang kanyang baril na kanina ay hindi naman niya hawak.

"P-Paanong---?"

"Huwag ka nang magsalita! Isang imik mo pa at pasasabugin ko na ang bungo mo!" iritang aniya.

I never dared to speak again. He looked at me intently from head to toe and laughed very hard.

"Sayang ang ganda mo. Hahahahaha! Sayang na sayang! Hindi mo na nga lang maipapakita pa sa mapapangasawa mo dahil mamamatay ka na! Hahahahahaha!"

He immediately pulled the trigger and was about to shoot me when a very bright light emerged on the ceiling of the dark room.

I saw a ball of light travelling towards my direction. It was too late for me to avoid it for it already hit me on my heart.

I heard a loud groan of a guy, probably made by the guy who brought me here. Different curses were thrown by him.

I felt dizzy. I felt so drained. My eyes were merely closing. But before I pass out for the second time today, I saw a glittery and sparkling figure of wings dancing with the very bright light.

#