webnovel

Ang Pag-ibig ni Lester

"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto. Noong malaman ng kanyang angkan na si Lester ang kanyang iniibig, lalake at isang tao, ay binalak nilang saktan ang binata upang mabura sa landas ng prinsipe. Hindi lingid sa kaalaman ng magulang ni Lester ang tungkol kay Ezekiel at tinanggap nila ang pagkatao nito. Subalit ng maganap ang trahedya ng pananakit kay Lester ng mga engkanto na halos ikamatay niya'y lubos na natakot si Ezekiel. Binura niya ang kanyang sarili mula sa alaala ni Lester upang magkaroon ito ng kapayapaan. At nagpanggap siyang matanda sa tuwinang magtatagpo ang kanilang landas masilayan niya lamang ang binata at makasama ng malapitan. Subalit nagbago ang buhay ni Lester ng magtungo ito sa Amerika makalipas ang maraming taon. Nakatagpo ito ng magandang babae sa katauhan ni Aubrey. Paano na ang pangakong Pag-ibig ni Ezekiel?

AnnieTee18 · แฟนตาซี
Not enough ratings
11 Chs

Kabanata 1

"Naniniwala ba kayong may ibang nilalang tayong nakakasalamuha dito sa lupa maliban sa tao subalit sila ay nagbabalatkayong tao lamang?" tanong ng matandang ginoo na nasa unahan ng sampung kabataan. Nakaupo ito sa may kalakihang bato sa gilid ng daan.

"Huh? Mayroon po bang ganuon, Ginoo? Tao subalit hindi tao?" sagot naman ng maliit na lalaking bata na maaaring edad pito.

Alas siyete iyon ng gabi at tanging liwanag lamang ng bilog na buwan ang tanglaw sa paligid. Wala pang kuryente sa lugar na iyon at tanging sa siyudad pa lamang ang may kuryente. Sa tuwing gabi ay normal na nag-uumpukan ang mga kabataan at ilang mga may edad upang magpalipas ng gabi. Ang ilan naman sa mga kalalakihan ay nagkakantahan habang naggigitara.

"Kung totoo man po iyun, paano malalamang hindi sila tao?" sunod namang tanong ng batang babaeng edad walo.

Ngumiti ang matandang ginoo bago sumagot, "May mga pagkakataong hindi naman talaga kailangang malaman pa ng tao ang kanilang eksistensiya sa mundo sapagkat karamihan sa kanila ay namumuhay ng normal kagaya lamang ng tao. Subalit may mga pagkakataong ang eksistensiya nila ay kusang lumilitaw sa mundo dahil sa mga hindi inaasahang kaganapan."

"Ah mababait po ba ang mga kagaya nila?" isa pang batang babae ang nagtanong.

"Katulad sa tao, may mabuti at may masama. Hindi man sila tao subalit gaya sa tao ay binubuo din sila ng kabutihan at kasamaan." Tumayo ang matanda mula sa bato at ngumiti sa mga bata. "Magkuwentuhan tayong muli sa susunod, ako'y magpapaalam na."

"Saglit lamang po, Ginoo, maaari po ba silang maging kaibigan ng tao?" pahabol ng batang lalaking nagtanong kanina.

"Hahaha, hindi ninyo nalalaman subalit maaaring isa sa kaibigan ninyo ay kagaya nila. Siya sige maiwan ko na muna kayo. Magkita tayong muli sa susunod."

Kumakaway ang matandang naglakad palayo sa mga bata.

"Mag iingat po kayo, Ginoo!" panabay na sigaw ng maliliit na paslit bago ito nagtayuan at nagsipaglaro sa kalsada.

"Tao subalit hindi tao? Totoo kaya ang mga iyon o kathang-isip lamang ng ginoong iyon?" tanong ni Lester sa sarili habang papalayo sa kinatatayuan niya kanina noong pinakikinggan ang kwento ng matanda. Napadaan lamang siya doon sapagkat bumili siya ng gas sa tindahan para sa kanilang gasera at nakuha ang atensiyon niya sa kuwento nito.

Napatawa siya sa sarili. "Maaaring kathang-isip lamang iyon ng ginoo para sa mga bata. Hihi," bulong niya.

Hindi kalaunan ay nawala na iyon sa kanyang isipan.

Siya si Lester, dalawampung-taong gulang, matikas ang katawan at magandang lalake. Subalit sunog ang kanyang balat sapagkat bilad sa araw dahil sa pagtatanim ng kung anu-ano o hindi kaya'y panghuhuli ng isda sa laot. Ganunpaman, hindi iyun hadlang sa isang probinsyanong katulad niya. Katunayan, karaniwan ang ganuong sunog na balat sa nayon.

Ilang linggo ang nakalipas.

"Lester! Lester!"

Nagulantang mula sa pagkakatulog si Lester dahil sa sigaw ng kanyang ina mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Mahilo-hilo pa siya at walang tsinelas na tinakbo niya ang pintuan.

"Ano po bang kaguluhan iyan, Ina?" pupungas-pungas na sagot ni Lester matapos buksan ang pintuan.

"Magmadali ka, Anak! Nagkakagulo doon sa dalampasigan dahil sa naglalakihang mga isdang nagtampisaw sa gilid ng dagat. Para bagang milagrong sadyang inalay sa ating bayan ang mga isda!" Nanguros pa ito at umusal ng pasasalamat sa Dios.

Mabilis na hinablot ni Lester ang kamisetang nakasabit sa likuran ng pintuan at nagmamadaling tumakbo papunta sa likod-bahay habang sinusuot ang kamiseta. Hinablot niya ang buslong panghuli ng isda at isang malaking timba at nakayapak na tumakbo sa dalampasigan.

Hindi kalayuan sa kanilang ang dagat, ilang minuto lamang ng kanyang pagtakbo ay narating niya iyon. Madilim pa ang kalangitan, sa wari niya ay alas kwatro pa lamang ng umaga. Malayo pa ay tanaw niya na ang ilang kanayon na nagkakagulo sa dalampasigan.

"Isa itong milagro!" sigaw ng isa habang bitbit ang buslong may lamang mga isdang nangingisay dahil sa kawalan ng tubig.

Ang iba naman ay halos hindi magkandaugaga sa paghuli ng isda.

Namilog ang mga mata ni Lester sa nasaksihan! Kay lalaking isda nga! Mabilis siyang bumuslo at pinuno ang kanyang dalang malaking timba.

"Sapat na marahil ito," bulong ni Lester matapos tignan ang laman ng timba. "Maaaring napakarami ngang isda subalit labis-labis naman ito para sa aming mag-ina kung ako'y magdadagdag pa." Kuntentong naglakad na siya pabalik ng kanilang tahanan.

Habang nasa daan ay naulinigan niya ang ilang matandang kababaihang nag-uusap mula sa kanyang likuran, marahil ay galing din doon sa dalampasigan.

"Hari nawang tama ang aking hinala, subalit ang ganitong pangyayari ay nangyari na noong ako'y maliit pa lamang. At hindi milagro ang ibig sabihin ng mga isdang ito subalit isang pangitain ng masamang kaganapan!"

"Huwag naman sanang ganuon ang mangyari, Kumare. Subalit natatandaan ko rin ang panahong iyun. Isang delubyo ang naganap at halos mawala sa mapa ang ating lalawigan ng pasukin ng tubig ang ating lugar!"

"Susmaryusep!" panabay na wika ng mga kababaihan at sa tantiya niya ay napaantanda pa ang mga ito.

Mabilis ng nagpatuloy si Lester pauwi ng tahanan subalit ng oras na yaon ay may dala dalang pangamba sa kanyang dibdib. Uminum siya ng malamig na tubig mula sa malaking inumang palayok pagdating ng bahay.

Ang narinig niyang kuwento ng matatanda kanina ay kuwento na lamang ng tumira sila sa nayong iyon noong maliit pa siya. Buhay pa noon ang kanyang ama. Nakabili lamang sila ng lupain doon at hindi orihinal na taga roon. Ang sabi-sabi pa noon, nagkaroon ng pagdagsa ng napakaraming naglalakihang isda sa dalampasigan at pinalad ang kanilang nayon subalit nagalit ang bantay ng karagatan sapagkat nilapastangan ito ng taong bayan noong ito ay magpanggap na pulubi at naglakbay sa nayon. Wala isa mang nagbigay dito ng tulong kahit na nga sagana naman sa pagkain at mga gulay ang kanilang lugar. Maging siya ay nainis sa mga kanayon matapos marinig ang kuwento. Nasabi niya sa sarili noon, 'Mahirap ba o mabigat bang pasanin ang mag-abot ng ilang pirasong tinapay o di kaya'y mais o kamote sa pulubi? Mga matapobre!'

"Lester anak, bumalik ka roon sa dalampasigan at manghuli ka pa ng isda habang maraming grasya ang karagatan." Hinimok siya ng kanyang ina matapos nitong ilagay sa malaking palanggana ang mga huli niya.

"Sapat na po iyan para sa atin, Ina, hayaan niyo pong makakuha rin ang iba nating kanayon. Napakarami na po niyan at malaking timba ang aking pinaglagyan."

"Siya sige, magpahinga ka muna at magluluto ako ng sinabawan ng makahigop ka mamayang almusal bago ka pumunta sa taniman," tugon ng kumbinsidong ina.

"Opo, Ina."

Bumalik sa silid tulugan si Lester at nagpalit ng damit bago nahigang muli sa banig na nasa papag. Nahulog siya sa malalim na pag iisip. Naalala niya ang matandang ginoo noong nakaraang mga linggo.

"Hindi kaya may kinalaman sa kanyang kuwento ang kaganapan ngayon sa dalampasigan? Hindi kaya'y muling nagpanggap na tao ang bantay ng karagatan?" Nanayo ang mga buhok ni Lester sa mga naiisip niya. "Paano kung masalubong ko ito at hindi ko pinansin? Paano kung humihingi na pala ito ng tulong subalit hindi ko natulungan? Magkakadelubyo kayang muli?"

Napalunok si Lester.

Alas siyete ng magtungo siya sa bukid. Nasalubong niya habang daan iyung matandang ginoo noong nakaraan.

"Magandang umaga po saiyo, Ginoo," nakangiting bati ni Lester sa matanda. "Kayo po ba ay magtutungo sa bayan?"

"Aba kay gwapong binata ito!" Kung pakatitignang maigi ay mababakas sa matanda ang paghangang pilit itinatago ng pilak nitong mga mata. Nagpatuloy siya, "Tama ka, Iho, ako'y bibili ng gamot sa rayuma at medyo palyado na ang aking tuhod. Hihi."

Lumapit siya kay Lester at bumulong, "Hindi ako makakarami sa Lola mo kapag lumagutok itong aking mga tuhod. Hihihi!"

Napakamot sa ulo si Lester at sa wari niya ay namula din ang kanyang pisngi dahil sa papuri nito at kabulgaran.

"Si Lolo talaga oh! Haha. Ako nga po pala si Lester. Makailang ulit na po kitang nasisilayan dito sa nayon subalit hindi ko po alam ang iyong pangalan," nakangiting wika niya. "Kayo po ba ay taga rito o bagong lipat lamang po?"

"Lucas ang aking pangalan. Hindi ako magtatagal dito. Ako'y nagbabakasyon lamang sa isa kong kaanak."

"Ahhhh. Sige po maiwan ko na po kayo Ginoong Lucas at tumataas na po ang sikat ng araw. Mag-iingat po kayo sa daan!" paalam ni Lester.

Ngumiti lamang ang matanda sa kanya at tumango.

Subalit...

Tama ba ang kanyang nakita? Tila may kumislap na kulay pilak sa mga mata ng matanda habang nakangiti ito ng malawak sa kanya. Para bagang mayroon itong nakamit na tagumpay na lubos ditong nagpasaya.

Nilingon niya ang matanda kapagdaka subalit ito'y may kalayuan na sa kanya. Napailing na lamang siya. 'Maaaring sinag lamang iyun ng araw,' kumbinsi niya sa sarili.

Inabot ng gabi sa daan si Lester sapagkat tinapos niyang maitanim lahat ang mais at kamote sa napakalawak nilang lupain. Tamang tama ito at katatapos lamang umulan ng ilang araw at malambot ang kalupaan.

Madilim na sa daan subalit hindi naman siya nakaramdam ng anumang takot. Sanay siyang abutin ng gabi sa bukid. Minsan pa nga ay nagtutungo siyang sadya ng gabi sa bukid upang tiyaking walang mga hayop na gumagala sa kanyang taniman.

Katulad sa nakasanayan, liwanag lamang ng buwan ang kanyang tanglaw subalit ngayon ay tila nakasilip lamang ang buwan at hindi gaanong maliwanag.

Habang daa'y may naulinigan siyang tinig. Sinundan niya ito at tila nagmumula sa bandang sagingan sa kaliwang banda ng daan. Segundo lamang ang nakalipas, nakarinig siya ng kakaibang ungol na nagparalisa sa buo niyang katawan!

Biglang dumilim ang paligid sapagkat natakpan ng kaulapan ang kakapiranggot na buwan.

"Ohhh! Ohh! Uhhhh!"

Halos mawalan nang buhay si Lester dahil sa tindi nang kabang nararamdaman.

"Uhhhh! Yeah!" muling ungol na narinig niya.

Nagsalubong ang kilay ni Lester habang unti unti namang bumabalik ang kanyang hinahon.

'Nag English ba ang umuungol??'

At sa pagsilip muli ng buwan ay malinaw niya na ngayong naaaninag ang paggalaw nang buong katawan ng saging!

Marahan at walang ingay siyang pumakabila sa puno nang saging upang malaman ang dahilan nang paggalaw nito at mga ungol.

At...

At...

O_O

Humiwalay yata ang kaluluwa niya sa katawan matapos siyang panlakihan nang mga mata!

Una niyang nasilayan ay ang dalawang kamay na nakahawak sa magkabilaang katawan nang may kalakihang saging. At sumunod niyang nasilayan ay ang nakausling puwet nang nilalang sa harapan niya. Gumagalaw ang puwetan nito nang paggiling at pa-atras-abante!

Humiwalay na nang tuluyan ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan at napalitan yata ito nang kampon ng kadiliman!

"Ohh Maria! Napakasarap mo! Napakaganda mo!" wika ng lapastangang nilalang! Pinag-igihan pa nito ang paggiling ng balakang at tumingala ito sa kalangitan habang nakapikit. Damang-dama ang sarap ng panghahalay niya sa saging!

Nag-init ang buong pakiramdam ni Lester ng mapagtanto ang karimarimarim na ginagawa ng lapastangan sa puno ng saging!

Sa tindi nang galit, buong pwersa niyang kinarate ang puwet ng lapastangan! Bumaon ng buo ang pagkalalaki nito sa butas na ginawa nito sa katawan ng saging na nagpaggising sa sariling kahibangan!

"Aray! Aray! D*monyo! Sinong tampalasan ang nanakit sa akin?!" sigaw ng lapastangang nilalang na nakabaon pa rin sa saging ang pagkalalaki. Umuusok ang ilong nito sa galit.

Galit din si Lester at muling niyang kinarate ang lapastangan. Subalit ngayon, sa batok niya ito pinatamaan dahilan nang biglaang pagkakatulog nitong nakayakap pa rin sa saging. Hindi na nagawang hugutin nito ang kanyang sandata.

Mabilis na lumayas sa pinangyarihan nang 'krimen' si Lester na umuusok pa rin ang ilong sa galit.

"May kaso kayang maisasampa sa mga manyakis na nanghahalay ng saging??!" naitanong niya sa sarili.

"Bwisit!!"

Mainit ang ulong binalibag niya ang kanilang pintuan pagdating sa kanilang tahanan.