webnovel

Ang Mahiwagang Mundo Ng Enderia

DreamReality · แฟนตาซี
Not enough ratings
13 Chs

Ang Krystal sa Tubig

Lumubog na ang araw at kasalukuyang nagsisiyahan ang mga miyembro ng barko. Si greg ay nakikipag-inoman lamang kasama ng ibang tauhan at kasalukuyang nagbabantay sa mga posibilidad na pangyayari. Sina Anna at Prinsesa Andalia ay nagpapahinga lamang habang si Dantr ay nagpapahangin sa quarterdeck kasama si Aldrin na nagmamando ng layag.

"Kamusta ang paglalakbay mo patungong hilaga? Natagpuan mo ba ang bagay na hinahanap mo?" Tanong ni Aldrin habang hawak ang manibela ng barko.

Nagmumuni-muni ang ermitanyo at napabuntong-hininga sa pagsagot, "Siguro, ewan ko".

"Si Andalia, saan mo nakilala?"

"Sa bundok ng Eudrel." Mahinang sagot ni Dantr.

"Huaaahhaaaaaay! Sinagip niya yun mula sa kamay ng mga bandido.." biglang pagsagot ni Anna habang humihikab. "*Singhut*, Hating gabi na ah, ba't gising pa kayo?"

Napatingin si Dantr kay Anna, "Oh? Si prinsesa? Tulog pa." Wika ni Anna.

"Di ako nagtanong" sagot ni Dantr habang hawak ang isang baso ng kape.

"Inunahan na kita. Pssh!"

"Teka? Anong Prinsesa? Si Andalia!? Wala namang kaharian dito ah?!" Nagtatakang tanong ni Aldrin.

"Mahabang storya." tugon ni Anna habang tinititigan ang kagiliran.

"Ang ganda ng langit..*huhmmm*..." Nagbuntong hininga si Anna nag biglang gumalaw ang barko.

"Anong meron!??" Tanong ng maingay na Anna. Papatakbong parating si Greg at tinuro ang isang sariwang wasak na barko at may iilang nabuhay pa. Iniliko ni Aldrin ang layag at sinagip nila ang mga natitirang buhay mula sa nawasak ng barko. Ilan sa mga ito ay matatandang manlalayag na takot na takot sa nangyari.

"Isang halimaw!! Napakalaking halimaw! Ilayag ninyo palayo ang barko dito!!" Sigaw ng matanda habang tinatangkang agawin ang manibela ng barko mula kay Aldrin subali't pinigilan ito ni Greg at Anna.

"Isang halimaw na Dragon!" Pasigaw na sambit ng matanda.

"Dragon?... Sa tubig?" Nagtaka si Anna nang biglang nagsalita si Greg.

"Ang dagat ng Halea ang isa sa mga malalawak na karagatan ng Middle Earth. Tinatawag nila itong "Ang buhay na Karagatan" sa kadahilanang ayon sa alamat, puno ito ng mala-dambuhalang mga nilalang dagat. Nagtataka ang mga tao kung saan nanggaling ang mga halimaw na ito at bakit nabubuhay sila sa mundo ng tao. Ang tanging naglalayag sa karagatang ito ay ang mga dalubhasa at mga barkong pandigma at mga gumagamit ng itim na mahika. Walang sino mang ordinaryong mandadagat na aksidenteng nakapunta sa Halea ay nakapaglayag palabas ng karagatan ng buhay." Nanginginig sa takot ang matanda habang binabasa ni Greg ang alamat sa isang libro.

"Pinilit kaming maglayag sa gitna ng karagatang ito, para maghanap ng mga nalalabing krystal ng Dragon ng tubig upang gawing pagkukunan ng lakas para sa itim na mahika" Wika ng isa pang lalaking matanda.

"Teka! Papaanong nagkaroon ng krystal na Dragon sa mundo natin?!" Nagtatakang tanung ni Aldrin.

Tumingin si Anna kay Dantr, "Hindi kaya?"

"May posibilidad." kalmadong tugon ng ermitanyo.

"Sandali nga! Anong mga nalalaman niyo?" Tanong ni Aldrin habang gulat sa mga nangyayari.

"Maaaring hindi lang isa ang lagusan sa dalawang mundo" wika ni Dantr.

"Naisip ko na rin yan, nung panahong ikinuwento niyo ni Anna ang pinagmulan ng iyong ina." Nagising ang Prinsesa sa paggalaw ng barko, "Hindi maaaring dumaan ang mga halimaw na ito sa lagusan sa aming kaharian sapagka't nakalitaw sa kalangitan ang buong Azerfaeil."

Gulat na gulat parin sa mga naririnig sina Aldrin at Greg nang biglang gumalaw muli ng napakalakas ang barko.

"Tignan niyo! Nagliliwanag ang tubig!" Sigaw ng isa sa mga tauhan.

"Di maaari! Aa-ang dragong iyan! Galing sa karagatan ng Vlair ang krystal na dragong yan! Paano napunta dito ang dragon mula sa mundo ko?!!"

"Hindi maganda 'to." Wika ni Dantr.

"Ahhhhh!" Napasigaw ng malakas si Andalia at nahulog nang biglang gumalaw ulit ng napakalakas ang barko.

"Prinsesa!!, Aldrin! Ilayag mo palayo ang barko mula rito! Bilis!" Sigaw ng ermitanyo. Hinubad ni Dantr ang mga bakal na sangga sa katawan at tumalon sa tubig upang sagipin ang prinsesa.

"Dantr!! Ang liwanag! Papunta sa kinaroroonan niyo!" Sigaw ni Anna.

Sumisid si Dantr upang makita ang papalapit na dambuhalang dragon sa tubig ng may napansin siyang kakaiba sa ilalaim nito.

"Prinsesa.." malumanay na tawag ni Dantr habang hawak si Andalia. "Di ko magagamit ang kapangyarihan ko sa tubig. Maiiwan ang lakas ko pero di ako kasing bilis rito kumpara sa lupa." Wika ni Dantr sa Prinsesa.

Tinitigan ni Dantr ang liwanag sa ilalim, *Kung tama ang hinala ko.* "...Prinsesa, Subukan mong lumipad."

"Tanga ka ba?!! Di ko magagamit ang pakpak ko kung wala ang kapangyarihan ng Yvandri!!" Pasigaw na tugon niya habang takot na takot sa paparating na dragon. "Subukan mo, pag hindi ka makakalipad, Mamamatay tayo."

"Ba't ang kalmado mo parin?!!" Pasigaw ni Andalia.

"Simulan mo na." Mahinang utos ni Dantr

"Dantr!!!" Sigaw nila mula sa barko na unti unti ng lumalayo mula sa kinaroroonan nina Dantr tugon sa utos nitong ilayag papalayo.

"Sa ngalan ng Yvandri Crystalia, Tinatawag ko ang kapangyarihan ng krystal! Dinggin mo ang dalangin ko! Lumipad ka!!!!!!!" Nagkaroon ng matingkad na liwanag sa himpapawid.

"Imulat mo ang mata mo." Malumanay na bulong ni Dantr.

"N-nn-nasa himpapawid tayo!! Gumana?!!" Gulat at saya ang naramdaman ng Prinsesa at lumipad sa kalangitan yakap ang ermitanyo.

"Bitawan mo ko". Biglaang sambit ni Dantr.

"Ha!? Nababaliw ka na naman!! Iniligtas na nga tayo ng Yvandri tapos magpapa.....!?" Hinalikan siya ni Dantr at nawalan ng pwersa ang mga kapit niya.

"Tumungo ka sa barko, akong bahala rito". Sambit ni Dantr habang nahuhulog mula sa himpapawid.

Lumiwag ng kulay kahel ang mata ni Dantr at bumalot ang mahiwagang magkahalong itim at kahel sa kaniyang buong katawan.

"M-may pakpak ka!!!???" Gulat na gulat si Anna at ang dalawa ay tulala pa rin sa mga nangyayari.

Papalapit na ng barko ang dragon nang pinigilan nito ng ermitanyo. "Ako ang kalaban mo panget na isda."

Tanaw mula sa barko ang naghahalong liwanag na ilalim na parte ng dagat. Biglang bumulwak ang tubig pataas sabay ng dragon at si Dantr sa bunganga nito. Nakawala si Dantr sa pangil ng dragon at lumipad sa himpapawid.

"Dibinong inilikha, tumugon ka!!" Lumipad patungo sa kaniya ang espadang nagbabaga sa mahika.

"Teka! Dantr!!" Sumigaw ang prinsesa,

"Huwag mong patayin! Hindi masama ang nilalang na yan!"

"Tinangka tayong patayin nito at tatawagin mong banal? Sino ba talaga kakampi mo?" Nanunuyang tanong nito sa prinsesa.

Lumipad papalapit si Andalia sa harap ni Dantr at sinubukang kausapin ang Dragon.

"Nakikilala mo ba ako?" Maamong tanong ng prinsesa.

"Hindi madadala yan" sambit ni Dantr.

"Shhh!, ayan ka na naman!"...

Tumingin ng direkta si Andalia sa mga mata ng dragon.

"Ako si Andalia, ang Prinsesa ng kaharian ng Azerfaeil. Dinggin mo ang tinig ko, Di ka namin sasaktan." Pabulong ng prinsesa sa dragon nang bigla itong sumugod. Nang akmaing sasanggain na ni Dantr ay biglang bumungad ang isang liwanag mula sa pakpak ng Prinsesa at ang sandaling malakas na pwersa sa hangin.

"Sabi ko na diba? Di siya masama. Sadyang nalula lang siya sa mundo ng mga tao...." Malumanay na sambit ng prinsesa habang maamong tinapik ang ulo ng Dragon, "..at tsaka may pag-uusapan pa tayo Ermitanyo!"

---

Naging gabay nila ang dragon hanggang marating ang islang kinaroroonan ng mga itim na salamangkero.

Naging kalmado na ang lahat ang nagpatuloy na sa paglalayag at palapit na rin ang madaling araw.

"Huy! Ermitanyo!" Sigaw ng prinsesa,

"Bakit mo....!", "Hep, kung tungkol ito sa pagsisinungaling ko, pasensya na." Inunahan na ni Dantr ng biglang sumagot muli si Andalia ng galit na pabulong, "Ba't mo ko hinalikan!? Di mo ba alam na Prinsesa ako!?"

"Edi ako na prinsipe mo." Mahina't nanunuyang sagot ni Dantr habang nag-aayos ang armas.

Namula ng wala sa oras ang prinsesa at natahimik bigla. "Bahala ka nga nga sa buhay mo!" At pumasok sa silid ng barko si Andalia.

"Anong meron?" Napatanong si Anna.

"Wala naman. Maghanda na kayo at mangingisda tayo ng pating" sagot ni Dantr.

"Pating!? Taraa!! Masarap na agahan 'to!".

Napangisi na lang si Dantr habang tinataktak ang botas at inaalala ang mga pangyayari.

---

"Greg wag ganyan! Sa ka ba lumaki?!" Sigaw ni Anna habang hinihila ang lubid ng layag.

"Anna, hawakan mo." utos ni Dantr habang pwersang hinihila pataas ang nahuling pating.

"Galing! May agahan na tayo!"

Nagising si Andalia mula sa pagkakatulog sa ingay ni Anna, "Oh, hi Prinsesa! Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Ahmm, sa tingin ko" sagot niya habang kinukuskus ang ulo niya.

"Mag-ayos ka na, kakain na tayo maya maya." malumanay na bungad ni Dantr sa prinsesa.

Kalaunan, matapos ang kanilang agahan ay nagpatuloy sa pangingisda sina Greg at Anna habang naglilinis ng barko ang ilan sa mga tauhan ni Aldrin.

"Dantr..ahmm.. nagtataka lang ako, paano mo naisipang makakalipad ako?" Tanong ng prinsesa.

"Nang unang pagsisid ko sa tubig, may napansin akong kakaiba sa ilalim ng dagat. "Maaaring hindi lang isa ang lagusan sa dalawang mundo"..." Direktang tugon ni Dantr.

"Ibig sabihin?!",

"Oo, ganun na nga. May bukas na lagusan sa ilalim ng karagatang 'to. Kaya't nagsinungaling ako at hinayaang gumana ang mahikang nanggagaling sa inyong mundo't makarating sayo kaya ka nakalipad." Kalmadong sagot nito. Walang imik ang prinsesa na pawang namangha sa nangyari.

*Tadhanda nga bang magkasalubong ang mundo natin? Tadhana bang makilala kita sa mahabang paglalakbay na ito? Ngayon ko lang napagtanto, hindi ko pinagsisihang tumawid sa lagusan papunta dito sa mundo niyo.*

Napangiti na lang ang prinsesa habang nakatitig kay Dantr.

"Mahaba pa ang lalakbayin natin, baka di ako magtagal pag titignan mo ako ng ganiyan sa buong byahe." biglang bungad ng ermitanyo.

"Ha!? Ahh..ehh.. H-hindi ako nakatingin sayo noh!!"

Ngumisi si Dantr at tumayo, "Magpahinga ka na.."

"Magsihanda kayong lahat at lalayag na tayo papuntang isla ng Iganda!"