webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
169 Chs

Chapter 60

Nagising na lamang si Van Grego na nasa kaniyang silid. Gabi na nga ito ngayon dahil siguro sa nangyari kani-kanina lamang. Medyo masakit ang kaniyang ulo ngunit naalala niya pa rin ang lahat ng nangyari at pangyayari sa kaniyang panaginip o kung panaginip lamang ba talaga iyon.

Alam niyang hindi iyon panaginip kundi isa iyong alaala, alaala ni Master Vulcarian. Hindi niya alam kung ano ang nais nitong ipakahulugan pero naniniwala siyang malalaman niya rin ang totoo kapag nakapaglakbay na siya sa ibang mundo. Aalamin niya ang katotohanan sa likod ng mga pangyayaring ito. Hindi niya hahayaang makulong laamng ang sarili niya sa mundong ito at mapuno lamang ng bagabag ang kaniyang isipan.

Napagdesisyunan ni Van Grego na magcultivate muna dahil ramdam niya ang pagod sa kaniyang katawan dulot ng pangyayarin kani-kanina lamang.

Dalawang oras din ang ginugol niya hanggang sa bumalik muli ang kaniyang sigla sa katawan. Mataas na ang kaniyang antas sa Cultivation kaya sanay na siyang hindi kumakain ng mga pagkain ng mortal at tanging mga High grade cultivation herbs at mga high grade cultivation fruits lamang ang kinakain niya upang mas lumakas ang kaniyang kapangyarihan at tumibay ang kaniyang katawan. Pinangangambahan rin kasi ng mga Martial Artists ang napakaraming impurities ng normal na pagkain lalo pa't magreresulta ito ng komplikasyon sa kanilang cultivation.

Agad na tumayo si Van Grego upang isagawa ang kaniyang mga plano. Maaari kasing magkaroon ng mga paghadlang sa mga plano ng Human laban sa Hybrid Sect. Hindi naman masama sa Hybrid Sect ngunit ang pagmamalupit at panliliit nila sa mga lahing tao ay siyang kinasusuklaman nila na sagad sa buto. Sa oras na malaman nilang gumagawa ang Human Sect na mga hakbang upang lumakas ay isang malawakang digmaan ang mangyayari na kahit siya mismo ay hindi ito mapipigilan. Ang kailangan niya ngayon ay bigyan ng pagkakaabalahan ang hybrid Sect.

Agad siyang lumabas sa loob ng Miniature House Artifact na binigay sa kaniya ni Binibining Mystica na siyang ilang taon na ring nasa pangangalaga niya. Masaya siya sapagkat marami siyang nakolekta rito lalo na ang kaniyang maliit na medicinal herbs na lubhang makakatulong sa kaniya sa hinaharap maging ang mga Guardian Beasts na nasa loob nito. Kailangan niyang palakasin ang mga ito lalo pa't kapag nagkaroon na ang mga ito ng ebolusyon ay siguradong makakatulong ang mga ito sa kaniyang paglalakbay. Hindi niya maaaring isugal ang kaniyang sarili mag-isa dahil alam niyang ang kaniyang panganib na susuungin sa hinaharap ay lubhang napakadelikado. Ngunit ang mas lalong importante ngayon ay tuparin ang kaniyang plano.

Isa sa mga plano niya ay ang lituhin ang mga Hybrid Sect lalo na ang Hybrid Cult Black Organization

"Isa na rin akong Beast Tamer at masasabi kong isa rin ito sa kauna-unahan kong gagawin ngunit wala akong pagpipilian..." sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang may lungkot sa boses nito. Halatang labag man sa kaniyang kalooban ngunit wala na siya magagawa pa sa kalalabasan ng gagawin niya o kung hahayaan niyang magiging mahina ang mga tao ay siguradong uubusin nilang kitilin ang buhay ng mga ito maging ang mga inosenteng tao ay madadamay.

Kahit may alinlangan siya ay mabilis niyang pinalitaw sa kaniyang kamay ang isang plawta. Parang ordinaryo lamang ito ngunit kung titingnan mabuti ay isa itong plawta na gawa sa buto ng isang Martial Beast maging ang energy fluctuations na naka-compress dito ay hindi malayong nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam. Sa mahigit tatlong taon niyang paglalakbay sa kontinenteng ito ay masasabi niyang walang shortcut o madaling daan upang makamit niya ang kasalukuyan niyang lakas. Ang plawtang ito ay gawa sa bone essence ng dalawang daang libong malalakas na Martial Beasts. Nahirapan siyang makamit ang kasalukuyang antas ng kaniyang kakaibang plawta na tinawag Soul Devouring Flute.

Tinawag niyang Soul Devouring Flute ito dahil kaya nitong i-hypnotize ang mga Martial Beasts dahil na din sa dami ng bone essences na ginawa bilang plawta na may kakayahang patayin, pasunurin at gawing armas laban sa kaniyang mga kaaway. Sa oras na tumugtog siya ng liriko ay siguradong mawawala sa katinuan ang mga Martial Beasts na nasa kaniyang paligid. Ang makakaya niya lamang ma-hypnotize ay tanging mga Martial Lord Realm pababa.

Ang Beast Tamer ay isang propesyon ngunit ang totoo'y sila talaga ang pinakatunay na armas ng mga Martial Artists. Ang isang Beast Tamer ay sinasabing naghahatid ng kapayapaan pero sa oras na magalit ito ay maghahatid din ito ng delubyo sa sangkatauhan. Pero sa lagay ni Van Grego ay hindi pa niya masasabi sa kaniyang sarili na isa siyang malakas na Beast Tamer dahil nalaman niyang mayroong mga Beast Tamer na higit na mas malakas sa kaniya sa Central Region, ang iba'y mabubuti pero ang iba'y masasama. Napakonti lang ng mga ito at bilang lamang sa daliri ngunit ang agwat ng kanilang kakayahan sa pagkontrol sa mga halimaw ay sobrang layo. Kahit pa sabihing nasa Earthen Level ang kaniyang kaalaman sa propesyong ito ay nasa Common Level lamang ang kaniyang totoong kakayahan o abilidad sa pagkontrol ng mga Martial Beast. Isa pa ay lubhang napakababa pa ang kaniyang Cultivation Level na siyang isang rason kung bakit hanggang Martial Lord lamang ang kakayahan niyang kontrolin subalit naniniwala siyang sa hinaharap ay makakaya niyang kontrolin ang malalakas na mga nilalang na Martial Beasts o kahit ang mga Hybrid na kalahating halimaw pero sa kasalukuyan ay lubhang napakaimposible pa ang gusto niyang mangyari.

Habang hinahawakan ni Van Grego ang plawta ngayon ay ramdam niyang nag-uumapaw ito ng kapangyarihang nakakubli rito. Maya-maya ay sinimulan niya ng tumugtog na isang napakalumanay na tunog ng isang kakaibang tono ng awitin.

Ramdam ni Van Grego ang kakaibang enerhiya na inilalabas ng plawtang hawak niya. I bawat pag-ihip niya ay siya ring paglagay niya ng sarili niyang enerhiya na humahalo sa plawta. Makikita mo ngayon na biglang nagkaroon ng di makabasag pinggan na katahimikan ng paligd na animo'y matalik siya lamang ang nilalang na naririto.

Maya-maya pa ay biglang nag-iba ang tono ng awitin na kaniyang tinutogtog gamit ang plawta. Makikitang naglalabas ng kakaibang awra ang katawan ni Van Grego ang mula sa napakaputi nitong buhok hanggang sa kaniyang paa ay nabalot ng kakaibang awrang parang animo'y nakikipag-isa sa plawta na ngayo'y mayroong inilalabas na awra. Maya-maya pa ay biglang naging marahas ang tono na tunog ng awitin. Dito ay makikitang may kakaibang lumalabas na mga rune symbols sa dulong labasan ng plawta at mayroong kakaibang mga rune patterns ang biglang umukit sa plawta na kulay pula, kasing pula ng dugo.

Ang mga rune symbols ay unti-unting nagalalaho sa hangin ngunit mararamdaman mong maging ang hangin ay nagbababala sa ibayong panganib ng dulot ng mga rune symbols na ito. Bigla na humangin ng malakas at parang pumorma ang hangin na pabilog na animo'y umaalon ang mga ito at biglang nawawala. Bawat minutong pagtugtog ng plawta ay siya rin namang pagkakaroon ng kakaibang energy fluctuations sa hangin. Ang tunog na nililikha ni Van Grego ang ay hindi maipagkakailang napakalakas na ngunit hindi alam ng karamihan na ang tunog na nililikha nito ay tunog ng nagbabadyang panganib at kamatayan. Ito ang huling nalalaman niyang tunog ng plawta ng isang Beast Tamer na siyang pinakamahirap kaysa sa naunang dalawang tunog na natutunan niya.

Ang una niyang natutunang Song of the Beast Tamer ay ang SONG TO TAME na siyang basic song ng Beast Tamer kung saan ay matutunan niya kung paano kontrolin ang mga Martial Beast. Ang pangalawa ay ang SONG TO NOURISH kung saan ay kaya niyang palakasin ang mga Martial Beasts sa anumang aspeto nito, sa bilis, sa reaction time, depensa at iba pa. Mahirap ang naging pagsasanay niya dahil minsan nga ay nagkakamali siya noong una pero dahil sa pagsisikap niya ay natutunan niya ang mga ito sa loob ng isang taon.

Ang kaniyang tinutugtog ngayon ay ang Intermediate level ng isang Beast Tamer, ang SONG OF DESPAIR. Dito ay tutugtog ang Beast Tamer ayon sa kagustuhan niya maging ang emosyon niya. Dito ay magkakaroon ng dagdag na abilidad ang mga Martial Beasts, ang bloodlust. Dito ay animo'y mga agresibong mga halimaw ang mga ito kung saan ay mawawala na sa katinuan ang mga halimaw at papatay ang mga ito sa kung sinumang haharang sa kanila. Mailalabas ng mga ito ang kanilang potensiyal sa pagpatay.

Ang mga gamit ng mga Beast Tamer sa pagtugtog ng tunog ay iba-iba depende sa gusto nitong instrumento na gamitin kagaya ng zither, piano, trumpeta, dahon, gitara at iba pa. Bawat isa ay may iba't ibang estilo ng pagtugtog depende sa gagawin nila mapadepensa man o pang atake.

Ngayon ay mas naging agresibo ang klaseng tono na tinutugtog ni Van Grego at ang kaniyang mahabang puting buhok ay lumugay dahil natanggal ang kaniyang pantali rito ngunit hindi ito naging sagabal upang ituloy ni Van Grego ang ang kaniyang pagtugtog ng kaniyang kakaibang plawta.

Rinig na rinig ng sinuman ang kakaibang tunog ng plawta ngunit magkagayon man ay hindi nila malaman-laman kung saan ang eksaktong pinagmumulan nito ngunit ang alam lang ng mga ito ay kakaiba ito at napakamisteryo. Parang nakakakilabot kapag narinig ng mga ito lalo na ng mga tao o ng mga hybrid ngunit ang kanilang hinuha ay tama. Hindi nila alam na ang tunog na ito ay naapalektuhan na ang natural na pag-iisip ng mga Martial Beasts na may cultivation level na Martial Lord Realm.

Unti-unting nagbago ang awra at gawi ng mga Martial Beasts na hindi mabilang sa dami na nakakalat noon at ang iba'y sobrang nakakubli ngunit unti-unting lumabas sa kanilang lungga sa napakadilim na gabing ito. Nagiging agresibo na ang mga ito at namumula ang mata habang tumutulo ang mga laway ng mga ito. Unti-unti na silang nahihipnotismo ng tunog na ginagawa ni Van Grego sa bawat pag-ihip nito at paglikha ng tunog ng plawta.

Maya-maya pa ay nabulabog ang gabing ito ng bigla na lamang umalulong at naglikha ng ingay ang napakaraming mga Martial Beasts na ilang libo ang bilang ng mga ito.

Awwooooohhhhhh!!!!!

Shhrrriieeecckkkkk!!!!

Roooooaaaaarrrrrr!!!!

Grrrrrrrrrrrr!!!!!!!

Cccrrroooooaaakkkkkkk!!!!

Hiiiiisssssss! Hiiiissss Hiiiiiiisssssssss!

Crrrrrreeeeeeaaaaakkkkkk!!!!

Hindi mabilang na pag-alingawngaw ng mga halimaw sa buong kagubatan ang mga tunog na nililikha ng mga ito. Maya-maya pa ay nagtakbuhan ang mga ito sa bawat isa at nagkaroon ng mga grupo-grupo hanggang sa nadagdagan ng nadagdagan ang mga ito hanggang sa mistulang naging kasingdami na sila ng mga langgam at naging mistulang dagat ang mga ito. Ito ang unang plano ni Van Grego, ang lusubin ang teritoryong sakop ng mga Hybrid Races lalong-lalo N ang mga Hybrid Sects. Hindi niya hahayaang mamatay lamang ang taong gumawa sa kanya ng paraan. Ang lakas ang batas at ibangon rin ang dignidad ng mga Human Race. Hindi niya hahayaang tapak-tapakan lamang sila ng mga Hybrid Race. Lakas at kapangyarihan lamang ang nagdedesisyon ng tama at mali ang mga mahihina. Kung kailangan niyang dungisan ang sariling kamay para sa mapangahas niyang aksyon ay gagawin niya dahil alam niyang walang sinuman ang tutulong sa kanila sa oras na malupig ng mga ito ang Human Race na hindi niya hahayaang mangyari.

Ngayon ay biglang humina ang tunog ng kanyang plawta at maya-maya pa ay itinigil niya ang kaniyang pagtugtog. Ngayon ay kitang-kita ni Van Grego ang kinalabasan ng kaniyang ginawa.

Tanaw niya ngayon sa mataas na maliit na plateau na kaniyang kinaroroonan ang mala-dagat na binubuo ng hindi mabilang na Martial Beasts na may iba't ibang laki at lebel ng cultivation habang papunta sa iisang direksyon, patungo sa lugar ng mga Hybrid Sect. Ang daanan nito ay maraming mga tribo at angkan ng Hybrid Sect na siguradong mapupuksa sa maladagat na dami ng mga Martial Beasts na dadaan rito idagdag pang nakabloodlust ang mga halimaw na ito. Sigurado rin siyang walang awang kikitlan ng buhay ang sinumang maglalaban sa mga ito. Ngunit mga dalawampong oras lamang ang itatagal ng Beast Hordes at pagkatapos nito ay mapapawalang bisa ang kaniyang ginawang hipnotismo sa mga halimaw na ito.

"Kung kasalanan mang maningil sa mga nilalang na masama, patawarin niyo po ako! " sambit ni Van Grego ang habang bigla na lamang siya nakaramdam ng pagka-guilty sa plano niyang ito. Wala na rin siyang oras na natitira dito sa Arnigon Continent kaya ito na lamang ang naiisip niyang plano na masisiguro niyang magkakaroon sila ng tiyansang mapalakas pa ang kapangyarihan at awtoridad ng mga Human Sect.