webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
169 Chs

Chapter 52

Kasalukuyang nakaupo sina Sect Master Soaring Light, Biyu at Van Grego sa loob ng malawak na silid. Maya-maya pa ay biglang nagsalita si Sect Master Soaring Light.

"Van, ano ang dahilan ng iyong pagbabalik? Anong nangyari sa iyo sa mahigit tatlong taon mong pagkawala?!" sambit ni Sect Master sa nag aalalang boses.

"Mahabang istorya Sect Master, masyadong komplikado ang naging lagay ko ngunit nakaya ko namang lampasan ang mga pagsubok na aking nasagupa sa aking paglalakbay." matapat na sambit ni Van Grego.

"Pero bakit wala kaming nsging balita sa iyo? Wala ka bang nabalitaan sa nangyari sa tatlumput-anim na mga Sect noong dalawang taon?!" seryoso ngunit malungkot na sambit ni Sect Master.

Tahimik lamang na nakikinig si Biyu sa naging usapan ng dalawa. Mayroon ding komplikadong ekspresyon sa mukha nito.

"Naglakbay ako sa malayong lugar Sect Master, nakaligtaan ko rin ang oras at panahon kung kaya't ngayon lamang ako nakabalik. Paumanhin po!" magalang na sambit ni Van Grego. Tumayo siya at yumukod upang ipakitang nagsisisi siyang ngayon lamang siya nagpakitang muli.

"Hindi mo ba alam na tatlumput-isa na lamang ang natitirang sect?! Labing-tatlo na lamang ang natitirang Human Sect dahil sa malakihang digmaan noong dalawang taon." malungkot na saad ni Sect Master SL

"Pa-paanong nangyari iyon?! Hindi ba malakas angbawat pinuno ng Human Sect para maprotektahan ang kaniyang sariling sect?!" sambit ni Van Grego habang may lungkot sa boses nito.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kong anong sect ang mas napinsala at walang natirang buhay maliban na lamang sa sampong katao?!" makahulugang sambit ni Master Vulcarian habang animo'y may pinupunto ito.

"Ano?!!!! isang total annihilation?! Ano'ng Sect iyon Sect Master?!" sambit ni Van Grego na animo'y bigla siyang kinakabahan sa kaniyang nalaman.

"Ang Spirit Ice Sect at ang apat pang Human Sect dahil na rin sa mayroong mga nakapasok na mga espiya sa mga Sect na ito. Nalaman ng mga ito na marami pang survivor ng tatlong Human Royal Family ng Arnigon Continent na walang iba kundi ang Winter Ice Family, Fire Lotus Family at ang Air Sword Family. Dahil sa mayroong malakas na konsepto ang mga ito sa tubig, Apoy at Hangin ay binalak silang paslangin ng isang makapangyarihang organisasyon, ang Hybrid Cult Black Organization. Noon ay napaslang nila ang lahat ng miyembro ng malaking pamilya ng Earth Strike Family at walang nabalitaang nakaligtas sa massive massacre na kagagawan ng organisasyong ito. Nakayang labanan ng Air Sword Family at Fire Lotus Family ang mga umatakeng kalaban sa kanila pero ang Spirit Ice Sect Master at ang mga disipulo nito ay hindi nakaligtas sa bagsik ng mga kalaban at walang awa silang pinaslang. Ang ibang mga sect ay halos kalahati lamang ang mga napaslang nila. Huli na ng malaman namin na mismong si Sect Master Spirit Ice ay kabilang pala sa Winter Ice Family. Ang natira na lamang at nakaligtas sa trahedya ay ang magkapatid na siyang nawawalang royal blood ng Winter Ice Family na sina Princess Ambreiya at Prince Bim.

"S-sila po ba ang mga kaibigan ko noong kasama kong lumahok noong Recruitment Week ng Soaring Light mahigit tatlong taong nakakalipas?!" sambit ni Van Grego habang pinipigilang mabulol. Hindi niya aakalaing mga Royal Blood ang magkakapatid na kasama niya. Kay Ambreiya siguro ay masasabi niyang prinsesa ito lalo na sa mukha at gawi nito ngunit si Fatty Bim ay masasabi niyang hindi dahil sa likas nitong katakawan.

"Oo Van, sila nga. Mabuti na nga lang at narito pa sina Lily Ciro at itong kasama ko ngayong si Biyu Narxuz sa aking pangangalaga at naiwasan nilang lumahok sa digmaan sa limang sect. Ngunit paano mo nalamang magbabalik ang mga mortal na kaaway ng nakaligtas na tatlong Royal Families?" puno ng kuryusidad na tanong ni Sect Master Soaring Light.

Nagimbal naman si Van Grego sa narinig niyang tanong ng Sect Master. Hindi niya maaaring sabihin ang katotohanang mayroon siyang master noon dahil magdududa ang mga ito kaya agad siyang nag-isip ng mga reyalistikong mga bagay at pangyayari.

"Minsan na kaming tinugis ng organisasyong iyon at makailang ulit na kaming nagkrus ng landas noong kasa-kasama ko pa sila ambreiya at fatty bim este Princess Ambreiya at Prince Bim. Pero dahil sa pagiging mautak namin ay nasalisihan namin sila. Nagulat nga ako na malamang mga tunay na maharlika sila ng Winter Ice Family. Tungkol naman sa kung paano ko nalaman ang kanilang paglusob ay noong minsan ay narinig kong nag-uusap ang mga assassins habang nagmamatyag ako sa kagubatan noong hindi pa nila kami tinutugis." sambit ni Van Grego habang iniiwasan niyang pumiyok o mabulol.

Agad namang inalisa ni Sect Master Soaring Light ang sinabing ito ni Van Grego at mataman niyang pinagmamasdan ang binata.

"Base sa testimonyang sinabi mo ay malamang ay noon pa man ay planado na nila ito. Hindi basta-basta malulupig ng Hybrid Cult Black Organization ang apat na Royal Families dahil likas na taglay nilang malalakas na konsepto ng apat na elemento. Pinaniniwalaang nasa ika-anim na stage na ang bawat konseptong narating ng ninuno ng mga ito ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay paano nabuwal ng mga ito at madaling nalupig sila?!" Seryosong sambit ni Sect Master Soaring Light na lubos ang pagtataka. Nakapangalumbaba ito dahil sa misteryong pagkalupig ng apat na makapangyarihang pamilya.

"Isa lamang ang dahilan kung bakit nangyari ito Sect Master, mayroong lupon ng mga taong kasabwat sa pangyayaring ito. Sa palagay ko ay hindi ito normal lamang na tao at masasabi kong mayroon itong mataas na katungkulan sa Human Sect." seryosong pagkakasabi ni Van Grego direkta kay Sect Master.

Ang nakikinig at nananahimik lamang na si Biyu Narxuz ay bigla na lamang napatayo sa kaniyang kinauupuan.

"Hindi maaari ito, kung totoo man ang sinasabi mo Van ay pinupunto mo na malamang ay nasa upper echelon ito ng grupo ng mga tao. Isang irasyunal man na pag-iisip ito ngunit may posibilidad nga naririto lamang ang mga traydor sa natitirang labingtatlong sect." Nanginginig sa galit na sambit ni Biyu habang makikita ang pait sa mga salitang binibitawan nito.

"Hindi maaari ito, paiimbestigahan ko ang mga bagay na ito. Hindi ko aakalaing maaari ngang may kinalaman ang sarili nating kalahi sa pagkalupig ng mga Royal Families lalo na ang Earth Strike Family at ng  nalalapit ng pagkapuksa ng Winter Ice Family na mayroon na lamang dalawang survivor. Kapag totoo nga ang mga assumption at mga analisasyon mo bata ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa mga taksil na mga taong kalahi rin natin. Isa itong walang kapatawarang kasalanan." seryoso ngunit may halong galit at pait na sambit ni Sect Master Soaring Light. Sa buong buhay niya ay nagbubulag-bulagan siya at halos walang resulta ang kanilang naging imbestigasyon sa mga pangyayaring ito.

"Wag kayong mabahala mga binata lalong-lalo ka na Biyu. Personal at sikretong imbestigasyon ang aking gagawin upang malaman ko ang itinatagong mga baho ng mga taksil sa alinmang Human Sect. Sigurado akong malalaman rin natin ang mga katotohanan ngunit pinangangambahan kong baka hindi natin kakayanin o malutas agad ang problemang ito kahit na matukoy pa natin ang mga traydor. Sigurado akong mangingialam ang Hybrid Cult Black Organization dito." seryosong dagdag na saad ni Sect Master Soaring Light habang makikita ang agam-agam nito sa kaniyang mukha.

"Sect Master, mawalang-gana po. Tungkol naman sa aking ipinunta rito ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatanggal ng inyong pinamumunuang Sect at gusto ko sanang humingi ng pabor na kung maaari ay isa ako sa mapiling maging representante upang maging estudyante ng Raining Cloud Academy." sambit ni Van Grego habang mabilis na ipinakita ang kaniyang badge at ipinakita ang kaniyang personal na motibo kubg bakit siya pumunta rito.

"Ang hindi mo pagkakatanggal sa Soaring Light Sect nitong nakaraang mahigit tatlong taon ay dahil na rin sa pabor ng namayapang si Sect Master Spirit Ice o si Princess Levora ng Winter Ice Family bilang gantimpala na rin sa pagprotekta mo sa kaniyang mga pinakamamahal na pamangkin. Hinintay nga namin ang iyong pagbabalik ngunit sayang nga lang at hindi mo siya naabutan at nakita ng personal. Tungkol naman sa iyong gustong pabor ay pinapayagan kita bilang pabor na rin sa akin dahil kayong apat nina Biyu, Princess Ambreiya at Prince Bim at ang anim pang mapipili ang magiging representante ng West Region. Ang natitirang sampong slot naman ay matitira sa mga Hybrid Sect. Hindi na magkakaroon pa ng duwelo o paglalaban-laban sa slot dahil ang dalawampong ito ay siyang representante ng West Region." sambit ni Master Vulcarian habang may lungkot sa boses nito ngunit pinal at tapat ang kaniyang sinasabi.

"Pero Master, siguradong mapapatagal pa ang imbestigasyon niyo sa naging malawakang insidenteng ito. Hindi ako sasama sa pagpunta sa Central Region upang mag-aral sa Raining Cloud Academy dahil alam kung nasa peligro pa rin ang buhay ninyo st ang lahat ng Human Sect dahil sa masasamang Hybrid Cult Black Organization." madamdaming sambit ni Biyu habang makikita rin sa ekspresyon ng mukha nito na seryoso siya sa kaniyang sinasabi.

"Wag ng matigas ang ulo mo Biyu, alam mong mas hindi namin kakayanin kung madadamay at mamamatay kayo sa kamsy ng mga masasamang mga nilalang ng Hybrid Cult. Mas mabuting lumayo at magpalakas kayo upang maprotektahan ninyo ang inyong sarili. Alam niyo namang kayo na lamang ang tanging pag-asa ng inyong mga pamilya upang itayong muli ang inyong pamilya dahil kung wala kayo ay siguradong wala ng tiyansang manunumbalik ang lakas at kapangyarihan ng natitirang tatlong Royal Family. Mababalot ng takot at lagim ang tao sa kontinenteng ito, sino ang poprotekta sa kanila? Alam mong matanda na ako at sana ay pagbigyan mo ang pabor na aking hinihingi sa inyo na siyang huling pag-asa namin." sambit ni Sect Master Soaring Light. Ayaw niyang aminin ngunit gusto niya sanang wag ng umalis ang mga ito. Napamahal na rin sa kay Biyu na itinuturing niyang parang inaanak na rin ngunit naiipit sila sa sitwasyong maaaring malipol ang mga tao at ang natitirang Human Sect na siyang nakakatakot na pangyayari para sa kaniya maging sa iba pa.

Tanging tango na lamang ang sinagot ni Biyu habang makikitang umiiyak ito habang nakayuko. Hindi niya kailanmang gustong lisanin ang lugar na kinalakihan niya. Akala niya ay sapat na ang nangyari noong bata pa lamang siya. Kung paano nasaksihan nito ang isang malaki at malawakang digmaan kung saan nakita niya kung paano nangamatay ang kaniyang mga miyembro ng kanilang Air Sword Family na siyang mga ka-anak niya ngunit wala siyang nagawa kagaya ngayon kung saan wala siyang pagpipilian. Oo, aaminin niyang gusto niyang lumakas pang lalo ngunit ang pinangangambahan niya ay ang lumayo sa lugar na ito kung saan ay pinangangambahan niyang baka wala na siyang babalikan pang mahal na sa buhay na siyang lubos niyang ikinakatakot.

Para kay Biyu ay mas pinapahalagahan niya ang mga taong nagbibigya importansya sa kaniya ngunit ano pa ang saysay ng kaniyang paghihirap kung wala naman siyang mapoprotektahan.

Nabalot ang silid ng nakakabinging katahimikan. Mistulang naging matamlay at malungkot ang atmospera sa loob ng malawak na silid na ito.

Ngunit maya-maya pa binasag ni Van Grego ang katahimikan ng lugar na ito.

"Sect Master, mayroon pa akong mahalagang bagay na ipinunta rito. Gusto ko sanang pahintulutan niyo akong gamitin ang Martial Awakening Hall." seryosong wika ni Van Grego.

" Martial Awakening Hall? Hmmm, wag mong sabihing hindi mo pa nagigising ang sarili mong Martial Soul?!" Gulantang na sambit ni Sect Master.

Napakamot na lamang sa kaniyang batok si Van Grego at nahihiyang tumango na lamang.

"Weh, hindi nga?! Paanong nangyari iyon eh halos lahat naman ng mga tao rito ay nagising na nila ang kanilang sariling Martial Soul. Hindi nga namin alam kung ano ang silbi ng mga iyon eh." hindi makapaniwalang sambit ni Biyu at mabilis na pinalitaw ang kaniyang sariling martial soul sa kaniyang kanang palad.

Nang makita ni Van Grego ang martial soul ni Biyu ay namangha siya. Isa itong kakaiba at mahabang espada. Alam naman niyang nahahati sa apat na rank ang Martial Soul, ito ay ang Huang, Xuan, Di at Tian. Nahahati rin ang bawat isa sa sampo pang mga lebel. Dahil sa mga alaala ni Master Vulcarian na napunta sa kanya ay mas tama at kompleto ang mga ito kaysa sa mga inilalathalang mga libro o manual.