webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
169 Chs

Chapter 12

Halos lahat ng tao ay nakalabas na sa hall na isa sa malaking gusali na sakop ng Alchemy Powerhouse Association. Marami ang mayroong hindi kaaya-ayang mga ekspresyon sa mukha lalo pa't hindi nila alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng kalagayan ng kanilang kayamanan ngayon lalo pa't wala na silang negosyasyon patungkol sa Asosasyong ito.

Nawalan sila ng gana sa pamamalakad ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't ang kanilang nakitang mga bagay ay sobrang nakakadiri para sa kanila. Halos karamihan ay nagpapahid ng kanilang mga bibig at nagmumog na parang wala ng bukas. Kahit mayroon silang panghihinayang sa makukuha nilang porsyento sa ibebenta nila ay wala silang magagawa pa lalo pa't nagdesisyon na sila ng padalos-dalos o agaran ng hindi nag-iisip.

Mula sa maraming mga grupo ng mga Opisyales sa kanilang mga kanya-kanyang mga angkan o maging mga kaharian ay hindi makikita ng malinaw ang limang kataong naririto lalo pa't masasabi mong nakabalabal na sila ngayon. Ang grupo ng nakabalabal na ito na halos balot na ang lahat ng kanilang katawan at ang kanilang mukha ay nakangisi ang mga ito.

Tahimik lamang silang nag-uusap na hindi naririnig ng ibang mga Cultivator ng ibang mga angkan lalo pa't ayaw nilang sila naman ang pagbuntunan ng galit ng mga ito

"Magaling ang estratehiya mo Fourth Elder Glemor kung paano niyo napasama ang imahe ng malaking Asosasyong ito. Sayang nga lang at marami ang mga uto-utong mga Cultivator nyahahaha!" Nakangising sambit ni First Elder Ramon sa kasama niyang naglalakad na si Fourth Elder Glemor.

"Mga walang utak naman kasi ang mga iyan hahaha... madali lang pala ang bagay na ikakasira ng malaking Asosasyon na ito, ni hindi nga mapasok ang lugar na ito kahit ng mga assassins at huwad na video lamang ang inirekord ko at ipinakita sa kanila. Siguradong malaki ang pabuyang makukuha natin sa boss natin nyahahaha!" Dagdag na sambit ni Fifth Elder Elmo sa sinabi ni Fourth Elder Glemor.

Kung maririnig lamang ito ng ibang mga Cultivator na may matataas na posisyon sa lipunan ng Second at Third Rate Class ay siguradong tigok agad sila lalo pa't isa itong paninira lamang sa Alchemy Powerhouse Association. Kung sinuman ang makaririnig ng diskusyon ng limang Elder ng Grego Clan ay siguradong magagalit at magdedeklara ng away o kaya ay labanan na siya namang magiging katapusan sana ng mga Elders ng Grego Clan.

"Pakihinaan niyo naman ang boses niyo, kapwa ko mga Elders baka hindi pa tayo nakakaalis sa lugar na ito ay mawawalan na tayo ng buhay dahil sa pagiging kampante at arogante niyo. Mas pinili niyo pang dito magdiskusyon na kung maririnig nila ito ay siguradong di sila mag-aalinlangan na paslangin tayong lima!" Pasuplada at mahinang pagkakasabi nito na may diin sa bawat salitang binibitawan ni Second Elder Kirina lalo pa't kung may makakarinig sa kanila ay walang dudang mamamatay sila lalo pa't nakikita niya ang madilim na ekspresyon ng mga kapwa niya mga bisita na may matataas na posisyon sa bawat lugar na kanilang pinamumunuan. Naiisip palang niya na may makakarinig sa kanila ay talagang tatakasan siya ng kaluluwa kapag nangyari ang kinakatakutan niya. Hindi siya isang mangmang upang maging padalos-dalos ng mga hakbang sa paninira o kaya ay paggawa ng ibang uri ng mga kasamaan sa kapwa niya. Halos may pagkakahawig sila ng trabaho ni Fourth Elder Glemor ngunit mas lamang siya sa pag-iisip ng mga hakbang at bagay-bagay para makaiwas sa anumang sigalot.

Natahimik naman ang apat na kasamahan niya lalo pa't napagtanto din ng mga ito ang sinasabi ni Second Elder Kirina. Napag-isip-isip nilang may punto ang bawat salitang sinasabi nito kung kaya't mas pinili na nilsng manahimik at mamaya na ipagpapatuloy ang kanilang diskusyon kapag nakaalis at nakalayo na sila sa Teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association.

Humalo na sila sa maraming taong nagkukumpulan at hindi na sila makita pa lalo pa't mas dumilim pa ang lugar na kanilang nilalakaran na kaninang pagdating nila ay sobrang liwanag ngunit tanda lamang ito na hindi na sila pwedeng umapak pa sa teritoryo kailanman.

...

Inilibot ni Van Grego ang kanyang paningin sa malawak na hall na kung saan isinagawa kani-kanina lamang ang napakalaking pagtitipon ngunit nauwi lamang sa hindi napakagandang diskusyon bagkus ay nagresulta pa ito sa napakalaking komosyon sa pagitan ng malaking Asosasyon ng Alchemy Powerhouse Association at ng mga grupo-grupong mga matataas na opisyales ng Second Rate at Third Rate Class na siyang nauwi sa hindi pagkakaintindihan lalo pa't karamihan ay hindi sumasang-ayon sa dito maging sa mga gawain ng Alchemy Powerhouse Association. Hindi nila napagtanto na niloloko lamang sila ng mga Elders ng Grego Clan. Hindi niya na ito inaalala pa lalo na alam niyang napakaraming mga nakikisawsaw na mga Cultivator kung saan ay hijdi niya alam kung sino ang mapgkakatiwalaan o hindi. Sa larangan ng pagnenegosyo ay dapat ay mayroon kang mga taktika maging ng mga bilang ng tao na maaari mong mapagkakatiwalaan maging sa pagbebenta ng produkto kung kaya't ang napakaraming mga kasosyo sa negosyo ng mga Cultivation Resources ay makakaagaw ng atensyon ngunit alam niyang panahon na upang ipakita sa tagalabas ang kakayahang taglay ng Alchemy Powerhouse Association na kung saan ay mas marami pa siysng plano ukol dito.

"Ginoong V, ano po ang nararapat nating gawin sa mga nanatiling mga Cultivator na siyang Opisyales ng ibang mga Lugar sa kontinenteng ito? Magtatakda ba ko ng ibang araw sa pagpupulong?"Sabi ni Nica Frunto ng makalapit siya kay Mr. V lalo pa't halos konting oras na lamang ang natitira bago isasagawa rin ang malaking pagpupulong ng mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association.

Bumalik sa reyalidad si Van Grego ng marinig niyang nagsalita si Nica Frunto sa kanyang harapan. Masyado siyang inuukopa ng kanyang mga iniisip kaya di niya namalayang nakalapit na ang magandang dalaga sa kanya.

"Uhm, hindi na sapagkat kulang na tayo sa oras lalo pa't may sasabihin ako sa inyong mga plano at sana ay maging handa ang lahat. Inaasahan kong dadalo ang lahat ng miyembro sa gagawin nating malakihang pagpupulong lalo pa't lubhang napakaimportante ang ibibigay kong impormasyon sa inyo." Malinaw na pagkakasabi ni Van Grego sa dalagang si Nica Frunto lalo na't tunay ngang gahol sila sa oras at wala na siyang oras pang intindihin ang mga bagay-bagay na hindi masyadong importante liban sa nalalapit na malaking digmaan sa susunod na mga araw.

"Masusunod Ginoong V, ipapakalat ko ang impormasyong ito sa iba't ibang mga Departamento ng ating Asosasyon upang agad na matugunan ang nasabing malaking pagpupulong ngayong gabi. May idagdag pa po ba kayo Ginoong V?" Mahabang tugon ni Nica Frunto sa sinabing utos ng matandang nasa kanyang harapan. Sa huli ay nagtanong siya ukol sa maaaring idagdag pa ng matanda lalo pa't alam niyang hindi naging maganda ang naging resulta ng malaking pagpupulong na ito ngunit mas pinili niya maging kalmado kahit na siya ay nagagalit sa mga akusasyon ng Grego Clan sa kanilang Asosasyong ito.

"Wala na akong idadagdag, maaari ka ng umalis Binibining Nica." Maikling sagot ni Van Grego sa dalaga.

Agad na umalis ang dalaga at pumunta sa napakalaking gusali malayo sa Hall na kanyang pinuntahan kanina. Mabilis siyang lumipad sa pamamagitan ng isang Flying Equipment na isang Uri ng Kahon. Mas pinili niya ito lalo pa't espesyal na klase ng Flying Equipment ito dahil liban sa hugis kahon ito ay kaya nitong maging invisible sa mata ng mga Cultivator hanggang sa Martial Ancestor kung kaya't hindi siya nakaw atensyon sa lahat o kaya ay masundan ng sinuman.

...

Pumunta si Mr. V sa itaas ng entablado at nagkaroon sila ng maikling pagpupulong. Kahit na alam niyang karamihan ay nananatili ng dahil sa iba't ibang layunin ngunit mas pinili niya lamang na maging propesyunal lalo na't alam niyang sa larangan ng negosyo at pamumuhunan ay mayroon talagang iba't ibang personalidad ang mga negosyante maging ng namumuhunan patungkol sa pagbebenta o pagnenegosyo at hindi niya na ito sakop pa. Nagkaroon ng mga kasunduan sa pagitan nila at sumumpa ang bawat isa sa kanila ng pagiging tapat sa Asosasyon at hindi kailanman magtataksil sa pamamagitan ng pagbibigay ng palasumpaan sa ngalan ng Kalangitan.

Alam ni Van Grego na magiging tapat ang mga ito lalo pa't malaki ang benepisyong makukuha ng mga ito liban sa porsyento at iyon ay ang seguridad o proteksyon ng malaking Asosasyon na ito laban sa maraming mananakop. Inaaasam ng lahat ng nananatili sa panig ng Alchemy Powerhouse Association ang kanilang kalayaan sa kahit na anong aspeto lalong-lalo na ang kalayaan sa pagnenegosyo na siyang ikinabubuhay ng karamihan.

Nagulat ang lahat sa ino-offer ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't ang kapalit ng pagiging tapat nila ay ang seguridad ng kanilang buhay maging ng kanilang mga pamilya, angkan o maging ng tribong kinabibilangan nila. Marami mga benepisyo pa nag kanilang matatanggap lalo pa kung marami silang maibebentang mga Cultivation Resources sa ibang mga Cultivator. Halos lahat ay nagalak sa iba pang mga benepisyo lalo pa't para sa kanila ay lubhang napakalaki na ng benepisyong natatanggap nila noon ngunit mas doble o triple pa ngayon.

Ang mas nagpagimbal pa sa kanila ay ang maaaring likasan nila o kaya ay pwedeng gawing tirahan nila. Ang lugar na inihandog ni Van Grego / Mr. V ay ang The Lunar Sky Town kung saan itong lugar na ito ay malaparaiso ang ganda at masasabi mong angkop na lugar para sa mga masisipag na mga Cultivator lalo pa't sagana at napakakapal ng Enerhiya ang bumabalot sa lugar na ito. Makikita ito sa lugar sa dulong bahagi na parte ng lupain ng mga First Rate Class ngunit hindi ito eksklusibo para sa lahat ngunit ng sabihin ni Mr. V sa kanilang para sa kanila ang buong Lunar Sky Town ay ikinagimbal nila ito. Ang makapunta lamang sa lugar na iyon ay parang pangarap lamang nila ngunit ngayon ay hindi na ito pangarap bagkos isa na itong simula para sa kanila. Ang lahat ng mga Cultivator na naririto ay lubos ang pasasalamat sa matandang naririto lalo pa't sobra-sobrang tulong at benepisyo ang kanilang nskuha mula sa matandang ito na hindi nila inaasahang ito pala ang sinasabi nitong magiging lugar na lilikasan ng mga tao ng Second at Third Rate Classes. Nakaramdam sila ng awa sa mga umalis at gumawa ng padalos-dalos na hakbang upang putulin ang negosyasyon o ugnayan ng Asosasyong ito sa kanila.

Ang masasabi lamang ng mga natirang miyembro ng mga Opisyales ay nasa huli ang pagsisisi, ipinagpasalamat nilang hindi sila nagpadalos-dalos ng desisyon lalo pa't napagtantao nilang wala namang mawawala kong mananatili sila dito at wala silang mapapala kung aalis sila. Hindi nila pinagsisihang dito sila kumampi o kumapit lalo pa't nakahanap na sila ng sandigan at kaya silang protektahan sa nagbabadyang unos na darating sa bawat lugar sa maliit na kontinenteng ito.

Papalabas na ang mga Opisyales na naririto pa at paalis na si Mr. V ng makarinig siya ng mga ingay sa labas ng hall na habang papalapit ang mga ito ay siya namang paglakas ng mga yapak kung saan malalaman mo talagang patakbong pumunta ang mga ito. Walang ano-ano pa'y bumukas ang nasabing malaking pintuan ng Hall kung saan makikita ang anim na mga miyembro ng Hunters Department ng Alchemy Powerhouse Association. Makikita mo sa kanilang mga tindig ang pagiging isang isang sundalo ngunit ang kaibahan lamang ay hindi sila sumasabak sa giyera dahil bantay lamang sila ng gate o pasukan patungo sa loob ng teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association.

"Paumanhin sa aming paggambala sa inyong pagpupulong Ginoong V ngunit nagkaroon po ng mga komosyon at maya-maya lamang ay masasabi naming may posibilidad na magkaroon ng matinding labanan at pagdanak ng mga dugo sa harapan mismo ng ating teritoryo na kung saan ay may malaking posibilidad na makatawag ito ng atensyon sa mga malalakas na Cultivator maging ng mga First Rate Class." Malakas na sambit ni Paul Wilstone kung saan bakas ang pagkabahala nito lalo pa't hindi nila kayang resolbahin ito.

"Sino ba ang involve sa nasabing malaking komosyon sa labas? Ano ba ang naging dahilan ng mga ito?" Naguguluhang sabi ni Mr. V na walang kaide-ideya sa maaaring dahilan kung bakit nagkaroon ng komosyon sa labas at sa harap pa mismo ng kaniyang teritoryo.

Maging ang ibang mga Cultivator na naririto ay may malaking katanungan din sa kanilang isip ukol sa sunod-sunod na mga hindi inaasahang pangyayari. Nabalot ng katahimikan ang buong hall kung saan may namumuong mga kanya-kanyang mga hula ang mga bisitang naririto ukol sa pangyayari sa labas ngunit wala sa kanila ang sigurado sa kanilang mga iniisip.