Maiging naghintay si Mina at Isagani sa Sala ng tahanang iyon. Tahimik lamang sila habang naghihintay. Si isagani naman ay minabuting mahiga muna sa papag habang nakatingin sa kisame ng bahay. Samantalang si Mina nakaupo naman sa bangko habang umiinom ng kape.
Pagsapit ng alas nuebe ng gabi ay doon nila naramdaman ang unti-unting paglapit ng tatlong nilalang sa bahay. Napabalikwas naman si Isagani ng marinig nito ang pag-aangil ng mga nilalang.
"Nandito na sila." Mahinang wika ni Mina. Tumango namn si Isagani at lumapit sa bandang pintuan ng bahay upang silipin ang mga nilalang sa labas.
"Mga ordinaryong aswang lang ang mga ito. " Saad ni Isagani habang napapakamot sa ulo. "Ano lalabasin ko na ba?" Taning niya at napangiti lang si Mina.
"Ikaw ang bahala." Sagot namn ng dalaga. Batid din kasi niya na mahihinang uri lamang ito ng mga aswang. Ngunit ang ipinagtataka niya any kung bakit hindi naaapektuhan ang mga ito ng mga pangontra na inilalagay ng humingi ng tulong sa kanila.
Nang makalabas na ng bahay si Isagani ay agad na bumungad sa kaniya ang tatlong maiitim na nilalang na nakadapa sa lupa. Tila may kung anong inaamoy ang mga ito na hindi niya mawari. Walang patid rin ang pagdaloy ng mga laway nito na tila ba nagmamarka ang mga ito sa lupang kinaroroonan nila.
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan!" sita ni Isagani sa mga ito. Agad din naman nagsitigil ang mga ito at tumitig sa kanya. Nag-angil ang mga ito at nang akmang susugurin na nila si Isagani ay biglang lumitaw sa harapan niya ang tagapaslang. Walang awa niya itong tinaga ng kanyang palakol hanggang sa makitilan na niya ng buhay ang tatlong aswang.
"Ano ba naman yan Agla, panira ka naman ng diskarte." Kakamot-kamot na wika ni Isagani.
"Paumanhin ginoong Isagani ngunit hindi kita maaring hayaan malapatan ng kahit daliri ng mga nilalang na iyan. Nagtataglay sila na lason sa kanilang katawan na siyang palihim na sisira sa iyong katawan. Kung kaya't ako na ang gumawa ng aksyon." wika naman ng Tagapaslang na si Agla. Muli nitong ipinaton sa kaniyang kariton ang kanyang palakol at kumuha doon ng isang ulo upang kanyang makain. Buo nitong isinubo ang ulo ng napaslang nitong itim na engkanto at umupo iyon sa lupa.
"Kamusta Agla. Buti at napadalaw ka." Bati naman ni Mina habang papalabas iyo ng bahay.
"Ayos lang naman ako itinakda. Siya nga pala, meron akong ibabalita sa inyong dalawa. Nanggaling ako sa mundo ng mga itim na engkanto at naglilibot-libot ako doon nang may makapagsabi sa akin ng isang nakakagimbal na balita." wika nito at gumuhit iyong ng kung ano sa lupa. Agad na angliwanag ang simbolong iyon at umahon roon ang isang itim na punyal na agad naman nitong ibinigay kay Mina."
"Mula iyan sa isang matandang puno sa mundo ng mga itim na engkanto. Gamit iyan sa kanan at nakatarak iyan sa isang malaking puno roon na ayon sa aking napagtanungan ay doon nakakulong ang isang nakakatakot na nilalang. Wala na roon ang nilalang ngunit naiwan iyang nakatarak sa puno." wika ni Agla
"Alam mo ba kung anong nilalang ito Agla?" Tanong ulit ni Mina habang maiging pinagmamasdan ang itim na punyal na iyon. Sa hula niya ay hindi talaga itim ang totoong wangis nito. Naging itim lang ito dahil sa katagalan at marahil ay nalason na ito ng nilalang na pinagtarakan nito kung kaya nakawala ito. Umilin-iling naman si Agla dahil kahit ito ay walang alam sa tunay na pagkakakilanlan ng nilalang na nakakulong sa punong iyon. Ang alam lang niya ay kinakatakutan iyon ng mga engkantong itim.
"Hindi ko rin alam Itinakda. Pero sabi sabi sa mundo ng mga itim na engkanto na wala raw itong pinipili, kapag nais niyang kitilan ng buhay ang isang nilalang ay wala itong pakialam kung nasa kaliwa kaman o kanan."
"Sige, isasangguni ko ito sa mag diwata. Salamat Agla sa iyong balita."
"Walang anuman itinakda." wika nito bago tumayo at kaagaran ding naglaho sa kanilang paningin.
Nang mawala na ito ay agad din silang pumasok sa loob ng bahay upang tingnan ang mga taong pinoprotektaha nila. Nang makita naman nilang maayos na ang mga ito ay agad silang nagtanin ng mga di nakikitang proteksyong sa palibot ng bahay nito.
Kinabukasan ay maaga pa silang nagpaalam sa pamilyang iyon. Lubos naman ang pasasalamat ng lalaki sa kanila dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon sila ng mahimbing na tulog noong gabing iyon. Masaya naman itong tinugon ni Mina habang nagpapaabiso na tuloy tuloy na ang maayos nilang pahinga. Nagbilin din ito na huwag mahiyang lumapit sa kanila kapag kailangan nila ng tulong. Lalo pa at buntis ang asawa nito. Nag-iwan din siya ng pangontra sa babae at sa anak nito upang malayo ang mga ito sa kapahamakan. Natuwa naman ang lalaki dahil hindi na niya aalalahanin ang mga ito at makakapagtrabaho na siya ng maayos sa bukid.
Matapos makapagpaalam ay bumalik na sila sa Lombis upang balikan ang mga naiwan nilang trabaho. Dumaan lang sila saglit sa bahay upang mag-almusal at makapagpaalam sa kanilang nakatatanda bagi tumuloy sa bukid.
"Sa tingin mo Mina, may posibilidad bang makaharap natin ang nilalang na tinutukoy ni Agla?"
"Hindi ko rin alam Isagani, marahil makakaharap natin siya o pwede rin hindi. Sa sobrang lawak ng mundo hindi natin alam kung saan ito tumungo. " Sagot naman ni Mina sa katanungan ng binata.
Pagkarating sa bukid ay agad na dumiretso si Mina sa bahay ni Manong Ricardo upang puntahan si Christy at kamustahin ang mga ito. Habang si Isagani naman ay tinungo na ang palayan upang tingnan kung hanggang saan na ang nagagapas nila.
Lumipas pa ang mga araw at naging madalas na din ang pagbisita ni Gorem sa kanila. Nataon pang iyon ang buwan na babalik sila sa Hilaya upang magbakasyon. Nakagawian na rin kasi nila na taon-taon ay puntahan si Ida upang madalaw ito. Nagkasakit din kasi si Manong Emil kung kaya't hindi ito maaring pabayaan ni Manong Ricardo.
Masayang salubong naman ang ibinigay ng mga ito sa kanila. Si Ida at Jun ay tuluyan na ding nagpakasal ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa nabibiyayaan ang mga ito ng anak.
Napatingin naman si Mina kay Jun at tinanguan lang ito bago pumasok sa loob ng bahay. Naging masaya naman ang tagpo nila noong araw na iyon. Kamustahan dito, kamustahan doon. Tuwang-tuwa di si Ida habang kinakarga nito ang anak ni Christy.
"Buti ka pa Christy. Sana mabigyan na rin kami ng anak ni Jun." Wika ni Ida na ramdam naman ni Christy ang lungkot nito.
"Huwag kang mag-alala. Siguradong mabibiyayaan din kayo ng anak." Nakangiting wika ni Christy sa pinsan.
"Hay naku sana nga Christy. Gusto ko rin ng kyut na anak tulad ni Maria. " Nakangiti na nitong wika.
"Oo naman." Sang-ayon ni Christy at nagtawanan ang mga ito.
Samantala habang nag-uusap ang dalawang babae sa sala ay nasa kusina namn sila Jun at Mina kasama si Sinag at Isagani.
"Nakikita kung may inilagay kang engkantasyon kay Ate Ida. Bakit mo ginawa iyon? Ang dahilan kung bakit hindi kayo magkaanak ay dahil sa engkantasyong iyon. Tama ako di ba?" Tanong ni Mina habang nakakunot ang noo nitong nakatingin kay Jun. Napayuko naman si Jun na tila ba hindi nito alam ang isasagot.
Alam niyang hindi niya maitatago kay Mina ang tungkol sa ginawa niya kung kaya ay mas minabuti na lamang niyang sabihin dito ang katotohanan.
"Gustuhin ko mang magkaanak kami ni Ida, hindi iyon maaari. Nagkakagulo ngayon sa ilalim ng dagat. At nangangamba si Ama na baka ma buweltahan si Ida dito sa lupa ng mga kaaway namin. " Panimula ni Jun at tahimik namang nakinig sila Mina sa paliwanag nito.
Ayon pa kay Jun, hindi raw nila malaman ang dahilan kung bakit biglang nagkagulo ang mga nilalang sa dagat. Ilang bese na siyang nakakakita ng mga serenang namamatay ng walng dahilan. At mga syokoy na animoy balisa habang tila mag pinagtataguan.
"Nais din ng aking Ama na magkaroon ako ng supling na siyang magiging tagapagmana ng kanyang trono ngunit dahil sa kaganapan ay ibig niya muna itong ipagpaliban. Ako man ay natatakot itinakda. Natatakot ako na baka mapahamak si Ida. Ayokong mawala siya sa akin dahil lamg sa kagustuhan kong magkaanak kami. " Wika naman ni Jun at malalim na napaisip si Mina.
"Ganoon ba. Sige, bukas ay tutungo ako sa kaharian niyo. Nais kong makita ang kalagayan ninyo. Bilang tagapamagitan, ay obligasyon ko ang ayusin ang anumang sigalot na namumuo sa inyo. " Wika ni Mina na agad naman ikinatuwa ni Jun.
"Salamat itinakda. "
"Hindi ka na bago sa akin, Mina na lang din ang itawag mo sa akin. Huwag mg itinakda." Natatawang wika naman niya at napangiti na lamang si Jun sa tinuran niya.
Kinaumagahan ay maaga pa lamang ay nasa laot na sila upang mangisda. Di tulad ng dati, mailap amg mag isda sa kanila. Tanghali na ngunit wala pa silang gaanong nahuhuli sa kanilang mga lambat.
Lubos naman iyomg ipinagtaka nila Sinag dahil dati rati ay ganitong oras nauwi na sila dahil punong-puno na ang kanilang mga banyera.
"Mukhang tama nga ang sabi ni Jun ah. Tila ba may salot ngayon sa karagatan na siyang nagpapalayas sa mga isda. Hindi lang ang mga nilalang sa dagat ang naapektuhan maging ang mga tao sa Hilaya na umaasa lamang sa dagat para mabuhay." Wika pa ni Sinag.
Pagsapit ng alas dos ay bumalik na sila sa bahay. Hindi naman nagulat sa Mina nang makita ang walang laman nilang banyera na dinala sa dagat.
Pagsapit ng alas kuwatro ay tinungo na nila Mina at Jun ang dagat. Hindi na noon sumama pa si Sinag dahil ito naman ang magbabantay kay Christy at sa bahay. Nagpaiwan na din si Isagani dahil hindi naman ito makakalangoy sa dagat dahil sa dugo niyang gabunan.