Boring nung araw na yun. Maagang natapos ang klase namin kaya maaga na rin akong umuwi tutal wala kaming lakad ng barkada ko. Habang nagfa-facebook ako, nakita ko ang isang post na nag-iinvite ng mga members ng isang groupchat. Since wala rin akong magawa that time, nagcomment ako na isali sa gc nila. Na-add ako and that was the start of something that affected me somehow.
Sa groupchat na yun, nakilala ko si ate Cali. Isa siyang Muslim na taga-Marawi. 17 years old siya and super bait. Siya yung admin ng groupchat and bukod sa pagiging mabait, I swear! Ang ganda-ganda niya;red and thin lips, white complexion, and black but bright eyes. Nakilala ko rin si kuya Merl, isang payatot pero romanticist.
Mula noon, sumali ako sa iba-ibang groupchat and I've met many people. Isa na roon si kuya Kris. I admit na crush ko siya kasi gwapo siya. Ahaha, feeling ko tuloy ang landi ko na. Anyway, sa tuwing mag-uusap kami, nagbabasagan kami ng trip. And it came to the point na sinasabi niya na umuwi na ako sa bahay nila kaya napagkamalan na tumitira ako sa bahay nila. At para naman hindi ako matawag na killjoy, sinasakyan ko yung trip niya.
It was fun chatting with them pero naging dahilan yun para sa cellphone ko lagi tinututok yung attention ko. Lagi akong puyat dahil sa pakikipagchat sa kanila. Pero nung exam na namin, nagleave ako sa mga groupchat na nasalihan ko. And with that, nagchat sa akin si Kris at nagtanong kung bakit daw ako nagleave. Syempre sinabi ko na malapit na ang exam namin kaya dapat iwasan ko yung mga distractions. Simula noon, nagchachat na kami tulad pa rin ng dati na nag-aasaran at nagbabasagan ng trip. Minsan nga, nag-away kami dahil sa green joke niya. Syempre nag-aaway kami kuno pero sa totoo lang, natatawa kami. But the time came na hindi na kami nagchachat kahit online siya. And being paranoid na baka tawagin akong clingy at malandi, hindi ko magawang maunang magchat sa kanya.
After a few days, may nasalihan na naman akong groupchat. Ang ingay nila and by that, napansin ko si Gael. Tinatawag siyang kuya kasi he is 3 years older than me. And being the respectful lady as I am, charot ahaha, tinatawag ko rin siyang kuya. Ang ingay niya at ang dami niyang biro which is nakakatawa pero nagseseryoso siya pagdating ng pagbibigay ng mga advice. Hindi kami masyadong close that time pero as time passes by and things unravel one by one and little by little.
One time habang maingay yung groupchat, biglang nagleave si Gael without saying anything. Chinat ko siya para malaman kung bakit siya nagleave. Sabi niya na naiinis na raw siya kay Alzera kasi nagiging OA na siya. Naiinis na siya kasi yung gusto ni Alzera nasa kanya lahat ng attention namin which I have ignored kasi baka may rason si Alzera kung bakit niya ginagawa yun. Then, nagcreate si Gael ng isa pang groupchat and sabi niya na huwag iadd si Alzera and we followed his request kasi we admit na oa na nga si Shine and masaya sa groupchat niya kasi ang ingay kahit papaano.
But after maybe a month, nagleave ako kasi napansin ko ulit na yung phone ko ang lagi kong inaatupag. And nakakahalata na sa mga barkada ko kaya I created another account. That account is not known by the people I know in person. Sumali ako sa mga groupchats kahit alam ko na nagiging addict ako sa phone ko. Nasali ulit ako sa groupchat ni Gael pero walang nakakaalam sa akin sa aking new account. Sinakyan ko ang mga jokes ni Gael at syempre nambabasag pa rin ako ng trip. Hindi ko namalayan na crush ko na pala siya. Weird right? Kasi nagkakacrush ako sa taong nakilala ko sa groupchat.
One time, hindi active yung groupchat kaya niremove ko lahat ng members and I regretted that. Nagtanong si Gael kung anong nangyari dun sa gc and I told him the truth na ako yung dahilan kung bakit nawala. Pinagsabihan niya ako and I created another gc at syempre sinali ko siya. Bigla siyang nagtanong kung pwede raw ba magleave dun sa gc and sabi ko hindi. And one time ulit, nagtanong ulit siya kung magagalit ba ako kun maglileave siya at sinabi kong oo. Tinanong ko siya kung bakit gusto niyang magleave. Inamin niya sa akin na magdedeactivate na siya ng account kasi yung account na gamit niya is a dummy account.
Ginagamit niya lang yun para iistalk yung ex niya na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya. And being a considerate person as I am ahahaha, char lang, pumayag ako na magleave siya. After that, we never chatted anymore kahit naman online siya and hindi talaga siya nagdeactivate. Hindi na ako nagchat pa sa kanya kasi baka sawa na siyang makipagchat sakin and ginamit niya lang yung ex niya para ilayo ako sa kanya.
Days and weeks passed by, and while browsing my news feed nabasa ko ang isang post. Shin ang name nung nagpost na gusto niya raw magkagirlfriend kasi never na nagkagirlfriend siya. And bored ako that time, out of a whim, nagcomment ako sa post niya. Sabi ko na kung gusto niya magkagirlfriend sana piliin niya yung taong nasa malapit sa kanya. Sabi niya na ayaw niya raw yung mga babaeng malapit sa kanya and I was like Eh di wow, kuya. Sinabi ko na whatever he likes, wala na akong pakialam dun kasi buhay niya yun.
After that, maybe days had passed and I was suddenly added to a groupchat. Nagwonder ako kung bakit ako na add dun when I do not know who the members are. Tapos bigla kong napansin yung pangalan na Shin and he was the guy that I have given advice. Then, the start of something foolish started.