webnovel

Chapter 13

'He and She?' Napa tanong ako sa isip ko at napatulala saglit ng malaman ang sinabi ni Kuya Nicko kanina.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Iniisip ko pa lang na magiging sweet din siya sa nililigawan nya ay hindi ko napigilan na magkaroon ng bigat sa pakiramdam ko.

Tulala lamang ako hanggang makarating ng mansion. Nagulat nalang din ako ng may yumakap na bata sa akin at kinakaway ang kamay sa harap ko.

"Ate Chloe!" Simangot nya bigla ng magulat ako.

"Clarence! How are you?" Yakap ko sa kanya pabalik nang makita ang naka simangot nyang mukha.

"I'm not fine without you. And now you're here, your mind is still in U.S!" Pagmamaktol pa nya.

"I'm sorry, baby." Hinalikan ko sya sa pisngi at ginulo ang buhok niya.

"Where's my gift?" Parang bata na sabi nya at inilahad pa ang kamay.

Bigla akong natauhan nang makalimutan kong bumili ng regalo para sa kanya. Tinignan ko sya nang may pag-aalala sa mata at mukhang nakuha naman niya iyon.

"Yeah right." He rolled his eyes and walked out in the living room.

Narinig ko ang pabuntong-hininga ni Mommy at tinignan ako. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at hindi na alam ang gagawin.

"Ilang linggo kana nyang hinihintay, yet now you're here. Wala ka man lang inuwi na pasalubong sa kapatid mo?" Mahinahon na sambit nya sakin na nagpatungo sa akin.

"I'm sorry mom-"

"Don't be." She cut me off. "Uhaw na uhaw sa atensyon at pagmamahal ang kapatid mo. Hindi na sya umaasa sa Ate nya na palaging trabaho ang inuuna. Huwag mo naman sana ipagdamot ang kagustuhan nya na makasama ka."

Lumapit si Mommy sa akin at nagulat pa ako ng hawakan nya ang dalawang kamay ko at hinaplos iyon. Humarap sya sa akin bago nagpakawala nang buntong hininga.

"Ikaw na lang ang pag-asa nya Chloe, give him the time and love he want, I'm begging you." Mom said.

Hinaplos pa nya ang pisngi ko bago ako talikuran. Naramdaman ko na lang ang pag iinit ng sulok sa mata ko at hinawakan ang sentido upang hindi matuloy iyon.

Umakyat na ako sa kwarto upang magpahinga bago maligo dahil sa invitation na binigay sa akin ni France ay mukhang wala akong pahinga.

Nagulat na lang din ako na invited din sila Mommy kaya naman dali dali akong naligo at nagbihis ng White off-shoulder dress above my knee and a silver sandals. I was wearing a silver necklace with a small diamond on it.

Nag apply na lang ako ng eye liner, lip and cheek tint at powder bago ilugay ang kulay brown kong buhok. I smiled at the mirror before stepped out in my room with my white sling bag.

Kumatok ako sa kwarto ng kapatid ko at pinagbuksan naman niya ako agad. Sumimangot sya ng makita ako at bumubulong-bulong pa na akala mo ay kausap ang sarili.

"Let's go?" I smiled at him. He was wearing a black pants and a white polo shirt. Naka wax ang buhok at sinuot ang relo nyang mamahalin.

"I'm sulking, didn't you notice it?"

Natawa ako sa sinabi nya kaya sumama ang mukha nya. "Come on, come to your ate, I promise na babawi na ako."

Kinuha naman nya ang kamay ko at hinayaan na yakapin ko sya. Napaka gwapo ng kapatid ko na ito at nagmana sa mommy namin na maputi ang balat kaysa sa akin.

I'm just a morena girl though, I'm in the middle yet parang mas nakakatanda pa dahil parang wala na kaming isa pang kapatid dahil sa sobrang busy ni Ate.

"Okay, no comment." Bulong nya pero narinig ko pa din.

Tahimik ako habang nasa byahe na kami papunta sa mansion nila France. Nilingon ko ang kapatid ko at nakita ko na nakatingin na pala sya sa akin ngunit umiwas din ng tingin.

Kinuha nya ang airpod nya at alam ko na ayaw nyang makipag usap kapag ganoon ang mood nya.

"Masama pa din ang loob nya." Tinignan ko si Mommy na nag d-drive. "Hayaan mo at ganyan talaga ang bunso, pero alam ko na umaasa sila na matutupad mo na ang mga pangako mo sa kanya."

Ngumiti na lamang ako at tumango. Tumingin sa mga matataas na building na nalalagpasan namin habang may bigat na nararamdaman.

****

Pagdating namin ay nagkahiwa-hiwalay na kaming tatlo dahil may nakita sila na kakilala nila, kaya ako na lamang ang mag isa na naghanap ng upuan.

"Chloe, Over here!" Narinig ko na sabi ni Krisha at kumakaway sa akin. Lumapit naman ako at nakita ko pa na kasama nya si Lexord at ang dalawang kambal.

"Thank you." Ngiti ko. "Late naba ako?"

"Magsisimula na babaita! Na traffic ba kayo at kamusta ang U.S?" Daldal nya ka agad habang namamapak ng kung ano ano.

"Ok lang, kakauwi ko lang din kanina."

"Edi pagod kapa din ngayon?!" Nagugulat na sabi nya at tumango naman ako.

"Tanga din kasi itong si France. Alam mo ba na biglaan lang itong plano nya!? Tinamaan na yata don sa babae after 1 year!"

Nangunot ang noo ko sa kanya sa pagtataka. Mukhang nagulat sya sa sinabi nya at parang nailang bigla.

"Daldal mo talaga kahit kailan!" Binatukan sya ni Kian.

"Bakit, anong mayroon?" Kuryosidad na tanong ko.

"Isang taon nang nililigawan ni France yung babae. Nakalimutan ko lang yung pangalan kaya hindi ko ma mention." Kinakabahang sabi nya.

Magsasalita na sana ako ng marinig namin ang emcee na nagsasalita sa stage na ginawa nila.

"Please welcome! Mr and Mrs. Alyanzra!"