webnovel

All The Love in the World (TAGLISH)

Ano nga ba ang Love? May pagmamahal sa magulang, pagmamahal sa kaibigan, pagmamahal sa alagang hayop at maski sa mga personal na bagay ay nagagawa nating mahalin. Pero para kay Laurah, isang babaeng naibibigay ang lahat ng luho ay wala ni isang pagmamahal na nakuha. Mukhang impossible pero possible. Lumaki siyang walang ina at malayo naman ang loob sakanyang ama. Uhaw man sa pagmamahal ay nagawa niyang mabuhay mag isa. Hanggang sa makilala niya ang mga taong nagpabago ng kanyang buhay pero lahat ng magagandang bagay ay mayroon ring katapusan, nagkaroon ng hindi inaasahang trahedya at naiwan na naman siyang mag isa. Ang akala niyang mga kaibigang pang habang buhay ay pansamantala lang pala. Dahil sa utos ng kanyang ama ay napilitan siyang mag-aral sa isang sikat na paaralan sa loob at labas ng bansa. Labag man sa loob pero tinanggap niya ito.Pero lingid sa kanyang kaalaman ay doon muli magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Lahat ng mga akala niyang tama ay mali pala. Ang akala niyang pamilyang tapat sakanya ay may nililihim pala sakanya? Ang mga hindi niya inakalang magiging kaibigan ay pamilya pa ang turing sakanya. But how will love reach her cold heart when she is trying hard to avoid it. Kahit man lamang ang maging masaya ay ipinagkakait niya sa kanyang sarili? NOTE: Original story of ko po ito. (MAESTRAC). Hope you enjoy. Cherish those who around you no matter they are families or your friends. Don’t leave any regrets behind.

THEODDGIRL · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
8 Chs

KABANATA 4

CL//

Kinaumagahan nagising ako dahil sa sunod sunod na katok. Gustuhin ko mang matulog pa pero dahil sa akala ko mo may sunog sa labas kung makakatok yung animal na nasa labas, napilitan na akong bumangon.

Hindi pa pala ako nakakapalit ng damit? Ang tindi pala ng pagod ko pati pagpalit ng damit hindi ko pa nagawa.

*TOK TOK TOK

Napatingin ako ng masama sa pinto saka padabog na naglakad. Galit kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting si Fluer. May suot siyang headband na kulay pink na parang tenga ng baboy. Tapos kulay itim ang buong mukha niya dahil sa facemask na nakalagay. Mukha siyang tanga.

"Oh?" Wala sa mood kong tanong. Nakahawak ako sa gilid ng pinto habang nagdarasal na lumayas na siya sa harapan ko. "Wanna have some breakfast?" Sambit niya saka ako kinindatan.

"Not hungry, now get lost" Akmang isasara ko na ang pinto ng iharang niya ang kanyang paa sa bukana ng pinto.

"Oh cmon CL! Please? Ako nagluto ng breakfast. I bet you'll love it" Wow yabang! Taas ng confidence ah? Paano kapag niluwa ko ang niluto mo?

"Don't care"

"Uhh please?"

"No"

"Please? Sabi ni Rica dapat sabay sabay tayong kumain ngayon. Gutom na rin ak---

"Then eat. Makakakain naman kayo ng hindi ako kasama ah"

"Please? Bonding moments na rin natin yun, hmm?" Pinagdikit niya ang kanyang mga palad saka nagpaawa sa harapan ko.

"Uhmm ...…..I'm" Unti unting nagliwanag ang mukha niya.

"Not going to your stupid breakfast! Now leave me alone"

*BLAG!

Padabog kong isinara ang pinto. Epal talaga umagang umaga.

Hindi ko alam kung nagdadabog ba siya sa labas pero wala na akong pakialam doon. Bakit kailangan pa akong kasabay? Ito ang ayaw ko sa ganitong bahay na may mga kasama. Mga papilit at hindi makaintindi. Hindi ba nila ramdam na ayaw ko sakanila?

Humikab hikab ako habang papasok ng banyo. Mabilis rin akong naligo at nagpalit ng uniform.

"Hmmm not bad" Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang aking kabuuan.

Dark blue ng kulay ng blazer at parehas nito ang kulay ng skirt na above the knee. Sa loob naman ay kulay dirty white ang longsleeve na may tatak ng academy sa banda left side ng dibdib. May ribbon din at necktie at nasa saiyo ata kung alin sa dalawa ang gagamitin mo. Pero gusto ko ang necktie iyon ang ginamit ko. Masyadong pambabae yung ribbon. Ang laki laki pa, akala mo kung magcocosplay ka.

Nang makapag ayos na ako ay lumabas na rin ako sa kwarto atsaka dumiretso sa kusina. Kukuha nalang ako ng makakain sa daan at mauunang lumayas sa lugar na ito. Alam kong magpipilit na naman ang mga to na makisabay sa akin.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng tatlong yakult atsaka dalawang saging. Kumuha na rin ako ng isang chuckie saka ipinasok sa loob ng bag ko.

Ng maisiksik ko sa bag ang mga pagkain lalamunin ko sa daan ay hindi ko na tinapunan pa ng tingin yung mga kumakain sa lamesa. Don't look at them as much as possible.

Ng makababa ako ng hagdan hanggang sa makalabas ng dorm ay saka ako nagsimulang maglakad papuntang building ng senior na hindi ko naman pinagsisihan. Maganda maglakad lakad ngayon dito.

FLUER//

"Did you see her? Hindi tayo pinansin mga cycst mars! Like kumuha lang ng foodams and poof! Naglayas!" Singhal ko sabay kagat ng hotdog na ulam namin. Ako nagluto niyan of course!

"Don't mind her Fluer, naninibago lang siya. According sa Chairman hindi talaga siya sanay na may mga kasama kaya pagpasenshahan mo nalang" ani Rica in her calm voice.

"But she seems nice, mukha nga lang mataray hihi"

"Kaya nga eh, pero infairness maganda siya mga cyst mars. Nakita niyo yung kutis at balat niya? Balat pang miss Universe!" Nabibilib kong sambit ko na may kasamang pahimas pa sa balat ng matawa yung dalawa sa harap ko.

"Mayaman siya Fluer ano ka ba syempre alagang alaga iyon. Hihi pero wait lang nga bakit ganito yung mga ulam? Pinirito mo ba to?" Pinakita sakin ni Claire yung hotdog na nakatusok sa tinidor niya. Mukha siyang suyang suya sa itsura ng mukha niya.

"Ano ka ba, luto na yan kaya tama lang na iboil ng saglit. Kunting pagulong sa mantika. Hindi na kailangan itusta. Masarap naman siya diba?"

"Anong masarap? Ang lambot lambot ui" .

"Sige wag mo ng kainin yang hotdog. Ito nalang ham" tinuro ko yung ham sa gilid. Ngumiwi naman siya at tinulak palayo ang plato kung nasaan ang mga ham.

" Mas malambot yan eh. Aish"

"Ha? Ano ba talagang gusto mo?"

"Wala wala ito nalang mangga ang kakainin ko" Napipilitan niyang bulong.

"Badtrip ba to?" Tanong ko kay Rica habang nakaturo kay Claire na nakabusangot na hinihiwa ang hinog na mangga. Nakanguso pa siya kaya imbes na mainis ako sa itsura niya gusto kong matawa. Hha she's so cute.

"Haha don't mind her. Ganyan talaga yan sa tuwing hindi kumpleto ang mga kumakain dito. Just eat and oo pala iprito mo naman yung mga hotdog at ham kahit saglit haha mahina resistansya ng batang to, mabilis sumakit ang tiyan niyan kapag hindi masyadong luto ang kinakain niya" Tinuro niya gamit ang nguso si Claire.

Napa ahh nalang ako. Ok gets ko, so maselan pala ang sikmura niya.

"Ilang taon na ba yan at maka bata ka?" tanong ko. Patuloy parin kami sa pagkain. Total maaga pa naman. Maraming oras para makipagtsismisan hha

"She's just 16. She's a way younger than us kaya ganyan siya minsan umasta."

"Ohhh how about you?"

"Nineteen"

"Nineteen? Oh edi dapat college ka na?" Umiling iling siya.

"Nope, late lang talaga akong nag umpisa due to health issues"

"So tatawagin ka naming ate haha? Hmmm ate Rica haha" Inikutan niya ako ng mata saka dinuro ng tinidor.

"Naku yan ang wag mong gagawin. Bata pa ako don't call me that haha"

Inabot ko ang baso saka nagsalin ng fresh milk. Pati narin yung dalawa ay nilagyan ko. Nginitian naman ako ni Rica

"Yung isa ngay? Ilang taon na yun? Tingin ko nineteen na rin yon" Tinutukoy ko yung mataray na si CL. Pero the first time na nakita ko siya bet ko na siya. Hey! Bet maging plend okay?! Hindi maging lover!

" she's sixteen as well but turning seventeen this September. Nakita ko sa enrollment form niya."

Oa na kung oa pero nanlaki ang mata ko doon. Napa "o" pa ang bibig ko.

"Sixteen? Wow so bata pa nga pero hindi halata sa mukha. Ito mas mukha pang bata." Tinuro ko si Cliare na nilalantakan na yung mangga. Inihahalo sa kanin saka isusubo. Masarap ba yun? Masubukan nga minsan haha.

"Kaya nga eh, mas mukha pa siyang eighteen sa akin kasi bukod sa sobrang seryoso ang sama pa tumingin. At first I thought magkamag anak sila ni Chairman kasi grabe yung treatment sakanya at kung mag usap sila akala mo friends pero hindi pala. Magkaiba sila ng apilyedo kahit middle initial"

"Naku ano ka ba? Sa circle of rich girls of beverly hills like us? Hindi na impossible na kilala tayo ng lahat hahaha" Humalaklak ako

"Haha oo nga naman. Oh siya kumain na tayo at baka malate pa tayo mamaya"

Tinapos na namin ang almusal saka bumalik sa taas para maligo at makapagpalit ng damit.

Thanks sa mga nagbabasa.

Vote naman kayo mas masaya! HAHA

THEODDGIRLcreators' thoughts