webnovel

PAGSUBAYBAY SA IKALAWANG MANDIRIGMA.

Chapter 9

James POV

Nagpatuloy lang kami sa paglalakbay patungo sa susunod na templo. Hindi ko alam kung sino sa aming apat ang susunod na mabibiyayaan ng panibagong kapangyarihan.

Hanggang sa makarating kami sa isang lugar na maraming windmill ang nakatayo.

Napakasariwa ng simoy ng hangin dito sa lugar na ito, wala kang makikitang itim na usok na galing sa mga naglalakihang pabrika tulad ng sa Maynila.

Dali dali kong inilabas ang flower origami para muling magtanong dito.

Nang tuluyan kong mailabas ang flower origami sa aking bulsa ay nagsimula na akong magtanong dito.

May makakaharap ba kaming alagad ni Mala sa lugar na ito? tanong ko sa flower origami.

Magpugay dahil wala kayong makakaharap na alagad ni Mala sa lugar na ito, subalit dito ninyo makikita ang ikalawang templo na magbibigay sa isa sa inyong apat ng panibagong kapangyarihan sagot ng flower origami.

Matapos sagutin ng flower origami ang aking tanong ay muli itong bumalik sa dati nitong anyo.

Agad agad kaming nagsimulang maglakad para hanapin ang ikalawang templo.

Medyo malayo na ang aming nalalakad ng bigla na lang dumilim,magpapalit na sana kami ng anyo ng bigla na lang may sumulpot na isang napakalaking agila at bigla na lang ako dinagit at inilipad  sa kung saang lupalop.

Aki POV

Ako si Aki ang ikalawang espirito na magbibigay ng panibagong kapangyarihan dun sa limang kabataang magliligtas sa kanilang mundo na pinaghaharian ni Mala.

Isa akong agila at kaya kong mag-anyong tao kung sakaling makakaharap ko na ang yung isa sa limang kabataan na may hawak sa kapangyarihan ng hangin.

Nagpalit na muna ako ng anyo bilang isang agila at lumabas sa aking templo, nagsimula na akong lumipad ng lumipad ng mapansin ko ang limang kabataang naglalakad na tila ba may hinahanap.

Sinundan ko yung limang kabataang naglalakad habang ako ay nasa himpapawid.

Nang makasigurado na ako kung sino sa kanila ang may hawak ng kapangyarihan ng hangin ay agad agad akong lumipad ng mataas sabay bumulusok pababa para dagitin yung pagbibigyan ko ng aking kapangyarihan.

Nang madagit ko na yung pagbibigyan ko ng aking kapangyarihan ay dali dali akong lumipad ng mataas at dinala siya sa loob ng aking templo na nakatayo mismo sa ibabaw ng mga ulap.

Pumasok kami sa loob ng aking templo at inilapag siya para makapagpahinga dahil nawalan siya ng malay-tao nung dinagit at inilipad ko siya ng mataas.

Naganyong-tao na rin ako at umupo sa aking paboritong pwesto dun sa pakpak ng estatwa ng agila habang hinihintay magkamalay-tao ang ikalawang mandirigma na pagkakalooban ko ng aking kapangyarihan.

*************************

MIDNIGHT0019 NOTES

PASENSYA NA PO KUNG NATAGALAN ANG UPDATE TINATAPOS KO NA KASI TONG STORY NA ITO SA AKING DRAFT NOTEBOOK PARA TYPE NA LANG NG TYPE HEHEHE AT DI NA AKO MAHIRAPAN MAG-ISIP PA HAHAHA.

NEXT CHAPTER.....

ANG TEMPLO NG HANGIN....

MIDNIGHT0019