webnovel

Chapter 9

Celes

"Nathaniel Madrigal, pangalan pa lang ulam na. Paano pa kaya ang mukha at katawan nito?" kinikilig na sabi ni Ising na ikinakunot ng aking noo.

Hawak kasi ni Ising ang isang magazine. Para siyang naloloka sa tamis ng pagkakangiti niya.

Sinilip ko kung anong bibabasa niya. Hayun oh! Bachelor's Magazine pala ang pinagkakaabalahan niya. Hinablot ko sa kaniya ang hawak niya at binasa ng malakas ang nakasulat sa magazine.

"Nathaniel Madrial, one of the youngest Businessman and Bachelor in the country. Single and ready to mingle!" basa ko na may gigil. Bigla naman nagsasayaw si Ising sa tuwa. "Joke lang 'yung single!"

"Sayang, akala ko talaga single and ready to mingle siya," malungkot niyang sabi.

"Engaged na kaya siya," pang-aasar ko pa sa kaniya.

"Akin na nga iyan!" agaw ni Ising sa magazine na hawak ko.

"Okay sige pagpantasyahan mo 'yan, ha?" biro ko pa sa kaniya.

"Kailan kaya ako magkaka-boyfriend ng katulad niya? Heto pala fiancee niya. Ang ganda naman." Sabay pakita sa akin ng hawak niya.

"Samantha Smith?" bulong ko.

"Ganda, ano?" naiinggit na sabi niya.

"Oo maganda nga't half-american pa," sabi ko.

"Ako walang breed," sabi niya na dismayado.

"Ano ka aso?"

Nagkatawanan kaming dalawa, talaga naman si Ising o, maganda siya ayaw lang mag ayos. Exotic ang beauty niya.

Matagal na siyang may paghanga sa lalaking iyon. Naging boss ko nga iyon at sobrang bait ng taong iyon. Hindi ako makapaniwalang engaged na siya kay Samantha na isang high socialite model. Pero masama ang ugali. Ano naman kayang nagustuhan niya sa babaeng iyon?

---

Ma'am Cristina

Sabik na sabik na akong makita ang mag-ama ko, nanghihinayang ako sa mga panahon na wala ako sa tabi nila. Kahit sarili kong ama hindi ko malapitan, dahil natatakot ako sa puwedeng gawin ng babaeng iyon. Makasarili siya, ganid at walang takot! Para sa pera, kaya niyang pumatay makuha lamang ito.

Wala siyang kasing sama! Buti na lang kinupkop ako ng aking sariling kapamilya. Sila lamang ang totoong may alam sa mga nangyari sa akin noon. Matagal bago ako naka-recover sa aksidenteng iyon. Lumilipas ang araw na inaagaw na ng babaeng iyon ang aking ama, aking asawa at ang aking pinakamamahal na anak.

Ngayon handa na akong harapin siya.

Pinaimbestigahan ko iyon at nalaman kong may anak pala ito sa ibang lalaki.

Nathaniel

Nadatnan kong malalim ang iniisip ni Tita Cristina, bata pa lang ako siya na ang itinuring kong pangalawang ina. But I have a loving mother too. Sabi ni Tita may anak daw siya at kasing edad ko lang daw iyon. Kaya pala magiliw siya sa akin dahil nangungulila siya sa anak niya. May rason siya kung bakit patuloy pa rin siya sa pagtatago. Basta alam kong ito ang makabubuti sa lahat. Si Tita Cristina at ang Daddy ko ay magpinsan.

"Nathan, kanina ka pa ba diyan?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako at yumakap sa kaniya.

"Tita, huwag muna po kayong masyadong

mag-isip, malapit n'yo na rin makita ang anak n'yo."

Celes

Caleb, Charles and my only baby girl Chzarina. Minsan naiisip ko, paano kaya kung kasama namin ang daddy nila? Masaya kaya kami ngayon? I think six years is enough for sadness. Gusto ko din naman siyang puntahan para magka-ayos na kami. Para malaman na rin niya na may mga anak kami.

Kailangan kong sumugal para sa amin ng mga anak ko. Ayoko na ng ganito, naawawa na ako sa mga anak ko, ayoko nang ipagkait sa kanila ang matagal na nilang inaasam.

Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito sa opisina ni Thunder. Naghihintay ako ngayon dito, pumasok kasi sa loob 'yong sekretarya niya. Nagulat pa nga ang babae nang makita ako. Tapos pinapasok na rin ako sa loob nito. Nakita ko si Thunder na nakaupo sa swivel chair niya. Kinakabahan nga ako, hindi man lang siya nag-angat ng mukha. Pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Wala yata akong lakas ng loob umuurong ang dila ko sa tuwing susubukan kong magsalita.

I sighed.

I cleared my throat.

Nag-angat naman ito ng tingin at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Bakit nakatitig lang siya? Hindi man lang ba siya lalapit sa akin o kaya'y yayakapin ako? Bakit para lang siyang tuod sa kinauupuan niya? Prenteng sumandal lang ito sa swivel chair at nakuha pang

mag-cross ng arms niya. Nagbaba na lang ako ng tingin, nininerbiyos ako sa paraan ng pagttitig niya. Ang tagal kong nakatayo wala pa rin nagsasalita sa amin. Sinilip ko siya. Mas lalo talaga itong gumuwapo ngayon. Mag-walk-out na lang yata ako? Ayyss! Bahala na nga!

"Thunder, puwede bang umupo?" Palpak ang lumabas sa bibig ko. E sa nangangawit na kasi ako sa pagkakatayo.

Bumunghalit naman siya ng tawa. "Dumaan ka lang ba rito para makiupo? Sige lang umupo ka na."

Umupo nga ako sa tapat niya.

"Bakit ka nagpunta rito? It's been six years, Babe," seryoso niyang sabi.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," sabi ko, pakiramdam ko parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Bakit? Anong mayroon?" tanong niya na seryoso pa rin.

"Gusto kong sumama ka sa akin ngayon, may ipapakita ako sa 'yo? And I don't want to talk about the past, I want to start a new life with you. 'Yun ay kung hindi pa huli ang lahat?" walang preno kong sabi, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko. But, it's for the better. It's now or never!

Bigla akong nahiya, mabilis akong nakahakbang patungo sa pinto. Nakatanga lang kasi siya sa akin, hindi man lang ako sinagot nang bigla akong nagulat at nakasunod na pala siya sa akin. Hinigit niya ako sa braso at napasandal sa matipunong dibdib niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. Ang tagal namin sa ganoong ayos.

"Celes, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon."

Hindi ako makakibo, ganoon din ako parang nawala lahat ng bigat sa loob ko.

"Aaminin ko, Thunder, kahit lumipas ang ilang taon ikaw pa rin ang gusto ko. Ikaw pa rin ang mahal ko. Sobra," pag-amin ko.

"Same here, Babe. Hindi mo alam kung gaano naghirap ang kalooban ko? Mahal pa rin kita."

Gumanti na rin ako ng yakap at ako na mismo ang humalik sa kaniya sa sobrang pananabik. Lumalim nang lumalim ang halik na iyon. Pero pinutol ko na muna na ikinasimangot niya. Yumakap na lang kami sa isa't isa.

"Babe, I'm happy that you're here now. Don't leave me again? Maraming panahon na ang nasayang."

Tumango lang ako.

"I love you," usal ko.

"I love you too, Babe."

"Wait lang, Babe. I'll just get something?" Bumalik siya sa table niya at may kinuha sa ilalim ng drawer.

"Ano yan?" tanong ko nang lumapit siya agad sa akin. He get my left hand and inserted a ring on my finger.

"Matagal nang nakatago iyan, magpo-propose sana ako noon pa kaso nilayasan mo ako. Hinanap kita, kaso ang galing mong magtago."

Napangiti kami pareho.

"Are you crying, Babe?" nag-aalalang tanong niya. Naluluha talaga ako.

"I'm just happy," nakangiting sagot ko.

"Baka mas lalo kang maiyak kapag sinabi ko na ang magic word."

Natanga ako sa kaniya.

"A-Are you going to ask me s-something?" nagkandabulol-bulol kong sabi. Ayokong

mag-assume, oh no! "Yayain mo na siguro akong magpakasal, no?"

"Assuming ka, Babe? Pagbayaran mo muna iyong panahong nawala ka."

"Thunder!" maktol ko.

He sighed for a moment parang kumukuha siya ng buwelo.

"Will you marry me, Babe?" nakangiti niyang sabi. Pinagpapawisan ang noo niya.

"Yes! I will marry you! Alam mo bang noon ko pa hinihintay ito?" natatawang sabi ko sabay halik ng mabilis sa labi niya. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Bakit hindi ka nagsabi kaagad?"

"Nahihiya ako. Ayaw ko namang pangunahan ka, diba?"

Umupo muna kami sa couch at sumandal ako sa balikat niya. Para kaming teenager sa lagay na ito. Nagnanakaw pa nga ito ng halik

paminsan-minsan.

"I was supposed to do that, pero nangyari ang bagay na iyon."

"Babe, ayaw ko na pag-usapan 'yon."

"Because you need to know, Babe, to clear things up. Pero kung ayaw mo na talagang pag-usapan pa. Okay lang. But there's one thing I want to tell you. Hindi ko kinuha ang company ni Jhay. Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko sa iyo noon."

"Thunder, okay na tayo."

Muli na naman niya akong siniil ng halik.

Nang tumigil kami bigla niya akong kinabig at niyakap na naman ng mahigpit na para bang pinupunan niya ang panahong magkahiwalay kami.

"I want you to marry you right here and right now," he sincerely said.

"Now na?" naguguluhang sabi ko.

"Yes, ayaw mo ba?"

"Gustong-gusto kaya. Ano pa bang hinihintay mo diyan, pasko?!"

Tumawa siya nang tumawa. Lalo itong gumuguwapo.

"Okay, give me a minute, Babe."

Tumayo siya at hinugot sa bulsa niya ang cellphone. May kinakausap siya at hindi ko maintindihan kung ano pinag-uusapan nila. Bigla naman siyang lumapit sa akin at ngiting-ngiti akong niyakap.

"Darating na sila," bulong niya sa akin.

Bigla naman iniluwa ng pinto ang isang guwapong lalaki na pamilyar sa akin. Nakangiti itong bumungad sa akin, may nakasunod pa ritong isang lalaki na around 50's na siguro ang edad. Niyakap ito ni Thunder at nagkamayan ang dalawa.

"Babe, meet Judge David and my bestfriend Alex, I think you know him?" sabi niya na nakatingin kay Alex.

Tumango na lang ako at nakipag-kamay sa kanila.

"Mag-umpisa na tayo," sabi ni Judge David.

"Babe, he's my ninong. Ikakasal niya na tayo ngayon din." Ang lawak nang pagkakangiti ni Thunder sa akin.

Halos malaglag naman ang panga ko. Tinototoo ng mokong ang pagpapakasal namin. Nakamasid lang ako sa kaniya at bigla yata itong nainip sa ritwal. Tawang-tawa ako sa kakamot pa niya sa ulo.

"Ninong, can we just cut it off? Naiinip na ako. Gusto ko ng matapos ang seremonyas at nang makapag-honeymoon na kami agad-agad."

Namula naman ako sa sinabi niya. May lakad? Nagmamadali talaga?

Napakamot naman sa batok ang matanda. Tawa naman nang tawa si Alex. Kahit kailan bossy talaga ito.

"Okay, we just need to sign the papers, including Alex your one and only witness." Napapailing pa na sabi ng Judge.

Matapos ang pirmahan. May binigay si Alex na dalawang singsing sinuot namin sa isa't isa. Naisip ko at natatawa ako sa sarili ko na ganito na pala ang kasal ngayon. Parang na-stress ang ninong ni Thunder sa kaniya.

"You may kiss your wife," sabi ni Judge David.

It was a long and passionate kiss. Ever. Kahit na ito'y isang madaliang kasal lang.

Pumalakpak naman ang dalawa at nakipag-kamay pa.

"Congrats!" sabi ng dalawa sa amin.

Sabay-sabay na kaming lumabas sa opisina at umalis na rin si Alex at Judge David. Nagpasalamat naman kami ni Thunder sa kanila.

"Cancel all my appointments, now," nakangiting saad ni Thunder sa sekretarya niya.

Mabilis naman kaming nakalabas ng buliding at nakapunta sa parking lot kung saan nandoon ang kotse niya. Nasa loob na kami ng kotse, sinuot niya ang seatbelt sa akin.

"Wait, saan tayo pupunta?"

"Sa pad ko? We will spend our night there. Babe, gusto ko munang mag-honeymoon tayo, okay?"

"Umuwi muna tayo sa amin. May gusto akong ipakita sa iyo?"

Sinabi ko ang way pauwi sa amin. At mabilis na pinasibad ang kotse. Nairaos ng ganoon lang ang kasal namin. Walang sumbatan. Pero paano kaya kapag nakita niya ang mga anak namin ngayon? Magagalit ba siya sa akin?