webnovel

Chapter 6

Celes

Pauwi na ako galing sa office. Hindi na naman ako sinundo ng mokong. Ang usapan alas diyes, anong oras na. Buti na lang may taxi pang dumaan, suwerte ko talaga. Mabilis naman akong nakauwi.

Nasa tapat na ako ng pinto nang marinig kong may nag-uusap, may konting siwang sa pinto, hindi siguro naisara ng maayos. Nandito pala ang mga manyakis niyang kaibigan maliban lang do'n sa isa na si Alex. Guwapo rin 'yun, matangkad. Well, halos lahat sila may mga hitsura talaga.

Mukhang seryoso sila, tapos tatawa.

Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba pero curious kasi ako.

"Bro, here's the papers." narinig kong sabi no'ng Jhay. Ano kayang papers naman 'yon?

"Are you fucking serious?" si Thunder naman ang sumagot. Naiintriga talaga ako.

"Where's the video?" Iyong Hans naman ang nagtanong.

"Guys, labas ako diyan, due to respect to the girl." Iyong si Alex naman ang nagsalita.

"Come on, dude. Dinadaga ka ba?" Mayabang na sabi no'ng si Jhay. Nagpalit-lipat ang tingin ko sa kanila.

"I already love her, kaya sana itigil na natin ito. Hindi ko na rin kailangan ang kapirasong papel na iyan." Ano bang pinagsasabi ni Thunder?

"But we have a deal. Are you chickening?" Si Jhay na naman. "Why on earth you like her, she is just a trash."

Nagpipigil lang si Thunder, nakakuyom ang mga kamao niya. Napansin kong tumayo iyong Hans sa kinauupuan nito. Tapos mabilis din nakabalik sa sala. May hawak siyang video recorder. Nagdilim ang paningin ni Thunder. Buti na lang hindi nila ako nakikita na nasa pinto ako.

"Shit! Give it to me!" galit na galit na sabi ni Thunder. Pero pinagpasa-pasahan lang ni Hans at Jhay ang video recorder.

"Wow pare, si Celes ba ito? Ang sexy pala niya," bulalas noong si Hans at hinablot na naman noong si Jhay.

"Just fucking give it to me!" sigaw pa ni Thunder sa dalawa. Umawat naman iyong si Alex. Ibinigay naman noong Jhay ang video recorder kay Thunder at masamang tinitigan ito.

Hindi ko akalaing magagawa sa akin ni Thunder iyon. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat.

Aalis na sana sila nang bigla silang magulat sa presensiya ko.

Hinablot ko kay Thunder ang video recorder. Nanlaki ang mga mata kong napatitig doon. Bigla akong nanginig. Ito ang pinag-uusapan nila.

"See, Celes. Thunder, doesn't know how to respect his girl," patuyang sabi ni Jhay sa akin. Dumulas ang video recorder na hawak ko. Bumagsak iyon sa sahig.

Dahil sa sama ng loob ko ay nagtungo ako sa kuwarto't nagkulong. Iyon pala ang pinagtatalunan nila. Narinig ko na lang nag-aaway sila. Wala na akong pakialam kung magpatayan sila roon. Galit na galit si Thunder, puro mura ang lumalabas sa bibig ni Thunder. Umiyak ako nang umiyak.

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Pinahid ko ang mga luha ko. Iniwasan ko siya ng tingin. Pero nakita kong nagdurugo ang gilid ng labi niya.

Nagpambuno yata sila kanina.

"Let me explain," sabi niya at lumuhod siya sa harapan ko.

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo, hindi ako tanga para 'di maintindihan ang mga pinagsasabi ninyo kanina. Pinagpustahan ninyo ako, 'di ba? Hinayaan mo lang talaga makita nila iyon at bastusin ako, ano? Sagot!"

"That is my intention before, but everything change."

Ayaw ko nang makarinig pa ng kasunalingan niya. Tumayo ako sa kamang kinauupuan ko, ganoon rin siya. Hinarap ko siya at buong lakas kong pinadapo ang palad ko sa pisngi niya. Walang ni isang salitang namutawi sa akin. Mabilis akong umalis sa harap niya at nag-empake lahat ng gamit ko. Siguro darating ka rin sa puntong magsasawa ka na rin dahil sa pauli-ulit ka na lang nasasaktan.

---

Thunder

Iniwan niya ako sa mismong araw na iyon. It was just a childish game. Hindi ko namalayan, mabilis na pala siyang nakapag-empake. At mabilis ding nakaalis. Hinayaan ko muna to give her space saka kami mag-uusap. Inamin ko rin naman sa kaniya lahat ng pagkakamali ko. Pero naging sarado ang puso't isipan niya.

Kinuha ko ang coat ko sa sala at nilabas ko ang maliit na kahon. Magpo-propose na sana ako ng kasal sa araw ding iyon. Kaso nasira ang plano ko dahil kay Jhay.

Sinubukan ko siyang kausapin, sundan kahit saan. Pero siya na mismo ang tumatanggi at ayaw na talagang magpakita.

Ginamit ko lang daw siya. Minsan natiyempuhan ko siya paglabas niya ng building. Minsan pa nga nakaabang ako sa may kanto malapit sa inuupahan niya. Bigla siyang nagsisigaw ng rape at snatcher daw ako. Kaya kinuyog ako ng mga siga doon sa may kanto. Bugbog sarado ako.

Hindi man lang niya ako tinulungan. Ang dami kong sugat. Pinanlakihan pa niya ako ng mga mata at tinawanan lang ako.

It's been 5 years. But she's still the woman that I'll loved. It's all my fault, but for her I'll do everything just for love. I'll wait for her, even if will take years or forever.

"Excuse me, Sir," sabi ng secretary ko.

Mabilis kong naisilid sa munting kahon ang aking pinaka-iingatan kong singsing. Sabay lagay sa ilalim ng drawer.

"What?" nakakunot-noo kong tanong.

"Nasa labas po si Sir Alex."

"Papasukin mo."

Pumasok si Alex sa opisina ko at sinenyasan ko siyang umupo.

"What brings you here?" tanong ko. Inilapag niya ang brown envelope sa harap niya.

"Bro. Maggie is in the hospital, sumaglit lang ako para ibigay sa iyo iyan, it's important."

"Nagli-labor pa rin misis mo pare, gusto mo ba maging ninong ako ulit?" biro ko kay Alex.

"Puwede naman, para makarami ang anak ko sa iyo." Sakay naman niya.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Alex sa akin. Ginawa namin ang brotherhood sign bago lumabas si Alex sa opisina ko. Speaking of our other friends. Nagkalimutan na kami at hindi na namin itinuturing ang mga iyon na kaibigan. Si Alex lang kasi ang matino. Si Alex magdadalawa na ang anak niya. 5 years old na ang panganay niyang lalaki. I wonder, kung maibabalik ko lang ang panahon dati. Siguro may mga anak na rin kami ni Celes.

Gusto ko rin maranasang maging ama. Ang tawagin akong Daddy ng mga anak ko. But all things changed and fades away. Walang Celes na tutupad sa pangarap kong iyon, ang magkaroon ng mga anak sa kaniya.

I will give up everything just for Celes. Makita ko lang siya uli, wala naman sigurong masama kung pangarapin ko siya uli diba? I smiled bitterly. Kalalaki kong tao pero madalas akong nagiging emosyonal kapag naalala ko ang pinaka-espesyal na babae sa buhay ko. Bigla naman akong natauhan pagkakita ko sa sekretarya ko.

"Sir, start na po ng meeting sa conference room." Bungad na naman ng secretary ko sa may pinto.

"Okay, I'll follow, thank you."

Bago ako umalis ay ibinilin ko sa secretay ko na linisin ang office ko.

"Kindly clean all the trash documents on my table, asap.Then follow me afterwards."

"Okay, Sir."