webnovel

Chapter 14

Celes

"Ano ba! Hindi mo na kailangan manulak! Sasama naman ako ng maayos!" angil ko sa kanila. Pumasok na kami sa van at pinaandar na ito. Naka-gitna ako sa dalawang goons. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin pero kinukutuban talaga ako na may mali sa mga pangyayaring ito.

Kaya, kusa kong ipinahin ang sarili ko dala ng matinding kuryosidad. Haharapin ko ito ng walang takot!

"Hoy, piringan mo nga mata niyan!" sigaw ng isa sa kidnapper, sabay bato ng itim na tela sa kasama niya.

"Beautiful, takpan muna natin `yang magaganda mong mga mata, ah." Ngumisi pa siya sa akin na kala mo ay ikinaguwapo nito.

Hindi naman ako kumibo. Nakakatakot mga hitsura nila.

"Tarantado! Huwag ka ng magpa-cute d'yan! Walang gagalaw d'yan kundi lagot kayo kay boss!"

Nakapiring na ang mga mata ko. Pero malayo ang itinatakbo ng isip ko. Pilit kong inaalala kung saan ko nakita iyong pares ng mga mata ng leader ng mga ito. Parang namumukhaan ko talaga iyong lalaking `yon. Malalaman ko rin iyon. Sa ngayon umuusal ako ng panalangin na sana makauwi ako ng ligtas.

Thunder

"Hijo, I'm sorry for what happened, hindi ko alam pati siya'y madadamay!" naghihisterikal na sabi ni Mama.

"It's not your fault, Ma. I really don't know how did it happen but I know there's a reason behind this shits!" I'm really pissed off.

"Delfin, gumawa tayo ng paraan para mailigtas natin si Celes. I'm really sorry," naiiyak na sabi ni Mama at niyakap siya ni Papa na nanatiling tahimik.

"Please, calm down Cyrstal, everything will going to be alright. I'm going to sue them!" galit na turan ni Papa.

"Ma, you need to rest. Magpagaling po kayo at huwag na munang mag-isip. Magbabayad talaga ang may kagagawan nito."

Iniwan na muna namin si Mama at tinawag si Tiyang Melba para mabantayan ito. Tumungo kami sa library ni Papa at mukhang seryoso ito. Nanatili lang kaming nakatayo. May kinuha siyang envelope at ibinigay sa akin at binuksan ko ito.

Kunot ang noo kong tiningnan ang mga nakasaad dito. Sumasakit ang ulo ko, why it has to be now? Another problem? I can't believe we lost another 20 million in our company? Is there someone who's stealing money from us? Paano nangyari iyon? I know maliit lang iyan pero pinaghirapan ko rin iyang mabuo o kitain. Who's the person behind? I sighed deeply in frustration. Ganoon na lang ba kung nakawan ang sarili kong kompanya? Damn! Bakit hindi ko man lang iyon napansin?

"Son, I'll do the checking. Ako na muna ang bahala sa company. Stay focus with your wife. And I'll ask some help to my best friend, the one and only Madrigal."

"Madrigal? Ngayon mo lang siya nabanggit, Pa. Is he related to Nathaniel Madrigal?" Confusion lingers on my mind.

"Yes, anak niya si Nathaniel Madrigal. Anyway, it's a long story. He is a former agent. Ipaubaya na natin sa kaniya ang lahat."

"Thanks, Pa!" I hugged my father.

"Don't worry, matatapos din ang lahat, anak." Tinapik niya ako sa balikat.

---

It's been three days since Celes gone. Masisiraan na yata ako ng bait sa kakaisip sa asawa ko. Wala man lang akong magawa para iligtas siya! Damn! I'm not tired! Ayaw kong mawalan ng pag-asa! We're back in Manila at patuloy pa rin naman sa paghahanap ang mga hired agent namin. They told us na dito nila sa Manila dinala si Celes. How? May trackin device na nakalagay sa damit ni Celes. Idinikit kasi iyon ng isa sa mga police, sana'y maalala ni Celes na pindutin iyon, para lumakas ang signal niyon at ma-monitor na kung saan lupalop man siya dinala ng mga hayop na iyon!

Delfin

Noon pa man, kahina-hinala na ang aking asawang si Crystal. At ngayon nalaman kong wala na pala siyang shares sa kompanya. She sold it to Mrs. Israel, and why she'd do that? Kulang ba ang perang ibinibigay ko sa kaniya? And ang mas malala pa nito, she is stealing money in our own company. But why? Damn her! Saan niya dinadala at ginagastos ang pera? I need to find it out?!

Makikipagkita ako kay Madrigal, ganiyan talaga ang tawagan namin last name basis. Sa isang safe place kami nagkita around Quezon City. Matikas pa rin ito at maotoridad base sa hitsura nito. Umupo siya sa tapat ko. Alam na niya kung anong pag-uusapan namin.

"Kumusta na ang aking bestfriend?" aniya na nakangisi. Kinamayan pa niya ako.

"Not good at all." I said frankly.

"Montefalcon, about your daughter in law? I think, kung sino man ang may gawa sa kaniya no'n, matindi ang galit nito."

Sino ba ang may galit sa kaniya? Cyrstal? It's just whispered in my thoughts. Exactly! Bakit hindi ko naisip iyon?

"I want you to work with it. If that's okay with you?"

"I think you should know something," he said seriously.

"About what?" I asked.

"Sumama ka sa akin. I will explain later."

Nagtungo kami ni Madrigal sa kanyang malaking bahay. Wala pa ring ipinagbago ang buong bahay niya. Papasok pa lang kami sa malaking sala nang tumambad sa akin ang isang pamilyar na bulto ng babae. Nakaupo ito na nakatalikod kaya hindi ko pa makita ang hitsura nito.

"Mrs. Israel!" tawag niya sa babae, I am so confuse, that person, she's the one who brought the company shares of Crystal, pero bakit sila magkakilala ni Madrigal?

Unti-unting lumingon ang babae. I am so shocked. That can't be her! Matagal na siyang patay! I can't believe she's in front of me right now. Umiiyak na kami pareho. Hindi ko alam kung magagalit ako o matutuwa? Because the woman in front of me is no other than my wife, Cristina. She's so alive.

"C-Cristina?" nanginginig na sambit ko, she aged like me but she's so beautiful until now.

"Delfin," nakangiting sabi niya. Niyakap niya ako nang mahigpit at gumanti rin ako. Hindi talaga ako makapaniwala.

"What happened to you?" I asked in confusion.

"It's a long story, Honey. And now you're here I want you to know the truth," seryosong sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Naguguluhan talaga ako.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" tanong ko na naman.

"I'm sorry, Delfin, it's for our own good. Soon you'll understand why."

Madrigal interrupted.

"Time is ticking, Montefalcon. We need to discuss about Cyrstal."

---

"What? How could she do that? Napakasama niya!" Nangibabaw ang boses ko sa mga isiniwalat nila sa akin. Madrigal and my wife our cousins. Nagpapasalamat ako at kinupkop niya ang tunay kong asawa.

Hindi ko lubos maisip na si Crystal ang may pakana sa pagpatay sa aking asawang si Cristina, dahil malaki ang pagkagusto niya sa akin. I hate her so much!

"Montefalcon, matagal ka ng niloloko ng Cyrstal na `yun umpisa pa lang. May anak siyang babae bago pa man siya dumating sa mansyon. Bago mo siya nakilala at napunta sa probinsiya, dati na siyang nagtatrabaho sa bahay aliwan. Nagkaroon siya ng anak at masuwerteng inampon ng may kayang pamilya. Lulong din siya sa casino." Pagsisiwalat ng aking kaibigan.

"And not only that, Delfin. Gusto niya rin itong ipakasal sa anak natin ang anak niya para makakuha ng malaki- laking pera sa atin," sabi naman ni Cristina.

Kumuyom ang aking kamao sa mga sinasabi nila at hindi ako makapaniwala. I trusted her!

"Don't tell me, she made her own story of her

self-proclaim damn kidnapping!" galit na sabi ko.

"Absolutely, Montefalcon!"

"Cristina, sino naman iyong bangkay na nakita namin noon?" tanong ko.

"I don't know, basta alam ko nag-assume na lang kayo, na ako iyon. Kaya nga hinayaan ko na lang kayo na maniwalang ako iyon."

"She's wearing your ring that's why I thought it was you?"

"That's not important anymore. Now you already know that Cyrstal is a devil. Huwag ka na munang magsasabi kay Thunder, just go with the flow, okay? Pakiramdaman mo lahat ng kilos ni Cyrstal nang hindi nakakatunog. Malamang siya talaga ang mastermind sa pagdukot sa sarili niya at kay Celes, dahil matindi talaga galit nito sa bata."

Celes

Ilang araw na ako rito't wala man lang matinong pagkain, nakaupo at nakatali ang aking mga kamay. Nakabantay pa rin sa akin ang mga kidnapper at

naka-bonnet pa talaga? Feeling pa-misteryoso pa. Sarap pitikin sa ngala-ngala nito.

"Boss, hindi pa ba natin makukuha ang parte natin sa pera?" tanong ng payat na lalaki sa leader nila.

"Bakit atat ka? Hintayin muna natin si Madam, gago!" singhal ng leader sa alipores niya.

Ma'am? Ibig sabihin babae ang mastermind sa kabayupang ito!

"O, hayan na pala siya," narinig kong sabi ng leader nila.

Dumating ang isang matangkad at magandang babae. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila.

Biglang bumaling ang babae sa akin. "Hi there, Celes! Hindi ko alam kung anong mayro'n sa iyo't nahuhumaling sa 'yo si Thunder?" sabi niya na parang nang-aasar, biglang lumapit ito at bigla na lang akong sinampal ng ubod lakas sa kaliwang pisngi.

"Sino ka ba?! Nanampal ka na lang agad-agad d'yan!" inis na sabi ko. Kung makawala lang ako rito, sasamain sa akin ang babaeng 'to, makita niya.

"Ako lang naman ang dapat na pakakasalan ng magaling mong asawa!" sabi niya na parang nababaliw.

"Bitter lang, ate? Hindi type ng asawa ko ang mukhang pokpok na katulad mo!" tuya ko.

"Hayop kang babae ka!" galit na sigaw niya.

Pagbubuhatan niya sana ako ng kamay kaso may pumigil dito, ang leader ng mga kidnapper.

"Sige, saktan mo pa ulit siya, tingnan ko lang kung hindi ka pulutin sa kangkungan!" matalim ang tinginan nila sa isa't isa.

Sumuko rin ang babae at dali-daling padabog na umalis kasunod ng ibang goons. Sino ba kasi ang babaeng iyon? Teka nga, may kamukha siya pero hindi ko lang maalala kung sino. Saka ko na isipin iyon, kailangan kong maging matatag at maging malakas ngayon, dahil gustong-gusto ko talagang malaman kung sino ang lahat ng may pakana nitong kaguluhang ito. Sigurado naman akong gumagawa na nang paraan si Thunder para mailigtas ako.