webnovel

Chapter 8: Love is an Eye-opener

Love can make you see the world in a different way.

Minsan, yung mga bagay na malabo, nagiging klaro.

Matapos ang usapan namin ni Taym. Mahigit dalawang linggo na kaming hindi nagkikita. Pati si Chaz hindi ko rin mahagilap.

Ngayon, nasa bahay lang ako at nakahiga. Nitong mga nakaraang araw, tamad na tamad ako at wala akong ganang mag-aral.

Napabuntong hininga ako.

Pipikit na sana ako at matutulog nang marinig ko ang doorbell ng bahay namin. Dumaing ako.

'Ayokong tumayo~'

Pero paulit ulit yung tunog ng doorbell kaya bumaba ako na nakasimangot. Binuksan ko yung pinto at nang nakita ko yung tao ay nawala ang simangot ko.

Dalawang linggo na kami na hindi nagkikita. Akala ko ayaw na niya akong kausapin forever. Hindi ko rin siya nilapitan dahil kailangan kong mag-isip ng maayos. Kailangan kong ayusin ang utak ko lalo na't nalaman ko kung sino talaga ang nasa puso ko. Gayunpaman ay hinihintay ko rin siya.

"Chaz"

Siguro dahil matagal ko na siyang hindi nakita. Pero parang mas lalo pa siyang gumwapo. At dahil alam ko nang hindi talaga siya bakla – kahit hindi pa siya mismo umaamin – medyo nag-iba ang tingin ko sa kanya. Kahit pa naman noon na nagpapanggap siya ay hindi masyadong halata ang kilos niya. Kapag ako lang kasama niya tsaka niya ipinapakita ang 'true self' daw niya.

Pero nung nagre-reflect ako nitong mga nakaraang araw, na-realize ko na sa mata ng ibang tao, Chaz is my 'male' bestfriend. Dahil bukod sa hello kitty wallet niya, wala nang ibang clues na nagpapakita na siya ay binabae.

Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at pumunta ako sa kusina para kumuha ng inumin. Siya naman ay umupo sa kitchen bar. Hindi naman ito yung first time niya sa bahay naming. Favorite ni Chaz ang kape kaya gumawa ako para sa kanya. Habang nagtitimpla ako ay tahimik lang kaming dalawa.

Nang binaba ko na yung kape at umupo sa tabi niya, tsaka na siya nagsalita.

"Iniiwasan mo ba ako?", tanong niya.

'Di ako sumagot ng ilang Segundo. Iniisip ko kasi kung ano yung magiging daloy ng usapan kaya't binalik ko na lang sa kanya, "Diba ikaw ang umiiwas?"

Kahit nga sa school, kapag nakita mo ako para akong dengue kung makaiwas ka.

"I was thinking", sabi niya.

"I was thinking too", sabi ko rin sa kanya.

Tumawa siya. Tinignan ko yung ngiti sa labi niya. Ilang araw ko na ring hindi naririnig ang tawa niya, parang natulala ako ng konti. Hindi ko alam kung anong nakakatuwa pero ngumiti rin ako. Kasi na-miss ko 'to. Na-miss ko yung panahong magkasama kami at nagkukulitan. Nung time na yun, hindi ko napagtanto yung kahalagahan niya sa akin. Pero nung nagkaroon ng distansya sa aming dalawa, natakot ako. Nangangamba ako na baka isang araw wala nang Chaz sa tabi ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang maramdaman ko ang palad ni Chaz sa pisngi ko. Medyo blurred ang paningin ko kaya hindi ko masyadong makita ang ekspresyon niya. Gently, as if I was a fragile treasure, he wiped my tears. Parang nasirang dam ang luha ko't tuloy tuloy ang pag-agos.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. "Chaz… I…"

Niyakap niya ako. 'Di ko alam kung ayaw niyang sabihin ko pero hindi ko na pinagpatuloy. Just like always, he was there with me. Nakalagay ang ulo ko sa balikat niya habang ang mga kamay niya ay nasa likod ko. Pumikit ako.

"I'm not gay. Never was", dahil malapit ang tainga ko sa bibig niya, rinig na rinig ko ang lahat ng sasabihin niya. Hinalikan niya ang tainga ko bago nagpatuloy.

"I've always loved you since we were kids"

"Nung freshmen, nagpanggap akong bakla because I was stupid and that's the only thing I could do to stay close to you"

"It's the most stupid plan", bulong ko, "pero buti na lang ginawa mo yun"

Hinigpitan niya ang yakap niya.

"Nung nalaman ko na naging interesado ka sa isang lalaki, na-realize ko na kung gaano ako kabobo"

Tumawa kami.

"So then I gathered my courage. I took the risk and confessed my feelings"

"Pero gusto ko pa ring ulitin. Just in case hindi mo pa rin naiintindihan", biro niya pero may halong nerbyos ang tono niya.

Binitawan niya ako at tinignan ang aking mga mata. Siguro nakita niya na iba na ang tingin ko sa kanya. Right now I'm not looking at my gay best friend but at a man.

"Love. I love you", ngumiti siya.

Hindi ako makasagot. Nang lumipas ang ilang menuto, nag-alala na siya at inulit.

"Mahal kita"

Wala pa rin akong masabi sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I was overwhelmed with happiness. Unfortunately, hindi ko alam kung anong pangamba ang nararamdaman ni Chaz. Paulit-ulit niyang dineklara ang feelings niya sa iba't ibang lenggwahe.

"Saranghae"

"Aishteru"

"Je t'aime"

"Wo ai ni"

Mangiyakngiyak na si Chaz bago ako nagsalita.

"I love you too". Napatigil siya.

Tumulo yung luha niya at pinunasan ko. "Mahal kita", unulit ko rin at tulad niya ay ginamit ang iba't ibang wika ng 'I love you'.

Nasa Italian na ako nang biglang sumara ang bibig ko.

Dumapa ang labi ni Chaz sa akin. Medyo natulala ako pero kinalaunan ay pinikit ko ang aking mga mata at nilagay ang mga kamay ko sa balikat niya. Hm. Chaz is indeed a man.

I never thought that love could make everything so clear.