webnovel

Chapter 4: Love is Irrational

Love can make a person irrational. Yung mga bagay na akala mo ay hindi mo kayang gawin ay magagawa mo sa ngalan ng pag-ibig. Parang kapag nagmamahal ka, lahat kakayanin mo makapiling lang ang taong mahal mo. Minsan hindi mo na rin naiisip yung consequence ng gagawin mo.

Siyempre iba na kung isa ka nang adult na hindi pinangungunahan ng emosyon. Eh paano kung isa kang teenager? Siguro wala ka nang susunding rason dahil magre-rely ka na lang sa nararamdaman mo. Pero sa sitwasyon ko? Simula pagkabata hanggang sa pagiging binata ay mali na ang naging desisyon ko. Nung elementary ako pinagsisihan ko na naging ganun yung approach ko sa kanya. Pero nung high school ako, I didn't regret my solution to stay by her side. But right now I'm having my doubts.

"Chester!", inakbayan ako ni Dalisay, isa sa mga kaibigan ko simula nung high school. Siya lang din ang nakakaalam ng sikreto ko.

"O dabat ba kitang tawaging Chastity o Chaz", kinindatan niya ako. Chastity or Chaz. Ang gay name na binigay sa akin ni Love.

"Tangina mo", siniko ko yung tiyan niya. Dahil naiinis ako, pinagbuntungan ko siya ng galit since available naman ang punching bag na 'to. Ininom ko yung shot na nasa kamay ko. Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Love kaya pumunta ako sa clubhouse na malapit sa school. Yung pinuntahan ko ay yung high-end na clubhouse dahil gusto kong uminom pero at the same time mag-isip. Ayoko namang maglasing sa bahay dahil baka tanungin ako ng nanay ko kung anong problema ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na "ma, bakla ako pero may minamahal akong babae. Ano kaya ang pwede kong gawin?" baka sapakin ako.

"So Mr. Self-Proclaimed Gay, what can I do for you?", sabi ni Dalisay at umupo siya sa tabi ko.

"I think I made a mistake", inumpisahan ko.

"Sa pagpapanggap bilang gay para lang kay Love? Yup. I think so too", balik niya sa akin. Kinuha niya ang shot glass ko at nilagyan ng alak. Di tulad ng iba na straight ang pag-inom, siya patikim tikim lang.

"Kung titikim ka lang din naman, 'di ka na lang kaya kumuha ng wine"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Nung una pa lang sinabi ko na sayo. You were digging your own grave, Chester. Paano ma-attract sayo si Love kung bakla ka? Di bale na lang sana kung mahilig siya sa mga silahis at bakla", napahinto siya sa sinabi niya at lumaki ang mga mata. Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala, "Wait, hindi ba't-"

"Okay stop", sumingit ako. Hiniga ko yung ulo ko sa ibabaw ng bench sa likod ko at hinilot ang noo ko. "I know so stop", hinayaan kong mahulog ang kamay ko sa tabi ko. Tinignan ko ang kisame ng aming private room. "Sino ba kasi yung nag-isip na magpanggap ako na bakla?"

"Hindi ba ikaw?", hindi ako nakatingin sa kanya pero alam ko na nakangiti siya na parang masaya sa pagdudusa ko.

Dumaing ako at napabuntong-hininga. Bakit ba kasi ako nagpanggap?

Right. Para maging close kay Love. Para manatili sa tabi niya.

Sa totoo lang, matagal na kaming magkaibigan ni Love. Well para sa akin nung elementary. Pero para sa kanya, naging TUNAY na magkaibigan lang kami noong high school.

Simulan ko noong bata kami. Wala akong masabi sa attitude ko noon. Ewan ko ba kung bakit ganon ko siya kinaibigan. Siguro dahil hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan at kakausapin. Kaya ayun, ginamit ko yung klasikal at makabobong paraan: ang pang-aasar.

Naaalala ko noong elementary, para akong peste na hindi mapataypatay. Lagi ko siyang sinusundan at inaasar. Hindi dahil hobby ko kundi dahil yun lang ang alam kong paraan para makuha ang atensyon niya. "Baboy", "Hulk", "Captain Barbell", at kung ano ano pang pangalan ang binibigay ko sa kanya.

To be honest, kahit mukhang mapang-asar yung mga pangalan. Para sa akin, ang cute kaya niya. Dahil bata pa naman kami, mayroon siyang pagka-chubby noon. May isang beses na hindi ko napigilan ang sarili ko't pinisil ko ang pisngi niya. Sobrang lambot. Nagalit siya sa akin non at sinapak ako. Malakas na siya nung time na yun kaya nagka-black eye ako. Pagkatapos nun, napaunta kami sa Guidance.

Pinagsisihan ko yung pambu-bully ko sa kanya. Ngunit may isang pangyayari na tuwing naalala ko ay napapangiti ako at sumasaya ang pakiramdam ko. Minsan pa nga natatawa ako na parang may sayad.

***

Nangyari yun pagkatapos ng bisita namin sa Guidance. Nasa shed kami kung saan naghihintay kami ng aming sundo. Halos wala nang tao non dahil ilang oras na ang nakalipas pagkatapos ng dismissal. Hawak hawak ko noon yung malaki kong roller bag na spider man habang katabi ko siya.

Tinignan ko siya. Hindi niya ako pinapansin. Mukhang galit pa rin. Well, kelan ba niya ako pinansin. Sigh.

Pero parang magnet, bumabalik ang tingin ko sa kanya. Nung makita ko yung maputi niyang pisngi na parang mansanas dahil may konting pula, inangat ko yung kamay ko.

At binalik sa tabi ko nung maalala ko yung jab punch na lumipad sa mata ko. Kinilabutan ako. Huwag na nga.

Lumipas ang ilang minuto at hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko.

"Uh Love?"

Walang sagot.

Tinignan ko siya.

"Sorry"

At nakuha ko ang atensyon niya sa wakas!

Nakakunot ang noo niya at pakiramdam ko konti na lang sasapakin na niya ako.

"Sorry", inulit ko.

"Hmph", at hindi na niya ulit ako pinansin.

Nang nakita ko yung sundo ko, tumayo na ako at lumakad papalayo. Pero tumigil ako. Huminga ako ng malalim at tumalikod pabalik kay Love. Lumapit ulit ako sa kanya. Isang prinsesang naka-upo at ako na nakatayo. Nagtinginan kami at ayun binilisan ko ang kilos ko. Para akong si Flash sa bilis.

Nung araw na yun, nagnakaw ako ng halik.

Sa pisngi.

Siguro mga tatlong segundo kong hinayaang dumapa ang labi ko sa kanyang pisngi. Hanggang ngayon feeling ko naaamoy ko pa rin ang Johnson's baby powder dahil sa sobrang lapit ko sa kanya.

At bilang isang dakilang snatcher. Tumakbo ako ng mabilis.

Narinig ko sa malayo ang sigaw niya. "Hoy! Chester!"

Tumawa ako.

***

"O tagay pa", tumawa si Dalisay at inabot sa akin ang isang shot glass. Kinuha ko at deretsong ininom. "Binabalikan mo ba ang iyong mga alaala kasama ang iyong mahal?", nag-beautiful eyes siya at nilagay ang dalawang kamay sa baba at nagpa-cute.

Binigyan ko siya ng stink-eye at ipinagsawalang-kibo. Humiga na ako sa bench dahil nahihilo na ako.

"There's a guy called Taym. I met him a few times."

Hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Parang kumikirot na di ko maintindihan.

"He's different"

Huminga ako ng malalim. Imposible.

"Parang fate brought us together"

What about us? Hindi ba yun tadhana?

"Ang weird no? Usually di talaga ako mapakali kapag nakikipag-usup sa mga lalaki. Pero sa kanya komportable ako"

Tangina.

Akala ko ba hindi ka mai-inlove sa mga tunay na lalaki. Paano naman ako?

Ogag ka talaga Chester. Ang bobo mo. Takte bakit ka nga ba naging bakla?

***

Yung araw na iyon ang naging dahilan sa bobo kong desisyon.

High school na kami at dahil escalator school ang paaralan namin, schoolmates pa rin kami ni Love. Sa kasamaang palad ay hindi kami magkaklase. Recess namin nun at tumatakbo ako papuntang CR dahil naiihi na talaga ako. Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang isang usapan.

"Weh?!"

"Shhh! Wag ka ngang maingay!", tinakpan ni Love and bibig ng kaibagan niya. 'Di ko kilala, siguro transferee.

Nagtago ako. Nasa kanan at taas ako ng hagdan. Habang sila ay nasa kaliwa at nasa pinakaibaba ng hagdan nakaupo. Malapit na ako sa CR kaso kailangan kong dumaan sa kanila. Pero dahil naku-curious ako sa pinag-uusapan ng crush ko at ng kaibigan niya, nanatili ako. Yes, I'm eavesdropping. Sue me.

"So crush mo si James", sinabi ni girl.

Nanlaki ang mata ko. May crush si Love?! At hindi ako yun?! Sumandal ako sa barandilya ng hagdan para mas lalo silang marinig. At ganito ang naging usapan nila.

Love: "Oo nga, ang kulit"

Girl: "E diba bakla yun?"

Love: "Ano naman? Mas type ko kaya yun. Pogi pa!"

Pogi rin naman ako ah!

Girl: "Ano naman ngayon kung pogi? Di ka naman magugustuhan kasi babae ka. Ano? Magpapa-sex change ka?"

Alam kong sarkastikong tanong yun pero LOVE HUWAG! PLEASE!

Love: "Gaga ka ba? Hindi noh!"

Girl: "Alam mo hindi ko talaga maitindihan. Ano bang meron sa mga bakla at silahis at sa kanila ka lang nagkakaroon ng crush? Man hater ka ba?"

Love: "Hindi naman sa ganoon…"

Girl: "E ano?"

Love: "Dahil sa tatay ko"

Girl: "….."

Love: "Alam kong hindi naman lahat ng lalaki ay magiging katulad niya pero… alam mo yun. Natatakot ako eh. Kaya siguro nagkakagusto ako sa mga silahis at bakla kasi may femininity sa kanila. Something familiar that reminds me of my mother but at the same time a body of a male. Gets mo? Parang may gusto ako sa mga lalaki pero at the same time gusto ko rin yung medyo feminine dahil nandoon yung good memories ko. Memories of love and protection that I only got from my mother."

Napayuko ako sa narinig ko. So in the first place, talo na ako dahil lalaki ako. Tangina.

Love: "Gusto ko rin naman magkaroon ng relasyon. Pero ayokong mauwi tulad ng nangyari sa magulang ko."

Girl: "Hmmm. Pwede rin naman, meron namang bakla na nafo-fall sa babae eh. Malay mo one day"

Love: "Sige one day pakakasalan ko si Mr. Right Gay ko"

Tumawa silang dalawa.

***

At yun ang araw na na-realize ko na bakla ako. Hindi ko naman direktang sinabi sa kanya na bakla ako. Masyado namang obvious. Kaya gumawa ako ng eksena kung saan siya mismo ang 'makakadiskubre'.

Alam ko na mahilig siyang pumunta sa garden ng school namin. Tuwing hapon siya usually nandoon dahil ito yung time na tahimik at wala nang tao. Usually may klase ako ng oras na 'to. Nagkataon lang na nag-cr ako at nakita ko siya rito dati. Matapos nun lagi na akong naging si cr sa oras ng asignaturang Araling Panlipunan. Minsan pag pumapasok nga ang guro namin, bago siya magturo tatanungin muna niya ako "Chester, gusto mo bang mag-cr?". Siyempre ang sagot ko ay "Ma'am siguro after 15 minutes" kasi alam ko na wala pa si Love sa garden pag masyado akong maaga.

Anyway, hindi ako nag-cr para gawin yung eksena. Nag-cutting na lang ako para mas ready.

Nung marinig ko ang yapak ng paa sa mga tuyong dahon at papalapit sa lugar ko. Alam ko nang si Love yun. Kasi naka-pwesto ako sa secret place niya na medyo tago.

Agad kong nilabas ang make-up kit ng nanay ko. Foundation pact in my left hand and lipstick in my right. Ready, set, action!

"Chester?"

Lumingon ako at ipinakita sa kanya ang gulat na ekspresyon.

"L-l-love?!", nice acting!

Siya rin ay may gulat na ekspresyon. Tinignan niya yung make-up kit at ang lipstick sa bibig ko. Suddenly, as if being enlightened, tinanong niya ako.

"Bakla ka?!"

***

Para hindi malaman ni Love ang katotohanan, gumawa pa ako ng imaginary boyfriend. Siyempre hindi ko rin sinabi sa magulang ko na nagpapanggap akong bakla. Alangan namang sabihin ko na "Nay, tay. Nagpapanggap akong bakla kasi may crush ako. Hintayin niyo po ako maging straight ah. Sa tamang panahon din iyan". Baka palayasin ako ng bahay. Para hindi ako ma-busted, sinabi ko na lang kay Love na hindi alam ng magulang ko ang katotohanan dahil natatakot ako ngunit balang araw ay aamin din ako. Dinagdag ko pa na ayaw kong malaman ng ibang tao ang sikreto ko kaya dapat na manatili lang yun sa aming dalawa. Siyempre nagpaawa ako at pumayag naman siya.

Gumawa ako ng kasinungalingan para lamang manatili sa tabi niya. Hindi ko naman pinagsisihan noon pero ngayon…

Taym.

For the first time, nagkaroon siya ng interes sa opposite sex. At sa pinagsasabi niya mukhang lalaki talaga to.

"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"

Sinipa ni Dalisay ang paa ko.

"Imbes na magmukmok ka dito hindi ba't dapat gumawa ka na ng paraan"

"'Di ko nga alam ang gagawin ko"

"Ang bobo naman. Seduce her ano pa ba"

Inirapan ko siya. "Kung ganon lang kadali magiging bakla ba ako?"

Tumawa siya, "Ngayon lang ako nakarinig ng isang lalaki na naging bakla para mang-akit ng babae"

Kumunot ang ulo ko. Alam kong katawa-tawa yung ginawa ko pero iba rin kapag naririnig mo na.

"Alam mo", pinagpatuloy niya, "kung gusto mo magkaroon ng chance, dapat kumilos ka na. Kapag naunahan ka ng iba ikaw rin ang magsisisi. Kung magmamahal ka rin then be ready to take the risk. It's now or never, Chester. Balang araw mawawala din ang advantage mo. Gay friend? Friendzone ka na nga. Gay ka pa? Bago magkaroon ng pagbabago sa relasyon niyo, you should first change the way she sees you. Paano ka niya makikita in a romantic way kung alam naman niyang nandyan ka lang as a friend", uminom siya at nag-isip muna bago nagpatuloy, "Kaya ka naging bakla dahil sa trauma niya diba?"

Tumango ako.

Medyo nag-alala siya, "Paano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang hindi ka bakla at nagsinungaling ka sa kanya all these years?"

Natahimik ako. Dahil sa totoo lang natatakot ako sa possibility na malaman niya. Natatakot ako na baka iwasan niya ako. Natatakot ako na malaman niya ang tunay kong nararamdaman. Pumikit ako. I'm scared that she will hate me. Natatakot ako na mawala siya.

Ang dami kong kinatatakutan. Pati ba naman ang pag-amin ko na lalaki ako kinatatakutan ko? Hah. Katawa-tawa ka talaga Chester.

Matapos ang ilanga katahimikan, nagsalita ulit ako.

"I'll take it"

"Huh?"

Huminga ako ng malalim.

"I said I'll take it. I'll take the risk"

This is the last Love. I'll take my chance.

Dumilat ako na puno ng determinasyon at pag-asa.

Ipupusta ko na ang lahat para sa huling pagkakataon.