Love comes when you least expect it.
Ito ang napagtanto ko nitong mga nakaraang araw. Noong una dine-deny ko pa pero kinalaunan napilitan akong harapin ang katotohanan.
Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang nakikita. Siguro dahil hindi naman ganun kalaki yung school namin. Pero hindi ba't parang sobra naman kung coincidence lang yung nangyayari?
Unang tagpuan naming ay sa canteen. Pero for sure ako lang naman yung may abnormal na reaksyon nung time na yun. Isa pa ay hindi kami magkakilala.
Pangalawang tagpuan ay sa hallway. Medyo nalate kasi ako ng gising. 10:30 yung klase ko at 10:00 na ako nakabangon. Kasi naman lagi kong pinapatay yung phone ko kada 5 minutes. Pakiramdam ko pumikit lang ako ng ilang menuto pero pagdilat ko ilang oras na ang nakalipas. Kaya ayun, pagpasok ko sa school nagmamadali ako papunta sa classroom. Dahil hindi ako nakapag-breakfast sa bahay, bumili na lang ako ng sandwich at milk tea. Classic Japanese anime girl ang peg ko nung araw na yun. May sandwich sa bibig at milk tea sa kamay habang tumatakbo. O diba? Parang anime lang hahahahaha. So ayun na nga, tumatakbo ako nun pero nung nag-sharp turn ako sa kanto – driver? – sa hindi inaasahang aksidente ay nakabangga ako. Nakabangga ako ng tao! Help!
"Oh my gosh! I'm so sorry. Okay ka lang?" Dahil sa momentum ko ay natapon yung milk tea sa kamay ko. Pero okay lang maiinom pa naman. Kaya lang yung sandwich ko ay tumilapon at nakaratay malapit sa hagdanan. Wala na. Lumipas na ang 5 seconds.
"No It's fine, I'm okay", sabi ni guy at sabay tayo. Tinignan ko siya. Baka kasi nagtamo siya ng sugat dahil sa banggaan. Pero nung napunta ang tingin ko sa mukha niya.
OHMAYGA%%$#$%()()**
At kung anu ano pang mura ang naisip ko. Hindi lang dahil pogi si kuya. Kundi dahil siya si Mr. Guy!
"Ikaw na nga~ ang hinahanap ng puso~"
Kuya Willie please stop it! Bakit ba kasi ito yung kanta OMG!
"Hey", winagayway niya yung kamay niya sa mukha ko dahil natulala na lang akong bigla. Shems, ang pogi ng kamay niya.
"Um, miss?"
"Yes?", omg medyo breathy yun ah. Tulong po. Sa kasalukuyan ay may kinakaharap akong isang gwapong nilalang. Hindi bakla. Hindi silahis o kung ano pa man. Help. Isa po akong noob. How to talk to straight males po.
"Are you okay? Were you hurt?", sabi niya. Kung hindi ako ma-nosebleed dahil sa itsura niya baka ma-nosebleed ako sa English. Mukhang may lahing dayuhan din siya. 'Di mukhang Pinoy kasi may pagka-grayish yung mata, matangos ang ilong, at may tan yung kulay ng balat. Tapos naka- harry potter style eyeglasses pa siya. Hindi ko alam kung dahil malabo talaga ang mata niya or for style lang. In a way, mukha siyang intelektuwal.
"Uh, I'm fine. Just a little disoriented. I'm so sorry for bumping into you. I was in a rush so…", medyo pabebe kong sabi habang sinusungkit yung buhok ko sa likod ng tenga ko. O ha? English Major kaya ang lola mo. This is nothing. Muahahahahaha.
"Yeah? That's great", tapos bigla siyang tumawa. Tinignan ko na lang siya ng ekspresyong nababaliw-na-siguro-'to-dapat-tumakbo-na-ako. At lalo pa siyang tumawa. Ang ganda ng ngiti- este ngipin niya. Ang puti, ano kayang toothpaste ang gamit niya? Chlorine siguro, nakakasilaw eh.
Pero ano kayang nakakatawa. Baka makalipas na ang 10 minuto eh di pa 'to tapos.
"Soooo, what's so funny?", tanong ko.
"You", ngumiti siya.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
"I find it funny that I easily fell and you're sturdy considering your smaller frame. You're pretty strong for a girl"
At bumalik sa normal ang heartbeat ko.
Sinabihan ba naman akong pandak at macho?! Okay, hindi naman yun yung sinabi niya. Sensitive lang talaga ako sa height ko kasi maliit ako. Mga 4'11 lang. Tapos yung lakas ko ay… well, natural lang yun. 'Wag niyo akong tanungin kung tatay ko ba si Hulk. Malakas lang talaga ako.
Siguro nakita niya yung ekspresyon ko kaya parang nataranta siya at binilisan ang sabi. "I mean, don't take it the wrong way. I mean no offense. There's nothing wrong with being short or strong"
Okay. Ulitin pa niya yung small o short, hahampasin ko ang ogag na 'to.
Joke, 'di ako ganon ka bayolente.
Ngumiti ako sa kanya. "Thanks"
At tumunog ang bell.
Hala ka, late na ako!
So ayun, tumakbo na lang ako matapos ang mabillisang sabi ng, "I'm late. K. Bye!"
Nang pag-upo ko sa tabi ni Chaz, tsaka ko lang napagtanto na may nakalimutan ako. Hinawakan ko ang buhok ko at marahan na hinila ito.
Sh*t yung sandwich.
Sh*t sayang yung milk tea.
Sh*t anong pangalan ni Mr. Guy ba't 'di ko natanong?!
So lumipas ang Monday ko sa tatlong problema: sandwich, milk tea, at name ni Mr. Guy.
Nalaman ko na lang yung pangalan niya sa ikatlong tagpuan.
Ang library. Ito ang aking langit. Maraming libro, naka-aircon, tahimik, pwede matulo- ehem mag-aral, at higit sa lahat ito ang setting ng mga romantic encounters tulad nung time na yun.
Naghahanap ako ng libro at nasa section ako ng fiction. Ang alam ko kasi ay may kumpletong volume ang silid-aklatan ng Harry Potter. Nahanap ko na yung lugar kaso 'di ko makita yung unang libro. Sisimulan ko pa lang basahin dahil na-curious ako sa pinagsasabi ni Chaz. Kaya eto ako ngayon. Kaso wala talaga eh.
"Ano ba naman 'to? Kumpleto ang volume pero walang first book", pabulong kong wika. Hindi pumasok sa isip ko na baka may nanghiram. Yun ay bago may tumapik sa likod ko. Pagtingin ko ay laking gulat ko na makita ulit si Mr. Guy.
"Are you looking for this?", pinakita niya sa akin yung makulay na cover ng libro.
"Uh yeah. Yeah I'm looking for it. Did you read it?", ang mabobo kong tanong. Anong tingin mong ginawa niya ha Love? Hinimas at pinagmasdan? Malamang binasa niya!
And because of my dumb answer, his lips curved into a beautiful smile. "Yeah I did. I'm just returning it. You have good timing. Here."
Inabot niya sa akin yung libro at kinuha ko naman.
"My name's Taym"
Out of the blue bigla siyang nagpakilala. Medyo natulala ako. Taym? Ang ganda ng pangalan niya. Taym. Inulit ko sa aking isip.
"You are?"
Nagising ako at medyo nahiya. Lagi na lang akong natutulala, baka sabihin niya'y wala akong interes.
"My name's Love"
"Love", inulit niya. Muntikan na akong mahimatay. Ang lalim ng boses niya tapos inulit pa niya ang pangalan ko. Eh parang endearment. Hinawakan ko ang pisngi ko, medyo mainit. Feeling ko namumula ako.
"What a beautiful name"
At doon nagsimula ang lahat.
***
Simula noon, for some reason, palagi kaming nagkakatagpo. Hindi naman every day. Siguro mga once or thrice a week. Tuwing nagkikita kami, pakiramdam ko ang tadhana ang pasimuno. Niyuko ko ang ulo ko sa lamesa sa harapan ko. Kasalukuyan kaming nagkaklase sa Philippine Literature. Favorite ko itong subject na 'to, kaya lang lumulutang talaga ang utak ko kaya hindi ako makapag-concentrate. Inisip ko sa Taym. Na-imagine ko yung mga pagtatagpo namin. Minsan sa quadrangle, makakasalubong ko kapag naglalakad ako, sa corridor, sa elevator, sa gym, at kung saan saan. Yung pinaka-favourite ko yung sa chapel. Feeling ko nasa wedding ako nun-
"Hoy", nagising ako sa panaginip ko nang itulak ako ng malakas ni Chaz.
Buti na lang mabiga- este nakakapit ako sa upuan ko. Kung hindi ay nasa lapag ako niyan. As always, I glared at Chaz. "Bakit ba?", pabulong kong sinabi para hindi kami sawayin ng aming Prof.
"Ba't ka natutulog? Diba favourite class mo 'to?", tinignan niya ako ng may mataray na ekspresyon.
Inayos ko ang upo ko at tinignan ang Prof. Since hindi naman siya yung tipong striktong guro na bawal mag-ingay, kumain, at huminga, binalikan ko ng tingin si Chaz.
"'Di ako natutulog, nag-iisip lang"
Tumaas ang kilay niya. "Tungkol saan?"
Napabuntong-hininga ako. "Hindi tungkol saan. Tungkol kanino."
Nanahimik siya. Usually, makulit si Chaz. Para siyang mapesteng reporter na dapat lahat ng impormasyon at tsismis ay alam niya. Kaya nung hindi siya nagsalita ng 10 minuto, nag-alala ako. May sakit kaya 'tong bruha na 'to? Baka nilalagnat? Magsasalita na sana ako para sabihan siyang pumunta ng clinic nang pinangunahan niya ako.
"Who?"
Huh?
"Who are you thinking about?", liwanag ni Chaz.
Fun fact about kay Chaz. Tuwing galit, kinikilig, o seryoso siya, lagi siyang nagi-Ingles. Obviously hindi option 1 and 2 dahil wala naman ako sinabi na nakakagalit o nakakakilig. So that leaves me with option 3. Seryoso siya… which only happens during grave situations.
Nagtaka ako bakit ganon yung reaksyon niya pero binalewala ko na lang. Baka imaginary time of the month niya ngayon.
Napabuntong-hininga ulit ako, "There's a guy…", simula ko na parang storyteller ng 'once upon a time', "called Taym. I met him a few times"
Silence. Walang reaksyon si Chaz kaya pinagpatuloy ko. Hininaan ko yung boses ko at lumapit kay Chaz para di maistorbo yung klase.
"Minsan nag-uusap din kami especially kung sa mga lugar tulad ng library kami nagkikita. Anyway, I saw him at the canteen first. He's different. Alam mo kung sa canteen na nagtapos then maybe I won't feel this way. Pero for some reason lagi ko siyang nakakasalubong. Parang…parang fate brought us together or something cheesy like that", tumawa ako ng marahan kasi kinilabutan ako sa sinabi ko. Can't believe I would be saying this one day. Tapos pinaliwanag ko yung feelings ko at yung naririnig ko na kanta ni kuya Willie. "Nung una ninenerbyos ako kasi lalaki siya pero naging komportable din ako after. Ang weird no? Usually di talaga ako mapakali kapag nakikipag-usup sa mga lalaki. Pero sa kanya komportable ako. Di kaya nararamdaman ng gay radar ko na may something?". I chuckled at the idea.
Nang wala pa ring reaksyon si Chaz, tinignan ko siya. "Chaz?"
Tumingin siya sa akin. Yung tingin na parang for the first time ngayon lang niya nakita yung kagandahan ko. Char. Di naman ganun pero parang ganun na nga nung tinignan ko siya sa mata. 'Di ko alam pero parang may halong lungkot at takot yung nakita ko. Lungkot at takot saan? Ganun ba ko kapangit?
Hinawakan ko yung balikat niya at niyugyog ng konti. "Uy, okay ka lang?", tinignan ko yung paligid at lumapit kay Chaz. Binulungan ko siya sa kanang tainga niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita? Na-open mo ba yung third eye mo?"
Inirapan niya ako. Whew, finally may reaksyon.
"Gaga ka ba?", sabi niya.
"Eh bakit parang natatakot ka? Kung nakita mo lang yung mukha mo akala mo multo ako eh"
"I was just scared for the guy. Anong pangalan nung lalaking 'yon?", tanong niya. Imagination ko lang ba? Pero parang diniinan niya yung sabi ng 'guy'.
"Taym"
"Right Taym", may diin niyang sabi. "I feel kind of bad for him", pinagpatuloy niya.
Nagtaka ako. "Huh? Bakit naman"
"You set your eyes on him. That's so terrifying"
Hinampas ko siya sa braso.
Pagkatapos nun ay 'di muna kami nag-usap at nakinig na kami sa lecture na patapos na. Na-dismiss ang klase at umuwi na kami.