webnovel

Aia's Story

She's a warrior on her own - to be exact, a wounded warrior.

arcladynight · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
11 Chs

Ikapitong Kabanata

Ikapitong Kabanata

"What is Christmas? It is tenderness for the past, courage for the present, hope for the future.

– Agnes M. Pahro

"Merry Christmas, besh!"

"Merry Christmas, bakla!"

Batian ng dalawang magkaibigan habang nagyakapan matapos magpalitan ng regalo sa isa't-isa.

"Naku friend, mabuti na lang talaga at sinamahan mo akong magdiwang ng kapaskuhan dito sa boarding house natin." Pag-eemote ng kaibigan niya. Bata pa kasi mula nang maulila ang kanyang kaibigan at katrabaho na si Jonathan, natuto na itong mamuhay nang mag-isa. Subalit simula nang makapagtapos ito at makahanap ng maayos na trabaho, biglang nagsilabasan ang mga kamag-anak nito at itinuring na siyang OFW - lalapitan sa oras ng pangangailangan.

"Bakit ba kasi ayaw mong umuwi sa inyo, bakla? Pinadala mo lang yung mga pinamili mo via LBC para sa mga inaanak at pamangkin mo."

"Nagsisisi ka bang dinamayan mo ako friend?" Reklamo ng kaibigan niyang binabae.

"Baliw, syempre hindi! Sabi ko nga sa iyo, sama ka na lang sa akin sa Batangas nang sa gayon ay hindi ka mag-isa dito sa boarding house. Nandun sina Inay at Itay, saka may mga bata din dun, hindi ka maho-home sick."

"Eh alam mo naman yung mga kamag-anak ko bakla, di'ba? Hindi naman sa madamot tayo, pero kasi nasaan sila nung iginagapang ko yung pag-aaral ko sa sekondarya at mataas na antas?! Hinamak pa ng iba kong tiyuhin ang pagiging bakla ko, beshie! Alam mo yan! Kundi nga lang sa mga cute kong pamangkin at batang pinsan, naku! Who you sila sa akin!"

"Loko ka. Kamag-anak mo pa rin sila. Pwede naman tumulong."

"Tulong on monthly basis? Pinapasagot sa akin yung bahay, tubig, ilaw at other expenses? Friend, nabuhay naman sila nung hindi pa ako tapos! Ginawa pang panakot ang mga magaganda at gwapo kong pamangkin!"

"Kung sabagay. Hirap nang ganyan. Tumulong ka man, sasabihin kulang pa. Tumanggi ka, sasabihin madamot ka."

"Exactly! Hindi ko naman sila magulang at kapatid, mygad! Kapatid lang sila ng parents kong naaksidente, kaloka! Saka hindi pa ba sapat na sinusustentuhan ko na nga yung mga magaganda at guwapo kong pamangkin sa baon, projects at special events nila at kailangan buong angkan ang saluhin ko?!"

"Sabagay. Kung titignan nga, wala ka naman talagang obligasyong tumulong o umasista sa kanila. Nagpamilya sila eh. Nga pala, anong plano mo niyan? Baka magtaka yung mga pamangkin mo kung bakit hindi ka nakauwi?" Tanong ni Aia sa kaibigan habang kumakain.

"Syempre, sasabihin ko yung totoo. Totoo naman na may deadline tayong report nun bago magbisperas, tapos bukas may meeting tayo sa AHMC regarding sa mga pinurchased nila na instruments." Mahaba nitong litanya. "Naging scapegoat ko na din ito para makaligtas sa mga tiyahin at tiyuhin ko mula sa panghihingi ng sustento!"

"Friend, payong kaibigan lang ito ha? Unsolicited advice ba, pero bakit ayaw mong subukan na bumuo ng sarili mong pamilya? Like subukan mong manligaw, or kahit fling lang sa opposite gender mo? Sayang ang datung mo. Kaya naman bumili ng bahay at sasakyan kung tutuusin dahil ang laki ng sales mo, nagtitiyaga ka pa dito sa boarding house."

"Niloloko mo ba ako, Aia Andrea Austin?!!" Naririmarim na wika nito sa kanya. "Naikuwento ko na sa iyong sinubukan kong maging si Jonathan Alexander Czar, kaso waley! Di ko keri! Parehas kami ng bet ng naging ex ko na macho, gwapo, at malinis na lalaki ang hanap." Litanya ng kaibigan habang pumipilantik ang kamay, animo'y naririmarim. "Saka at least dito sa boarding house, may kasama ako. Ikaw. Saka yung mga mahadera nating boardmate at tsismosang kapitbahay. Hindi ako alone." Madramang turan nito.

"Eh mag-ampon? Or maghanap ng surrogate mother tapos pupunlaan ng sperm mo para magkaroon ka ng anak like yung ginawa ng business conglomerate. J. Cruz ba yun? Kambal kaya mga anak nun. Nakakatuwa!"

"Yeah, si J. Cruz nga. Ayoko friendship. Hindi ko matututukan yan. Alam mo ang trabaho natin, sa opisina at sa field. Kaya nga siguro wala na tayong lovelife parehas kasi puro trabaho na lang tayo."

"Ganun talaga. Saka maalat tayo friend, ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon. Look. Naalala mo yung na-link na gwapong doctor sa iyo dun sa JCA Medical Hospital? Wala ka din napala kahit ba sobrang lambing na kamo sa iyo kasi iba ang type mula sa federation ninyo. In short, pa-fall ang prospect mo!"

"Oo nga, girl! Hindi ko kinaya yun! Mas maganda ako dun! Mas flawless, at di hamak na mas mapera! Pero pinili yung chipipay na Sales Rep na yun mula sa competitor nating company! Tayo nga ang nanalo nun sa bidding, kaso sa lovelife sawi ako girl!"

"Hindi niya need ng money mo, friend. Remember? Doctor siya. Besides, we can't have it all." Pagak na turan niya sa kaibigan.

"Nga pala Aia girl, hindi mo pa naikukuwento sa akin yung tungkol sa inyo ni Sir Mike! Kabogera ka, girl! Ano pa ang hindi mo naibabahagi sa akin sa lovelife mo?"

"Baliw! Kailan pa kasi naging source of entertainment ang buhay ko? Saka wala nga kasi yun."

"Weh? Bakit ganun makapagsalita sa iyo yung tao?"

"Ewan ko? Katrabaho ko nga lang yun! Bisor, to be specific."

"Dali na kasi, share na!" Pangungulit pa nito sa kanya.

"O siya, sige na nga! Ganito kasi yun girl…"

-xxx -

Flashback:

"Team, I would like to introduce to all of you, our newest member of the team, Aia Andrea Austin. Aia, this will be your team mates. What name should we call you? Aia? Andrea?" Pakilala ng project manager nila noon sa pinapasukan niyang kumpanya. Bagong hired lamang siya noon as Analyst sa isang BPO Company.

"I prefer Aia, Sir."

"Okay, Aia. I'll leave the introductions on your teammates to your supervisor, Rex Michaelangelo Sotto. Mike, Aia will be under your tutelage. Make sure that she'll be comfortable while working here, understood?" Dagdag pa ng kanilang manager.

"Yes, Sir."

--

"Aia, come to my office. Now." Turan sa kanya ng supervisor niya na si Mike.

"Okay, Sir." Tugon naman ni Aia sa kabila ng kabang nararamdaman.

"What the hell is this?! For three months na nagtrain ka bago mapunta sa project na ito, nagkakamali ka pa rin?! Bakit hindi mo nabalanse yung nasa sheet! Analyst ka ba talaga?!"

"Sir, according naman po sa video conference during deliberation ng findings, system error po ang nangyari." Katwiran ng dalaga.

"The hell with the system error! Kaya nga tayo nandito eh! Kaya ka rin nandiyan sa trabaho mo, to make sure na hindi ka magkakamali sa pagbabalanse! Ano ka ba? Display lang?!"

"I'm sorry po Sir kung na-overlooked ko po yung balance sheet, pero hindi naman po dahilan na sigawan po ninyo ako. System error nga daw po ang nangyari. Hindi po kinagat yung input ko." Dagdag pa ng dalaga, kahit kinakabahan na.

"Regardless whether it is human or system error, dapat sinigurado mo na kakagatin yung data na ni-logged mo! Malaking amount ang mawawala sa atin this month kasi high-dollar ang account na hawak mo, we'll face huge penalty! Alam mo din ba yun?!" Pasigaw nang sabi sa kanya ng supervisor niya na si Mike.

"I'm sorry po, Sir. I'll make sure this will not happen na po."

"You should be! Trabaho mo yan! You may go. Do all the necessary actions stated sa email ko as part ng performance improvement plan mo."

"Thank you, Sir."

--

"Congrats, Aia! Ikaw ang Most Valuable Employee of the year ngayon!"

"Salamat, salamat." Tugon ng dalaga sa mga katrabaho.

"Nagbunga ang pangto-torture sa iyo ni Sir Mike, Aia." Biro ng isa niyang katrabaho sa kanya.

"Hindi naman. Saka kung wala kayo, hindi ko rin naman magagawa yun eh."

"Ang humble mo talaga, Aia. No wonder crush ka din ng ibang employees sa ibang project."

"Sira. Crush ka diyan?"

"Seryoso nga. Kilala mo si Conrad? Yung Internal Auditor natin? Pangalan mo kaya ang madalas niyang salain sa audit para daw palagi ka niyang makasama during coaching session. Eh kaso naging eagle-eyed ka na sa mga tinatrabaho mo, so ayun abort mission siya." Chika pa ng isa sa mga kasamahan niya sa project.

"Seryoso?! Lokaret talaga yun! Mabiro nga minsan, hahaha!"

"Aia, come to my office before lunchtime." Biglang sabi ng kanilang Supervisor na si Mike pagkadaan sa cubicle ni Aia.

"Hala Aia, ano na naman kayang atraso mo kay Sir Mike?" Tanong ng isa niyang katrabaho.

"Ewan ko? Wala naman me naging findings this year ah?" sagot niya sa katrabaho.

"Hindi kaya may external audit findings ka?" Balik tanong nito sa kanya.

"Ewan. Malalaman ko pagdating ko dun sa opisina niya. O siya, puntahan ko na yun para matapos na." Pagpapaalam niya sa mga katrabaho.

--

"Aia, pansin lang namin, hindi ka na gaanong sinusungitan ni Sir Mike.Madalas ka din niyang ipatawag. What happened?" usisa ng katrabaho niya.

"Wala naman. Saka maayos naman na akong nagtratrabaho, Bakit pa niya ako susungitan?"

"Kung sabagay. Pero alam mo ba yung rumors recently? Aalis na daw si Sir Conrad! So mababakante na yung Internal Auditor position." Pagkukuwento ng kasamahan niya sa team.

"Hindi pa, bakit naman daw?" Balik-tanong ni Aia sa kausap.

"Mangingibang-bansa daw si Sir. Nakahanap ng trabaho doon. Kung sabagay, CPA by profession talaga siya. Tapos napunta lang dito sa project natin. Mas deserving siya doon."

"Good for him kung ganon." Nakangiting turan ni Aia sa mga katrabaho.

"Sana all makahanap ng mas magandang trabaho."

--

"Aia, pasensya ka na at pinatawag kita dito sa cubicle ko beyond working hours." Hinging paumanhin ng kanilang Internal Auditor na si Conrad.

"Wala yun. Anong atin ba, Sir?"

"May sasabihin lang kasi sana ako sa iyo. Mahalaga 'to."

"Ano po ba yun?" Nakangiting tanong ni Aia sa kausap.

"Gusto kita." Payak na tugon nito sa kanya.

"A-ano po, Sir? Mali ba ako ng dinig?" Natatawa na tanong ni Aia. Hindi na gaanong komportable sa kausap.

"Hindi. Malinaw yung pandinig mo. Gusto talaga kita, Aia. Matagal na. Magmula nang dumating ka dito sa HPC, nagustuhan na kita. Akala ko nga attracted lang ako sa iyo kasi napaka-peaceful ng aura mo. Pero nung nakilala kita at nakakasama sa coaching session saka sa meetings, maski sa ilang encounter natin, nakita ko na mabuti kang tao. Gusto kita, Aia."

"Hahaha. salamat po, Sir." Naiilang man ay nagawa pa rin sumagot ng dalaga sa kausap.

"Itatanong ko lang sana, na kung manliligaw ba ako, at ipapakita ko na malinis ang hangarin ko sa iyo, may pag-asa ba ako?" Lakas-loob na tanong ni Conrad sa kausap.

"Naku po, Sir. Negative. Waley po." May bahid na biro ngunit seryoso na tugon niya.

"Bakit naman? May iba ka bang nagugustuhan? Single ka naman. Single din ako. Kaya kong patunayan na malinis ang hangarin ko sa iyo."

"Sir, hindi naman po kasi pinipilit yung ganyang bagay. Nagkukusa po yun. Ayoko po ng pilit ang feelings. Saka isa pa po, may usap-usapan na aalis na daw po kayo. So kung papayag po ako, paano po ninyo gagawin yung panliligaw?" Tanong niya dito na may bahid ng pagbibiro.

"Kapagka gusto naman, may paraan. Maraming paraan, actually. Saka parang nasa Neanderthal Age pa tayo? Uso na video call saka chat. Magpapadala pa ako ng bulaklak at chocolates sa iyo, pwede na yung as panimula. Kung gusto mo pa, susulatan kita. So may chance ako sa iyo?" Pangungulit pa nito sa kanya.

"Wala nga po, Sir. Reject invitation po kaagad."

"Aww. Ang sakit naman." Wika nito habang hawak ang dibdib, wari'y nasaktan sa tugon ng dalaga. "Kaya mas lalo kitang nagugustuhan eh. Totoo kang tao. Hindi ka rin mapagsamantala sa kapwa mo, kahit na may pagkakataon ka na kung tutuusin."

"Pagkakataon po talaga, Sir?" tanong ng dalaga. "Wala na po ba kayong concern sa akin maliban sa love confession ninyo?" Biro ng dalaga. "Kung wala na po, mauuna na ako. Rush hour na din po eh."

"Meron pa akong concern sa iyo. Regarding to sa maiiwan kong position, actually." Makabuluhan pa nitong sabi sa kanya.

--

"Aia, congrats! Ang galing mo naman, ikaw ang nakakuha ng position kahit na marami kang kalaban from other department!"

"Salamat. Hindi din naman ako magiging Internal Auditor kung hindi dahil sa inyo. Nung nagsisimula pa lang ako dito, kayo yung kasa-kasama ko. Saka ginagabayan ninyo ako lahat dito. Even si Sir Mike is hands-on sa team natin at sa akin kahit medyo strict siya. Hindi din tayo kulang sa mga trainings at seminar." Nakangiting turan ng dalaga sa mga ka-opisina.

"Pero girl, may rumors na kumakalat na hindi daw dapat ikaw ang mapropromote na Internal Auditor dito sa project natin based sa experience and credentials. Kasi 2 years ka pa lang daw na Analyst dito sa HPC. Dapat daw yung mga mas matagal nang may experience ang nakuha." Pagbabahagi sa kanya ng isa sa mga katrabaho niya.

"Oo nga, girl." Dagdag pa ng isa niyang katrabaho. "May nagsabi pa nga na baka kaya ikaw daw ang nakuha kasi gumamit ng power si Sir Conrad para ikaw ang mapili bago siya umalis. Maski si Sir Mike hindi nakaligtas sa issue kasi may mga nagsasabi na close daw kayo. Paano, madalas daw kayo magkasama."

"Hala, saan naman ninyo narinig yan?" Pag-aalangan na tanong ni Aia sa mga kasama.

"Narinig lang naming sa cafeteria. May narinig din kami sa kabilang cube. Nabanggit yung name mo. Grabe nga eh. Doubtful sila sa abilities and skills mo."

"Baka ibang Aia naman yung narinig ninyo sa kabilang cube? Hayaan na lang din ninyo, basta alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun. Saka bago naman ako mapromote, may deliberation naman na naganap." Paliwanag pa ng dalaga sa mga ito.

"Sabagay."

--

"Kumusta ka naman dito sa opisina so far, Aia?" Tanong ng Project Supervisor nila na si Mike habang gumagawa sila ng report para sa presentation next week sa client.

"Ayos naman po ako, Sir. Thanks for asking po."

"Yung required training ba para sa employees at auditor, may natapos ka na ba?" dagdag na tanong pa nito.

"Marami na po, Sir."

"Mabuti naman kung ganon. Samahan mo ulit ako mamaya sa video conference regarding sa metrics report ng project natin. Kailangan mas ma-exposed ka pa para malaman mo yung pasikot-sikot ng process, as well as yung mismong project na din. Kailangan ka din dun."

"Sige po, Sir."

--

"Aia, here's your meal." Sabay abot sa kanya ng supervisor nila ng Super Meal mula sa isang kilala na fastfood chain.

"Salamat po. Sir, nakakahiya naman po na palagi na lang po ninyo akong nililibre ng pagkain pagkatapos ng meeting or video conference." Habang kinuha ang inabot na pagkain.

"How's your day?" Panimula nito.

"Okay naman po, Sir. Quite stressful lang po, lalo na po nung deliberation ng errors, kasi may mga technicalities yung ibang cause of omission maski yung rebuttal."

"Ganun talaga. You have to be firm sa findings mo, lalo na kung mali talaga. Kahit pa mga kaibigan mo yung may findings. Now you know kung bakit strict ako sa inyo noon. Sa iyo."

"Oo nga po Sir, madugo po yung process." Nakangiting tugon niya sa superior.

"I think you finally understand me kung bakit sobrang higpit ko pagdating sa errors. You have a general idea na how this whole project works." Dagdag pa nito.

"Kinda, Sir. Kaso grabe po kayo manermon. Kung iba lang yun, baka na-degrade na po."

"Is that so? How?"

"Naninigaw po kayo. Minsan, sa mismong cube pa po kayo nanenermon. May time po na kahit sa outlook kayo naninita, buong project naman po nakakaalam. Medyo mali po yun, Sir. Okay lang po na mangonfront, pero hangga't maaari dapat po in private lang. Kaya nga din po may coaching session tayo weekly."

"You're not afraid to speak what's on your mind, don't  you?"

"No po, Sir. So long as alam kong may punto naman ako, why not speak it out?"

"You're different. I like you."

"I like your personality too, Sir. Medyo masakit ka lang magsalita. Quite insensitive din."

"Well, it depends on their EQ. Not my problem anymore."

"If you say so, Sir."

--

"Congrats team! Project natin yung nakakuha ng award of the year!"

"Sir Mike, libre ka naman po sa labas!"

"Oo nga po, Sir! Palagi na lang po si Aia ang nakakalibre sa inyo ng pagkain."

"Kayo ba palagi kong kasama sa meeting at virtual conference?"

"Sir, libre niyo na din po sila. Minsan na lang sila magrequest." Dagdag ni Aia sa kantyaw ng mga kasama.

"O sige, ikaw na bahala kung saan. Mahilig ka naman sa pagkain at kainan."

--

"Aia, thank you for your dedication and hardwork." Wika ni Mike.

"Kayo din po, Sir. Napaka-hardworking po ninyo. Mas dedicated pa nga po kayo than sa akin. Nakakahiya naman po if hindi ko ire-reciprocate yung efforts ninyo."

"Matagal na din tayong magkasama sa work, and madalas ka rin magpalibre sa akin ng pagkain. Are you only considering me as your superior?" Tanong nito sa kanya.

"Yes po, Sir."

"You don't see me more than your superior?"

"No po, Sir."

"How about outside work?"

"Probably, Sir. Ako lang naman po ang nakakasabay at nakakapagtiis sa tabas ng dila ninyo."

"Silly lady. Since possible naman pala, can I call you Dia instead? May Aia din kasi sa ibang project eh."

"Sige po, Sir. It's just a name lang naman."

"Good, Dia."

---

"So, close pala kayo talaga ni Sir Mike, girl?" Tanong ng kaibigan.

"Okay naman kami. We're good friends. Actually, yung conversation namin sa bar last time is normal lang sa amin kapagka outside office. Nai-issue lang kami kasi madalas nga kaming magkasama. Nung naging close pa kami, ang hilig ko magpalibre ng pagkain." Paliwanag ni Aia sa kausap. "Isa pa, yung dahilan ko talaga ng pag-alis dun is sobra na akong nato-toxic-an sa mga kasama ko. Alam mo yung akala mo okay kayo? Pero pagtalikod mo pala is sinisiraan ka na?" Dagdag pa niya.

"Ay girl, anyare? Never mo pang na-share yan sa akin. Tuloy mo na ang chika!"

---

"Aia, totoo ba yung naririnig ko sa cafeteria? Na may relasyon daw kayo ni Sir Mike?" Usisa ng isa sa mga katrabaho niya.

"Wala ha? We're just good friends. Kanino mo naman narinig yan?" Balik tanong niya.

"Usap-usapan na sa floor yan nung nakaraang linggo pa. Tapos sinabi din nila Mione at Choi. Syempre ka-team mo sila. Totoo ba?

"Hindi ha? Grabe naman yung perception nila sa friendship namin."

"Mabuti naman. Kasi, may rumors na ding kumakalat about sa iyo, na baka kaya ka lang napromote noon as Internal Auditor kasi nirefer ka ni Sir Conrad. Kalat pa naman dito na may gusto yun sa iyo. Tapos ngayon naman na may chance nang mapromote as Project Manager si Sir Mike, hinala ng iba na baka ikaw na naman ang makakuha ng position kasi dikit ka din kay Sir."

"Grabe naman yung mga hinuha nila. Hindi ba pwedeng in-apply-an ko lang yung mismong vacancy? At nagkataon din na magkaibigan kami ni Sir Conrad, kaya nadidikit siya sa issue?"

"Eh ano yung sinabi na ni-refer ka rin ni Sir Conrad kaya ka napromote?"

"Bakit? Uso naman din ang referral dito ah? Parang bago. Saka wala naman tayo sa government para magkaroon ng weigh ang referral than merit. Dumaan naman ako sa tamang proseso. Maganda naman daw ang credentials ko. May trainings at seminars din ako kaya bakit pati promotion ko, kinukuwestiyon nila?"

"Ewan ko, Aia. Pero kung ako sa iyo, makiramdam ka sa paligid mo." Wika ng kanyang kausap bago bumalik sa pwesto nito.

---

"Ay girl! Mga echosera naman pala yung kasama mo sa opisina!"

"Yup, isa yan sa reason kung bakit umalis na ako." Kwento niya habang kumakain ng cake na isa sa handa nila ngayong kapaskuhan. Kahit na dadalawa lamang silang natira sa boarding house na inuupahan ay naisip pa rin nilang magluto at bumili ng handa. "Alam mo ba? Muntik na kayang magkaproblema sa promotion si Sir Mike dahil sa issues nila." Dagdag pa nito. "Tapos namemersonal na din yung iba doon. Naranasan ko pa nga na maparinggan dun kapagka dadaan sa floor or cafeteria na sipsip or malandi, pero dedma lang. Hindi kasi nila magawa yun kay Sir Mike, ewan ko lang baka ibagsak sila sa behavior nun. Ang kaso, nung mismong president na ng project ang nagtanong sa akin kasi may nagreport na daw sa HR regarding sa behavior daw namin saka sa rumor, lalo na at may usapan pa nga na napromote kuno lang daw ako kasi dikit ako sa mga superiors natin, ayun nagpasya na akong umalis para sa katahimikan ng lahat, kahit na alam ko naman na hindi bias yung mga nag-assess ng documents. Hello?! Ni-refer lang ako, naka-depende pa rin sa magrereview ng papers ko if qualified ako sa promotion or not! Mabuti na nga lang at bago pa maging effective yung resignation ko, na-hired na ako dito sa Raja." Mahabang litany pa nito.

"Oo nga be, at least hindi ka na-tengga. Pero nakak-HB yang ganyan! Kalurkey!" Wika ng kausap. "Ayoko pa naman ng nababakante ako kahit ng linggo or buwan lang, tho never ko pa naman naranasan yun simula din nang makatapos ako. Takot mawalan ng pera eh." Mahabang kwento nito sa kanya. "Pero girl, sayang ang sahod mo dun ha? Ilang taon ka lang dun, nakapagpagawa ka na kamo ng 3 palapag na bahay sa probinsya kumpara dito sa pinapasukan natin ngayon Yung totoo? Kumakain ka pa ba para makapagtabi ng malaking halaga sa maigsing panahon lang? Kaya ka siguro payat!" Pagpapatuloy nitong sabi, di maiwasang biruin ang kausap.

"Baliw! Hindi noh! Sexy ka diyan?!" Sabay hampas dito. "Aanhin ko naman yung malaki ang sahod, kung hindi naman peaceful ang paligid ko? Saka mas okay na akong kasama kayo, kaysa sa akala mong mga santa-santita at mababait kuno, pero pagtalikod mo sasaksakin ka din pala. Besides, may tindahan na sila Inay at Itay sa palengke. Tapos na din sa kolehiyo yung dalawa kong kapatid kaya sarili ko na lang kung tutuusin ang problema ko. Hindi naman din na ako lugi sa sinasahod ko dito."

"Kung sabagay. Saka makatarungan naman suweldo natin sa Raja. Kumpleto pa sa state-mandate benefits at may insurance pa. Stressful nga lang talaga ang trabaho."

"Yeah, saka wala naman madaling trabaho friend. Lahat mahirap, in their own way." Dagdag pa niya.

"Sabagay, tama ka diyan."

Author's Random Thoughts:

You can be civil to everyone, but choose whom you share your thoughts with. Choose the people you will trust. Sometimes, those who looked decent on the surface are the most venomous person that you'll ever encountered.