webnovel

Aia's Story

She's a warrior on her own - to be exact, a wounded warrior.

arcladynight · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
11 Chs

Ikalimang Kabanata

"I live for the nights that I can't remember, with the people that I won't forget." – Drake

"Ayoko na! Hindi na ako sasama sa inyo! Last na yun!" Angil ni Aia sa kaibigan habang naghahanda ng kanilang agahan.

"Naku girl, baka kaya ayaw mo eh dahil nakita mo yung katrabaho mo? Saya kaya! Look, kahit groggy sina Daye at Yuki, mukhang nadiligan afterwards kaya tulog pa hanggang ngayon dun sa itaas, habang ikaw nakabusangot."

"Puro ka na lang dilig bakla! Ikaw kaya ang magpadilig diyan?!"

"Talaga bang di ka na sasama? Sus! Kundi ka pa sumama, di mo pa mame-meet yung katrabaho mo! Ayy teka, katrabaho mo nga lang ba si Papa Mike ha?"

"Katrabaho ko yun noon sa unang pinasukan ko, Bakla!" Napipikong turan nito sa kaibigan.

"Hmp! Kung babae lang talaga ako girl, baka gabi-gabi nadidiligan ang aking perlas." Wari'y nangangarap na turan ng kaibigan!"

"Malanding shokoy!"

"Maganda ako, friend!" Pang-ookray ng kaibigan sa kanya. "Aysus, umamin ka nga, bitter ka sa papa na iyon ano? At ayaw mo nang makita ang peyslalu ni papa? Sayang naman yung mukha at katawan!" Malanding turan ng kaibigang si Jonathan. Kasalukuyan itong nakaupo sa hapag-kainan habang nagkakape at pinapanuod ang kaibigan na nagluluto ng sinangag.

Flashback:

"Kamusta ka na, Dia? It's been a while." Wika nito habang nakangiti sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito, Sir?" Gulat na tanong ng dalaga dito.

"Well, I just want to relax after work. Masama ba yun?"

"Hindi naman po. You were working in Quezon City po kasi. What happened? What brings you here? Is there a problem in the office?"

"My, my... why are you so interested now? Are you still into me after all these years?"

"Quit joking, Sir (with emphasis). Wake up, you're talking nonsensical again."

"You're calling me Sir again and asking about me, yet you are fussing because of my presence. You're confusing me, Dia. Old habits die hard, eh?"

"Oh, Am I? I thought you were fine even without me?"

"Have I ever told you that? I don't even remember anything about telling 'ya like that."

"Oh, remember the time when you told me that my mere existence in your department gives you a head -

"Ehem, guys, I'm sorry to interrupt your short reunion, but we're still here."  Pagsingit ng kaibigang niya na si Jonathan sa usapan ng dalawa. "Maybe Aia, gusto mo kaming ipakilala sa papable na kausap mo, ano?"

"There's no need to -

"I'm Mike, 33 years old. Dia's former Supervisor in HPD. Single and stable, but not available."

"Kailangan talaga kasama ang single and stable?" Bulong ng dalaga.

"Ohh... so you're capable to start your own family na pala. Why are you still single yet not available, am I right? Are you afraid of lifetime commitment? Bagay kayo ni Aia." Tanong ng katrabaho na si Adela.

"Hey, anong bagay ka -

"Hindi, hindi. The reason why I am still single is because I am yet to find the woman who will make me see as a family man. Just when I thought I finally saw her, she left me clueless."  Nahihiya subalit mahiwagang tugon nito sa tanong ng kaopisina ni Aia.

"Oh Aia, stable na pala 'tong si Sir Mike oh? Ayaw mo pa? Gwapo, mapera, macho. Mukha din naman na mabait. Lugi ka pa? Ay by the way, I'm Jane. This is Adela, Myelin, Yuki and Daye. The gay beside our muse is Jonathan. There's no need for introductions on Aia's part because apparently, magkakilala kayo. " Pang-aalaska nito sa magkaibigang sina Aia at Jonathan,

"Hey! Nakakalimutan mong ako ang muse dito! And gay? Eww. I'm a girl residing in a man's vessel!" Pabuskal na tugon nito sa kasama "Papa, don't believe to that witch! Insecure lang yan sa ganda ko kasi 28 pa lang ako, tapos siya 35 na, yet NBSB pa din!"

"Hoy bak-

"Don't mind them, Sir (with emphasis). Come, share with us, since nandito ka na din naman. Sagot mo na lahat ng gastos namin ha??? "

"You don't mind?" Nakangisi nitong tanong sa dalaga.

"I don't. Nandito ka na din naman, alangan namang palayasin pa kita. Saka libre mo naman na, di'ba?"

"Nakakatouch naman. Salamat sa pag-anyaya ha? Hanggang ngayon, mukha ka pa ring libre." Sarkastisko ngunit nakangising sagot nito.

"How do you two met each other?" Tanong ni Jane habang hinihintay ang order nilang alak at pulutan.

"She was our Internal Auditor nung Project Supervisor pa ako sa HPD. Sayang at naka-dalawang taon lang siya mahigit dun. Candidate na nga siya for promotion as Trainer eh, umalis pa."

"Talaga? Ay sayang naman Aia! Bakit ka pa umalis? Medyo tanga ka sa part na yun!" sabi ni Jane. Halatang tinatamaan na ang kasama ng espiritu ng alak na in-order nila kanina.

"Long story, mga bruha. Sa amin na lang yun!" Naiilang na tugon ng dalaga.

"You seem to hate him Ai, yet it looks like you share secrets with him. You're confusing us here. Maybe you were a couple. Is he your ex-lover?" Tanong ng isa sa mga kasamahan nila Aya sa trabaho na waring lasing na rin.

"Stop it, mga bruha! Awat ni Jonathan sa kanila." Hay naku papa, mamaya na yang kwentong buhay na yan! Nakakatanda 'yang ganyan! At ikaw bruha ka, sabay turo sa isa nilang kasamahan, "hindi pa nangangalahati ang gabi natin dito sa bar, lasing ka na! Heto na ang mga alak at pulutan oh?! Kaya nga tayo nandito ay para magrelax, di'ba?!" Kampay!

"Cheers!"

At nagsimula na ngang mag-inuman ang magkakaopisina, kasama ang dating supervisor ni Aia.

--

"Wala kaming relasyon, okay? Assuming lang siya masyado. Feeling niya naman may gusto ako sa kanya ano! Abnormal kaya yun kahit kailan!" Paghihimutok ng kaibigan.

"Weh? Parang kilalang-kilala mo nga yung tao. Saka ano yung sinasabi niya na sana magiging kayo, kung hindi mo lang siya pinaasa?" Pangungulit pa nito sa kanya.

"Wala nga lang yun friend."

"Weh?" Mamatay ka man?"

"Yup. Mamatay ka man."

"Hey! you're such a bitch!"

"Oh, come on, parang siya hindi?"

"Ah basta, may chemistry kayong dalawa! And mind you, I'm not a bitch, I'm a goddess, duh?! Do I look like a female dog to you? Que horror!"

"Keep on dreaming, friend! And yes, you look like one." Pang-aalaska ni Aia sa kasama, sabay lapag ng nilutong sinangag sa may mesa.

"Dali na bruha, share something about you and Sir papa." Pangungulit nito sa kanya habang nag-aagahan.

"Kumain ka na diyan, at male-late na tayo sa trabaho! May deadline pa akong tatapusin today!" Pang-aapura ni Aia sa kaibigan.

"Basta, isheshare mo din sa akin yan mamaya ha?! Tatandaan ko iyan!" Tugon nito habang nakatutok ang kutsara sa dalaga.

"Oo na, bilisan mo na diyan!"

"Yun!"

At nagpatuloy na sa pagkain ang dalawa.

Author's Random Thoughts:

It's better to have someone you can share your life with - whether it is a friend, sibling, parent, or someone you are confident to be with like a lover, than to face life's trial and burden on your own. Goals, dreams, and troubles are better and easier when shared together.