webnovel

Aia's Story

She's a warrior on her own - to be exact, a wounded warrior.

arcladynight · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
11 Chs

Ikaanim na Kabanata

"Without continual growth and progress, such words as improvement, achievement and success have no meaning." – Benjamin Franklin

"Sir, Nandito na po pala yung bago nating Engineer at Architect" Pakilala ng kanyang Secretary

"Mr. Wolf and Miss Li, si Engineer Jean Alfred Saavedra, ang head ng department na 'to. Sir, Sina Mr. Lee Wolf po, yung bagong Engineer natin at Miss Cherry Li naman po yung Architect. Sila po yung bago nating staff."

"Pleased to meet you."

"Likewise, Sir." Ani ng dalawang bagong dating.

"Maupo muna kayo, maaga pa naman. Sabayan na ninyo kaming mag-agahan" Paanyaya niya.

"Maraming salamat po, Sir."

"Siyanga pala, parehas kayong nanggaling sa PUP, di'ba? Doon din ako nagtapos. Kumusta na ang pamantasan?" Paunang tanong niya nang sa gayon ay makagaanan niya ng loob ang dalawa.

"Sir, ganun pa rin po. Kulang pa rin po ang mga upuan, pero hindi naman po naging hadlang para makatapos kami ng pag-aaral. Heto na po kami ngayon." Tugon ni Lee sa bagong head.

"You mean, magkakilala kayo?"

"Opo, magkababata po kami nito ni Cherry. Lumuwas lang po kami parehas ng Maynila para makipagsapalaran. Sinuwerte lang po na nakapasa parehas sa PUP kaya nakatapos. Hirap po kasi talaga ng buhay sa probinsya eh, Maliban sa pagsasaka, wala na po kaming ibang hanapbuhay. Kayo po ba?"

--

Seven years ago...

"Fred! sigaw ng kababata nito habang hinahanap siya.

"Nasaan ka na ba? Ayoko na! halos isang oras na kong naghahabap sa'yo eh! dito ka ba talaga nagtatago?! Uuwi na ako!"

Lingid sa kaalaman ng dalagita'y pinagmamasdan siya nito mula sa taas ng puno habang pigil na pigil nito ang pagtawa,

"nakakatawang isipin na ang gusgusting bata na kagaya mo noon ay may itinatagong angking ganda sa kabila ng magulo mong buhok at di kaaya-ayang damit." habang iniisip ito ng binatilyo, di niya napansin na may tarantula pala malapit sa kantang kinatatayuan. nang makita ito, nawala sa isip niya na nasa itaas siya ng puno, bagay na naging dahilan ng kanyang pagkahulog.

"Fred!!!!"

"ayos ka lang ba? sabi ko naman kasi wala nang magtatago sa mga puno eh! ang daya-daya mo talaga! ayan tuloy!"

"aray! aray! araayyy!!!"

"Sandali! saan ba masakit? Ihahatid na kita! ikaw naman kasi eh! kaya pala di kita mahanap!"

Nakita ni Fred ang labis na pag-aalala sa mata ng dalagita, kaya gayon na lamang ang tuwang nadarama niya. Pakiramdam nito'y di lamang siya ang nakararamdam ng pag-aalala para dito.

"Hulog na hulog na talaga ako sa iyo..."

"Huy Fred! kanina pa kita kinakausap diyan!"

"Ha? Ano eh… ano pala yung sinasabi mo?" Nauutal na tanong ni Fred sa kababata.

"Sabi ko mag-aapply ako ng Scholarship sa Maynila! Di'ba, usapan natin na sa Maynila tayo mag-aaral ng kolehiyo?! Eh ikaw? May plano ka pa bang mag-aral ha?!!" Panenermon nito habang naglalakad sila.

"Oo naman. May target school na nga ako eh." Sabi nito habang nakangisi, waring may iniisip na naman na kalokohan…

"Hay naku Fred, kung may iniisip ka na hindi maganda itigil mo na! Iiwan talaga kitadito!" Nagmamaktol na wika ng kanyang kababata…

"oo na, di na. hehe."

Nang animo'y biglang nagpabigat si Fred sa kanya na muntik nang ikinabuwal ng dalaga.

"bwisit ka talaga! Nakakainis ka na ha?!" halos maiiyak nang wika nito…

Bigla naman nakunsensiya si Fred, batid kasi niya na iyakin ang dalagita.

"So-sorry na..."

"Alam mo, nag-aalala ako sa kalagayan mo eh! Nakakainis ka! Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa ang nagpapabigat! Eh kung natimbuwal tayong dalawa hah?! Baka walang makauwi sa atin kasi parehas tayong mapipilayan! 'di bale sana kung sa ginagawa mo di tayo mapapahamak eh! Alam mo, minsan kontrolin mo kaya yung pagiging isip-bata mo! Ilagay mo naman sa lugar Fred! Di ka na nakakatuwa eh! Alam mo na ngang di ka makalakad, bigla ka pang nagpabigat!" maluha-luhang sambit ng dalaga.

"Sorry na, uyy (Kurot sa pisngi)

"Bati na tayo… (kalabit sa balikat)

"Uyy, pansinin mo naman ako…"

Hindi pa rin ito kumikibo sa kabila ng ginagawa niyang pangungulit hanggang sa makarating sila sa bahay nila

"O Fred! anong nangyari sa'yo?!"

"Nako Aling Celia, itong anak niyo, sabi ko na walang magtatago sa itaas ng puno eh!"

Kayo talaa oh?! ang tatanda nyo na, naglalaro pa rin kayo! mahiya naman kayo sa mga edad ninyo! yung iba nga diyan may pamilya na, kayo naglalaro pa rin?! Susme!"

"Nay... Hayaan mo na kami. Anong gusto ninyo? Maaga kaming bumuo ng pamilya ni ---

"Anong pamilya?!!" gulat na tanong nito na di na maitago ang kahihiyan nang dahil sa pinagsasabi ng kaibigan

"Wag OA. Ang sinasabi ko lang, kaysa naman na matulad tayo sa iba na maagang namulat sa mabigat na responsibilidad, at least tayo nag-eenjoy lang di'ba? saka tumutulong naman tayo sa mga magulang natin."

"Eh ayusin mo kasi yung pagpapaliwanag mo di'ba?!"

"Kasi nga wag kang berde! masyadong advanced utak mo! ganyan ba talaga kapag mata-

"Hep! Hep! Hep! Palagi na lang kayong ganyan! Mga aso't pusa! hay naku! mapapaaga ako sa inyo! hala dia, umuwi ka na muna. Salamat sa paghatid sa anak ko ha? Oh heto, ibigay mo sa mama mo. Namunga na yung tanim kong upo diyan sa likod eh."

"Sige po aling Celia. Salamat po ha? Mauna na ako."

"Oyy unggoy!"  baling nito sa kababata "Magpagaling ka ha?! Hay naku! ayokong may kasamang pilantod sa Maynila!"

"Sus! naman! ako pa ba?! o siya, alis na! salamat ha? Mag-iingat ka."

sa di malaman na dahilan, lubos ang kasiyahan ng dalagita nang mahimigan na nag-aalala ito para sa kanya.

-

"Nay, nakauwi na ako"

"O anak, bakit ngayon ka lang? naihatid mo na ba yung mga ipinadeliver ko sa'yo?"  wika ng ina nito. Nagluluto ng ulam ang kanyang ina at iyon ay dinadala nya sa bayan para ipagbili.

"Opo nay, nahatiran ko na din po si Itay at Amang." wika ng dalagita. Ang kanyang ama ay isang jeepney driver, katuwang naman nito ang kanyang lolo na kapagka walang trabaho sa talyer ay sumasama ito sa biyahe para maging barker.

"Mabuti naman. Ay teka, may pera ka pa ba diyan? Di'ba kukuha ka pa ng entrance exam sa PUP? Bukas na ang lakad ninyo ni Fred ano? Dapat nagpapahinga ka na sa oras na 'to." tanong ng ina nito na nahihimigan ang pag-aalala.

"Nay. Ayos lang po kami. Ala-una pa naman po yung exam. Makahahabol pa kami ni Fred. Saka ilang oras lang naman po ang biyahe mula dito sa atin hanggang sa Maynila eh. Makahahabol kami. Isa pa, madaling-araw naman po kami aalis para di kami maiwan ng bus." Paliwanag nito sa ina.

"kahit na. Magpahinga ka na. Kumain ka na muna bago matulog. Maglinis ka na rin para masarap yung tulog mo." Paalala nito bago siya iwan.

"Opo nay..."

-

Kinabukasan, Disyembre xx, 20xx

"Fred!!! ano ba?! ang tagal mo naman! ano pilay ka na ba?! Sinabi ko naman na ayoko ng pilay na kasama eh! Mahuhuli na tayo!" Panenermon ng kanyang kababata sa kanya habang medyo iika-ika kung maglakad.

"Wala pa ngang 5am. Manahimik ka nga." Inis na asik ng lalaki.

"Okay ka lang ba? Napalitan ng pag-aalala ang kanina'y halos namumula sa inis niyang mukha nang makita na nakabenda ang kaliwang paa ng binata.

"Sabi ko naman kasi sa'yo wag ka nang magtatago sa itaas ng puno di'ba? Ayan tuloy." akmang hahawakan na nito ang kanyang paa nang pigilan niya ito.

"Wag na. ayos lang ako" Saka ngumiti sa dalaga.

"Fred, sana makapasa tayo sa PUP Ano? Para di ganun kalaki ang magagastos ng mga magulang natin sa'tin."

"Oo nga eh."

"Teka Fred, matanong ko lang, ano palang kurso ang napili mo kung sakaling papasa tayo?"

"Engineering. Computer Enginnering, Saka isa pa, papasa tayo dun, lalo ka na, ikaw pa ba?! eh ikaw? Architecture pa rin ba?"

"Yep! Alam mo naman na bukod sa pagluluto at pagdrodrowing, Math ang gusto ko!" Nakangising tugon nito sa binatilyo.

"Di ikaw na ang nagmamahal sa Math!" Asik na tugon nito sa Dalaga! Magaling sila parehas sa Matematika, subalit di niya lang talaga hilig ang sabyek na yun. Gusto niya kasi na maging isang Engineer, idagdag pa ang interes nya sa mga gadgets lalo na sa kompyuter kaya napagpasyahan niya na Computer Engineering na lamang ang kuhaning kurso. Naging interesado siya sa kompyuter noong nagawi sila sa Bayan limang taon na ang nakararaan. Nang dumalaw sila ng kanyang Ama sa kaibigan nito na may komputer sa kanilang tahanan, agad na napukaw ang interes ng binata.

"Ganun talaga! Maganda eh!"

"Psh... Oo na lang." napapailing na tugon ng binata.

--

"Sir? Sir! Okay lang po ba kayo?" Untag sa kanya ng kanyang sekretarya. Maski ang mga bagong dating na makaksama sa trabaho ay nagtataka sa kanyang pagkakatulala.

"Paumanhin. May naalala lang akong gawin. Ano nga pala yung tanong mo?" ani niya kay Lee.

"Hindi na po, Sir. Pasensya na po at mukhang nasobrahan po yata ako sa pagtatanong. Saka na lang po ulit kung may pagkakataon at oras po tayo na mag-usap. Saka malamang po ay marami kayong gagawin." Tugon sa kanya ni Lee, habang nakangiti naman sa kanya si Cherry.

"Sige, pasensya na. Magkita na lang tayo mamaya. Tama lang at may meeting din tayo at 3pm sa conference room. I'll expect you two to be there as well since part na kayo ng team, maliwanag ba?"

"Noted po, Sir / Okay po, Sir" – Tugon ng dalawa.

"Mauna na po kami, Sir." Paalam sa kanya ng dalawa.

"Yna, please get me a cup of coffee, water and tea." Ani niya sa kanyang sekretarya.

"Sige po, Sir."

Matapos lumabas ng kanyang sekretarya sa silid, napasandal na lamang siya sa kanyang swivel chair at napabuntong-hininga habang minamasahe ang kanyang sentido.

"Damn, why I have this feeling that I'll see you sooner than expected? Is this the price I need to pay for hurting you, love?"

Author's Random Thoughts:

You may be one of the smartest and diligent person in your chosen field, but when you attained something in exchange of great price like losing someone who've been with you during you hardest times in the process, or trampling on somebody's dignity, everything you have is useless. This will never replace the damages incured of your actions and decisions.