webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

UNEXPECTEDLY

Nakahinga lang sila ng maluwag ng magpalakpakan ang lahat with standing ovation. Nang simulan na itong i-present sa lahat nang walang bad comments s'yang narinig.

Ngayon masasabi n'yang nagawa n'ya ito ng maayos. Hindi nasayang ang pagsisikap nila ng mga nagdaang araw.

Masaya s'ya dahil na-itawid n'ya ito sa tulong ni Allegra at iba pang mga kasamahan. At sa pag-alalay ng kanilang butihing mga Chef.

Na-ipagdaop pa n'ya ang kanyang mga palad dahil sa pasasalamat. Napayakap din s'ya kay Allegra dahil sa tuwang nararamdaman na tuwang-tuwa rin sa mga nangyari. Matapos ang lahat nagpasya na silang bumalik na sa kitchen.

Hindi na nila tinapos ang buong seremonya. Ang makitang na i-present ito ng maayos at walang naging problema ay sapat na. Para sa kanya okay na s'ya du'n! Babalik na sila sa kitchen para tulungan naman ang iba. Nagawa na n'ya ang parte n'ya, kaya pwede na s'yang huminga.

Nagawa n'ya ito sa tulong ng lahat na nag-assist sa kanya kanina. The rest nagawa n'yang pangunahan ang lahat mula pagtitimpla ng sangkap, paggawa ng dough at pagluluto, hanggang sa pagdidisenyo nito. Dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng lahat. 

Kanina lang nabuo sa kanyang isip ang kabuuan ng desenyo nito ayon sa pinlano niya ng ilang araw. Cheese flavored cake with almonds and dark chocolate. Sinigurado niyang tama lang ang lasa nito at hindi gaanong matamis. Tulad din ng ginawa n'ya nu'ng una sa sample cake na s'yang nagustuhan ng celebrant at ng ina nito.

Sinimulan n'ya ito sa paggawa ng maliliit na cupcakes. Gumawa rin s'ya ng fondants upang gawing pala-muting bulaklak sa ibabaw nito. Ipinalibot n'ya ito sa two layered cake na nagmistulang spiral stairway na nagdugtong sa dalawang cake. Binubuo ito ng yellow and orange flowers with gold combination at sa dulong bahagi nito pataas ay ang pulang rosas sa ibabaw, katabi ang number 18th na made in candle with the cake doll in red color gown.

Symbolizes of Sunshine, Happiness and Love. She get started as a child, until she become now a lady.

Hindi man ganu'n ka-perpekto ang kanyang ginawa atleast nagawa pa rin n'ya ito ng tama.

She took a deep breath for a while, to cleared the obstruction from her chest. After a few hours passed in full of tension.

Saglit pa s'yang pumikit upang hamigin ang sarili. Bago sila nagsimulang maglakad patungo sa Kitchen.

Pagdating nilang dalawa ni Allegra sa kitchen. Nagulat sila ng may pumalakpak sa pangunguna ng kanilang head chef na si Chef Paul. Naroon din si Chef Francesca at ang buong grupo na nanalo sa kompitisyon.

Hanggang sa sabay-sabay nang magpalakpakan ang lahat ng mga kasama nila sa Kitchen. Saglit na nagkatuwaan ang lahat at nagbigay ng pagbati sa isa't-isa para sa maghapon nilang pagud na ngayon ay tagumpay nilang na-itawid ang lahat.

Hindi n'ya malaman ang una n'yang sasabihin. Ang sarap pala sa pakiramdam na nakagawa s'ya ng isang magandang bagay. Nagkatinginan pa muna sila ni Allegra bago muling humarap sa lahat, na isa isang nagbigay ng pagbati sa kanilang dalawa.

Ang saya n'ya ng mga sandaling iyon, kompleto na sana ang araw niya. Pero parang pakiramdam n'ya may kulang pa rin.

May hinahanap pa rin s'ya na hindi n'ya makita. Gabi na at matatapos na ang pagtitipon, sigurado namang mayroon itong imbitasyon. Pero bakit tila yata hindi ito dumalo? Tanong sa isip niya.

Napadalas tuloy ang kanyang pagbuntong-hininga.

Matapos ang saglit na pagsasaya at pagbati sa tagumpay ng bawat isa. Muli silang nagpatuloy sa kani-kanilang gawain. Hindi pa kasi tapos ang tungkulin nila. Kailangan pa nila itong tapusin, makikita man ang pagod sa lahat. Ang mahalaga magaan na ang kanilang pakiramdam at kakikitaan ng kasiyahan ang mukha ng bawat isa.

Hanggang sa mabilis na lumipas ang bawat sandali, natapos na ang buong programa pero may party pa para sa mga kabataang bisita. Dahil sa overtime na sila pinayagan na rin silang makauwi at makapagpahinga. Kaya naman muling umugong ang tuwa sa buong kitchen.

Sunod-sunod na lumabas ang mga staff at crew. Nang palabas na s'ya, isang guard ang biglang lumapit sa kanya. May dala itong isang bouquet ng white roses na sa gitna nito may tatlong pulang kulay. Nahigit n'ya ang kanyang paghinga, parang alam na n'ya kung kanino galing ito. Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng excitement. Idagdag pa ang pag- ugong ng pagbibiro ng ibang mga staff na nakakita sa kanya, bago pa man magpulasan ang mga ito.

Hindi tuloy n'ya naiwasan ang pamulahan ng mukha.

Bigla ring bumilis ang pagpintig ng kanyang puso at hindi n'ya napigilan ang mapangiti.

"Madam, Miss Angela?" Nag-aalangan pa nitong tanong.

"Yes?" Matipid n'yang sagot, kahit ang totoo sabik na s'yang malaman ang susunod na sasabihin nito.

"I'm really sorry, madam. I didn't see you right away, I've been looking for you, Miss to give this flowers for you. Sorry for the delay." Paghingi pa nito ng paumanhin. Sabay abot nito ng bulaklak sa kanya.

"But, why sir?" Kunwari'y tanong pa n'ya.

"Mr. Dawson's send it to you, madam for about a few hours ago. But I can't see you." Paliwanag pa nito.

"Ah, it's okay it's here now. Anyway, thank you." Aniya.

"Welcome Miss." Sabi nito at matapos magpaalam, umalis na rin ito agad.

Pagtalikod nito dali-dali n'yang hinanap ang card na kalakip nito. Hindi naman s'ya nabigo tulad ng mga nauna may kalakip nga itong card. Sabik n'ya itong binasa..

My love,

I know I'm late, but I won't miss tonight, to congratulate you. I'm happy for you, sweetheart.

Congratulations, for doing job well done.

                                   

                                         J. D.

Matapos n'ya itong basahin, para na s'yang nakalutang sa sobrang saya. Gusto n'yang lumundag, tumili at sumigaw pero hindi n'ya magawa.

Pero nag-uumapaw naman sa tuwa ang puso n'ya na parang nakabara na nga ito sa kanyang lalamunan. Pakiramdam n'ya hindi sumasayad ang paa n'ya sa lupa. "Ano ka ba Angela hindi ka na teenager." Saway pa n'ya sa sarili. Bakit ba? Kotra naman ng isang bahagi ng utak n'ya.

Pagdating n'ya sa locker room saglit lang n'yang inayos ang sarili. Pero hindi n'ya kinalimutang maglagay ng pulbos at bahagyang lipstick sa kanyang labi. Sinigurado din n'yang maayos ang kanyang suot. Pinalitan n'ya ng black faded jeans at peach cold shoulder blouse ang suot n'yang uniform. Naglagay din s'ya ng cologne sa Ilalim ng kanyang tainga at dalawang palapulsuhan. Buti na lang unisex ang gamit n'yang cologne. Ito rin ang gamit ni VJ naisip n'ya, para lagi n'ya itong naalala.

Para naman s'yang makikipagdate nito, pero bakit ba? Ngayong araw bibigyan n'ya ng konsolasyon ang sarili, kalilimutan n'ya ang pride. Bibigyan n'ya ng pagkakataon ang puso n'ya, kahit ngayon lang magmamahal s'ya ng malaya.

Bago pa s'ya tuluyang lumabas ng locker room nakabuo na s'ya ng isang desisyon. Bahala na!

Nagsimula na s'yang maglakad patungo sa iisang destinasyon.

______

"Boss, pumanhik na tayo sa taas medyo napaparami na kasi ang inom mo baka hindi na tayo makapanhik n'yan?" Si Russel na pinaaalahanan na si Joaquin. Medyo naparami na rin kasi ang inom nito. Dahil sa dami ng bisita na kinailangan rin nitong i-entertain.

"Hindi pa ako pwedeng pumanhik, hindi ko pa s'ya nakikita sa paligid. Nakita mo na ba s'ya? Bakit ba kasi ang tagal n'yang lumabas? Naiinip na ako, nami-miss ko na s'ya talaga." Sabi nito na medyo namumungay na ang mata.

Napakamot na lang si Russel sa kanyang ulo na sinabayan ng pag-iling. Alam na alam n'ya kung sino ang tinutukoy nito.

"Boss baka naman nakauwi na 'yun, gabi na rin kasi at saka siguradong pagod na rin 'yun sa maghapong duty nila ngayon. Bukas na lang natin hintayin."

"Sabagay nga baka wrong timing na naman ako kapag nilapitan ko ng pagod. Gusto ko sanang ako ang maghatid sa kanya pauwi, pero tama ka baka kailangan din n'ya ng pahinga. Saka ang baho ko na, ayokong makita n'yang ganito ako. Halika na nga gusto ko nang maligo at magpahinga."

Naisip n'yang h'wag na rin itong gambalain pa mas kailangan nga nito ang pahinga ngayon. Siguradong sobrang napagod ito sa maghapon. Bukas na lang n'ya ito aabalahin kahit sobrang nami-miss na n'ya ito.

Napagpasyahan nilang magpahinga na lang din sila ng maaga. Mag-aalas otso na rin naman ng gabi.

Papasok na sana sila ng elevator ng may isang babaing umagaw ng kanilang atensyon. Napaka-sexy nito sa suot na yellow off shoulder top na tinernuhan ng maong na mini skirt. Kahit pa maginaw?

Mukhang nakapagpalit na ito ng damit sa suot na gown kanina. Ang totoo kanina pa s'ya nito kinukulit. Pinsan ito ng celebrant at stepdaughter ng kapatid ng Prime Minister na asawa ng isang Pilipina. Isa rin itong Pilipina kaya marunong magtagalog.

Napahinto tuloy sila sa pagpasok sa elevator ng lumapit na ito. Awtomatikong kumapit ito sa kanyang braso.

"H'wag muna kayong pumanhik dito muna tayo, sige na." Sabi nito sa malambing na tono.

"Cloe, hindi ba dapat nagpapahinga ka na rin?" Medyo nakainom na rin kasi ito kaya panay ang haplos sa kanyang braso.

"Okay sige, kung isama n'yo na lang kaya ako sa suite n'yo."

"Hindi pwede!" Magkasabay pa nilang bigkas ni Russel.

"Grabe, ayaw n'yo talaga? Okay kung ganu'n dito na lang muna tayo." Kulit na nito at tuluyan na rin yumakap sa kanya upang s'ya'y lambingin. Hindi na n'ya ito masaway pa, humilig pa ito sa kanyang dibdib. Tuluyan na s'yang walang nagawa, lalo na ng i-angat nito ang ulo at bigla na lang s'ya nitong halikan.

Dahil na rin marahil sa epekto ng alak na nainom n'ya. Saglit lang ang kanyang pagkabigla. Paglipas ng ilang saglit kusa na s'yang tumugon sa halik na iyon. Habang sa isip n'ya mukha ni Angela ang nakalarawan sa kanyang liyong isip.

Wala sa hinagap na isang pagkakamali ang kanyang nagawa..

Si Angela nang mga oras na iyon, patungo na sana sa elevator ng bigla itong matigilan. Napahinto ito sa paglakad.

Dahil sa nakitang eksena sa kanyang harapan.

Si Joaquin habang prenteng  nakikipaghalikan sa isang babae, na kahit pa nakatalikod ito. Alam n'yang kakaiba ang ganda, sa taas at hubog pa lang ng katawan nito.

Siguradong talo na s'ya. Bigla tuloy s'yang nahiya sa sarili, lalo na ngayong alam n'yang nagdagdag pa s'ya ng timbang. Dahil marahil sa araw araw na pagtikim n'ya ng mga desserts na ginagawa n'ya araw araw.

Biglang napalis ang kanina lang ay masaya niyang ngiti sa mga labi.

Natutop pa n'ya ang kanyang bibig upang pigilan ang kanyang emosyon at walang salitang tumalikod na lang..

Aksidenteng namang napalingon si Joaquin sa kanyang dereksyon, na naging dahilan ng pagkawala yata ng kalasingan nito. Bigla itong namutla ng makita si Angela.

Tinangka pa sana nitong tawagin si Angela. Subalit nakatalikod na ito at mabilis na naglakad palayo.

Lakad, takbo na naman s'ya makalayo lang s'ya sa lugar na iyon. Kahit pa bahagya n'yang narinig ang sigaw ni Joaquin sa kanya wala na s'yang pakialam.

Hilam na ang kanyang mga mata sa luha, habang panay naman ang bulong n'ya sa kanyang sarili.

"Huwag kang iiyak, please lang h'wag kang umiyak. Hindi mo s'ya boyfriend, kaya wala kang karapatang umiyak. Ano ka ba? Sabi ng h'wag kang umiyak.." Kastigo n'ya sa sarili at pilit pinipigilan ang luha.

Subalit paulit-ulit man n'yang pahiran ang luha sa mga mata. Tuloy-tuloy lang ito sa pagpatak na tila patuloy lang bumabalong sa kanyang mga mata.

Bakit ganu'n sobrang sakit ang kanyang nararamdaman? Hindi dapat ganito, kahit naman sampong babae pa ang dumikit sa kanya. Kahit pa magasgas ang nguso n'ya sa kahahalik sa babaeng 'yun wala naman s'yang karapatang magdemand. Ano ba ang papel n'ya sa buhay nito, wala naman.. Wala!

Hindi ba s'ya pa nga ang nag-iinarte nitong huli. Ayaw n'ya dito dahil may iba s'yang mahal, bakit ngayon umiiyak ka? Ano bang karapatan mong masaktan, ha? Napapaligiran na ng tubig ang buong Venice h'wag mo nang dagdagan pa. Muli kastigo n'ya sa sarili.

Pero hindi ba sabi n'ya.. sabi n'ya, wala.. wala naman s'yang sinabi. Hindi naman n'ya sinabi ng harapan na mahal ka n'ya! Paano kung niloloko ka lang pala n'ya? Tanong at sagot ng kanyang isip.

Paano kung gusto lang pala n'yang patunayan na madali kang lang paibigin? Dahil sa ilang beses mong pagtanggi at paghiya sa kanya. Paano kung nais lang n'yang mapahiya ka? Sino ba s'ya para pag-ukulan nito ng panahon? Hindi naman s''ya nito kilala. Maraming mga tanong sa kanyang isip na hindi n'ya mabigyang kasagutan. Pero isa lang naman ang naiisip n'yang dahilan para gawin nito iyon sa kanya.

Ang minsang pagkakamali n'yang nagawa at dahil sa pagkakamaling 'yun nalagay ito sa peligro at nagalit s'ya sayo, Remember? Paalala pa n'ya sa kanyang sarili ng hindi alintana ang ano man sa paligid.

Hanggang sa..

Pagtama ng ilaw ng isang sasakyan sa kanyang mukha at ang malakas at nakabibinging  pagbusina nito, ang gumulantang sa abala n'yang isip.

Hindi n'ya malaman ang kanyang gagawin. Dahil sa matinding gulat at pagkalito, hindi n'ya magawang i-angat man lang ang kanyang mga paa.

Mariin n'yang naipikit ang mga mata, para hintayin na lamang ang susunod na mangyayari.

Tunog ng pagsirit ng nagngangalit na gulong ng isang sasakyan ang sumunod na narinig..

* * *

By: LadyGem25