webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

UNCONTROLABLE FEELINGS

"Kahit kailan talaga sablay ang lalaking ito!" Gulat na naibulong niya sa sarili. Dahil sa bigla nitong pagsulpot sa kanyang likuran. Bahagya pa niyang naaninag ito sa mismong screen ng cellphone na hawak niya. Kaya pabigla rin ang naging kilos n'ya ng hindi na nag-isip pa pataklob n'yang binitiwan ang cellphone. Para balingan ito ng nakayayamot na tingin.

Subalit pagbiling n'ya wala na rin ito. Bahagya na lang n'yang inabutan ang pabiglang pagsara ng pinto. Kaya nahinuha niya na marahil umalis na ito. Nasa isip n'ya ang pagtataka sa mabilis na pag-alis nito. Pero mas nakaramdam s'ya ng relief sa kaalamang hindi na n'ya ito problema pa. Nang biglang maalala niya ang mag-tiyo.

Habang si Joaquin nang sandaling iyon ay nakatayo pa rin sa likod ng saradong pinto. Bahagya pa itong humihingal dahil sa adrenaline rush na nararamdaman nito. Bigla kasi s'yang kinabahan ng makita niyang may kausap si Angela on chat. Bigla ring sumagi sa isip n'ya na baka ang Papa n'ya ang kachat nito? Hindi man s'ya sigurado, mabuti na ang mag-ingat. Hindi pa s'ya handang harapin ito ngayon.

After a few minutes, nagpasya s'yang tuluyan ng bumaba. Pagdating n'ya sa ibaba ng hagdan. Nasalubong n'ya ulit si Diane, sa Grande Hotel din ito nagtatrabaho kaya kilala rin s'ya nito. Ito rin ang nagpatuloy sa kanya kanina lang..

"Sir, bakit ang bilis n'yo yata tulog pa ba si ate Angela?" Tanong nito na nagtataka.

"Ah, hindi may kausap kasi si Angela sa phone. Ayoko naman s'yang maabala. Pwede bang ikaw na lang ang magbigay nito sa kanya?" Sabay turo nito sa pagkaing dala at sa isang paper bag na naglalaman ng bagong biling cellphone. "Bigla ko kasing naalala may kailangan pala akong puntahan. Ok lang ba?" Pagdadahilan nito.

"Oo naman sir iwan n'yo na lang d'yan, ako na ang bahala. Sigurado po ba kayo sir na hindi n'yo na s'ya hihintayin?" Tanong pa nito.

"Ah! Hindi na siguro, kailangan ko na rin kasing umalis agad. Salamat na lang.." paalam nito

"Ok sige po ingat na lang sir!"

"Salamat, kita na lang sa work?"

Paglabas n'ya ng pinto agad na rin s'yang sumakay sa isang Hatchback Mercedes na red. Matapos bumusina ng isang beses pinasibad na nito ang sasakyan.

_______///___

Abala na sa pag-aayos ng sarili si Angela matapos nitong maligo. Kailangan na rin kasi s'yang pumasok sa Hotel.

Gusto n'yang bawiin ang leave n'ya, ok na naman s'ya at saka may gaganaping competition ang mga trainees gusto n'yang makasali dito.

Matapos ang muling n'yang pakikipag-usap sa mag-tiyo kanina at matapos maghabi ng mga kasinungalingan. Nagpaalam s'yang mabigat ang loob, kahit gusto pa niyang makausap si VJ. Pero kinailangan n'yang magpaalam dahil sa sitwasyon. Hindi na tuloy n'ya nakausap ang kanyang Papa Liandro.

Hindi s'ya sigurado kung napaniwala n'ya ang mga ito? Lalo na si Joseph, kung si VJ lang walang problema. Naalala niya ang naging pag-uusap nila kanina.

Sinabi ko na ngang nobyo ito ni Alyana. Pero pinupog pa rin ako ng tanong. Gaya ng bakit daw ito pumapasok sa kwarto ko? Sinabi ko na lang na nag-alok lang ito ng almusal. Pwede naman daw na sa ibaba na lang ito. Katwiran pa nito.

Gusto ko sanang isipin na nagseselos lang ito kaya ganu'n makapagtanong. Pero kilala n'ya si Joseph, kaya sigurado s'ya na matalas talaga ang pakiramdam nito pagdating sa gano'ng bagay.

Kasalukuyan na s'yang nakaharap sa salamin at nagsusuklay na nang buhok, nang maisip n'yang sa Hotel na lang s'ya mag-aalmusal. Hindi naman s'ya mapili sa pagkain, sandwich at coffee lang ok na s'ya. Ang hindi lang n'ya maiiwasan ay ang magkape lalo na sa umaga.

Dito sila magkasundo ni Joseph pareho silang mahilig sa kape. Minsan nga naiisip din n'ya. Yun tumanda s'yang kasama ito habang sabay silang nagkakape sa umaga at hinihintay ang muling pagsikat ng araw.

Saglit s'yang pumikit para buuin sa kanyang isip ang isang senaryo.. Silang dalawa habang nakaupo sa isang malaking bato at nakaharap sa dagat.

Nakaakbay ang isa nitong kamay sa kanyang balikat. Habang ang ulo n'ya ay nakahilig naman sa balikat nito. Hawak nito ang kanyang kamay habang bumubulong ng pagmamahal. Saglit pa niyang ninamnam ang sandaling iyon sa kanyang isip na tila ba para s'yang nasa isang panaginip. Masarap kasi ito sa kanyang pakiramdam. Parang ayaw pa nga sana niyang tapusin ito, subalit isang imahe ang biglang nabuo sa kanyang isip. Imahe ng isang lalaking nakangiti. Saglit lang naman ito pero nabigla pa rin s'ya. Bigla rin tuloy s'yang napadilat. Pero tanong ng isip n'ya.. Bakit ganu'n sa tingin n'ya wala itong balbas at kamukha ni VJ? Bigla nanayo ang balahibo n'ya sa batok. Napabilis tuloy ang kanyang pagtayo, sa huli nagpasyang na lang s'yang bumaba na.

Paalis na sana s'ya ng pahabol s'yang tawagin ni Diane na mukhang galing sa kusina.

"Oy, ate Gelay papasok ka na ba? Hindi ka pa nag-aalmusal, sayang naman yun dala ng boyfriend mo." Biro nito

"Hindi ko s'ya boyfriend." Pabigla n'yang sagot, nang maisip kung sinong tinutukoy nito. Napasimangot pa s'ya ng maalala ang ginawa nito kanina.

"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo kanina. Bakit bigla na lang umalis si sir? May dala pa naman s'yang almusal. Akala ko dito s'ya mag-aalmusal. S'yanga nga pala ate pinatuloy ko na s'ya sa kwarto mo kanina." Paliwanag nito.

"Nakita lang naman s'ya ni kuya Joseph mo habang kachat ko. Kaya yun abot lang naman ang tanong sa'kin. Nasabi ko tuloy boyfriend s'ya ng ate Alyana mo." Sabi n'ya.

"Hala! Sorry kasalanan ko hindi ko alam." Hingi nito ng paumanhin. Hindi naman n'ya ito pwedeng sisihin, wala naman ito kamalayan sa nangyayari. Hindi nito alam ang sitwasyon n'ya.

"Ok na yun! Kahit paano nalusutan ko na. Hindi naman kasi s'ya kilala ng pamilya ko kaya nagtatanong sila." Aniya.

"Eh! Bakit kasi hindi mo na lang s'ya ipakilala sa pamilya mo? Mukhang type ka ni sir J. ate, siguradong hindi naman s'ya mapapahiya sa pamilya mo. Dahil bukod sa gwapo na bigatin pa, isa ba naman s'ya sa nagmamay-ari ng Hotel na pinapasukan natin. Aba'y hindi na 'yun masama, kumpara sa yaman ng pamilya mo ah?" suhest'yon pa nito, hindi kasi nito alam ang sitwasyon. Ang alam nito totoong kapatid n'ya si Joseph.

"Hindi pwede ang alam ni Mr. Dawson may asawa at anak na'ko kaya siguradong hindi s'ya magkakagusto sa akin." Aniya.

"Sigurado ka? Feeling ko type ka nu'n, hindi ka n'ya sasadyain dito, ibibili ng almusal at ibibili ng cellphone kung hindi ka nya type. Bakit kasi hindi mo na lang sinabi yun totoo ate? Oi binata pa daw talaga yun ah?" Dagdag pa nito.

"Cellphone, naibili n'ya ako ng cellphone?"

"Oo ate, teka saglit kukunin ko lang.." tumalikod na ito pabalik ng kusina.

Habang si Angela ay saglit na nakapag-isip. "Tinupad din pala n'ya yun pangako n'ya. Kung ganu'n responsable din naman pala s'ya." Bulong niya sa sarili.

"Heto na ate may bago ka nang cellphone. Teka ok pa naman yun dati mong cellphone di ba? Papalitan mo na? Iba talaga kapag yayamanin! Pero sure talaga ako type ka nu'n!" Ulit pa nito.

"Bakit mo naman nasabi" Aniya

"Anong pinag-uusapan n'yo ha?" Si Alyana na kababa lang ng hagdan, mamaya pa kasi ang pasok nito kaya nakasuot pa ito ng pajama at mukhang kagigising lang nito.

"Wala lang nasa Q and A portion lang kami. Ito kasing si mama ang agang may bisita. Pero agad din umalis, matapos s'yang dalhan ng almusal at bagong cellphone. Ang sabi ko type s'ya ni sir J. ayaw bang maniwala. Idadag pa yun sobrang pag-aalala ni sir sa kanya kagabi di'ba? Sabi nila suplado daw yun at masungit. Madalang nga daw yun pumunta dito. Pero ngayon nadalas at parang alam ko na kung bakit?" Sunod-sunod na sabi ni Diane. Mukhang updated ito lagi sa tsismis tungkol sa Boss nila? Sa isip n'ya.

"Ikaw talaga Diane tsismis na naman ang sinasagap mo!" Si Alyana na napangiti na lang sa sinabi nito kahit na yun din ang nasa isip nito.

"Hindi kaya tsismis yun, ang dami kayang mga Pilipinong staff dun sa Hotel. Kaya nga hindi naman dumudugo ang ilong ko sa pakikinig. Madalas kong ngang marinig na nagkukwento sila tungkol kay sir lalo na kung pinay kinikilig pa. Sa kanila ko nga narinig yun sir J. Akala ko nga nu'ng una kung sino yun!" Kwento pa nito. Medyo may kadaldalan lang talaga ito kung minsan. Pero mabait ito at masayahin, para nila itong nakababatang kapatid ni Alyana.

"May naririnig ka bang kwento, kung nababanggit nila ako?" Lakas loob na n'yang tanong, bigla rin kasi s'yang nag-alala.

"Hindi ka naman nila kilala, pero may nabanggit sila nitong huli na may isang staff daw na binabalik balikan ni sir. Kaya naisip ko baka ikaw yun? Kasi sa kitchen daw naka-assign. Sabi pa yun daw ang dahilan kaya nagwala si Ms. Martha kahapon at bigla na lang nagcheck-out." Kwento nito. Napabuntong hininga si Angela, sa isip n'ya ito na nga ba ang sinasabi n'ya yun pagtsismisan ito dahil sa kanya. Nang bigla n'yang maisip ang isa pang pangyayari kahapon.

"Wala na ba silang ibang naikwento na nangyari kahapon maliban du'n?" Tanong n'ya.

"Wala na, yun lang kasi ang narinig ko." Sabi ulit nito.

"Bakit may iba pa bang nangyari kahapon?" Tanong ni Alyana na nagtataka sa tanong niya.

"Ha! Ah, wala naman baka lang kasi may idinagdag pa silang tsismis na baka makasira kay sir? Nakakahiya naman du'n sa tao." Pangangatwiran na lang n'ya.

"Ah! Kailangan ko na palang pumasok maiwan ko na kayo. Baka ma-late na'ko? Sige mamaya na lang ulit tayo mag-usap, ok?" Paalam na n'ya para hindi na makapagtanong pa ang mga ito.

Pagdating n'ya sa Hotel, lakad takbo na naman ang kanyang ginawa para umabot sa oras. Kailangan pa kasi n'yang magpalista para sa competition. Pupunta pa s'ya sa Admin office para bawiin ang kanyang leave. Hindi kasi s'ya nakapagpatala kahapon, dahil sa mga nangyari. At huling araw na ng palista ngayon. Lalo pa n'yang binilisan ang paglakad ng malapit na s'ya sa kitchen stock room.

Binilisan pa n'ya ang paglakad, nang bigla s'yang makarinig ng pamilyar na boses.

"Nagmamadali ka naman, mukhang tila yata nagiging kakambal mo na ang rush hour?" May kalakasan nitong saad.

Bigla s'yang napahinto at biglang napalingon sa kanyang likuran. Saglit pa n'yang hinanap ito sa paligid at ng makita. Nakasandal pala ito sa isang malaking poste, habang nilalaro nito ang susing hawak sa kamay. Hindi n'ya makita ang expression ng mga mata nito dahil sa suot nitong sunglasses. Pero kababakasan ito ng bahagyang pagkayamot dahil sa nakapinid nitong labi.

Subalit  napakalinis nitong tingnan sa suot na mint green semi-cotton long sleeve na itinupi hanggang siko. Na tinernuhan nito ng slack na dark gray at black boy shoes.

Habang dahan-dahan itong lumalakad palapit sa kanya. Bigla na lang n'yang naisip..

Tila yata nagiging tagpuan na nila ang lugar na ito? Ito ba'y sinadya o nagkataon lang?

Bigla s'yang napangiti sa naisip, kung meron mang lugar dito sa Venice ang hindi n'ya malilimutan, at siguradong babalik-balikan n'ya sa kanyang isip marahil ito na siguro 'yon? Marami s'yang karanasan sa mismong lugar na ito, masama man o mabuti.

"Tila yata masaya ka ngayong araw, dahil ba yan sa kachat mo kanina?" Seryosong tanong nito.

"Siguro nga? Na-miss ko kasi sila ng sobra." Aniya.

"S'ya ba ang asawa mo?" Tanong pa nito.

"Ah! Oo s'ya nga, ang gwapo n'ya no? At saka super bait yun, bukod pa sa malaking tiwalang ibinibigay n'ya sa akin. Kaya nga ba ayoko sanang masira yun?" Aniya sa pag-aakalang nakita nito si Joseph. Sadya ring ginalingan na n'ya ang pagsisinungaling. Para hindi na rin ito umasa sa kanya kung sakali man.

Mabuti na lang nakasuot ito ng sunglasses, hindi kasi maitatago ang biglang pagdilim ng mukha nito at pagngangalit ng bagang. Mas naging prangka tuloy ito sa mga sumunod nitong salita.

"So, sinasabi mo ba na wala na akong pag-asa sayo? Dahil kontento ka na sa gwapo at mabait mong asawa?" Deretso nitong tanong.

"Ga-ganu'n na nga!" Naisip n'yang deretsahin na rin ito. Para tumigil na sa pang-iistorbo sa kanya, para din naman sa ikabubuti nilang dalawa.

"Hindi ako naniniwala, na gusto mo talaga akong itaboy palayo sayo. Paano kung sabihin kong ayoko? Ayoko pa ring tumigil na gustuhin ka. May magagawa ka ba? You can't stopped me just that easy and you know that, I have my own way to prove it. You want me to try it now?" Hamon pa nito sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo d'yan?" Patay malisya n'yang tanong

"Bakit hindi natin subukan?" Tanong nito, dahan-dahan pa nitong tinanggal ang suot na salamin at inilagay sa bulsa. Bahagya rin nitong binasa' ang nanunuyong labi na lalo pa yatang nagpatingkad sa natural na kapulahan nito. Nasundan tuloy n'ya ng tingin ang ginawa nitong iyon. Pagkatapos ay nagsimula na itong humakbang palapit sa kanya.

"A-anong gagawin mo?" Tanong n'ya na natataranta, dahilan para s'ya maalarma at mapaurong.

Lumapit pa ito ng mas malapit, kaya muli s'yang napaurong. Isang hakbang pa at gahibla na lang ang layo nila sa isa't-isa.

Gusto n'yang tumakbo, subalit habang lumalapit ito, parang idinidikit naman ang mga paa n'ya sa sahig. Nang sandaling iyon hindi na n'ya magawang humakbang. Nang pilitin n'yang makalayo muntik pa s'yang ma-out of balance.

Mabuti na lang maagap nitong naisalo ang mga braso sa kanyang baywang. Nawalan na tuloy s'ya ng pagkakataong mas makalayo pa dito. Hindi na rin s'ya nakakilos pa. Daig pa n'ya ang naparalisa lalo na at napakalapit lang nito sa kanya.

The fragrance of his body is intoxicating and his breath like a wine that bring her confusing and uncontrollable feelings. By that time, she couldn't speak and can't think straight.

Lalo na nang tila unti-unti pa nitong inilapit ang mukha, sa kanyang mukha. Wala na s'yang nagawa kun'di ang pumikit at hintayin na lang ang susunod na mangyayari..

Subalit ilang segundo na ang lumipas walang kahit anong dumampi sa kanyang labi. Duh?

Even she expecting it in her lips, but instead to came, she heard he giggle!

"Did you expected that I'll kiss you again?" He said.

It's really coming from that beast? She thought with annoyance.

* * *

By: LadyGem25