webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

C-92: THE KIDNAPPERS

Nagpatuloy lang sila sa tahimik na biyahe, wala isa man ang ibig magsalita sa grupo. Kaya lalo lang s'yang napupuno ng kaba dahil sa sobrang katahimikan.

Hindi niya mahulaan kung ano ang nasa isip ng bawat isa. Nang bigla na lang magreact ang isa sa tabi n'ya ng magsindi ng sigarilyo ang isa na nakaupo sa harap nilang upuan.

"Tang*** itigil mo nga 'yan!"

"So-sorry Boss nawala sa loob ko."

Napakamot pa sa ulong wika nito at agad pinatay ang sigarilyo.

Saglit rin na napatingin ito sa gawi niya at yuko ang ulo na muling umayos na nang upo.

Napagtanto niya na ang katabi niyang lalaki ang pinaka-leader ng grupo.

Lalo tuloy siyang kinabahan at naghintay na lang sa anumang susunod na mangyayari.

Naisip niyang mas makakabuti na ihanda na lang niyang ang kanyang sarili...

______

Halos kalahating oras pa ang lumipas nang mabatid niya kung saan patungo ang kanilang sinasakyan.

Dahil iisa lang naman ang alam niyang patutunguan ng daang tinatahak nila, iyon ay sa...

Sa Airport?

Naguguluhan tanong niya sa isip...

Pero bakit saan sila pupunta?

Lalabas ba sila ng Iloilo o dadalhin sila sa ibang lugar?

Punong-puno ng katanungan ang kanyang isip ngunit hindi naman niya masagot.

Ang lahat ay nagkaroon rin ng kasagutan ng huminto sila sa mismong paliparan.

Exactly 1:00 am ng makarating sila sa Airport.

"Narito na tayo Ma'am bumaba na kayo, ako nga pala si Anton!"

Pakilala nito sa sarili matapos na makababa, inilahad pa nito ang kamay sa harap niya upang alalayan siyang makababa.

Ngunit nakasimangot na nilihisan niya lang ito at tuloy tuloy lang na bumaba.

"Siya naman si Lyndon, siya ang makakasama mo pabalik ng Maynila."

Pakilala naman nito sa isang kasama na agad namang tumango sa kanya. Binalewala na lang nito ang ginawa niyang pag-snob dito.

"Sasamahan ka niya hanggang sa makarating ka ng Maynila siya ang maghahatid sa'yo hanggang doon." Dugtong pa nito.

"Teka sandali nga, sino ang may sabi na babalik ako ng Maynila?" Nagtatakang tanong pa niya.

"Hindi na 'yun importante Ma'am! Dahil ang importante kailangan mo nang bumalik ng Maynila para po ito sa kaligtasan n'yo!" Tugon nito sa paraang tila hindi nakikiusap mas nag-uutos.

"Sandali sino ba kayo, saka bakit n'yo ako pinangungunahan? Hindi ko naman kayo kilala ah', sino ba kayo?" May kahalo na rin inis siyang nararamdaman. Dahil tila hindi siya nito pinakikinggan

"Hindi na mahalaga kung sino kami? Isipin mo na lang na nagmamalasakit lang kami sa'yo para sa kaligtasan mo.

'Dahil mapanganib na para sa'yo na manatili pa dito." Tila inulit lang din nito ang sinabi kanina.

Para itong sirang plaka na inuulit lang ang sinasabi. Ngunit may tatag ang bawat salita mukhang hindi rin matitinag.

"Pero ano bang alam n'yo sa'kin sino ba talaga kayo?" Napalakas na ang kanyang tono. Dahil sa nararamdaman niyang inis.

Oo nga at may balak na siyang bumalik ng Maynila. Pero hindi sa ganitong paraan na kikidnapin pa siya at sapilitang dadalhin sa Airport.

Saka 'yun mga gamit niya hindi niya dala paano na?

"H'wag kang mag-alala dala na namin lahat ng kailangan mo. Narito na ang lahat ng gamit mo kaya wala ka nang dapat balikan pa sa Baryo."

Lumingon pa ito sa lalaking ipinakilala nitong Lyndon.

Napanganga pa siya ng makita niyang bitbit nga nito ang dala niyang traveling bag na siyang dala dalahan niya.

Mula pa ng unang pumunta siya sa Cebu at dala pa rin niya dito sa Iloilo. Napansin niya na dala na nito pati na rin ang kanyang shoulder bag.

"A-ANONG?" Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita. Isa lang ang alam niyang sigurado. Mukhang nagtres-passing ito at nakialam sa bahay nila Tatay Kanor para lang makuha ang mga gamit niya. 

"Paanong...?" Halos wala ring boses na lumabas sa kanyang bibig. Dahil sa magkahalong inis at pagkabigla.

"Sige na Ma'am mahuhuli na kayo sa flight n'yo. H'wag n'yo na sana akong pilitin na kargahin ko pa kayo papanhik ng eroplano.

'Dahil mapipilitan ako na gawin talaga 'yun, kapag hindi kayo sumunod!"

Deretso at walang gatol na wika nito sa kanya. Ngunit labis na tinututulan ito ng kanyang isip na gusto pang magprotesta.

"Ano... Ako ba niloloko n'yo, bakit n'yo ito ginagawa at ano bang kailangan n'yo sa amin?" Sigaw na niya wala na siyang pakialam kahit gilitan pa siya nito ng leeg.

Dahil kanina pa siya naiinis, batid rin niya na wala itong intensyon na saktan siya o gawan ng masama. Kun'di marahil nais lang siya nitong itaboy pabalik ng Maynila.

Pero ang nakakapagtaka anong rason nito? Hindi naman niya kilala ang mga taong ito.

Ngunit mukhang kilala siya ng mga ito? Lalo na nang lalaking ito sa tabi niya at ang siyang laging kumakausap sa kanya mula pa kanina.

Habang ang iba ay parang mga pipi lang at hindi nagsasalita. Isa na dito ang pinakilala sa kanyang si Lyndon na makakasama daw niya paluwas ng Maynila kuno?

"H'wag muna sana kaming pahirapan pa Ma'am, para na rin sa kabutihan natin pare-pareho. Please lang po sumunod na lang po kayo ng maayos." Pakiusap na nito sa tonong tila naiirita na rin sa kanya at nawawalan na nang pasensya.

"Sumunod ng maayos at paano naman ako susunod ng maayos kung..." Napatigil siyang bigla ng marinig nilang nag-annouce na ng flight.

"ATTENTION TO ALL PASSENGER FOR DOMESTIC FLIGHT 647 PLEASE PROCEED TO WAITING AREA"

Pero mas ikinagulat niya ang sumunod na nangyari...

"Pasensya na Ma'am pero kailangan ko na itong gawin."

"Sa-sandali a-anong gagawin mo walang..."

Biglang binuhat nito ang dalaga na parang sako at isinampay sa balikat. Dahil sa laki ng katawan nito parang hindi man lang nito ininda ang bigat niya.

Ngunit naroon pa rin naman ang pag-iingat sa ginawa nito sa kanya.

"Buwisit ka, ibaba mo ako ano ba?" Protesta niya habang panay ang hampas niya sa likod nito.

Pero parang hindi man lang ito natinag at hindi pansin ang ginagawa niya. Nang magsimula na itong humakbang kinabahan na siya kaya sa huli...

"Oo na sige na, susunod na ako babalik na talaga ako ng Maynila. Hayaan mo na lang muna akong makapagpaalam kay Tatay Kanor, please?" Siya na rin ang unang sumuko at nakiusap na sa lalaki.  

Dahil sa tantiya niya wala itong balak na pakinggan siya. Dahil parang may sinusunod itong rules na siyang dapat lang nitong gawin. Kanina pa rin kasi niya napapansin na para itong robot at napakaseryosong magsalita. Parang hindi nga ito tumitingin sa kanya ng deretso. Hindi niya alam kung umiiwas ba ito?  

Dahil na rin sa pakiusap niya at sa pag-aalala nitong magwala pa siya, kaya ibinalik at ibinaba siya nito sa mismong harap ni Tatay Kanor. Sadyang inilayo kasi ang distansya nito sa kanya kanina.

"Tatay Kanor!" Napayakap na lang siya dito. Hindi na rin niya napigilan pa ang emosyon.

Ganu'n din si Nicanor na pilit lang pinipigilan ang emosyon.

"Tahan na anak, mabuti na rin ito kahit paano malalayo ka na sa kapahamakan.

'Kaya sige na Anak sundin mo na lang sila, mas makakabuti para sa'yo na bumalik na lang ng Maynila.

'H'wag mo na akong alalahanin, alam ko na wala silang gagawing masama sa akin.

'Ako na ang bahala dito at lagi mo sanang ingatan ang sarili mo ha'? Masaya ako na nagkita tayong muli.

'Ngunit kailangan ulit nating maghiwalay, alam ko magkikita pa rin naman tayo.

'Kapag maayos na ang lahat at wala na ring gulo na kailangan pa nating iwasan, naiintindihan mo ba ako Anak?"

Bakas man ang lungkot sa mukha nito.

Ngunit alam nito na ang pag-alis sa Santa Barbara ang mas higit na makakabuti para sa dalaga na itinuturing na niyang tunay na Apo. Tulad rin ng ginawang pagtataboy dito ni Annabelle noon.

Dahil ang totoo mas ginusto pa nitong malayo sa sariling Anak. Masiguro lang nito na hindi makikilala ni Amanda ang tunay nitong Ama at wala itong ibang kilalaning Ama kun'di si Darius.

"Kayo din po Tatay Kanor ingatan n'yo po palagi ang sarili n'yo babalik po ako kapag may pagkakataon. Kapag maayos na ang lahat."

"Tama kapag maayos na ang lahat hihintayin kita Apo!" Tuluyan nang nalaglag ang luha nito at minsan pa niyakap nila ang isa't-isa.

"Siguraduhin n'yong ligtas na makakauwi si Tatay Kanor kun'di babalikan ko kayo. Humanda kayong lahat sa'kin, maliwanag!"

"Yes, Ma'am!" Halos sabay-sabay na sagot ng grupo. For the first and last time narinig din niya ang mga boses ng mga ito.

Matapos ang isang buntong hininga tuluyan na siyang tumalikod at tuloy tuloy na pumasok sa passenger area.

Tahimik naman na sumunod na rin sa kanya si Lyndon bitbit nito ang kanyang mga gamit.

Ang siyang makakasama niya sa buong biyahe pabalik ng Maynila.

_____

Naiwan si Nicanor na muli namang iginiya ng grupo pabalik ng sasakyan.

Ngunit hindi na ito ibinalik sa Van na sinakyan nila kanina kun'di sa iba ng sasakyan ito pinasakay...

Gulat man ang matanda ngunit nanatiling hindi ito kumibo.

"Pumasok na po kayo sa loob para makauwi na kayo!" Saad ng lalaking pinaka-leader ng grupo.

Sinunod na lang ni Nicanor ang utos ng lalaki. Agad na siyang pumasok sa loob ng panibagong Van.

"Boss, paano ikaw na ang bahala kay Tatay? Batsi na kami..."

"Sige na Anton, ako na ang bahala kay Tatay Kanor!" Sagot nito sabay baba ng suot nitong Hood.

Kaya ngayon lang malinaw na napagmasdang mabuti ni Nicanor kung sino ba ang taong kaharap.

Hindi na rin nito napansin ang pagsara ng pinto at ang pag-usad ng sinasakyan nila.

Dahil gulat na itong napatitig at pilit kinikilala ang kaharap na lalaki sa loob ng sasakyan...

"G-GAVINO?"

"Pambihira naman po kayo Tatay Kanor oh'. Gavin na lang po, nakakatanders naman sosyal na po ako ngayon!" Nakangisi pang wika nito. Tagos hanggang mata ang masaya nitong awra.

"Pambihira kang bata ka! Ano ba ang nangyari sa'yo at ngayon ka lang nagpakita?"

Tila ba nakalimutan na rin nito ang sitwasyon nila ng mga oras na iyon.

"Mahabang kwento po Tatay, pero hayaan n'yo po isang araw pupuntahan ko kayo sa bahay para kwentuhan."

"Gusto kong malaman kung maayos ang kalagayan mo Anak at kung okay ka lang ba? Muntik na kitang hindi makilala ah' mabuti na lang kahit paano naalala ko pa ang wangis mo noong bata ka pa." Saad nito habang matamang pinagmamasdan ang kausap na binata.

"Si Tatay talaga, kasi pogi na po ako ngayon kaya hindi n'yo na ako nakilala no?" Pabirong turan pa nito.

"Ikaw talagang bata ka, alam mo bang tinakot mo ako sa ginawa mo? Kung ganu'n ikaw pala ang may kagagawan ng lahat ng ito, pero paano mo siya nakilala?"

"Pasensya na po kayo Tatay Kanor, kung kinailangang pang gawin ko ito sa inyo. Dahil na rin sa gulong ginawa niya kanina sa Hacienda.

'Baka kasi magkaproblema tayo, malamang kasi sa malaman ni Anselmo ang nangyari.

'Kapag nanatili pa siya ng matagal dito tiyak na makikilala rin siya ni Anselmo."

"A-anong ibig mong sabihin, kung ganu'n totoo bang pumasok siya sa loob ng Hacienda?"

"Hindi lang po siya basta pumasok Tay! Dahil nakisali rin siya sa gulo sa Hacienda. Isa rin po siya sa nagtangkang pumatay kay Anselmo kanina..."

"A-ANO?!"

"Mabuti na lang pinigilan siya ng isa sa mga tauhan ni Anselmo. Hindi rin po ako sigurado kung may ibang nakapansin sa ginawa niya. Pero h'wag na po kayong mag-alala naayos ko naman po ang problema, pansamantala...

'Kaya lang po kailangan bago malaman ni Anselmo ang nangyari sa tauhan niya...

'Dapat lang na malayo na siya dito para kung sakali mang mag-paimbestiga si Anselmo. Hindi na siya kailangan pang madamay."

"Maraming salamat Anak, mabuti naman at hindi ka pala galit sa kanya."

"Alam ko naman pong wala siyang kasalanan sa lahat ng nangyari at saka pare-pareho lang naman kami ng kapalaran. Kahit pa alam ko na, nanalaytay sa ugat niya ang dugo ng hayup niyang Ama!"

"Si Darius ang mananatili niyang Ama, iyan ang itanim mo sa isip mo Anak. Saka kadugo mo rin naman siya hindi ba?"

"Iyon na lang po ang iniisip ko para hindi ko siya idamay sa galit ko kay Anselmo! Dahil kung galit ako sa kanya malamang gamitin ko pa siya laban sa kanyang Ama.

'Pero magkakagalit lang naman kami kung magkakamali siya sa kakampihan!" Tiim ang bagang nitong tugon.

"Hindi pa niya alam ang totoo, hindi pa maayos ang relasyon nilang magkapatid. Matagal na silang magkasama ngunit hindi pa sila nagkakaunawaan.

'Alam mo bang nawalan din siya ng alaala sa mahabang panahon. At ngayon pa lang niya nakikilala ang kanyang sarili."

"Huh' kaya pala...?" Bulong pa ng binata na mas ang sarili ang kausap. Ngunit umabot rin ito sa pandinig ni Nicanor.

"Anong kaya pala, may sinasabi ka ba Anak?" Nalilito namang tanong ni Nicanor.

"Ano po ah' w-wala po may naalala lang po ako." Kaila naman ng binata.

"Ang dahilan kaya siya nagpunta dito ay dahil hinahanap niya ang kanyang ina at si Amara. Kaya nga sobra siyang nasaktan ng malaman niya na wala na ang kanyang ina.

'Marahil iyon din ang dahilan kung bakit nagawa niyang pagtangkaan si Anselmo. Dahil tulad mo kinasusuklaman rin niya ng labis ito."

Mariing naisara ni Gavin ang kanyang kamao. Dahil sa sinabi ni Nicanor muli niyang naalala kung paano namatay rin ang kanyang Ama at Ina. Tila muling nanariwa ang sakit sa kanyang dibdib.

"Pero maiba ako Anak paano mo nalaman na narito siya nagkita ba kayo, kilala ka ba niya?"

"Sa tingin ko ho hindi na niya ako natatandaan."

"Kung ganu'n paano mo siya nakilala, paano mo nalaman na siya si Amanda?

'Wala namang nakakaalam na narito siya maliban sa aming mag-asawa. Kahit ang mga anak ko hindi pa alam na kasama namin siya sa bahay.

'Maging si Lito ay aksidente lang na nalaman ang tungkol sa kanya. Hindi nga nito alam na siya si Amanda na Anak ni Darius.

'Imposible naman na nakilala mo na siya agad. Kung kanina lang kayo nagkita at saka ano na nga sabi mo?

'Kung hindi ako nagkakamali maaaring sa Hacienda mo siya nakita tama. Kung ganu'n ano nga pala ang ginagawa mo sa Hacienda kanina Anak?"

Tila naman nasukol siya sa tanong nito. Malinaw na wala na rin siyang pagpipilian pa kun'di ang sabihin dito ang totoo...

"Napag-utusan lang po ako Tay! Siya rin ang nagsabi sa'kin na bantayan at protektahan ko si Amanda.

'Noong una po kasi hindi ko pa alam na siya pala ang sinasabi na babantayan ko. Ibang tao po kasi ang inutusan kong magbantay sa kanya noong nasa Cebu pa siya.

'Pero nang binalak na niyang pumunta dito saka ko lang po nakumpirma. Kinailangan ko rin po kasi siyang sundan para masiguro ko na ligtas siya na makakarating dito.

'Noong una hindi ko siya nakilala kasi nakapandong siya kaya hindi ko nakita ang kabuuan ng kanyang mukha. Pero nang sundan ko na siya saka ko lang nakompirma.

'Dahil ang bahay nila ang una niyang pinuntahan at 'yun din ang araw nang una kayong magkita. Alam ko rin na hindi siya si Amara dahil kilala ko si Amara.

'Kaya naman pala hindi niya agad sinabi sa akin para hindi na ako makatutol. Buwisit na saltik 'yun naisahan pa ako!"

"Ang ibig mo bang sabihin, Anak naroon ka noong araw na iyon at saka bukod sa'yo may iba pang nakakaalam na narito rin si Amanda?"

"Opo Tatay Kanor at matagal na rin niyang sinusubaybayan si Amanda at kung kailan ko lang din nalaman na siya pala ang babaing iyon.

'Marahil gusto rin niyang protektahan si Amanda laban sa'kin. Maaari rin na iniisip niya na baka gamitin ko si Amanda para makaganti kay Anselmo.

'Kaya pala galit na galit siya sa sarili niya, lalo na kay Anselmo. Noong araw na hindi niya ito naprotektahan, nalaman na lang niya na nasa Ospital ito at si Anselmo ang may kagagawan niyon!

'Pero noong araw na puntahan niya ito sa Ospital wala na rin ito doon. Nalaman na lang niya na umalis ito nang walang paalam at wala rin nakakaalam kung saan ito nagpunta?

'Kaya nga tuwang tuwa siya noong bigla na lang siya nitong tinawagan at humingi pa ito ng tulong sa kanya.

'Kaya kahit ayaw man niyang pagbigyan ang hiling nito. Pero dahil alam niya na magtataka ito at magtatanong. Kaya wala na siyang nagawa kun'di pagbigyan na lang nito.

'Ang akala ko ibang babae ang tinutukoy niya palagi niya kasing sinasabi sa'kin ang tungkol sa babaing 'yun! Ang akala ko nga po inlove na inlove talaga siya sa babaing 'yun pero iba naman ang kanyang pinakasalan. Hindi ko naman alam na si Amanda pala ang tinutukoy niya."

"Sandali eh' sino ba ang lalaking tinutukoy mo naguguluhan ako?"

"Ang batang saltik ng Baryo, siguradong kilalang kilala n'yo siya Tatay Kanor!"

"Ha' a-ano h'wag mong sabihing magkasama kayong dalawa?"

"S'yempre hindi po iba po ang kasama niya ngayon. Pero tama po kayo nagkakasama po kami. Dahil siya po ang tumulong sa akin, magmula ng umalis ako ng Santa Barbara."

*****

By: LadyGem25

(01-31-21)

Hello Buddies!

Again narito na po ulit ang ating update. Sana magustuhan n'yo ulit ito.

Medyo nagiging busy po ang Lola n'yo ngayon.

Nagtatry po kc akong magbake para nmn may pagkakitaan. Wala na po kc akong pambili ng load, Charet!hahaha

Pero s'yempre hindi nmn tayo hihinto sa pagsusulat, isisingit pa rin natin 'yan!

Kaya abang-abang lang po tayo sa mga susunod pang mga kabanata.

Maraming salamat ulit sa inyong suporta!

KEEP SAFE AND GOD BLESS EVERYONE!!

THANK YOU!

MG'25 (01-31-21)

LadyGem25creators' thoughts