webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

C-53: THE REMINISCING

Sta. Barbara, Iloilo city

After all those years past into her life, since then. And once again she's coming back alone.

But this is not for good, it's only for reminiscing...

For all those moments they shared, together with her family.

For the first time, almost 20 years on her past life. Muli s'ya ngayong nakapasok ng Hacienda Caridad. Hindi man n'ya naaalala ang mga panahon na narito s'ya. Dahil sa napakabata pa niya noon.

Subalit batid n'ya na naging bahagi rin ito ng kanyang nakaraang buhay at higit sa lahat naging pag-aari ito ng kanilang angkan.

Pero ngayon nasa mga kamay na ito ni Anselmo. Iyon ay dahil sa kasakiman at kasamaan nito. Kaya naman hindi kayang limutin ng panahon ang mga sandaling ginawa nitong impyerno ang buhay nila.

Lalo na ang buhay ng kanyang ama at ina. Kaya hinding hindi n'ya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanila.

Hindi rin naging normal ang kanyang kabataan, na dala-dala pa niya hanggang sa kanyang pagdadalaga.

Kahit sinikap naman n'yang gawing normal ang buhay n'ya nang makilala niya si Madi. Ang buong akala nga niya maaari s'yang mangarap ng isang normal na buhay at p'wedeng takasan na lang n'ya ang kanyang nakaraan.

Lalo na nang makilala niya ang lalaking nag-iisang itinangi ng kanyang puso.

Subalit sa simula pa lamang nabigo na s'ya sa lalaki. Ito rin ang naging una n'yang kabiguan.

Dahil nalaman n'yang may iba na pala itong minamahal. Kaya pala hindi man lang s'ya nito pansin noon. Ang masakit pa, kilala niya ang babaing iyon. Kilalang kilala niya!

Ang babaing nanloko lang at nang-iwan sa kanila ng kanyang Mamang. Nagsinungaling lang ito sa kanila, pagkatapos ng lahat...

Hindi na niya namalayan na kanina pa pala dumadaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

Napapitlag pa s'ya ng hawakan ni Anselmo ang kanyang kamay upang sana'y kunin ang kanyang atensyon. Awtomatikong namang nahila n'ya ang kanyang kamay. Dahil hinding hindi s'ya masasanay na madikit ang kahit anong parte ng kanyang balat sa taong ito. Kahit anak pa ang turing nito sa kanya.

Agad n'yang pinahiran ang luha sa kanyang mga mata. Kahit alam n'yang pinagmamasdan pa rin s'ya ni Anselmo ng mga oras na iyon. Nakapagtataka man na nanatiling tikom ang bibig nito, hindi na lang n'ya binigyang pansin.

Hindi na rin kasi n'ya namalayan na kanina pa pala sila nakahinto sa tapat ng isang malaking bahay.

Halos hindi nahuhuli ito sa mga naglalakihang bahay ng mga mayayamang angkan sa Maynila.

The two story house, combination of unique and modern structures.

Nahigit pa nga n'ya ang paghinga ng makita ito. Hindi na n'ya hinintay pa na ipagbukas s'ya ng pinto ng sasakyan. Dahil agad na s'yang bumaba upang lubos na makita at pagmasdan ang kagandahan ng bahay.

Hindi kasi niya napigilan ang sariling humanga sa ganda nito. Dahil ngayon n'ya lang ito nakita na ganito pala kaganda.

Sa pagkaalala niya naikwento ng kanilang Mamang na pinagawa ang bahay na ito noong dito pa sila nakatira sa loob ng Hacienda Caridad at ang kanyang Papang ang nagsilbing Arkitekto nito.

Kung hindi ito pinabago mula noon, maaaring ito nga ang unang project na ginawa ng kanyang Papang. Bilang isang under-graduated student of Architecture.

Bigla na namang nadagdagan ang paghanga niya sa kanyang Papang. Nakakaramdam tuloy s'ya ng panghihinayang, hindi lang para sa kanyang Papang kun'di maging sa kanyang sarili.

Kung tinapos lang sana n'ya ang kanyang pag-aaral. Sana isa na rin s'yang ganap na Arkitekto ngayon. Parang gusto tuloy n'yang kumuha ng lapis at papel at simulang gayahin ang ginawa ng kanyang ama.

Tila nakikita n'ya ito sa kanyang isip kung paano nito ginuguhit ang bahay habang ginagawan ito ng drafting plan.

Ramdam na ramdam rin n'ya kung paano nagtagumpay at nabigo ang kanyang ama sa bahay na ito. Hindi na rin tuloy n'ya napigilan pa ang muling pagdaloy ng kanyang emosyon.

Kasabay ang pangako sa kanyang sarili...

'Pangako Papang Babawiin ko ang lahat ng ito!'

"Ehem!"

Pagtikhim ni Anselmo ang nagpabalik sa naglalakbay n'yang diwa. Bago pa man s'ya tuluyang makalimot sa kasalukuyan.

Bigla s'yang napalingon dito habang madaliang pinupunasan ng kamay ang basa na sa luha n'yang mukha.

Inabutan s'ya ni Anselmo ng panyo subalit tinanggihan niya ito. Kaya naman hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang makita ang bahagyang pagkainis sa mukha nito.

Saglit s'yang natuwa subalit dagli ring napawi ng magsalita na ito.

"Maiintindihan ko kung nami-miss mo ang Mama mo sa lugar na ito. Pero sana s'ya lang ang naaalala mo at hindi kasama ang Darius na iyon! Dahil ako ang katabi mo ngayon at h'wag mo rin sanang kalimutan na ako ang ama mo. Kaya wala nang dahilan pa para alalahanin mo pa s'ya nagkaintindihan ba tayo, Amanda?!"

Bigla tuloy n'yang naisip, hindi talaga tama na magsungit s'ya sa taong ito. Dahil kailangan n'yang makuha ang loob nito mula ngayon.

Kaya dapat lang na magpakabait na rin s'ya sa harap nito magmula sa araw na ito.

Saglit muna siyang huminga ng malalim bago nagsalita.

"Pasenya na po, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi maisip ang mga nakaraan."

Marahas naman itong huminga...

"Sige na tama na 'yan naiintindihan naman kita! Ayoko lang na maisip mo pa si Darius. Dahil lalo lang akong mahirapang mapalapit sa loob mo. Sana naman maintindihan mo rin na sinisikap ko ring maging mabuting ama sa'yo." Saad nito na pilit na pinalungkot pa ang mukha at tinig.

"Alam ko naman po 'yun, pero sana bigyan n'yo pa ako ng konting panahon. Para sanayin ang sarili ko sa sitwasyon. Maaari po ba 'yun?"

Sinikap naman n'yang palamlamin ang mga mata. Mabuti na lang talagang galing s'ya sa pag-iyak kaya hindi na s'ya nahirapang magpanggap na nakakaawa.

Kahit pa ang tunay at gusto sana niyang sabihin ay ang mga salitang...

'Hayup ka Anselmo! Hindi ka kailanman magiging mabuting ama. Dahil wala kang kwentang tao at napakasama mo!'

Mabuti na lang kahit paano nakuha n'ya ang simpatiya nito. Katunayan ang paghugot nito ng malalim na paghinga at pagbago ng ekspresyon ng mukha.

Mula sa mabagsik nitong anyo na kanina lang ay mababakas sa noo at mukha nito. Ngayon ay tila umayos na at naging maamo.

Mababakas na rin ang malalim na gatla nito sa noo na tila ba marami na itong pinagdaanang problema at karanasan sa buhay nito. Na nagpapatunay lang na marahil marami na itong iniisip.

Bahagya pa s'yang nakaramdam ng awa habang pinagmamasdan ang mukha nito. Subalit saglit lang, dahil sa huli namayani pa rin sa kanyang isip ang galit dito.

Walang puwang sa puso n'ya ang maaawa sa taong ito. Mabuti nga nang mahirapan ito nang sa ganu'n ay pagsisisihan nito ang mga nagawang pagkakamali. Bulong pa ng kanyang isip. At saka mukha namang wala pa s'yang nakikitang pagsisisi nito sa mga nagawa.

Bahagya pa s'ya nitong nginitian at pagkatapos ay inakbayan. Bahagya pa s'yang natigilan, dahil sa ginawa nito sa kanya. Subalit pinilit niyang maging kalmado at sinikap na sanayin ang sarili sa ganoong sitwasyon.

"Halika na, pumasok na tayo sa loob. Napansin kong tila nagulat ka sa bahay ngayon mo lang ba ito nakita, hindi ba tumira ka rin dito noong bata ka pa?"

Biglang nataranta ang kanyang isip sa pagsagot.

"A-ano po?"

"Natatandaan ko pa noong una kitang makita dito napakabata mo pa noon. Siguro mga nasa walo o siyam na taon ka pa lang, natatandaan mo ba? Ang ganda ganda mong bata at kamukha kamukha mo ang iyong Mama."

"Pasenya na po pero parang hindi ko na po yata matandaan na nagkita tayo dati?"

Habang sa isip niya pilit n'yang binabalikan ang mga panahong iyon. Hindi man niya ito maalala naikwento naman sa kanila ng kanilang ina ang mga huling araw ng paninirahan nila dito.

Lalo na ang araw na sapilitan silang pinaalis dito sa Hacienda. Dahil iyon din ang araw kung kailan namatay ang mga Lolo at Lola nila.

Simula pa noong araw na mamatay ang Papang niya at umalis sila ng Baryo nagpalipat lipat na sila ng tirahan.

H'wag lang silang matunton ni Anselmo, hanggang sa lumaon tuluyan na rin silang umalis ng Sta. Barbara.

Dahil sa pagtataka kung bakit kailangan nilang lagi na lang magtago at magpalipat-lipat ng bahay. Kaya naman natuto silang magtanong sa kanilang ina.

Hindi naman ipinagkait nito sa kanila na malaman nila ang buong katotohanan. Pati na rin ang dahilan ng marahas at masakit na pagkamatay ng kanilang ama. At ang lahat ng iyon ay dahil sa tusong tulad ni Anselmo.

Hindi man gusto ng kanilang ina na maging magulo ang isip nila at madamay pa sila sa gulo. Ngunit mas mabuti na raw na malaman na rin nila upang maiwasan nila si Anselmo.

"Okay lang kung hindi muna maaalala, Iha. Bata ka pa naman noon kaya marahil hindi muna talaga maalala."

"Siguro nga po?" Sagot na lang n'ya.

Sabay bulong sa sarili... 'Dahil siguro ayaw mo ring maalala ko pa ang kasamaan mo!'

"B'weno Iha nagustuhan mo ba ang bahay, maganda ba? Kahit naman ako humanga sa ganda ng bahay na ito. Kaya hindi ko na pinabago, naisip kong imaintain na lang maganda naman talaga!"

"Maganda nga!" Dahil ang Papang ko ang nagpaganda nito. Bulong niya sa isip...

"Hindi naman ito ganito dati hindi ko nga alam kung sino ba ang nakuhang Arkitekto nu'ng dalawang matanda? Ang alam ko wala na silang pera pero nagawa pa nilang pagandahin itong bahay. Kaya lang may utang silang binayaran sa akin kaya napilitan silang ibigay na lang sa akin itong Hacienda."

Bigla naman s'yang napalingon dahil sa sinabi nito sabay bulong...

'Sinungaling! Hindi nila ito binigay sa'yo kinuha mo ito ng sapilitan at inagaw mo sa amin!'

Ang mga katagang ito sana ang gusto n'yang isigaw sa mukha nito. Subalit pinilit niyang maging kalmado ng sandaling iyon. Dahil hindi pa ito ang tamang panahon para gawin n'ya iyon.

Wala pa s'yang lakas sa ngayon pero sisiguraduhin n'yang pagsisisihan nito ang lahat ng kasamaang ginawa nito sa pamilya n'ya.

"Mabuti naman sa'yo ibinigay ni Lolo ito at hindi na napunta pa sa iba. Sayang kasi ang ganda talaga!" Masayang bulalas pa niya sa kabila ng nararamdamang ngit-ngit.

"Tama ka Iha, h'wag kang mag-alala kanino ba naman mapupunta ang lahat ng ito. Kun'di sa'yo rin! Wala naman akong ibang tagapagmana kun'di ikaw lang... Dahil ikaw lang ang nag-iisa kong anak." Sabi pa nito.

'Tama! Sa akin talaga mapupunta ang lahat ng ito. Dahil Babawiin ko ito sa'yo.' Bulong niya sa kanyang isip habang kunwari'y alanganing ngumiti.

Ngunit sabay pa silang nagulat at napalingon ng bigla na lang may magsalita, mula sa bandang gilid ng bahay.

"Papa! Mabuti po dumating ka na, kanina pa kita hinihintay!" Tila masaya pang saad nito.

"Huh?" Gulat naman s'yang napalingon sa nagsalita, habang nagtatanong ang isip kung sino kaya ito?

"Punyetang bata ito!" Ngunit mas nagulat s'ya sa naging reaksyon ni Anselmo ng marinig itong nagsalita.

Nakita pa n'ya na agad itong sumenyas sa mga tauhan nito na naroon lang sa paligid na mabilis namang tumugon.

Isang binatilyo ang nakita n'ya na sa tantiya niya nasa labing lima hanggang labing anim na taong gulang na. Napansin rin n'ya na may katangkaran ito kumpara sa pangkaraniwang binatilyo.

Tila ba palapit na sana ito sa kanilang direksyon ng matapos itong magsalita at hindi rin s'ya maaaring magkamali si Anselmo ang kinakausap nito at tinawag pa nitong Papa. Bigla kasi itong sumulpot mula sa gilid ng bahay.

Subalit biglang nabalam kaya hindi na tuloy n'ya nagawang makilala ang mukha nito. Dahil sa biglang pagharang dito ng mga tauhan ni Anselmo. At tila ba parang inilayo ng mga ito ang binatilyo.

Nagtataka man s'ya sa ikinikilos ng mga nasa paligid niya. Hindi na lang n'ya ito binigyan pa nang pansin. Hindi naman talaga s'ya interesado sa sino mang may kinalalaman kay Anselmo o sa kahit kanino pang kaanak nito. Pero naging curious pa rin ang kanyang pakiramdam at hindi n'ya napigilan.

"H'wag mo na lang s'yang pansinin Iha, hindi naman s'ya importante. Anak lang s'ya ng namatay kong asawa. Ako na rin kasi ang nakagisnan n'yang ama. Nakakaawa naman at wala ring ibang titingin sa kanya kun'di ako kaya inalagaan ko na lang. Pero h'wag kang mag-alala anak, hindi n'ya mapapantayan ang halaga mo sa akin. Dahil ikaw ang anak ko, naiintindihan mo?"

Paliwanag pa nito na hindi n'ya maintindihan, kung bakit tila ba masyado naman yata itong nag-aalala sa bagay na iyon?

Samantalang wala naman s'yang balak na makipagkompitensya sa anak nito.

"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, hindi naman mababaw ang isip ko. Kung iniisip mo na baka hindi ko s'ya magustuhan nagkakamali ka. Kung anak na ang turing mo sa kanya sabi mo nga! Sa tingin ko maaari ko rin naman s'yang ituring na kapatid. Mukha naman s'yang mabait at malambing sa'yo sa tingin ko. Kaya bakit hindi mo na lang s'ya ipakilala sa akin?" Tanong pa n'ya.

"Hindi pwede! I mean hindi naman s'ya dito nakatira at saka babalik na rin s'ya agad sa Europe doon kasi n'ya gustong mag-aral ng Medisina." Paliwanag ulit nito.

"Ah'ganu'n ba? Pero hindi ba ngayon mo lang naman s'ya ipakikilala sa akin. Saka hindi ko naman s'ya pipigilang umalis kaya bakit hindi pwede?"

"Basta hindi pwede! Bakit gusto mo pa s'yang makilala? Hindi ka n'ya magugustuhan at ayokong awayin ka n'ya at magselos pa s'ya sa'yo at baka saktan ka pa n'ya. Tiyak na mag-aaaway rin kami kapag ginawa niya iyon! Kaya mas mabuti kung hindi na lang kayo magka-kilala. Ayoko ring makilala mo pa s'ya dahil hindi mo naman s'yang totoong kapatid, naiintindihan mo ba?" Tila eksaherado nitong sagot.

Mukha bang nakulitan na nga ito sa kanya kaya napalakas na rin bigla ang boses nito. Hindi naman s'ya nakakibo nanatiling nakatingin lang dito. Bakit ba pakiramdam niya may itinatago ito sa kanya?

Hanggang sa muli itong nagsalita ng hindi s'ya kumibo, ngunit mahinahon na. Marahil nakita at na-realized nito ang pagkakamaling nagawa.

"I'm sorry, I'm just protecting you as my one and only daughter. I can't let anyone to hurt you, never! Kahit sino pa s'ya kahit pa ang mismong anak ng asawa ko, maliwanag?"

Pagtango na lang ang naisagot n'ya dito. Hindi na n'ya gustong kulitin pa ito ulit. Kahit na mayroon pa rin s'yang pagdududa. Dahil baka lalo lang itong magalit sa kanya at hindi ito ang dapat na nangyayari.

Dahil mas kailangan n'yang makuha ang loob nito kaysa ipilit na makilala pa ang anak-anakan nito. Besides wala naman itong halaga sa kanya at tama baka makalaban pa n'ya ito sa atensyon ni Anselmo.

Lalo na sa mga plano n'ya at pagbawi sa lahat ng dating pag-aari ng kanilang angkan. Dahil kung lehitimo itong anak sa pagitan nito at ng namatay na asawa nito. Kahit hindi pa ito tunay na kadugo ni Anselmo may karapatan pa rin ito pagdating sa usaping mana. Lalo na at hindi rin naman s'ya masasabing lihitimong anak nito.

Dahil wala pa namang batas na nagpapatunay na s'ya nga ay anak nito. Kaya maaari pa s'yang madehado kahit pa ng isang ampon.

Kaya tama lang na hindi ko na s'ya makilala. Dahil mas papabor sa'kin kung wala nga s'yang halaga!

* * *

By: LadyGem25

Hello Everyone,

Eto na po ulit ang bagong nating updated... Salamat sa matiyagang naghihintay pa rin d'yan!

Sana na-enjoy n'yo ang pagbasa sa chapter na ito. Dahil magiging kaabang abang pa ang mga susunod na kabanata.

Sa mga silent readers d'yan hindi po bawal magparamdam!hahaha...

Votes, Comments and review with rates are highly accepted! HAHHAHAHA

KEEP SAFE EVERYONE AND GOD BLESS!❤️❤️

SALAMUCH!! ❤️

LadyGem25creators' thoughts