webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

C-32: As a Secret Lover

Kanina pa palakad-lakad lang si Maru' sa loob ng kanyang kwarto. Hindi pa rin s'ya dalawin ng antok mula pa kanina ng manggaling s'ya sa veranda.

Dahil hanggang ngayon hindi pa rin s'ya makapaniwala sa nakita at nasaksihan.

Nakasanayan na kasi niyang tumambay muna sa veranda bago matulog. Pabalik na sana s'ya sa kanyang kwarto ng may marinig s'yang mga kaluskos.

Nagpalinga-linga s'ya sa paligid upang hanapin kung saan nanggagaling ang munting ingay? Mula sa tulong ng liwanag ng ilaw sa puno ng hagdan.

Bahagya n'yang naaninag ang mga anino sa dilim. Unang pumasok sa isip n'ya na baka may nakapasok na magnanakaw. Pero base sa mga kilos at galaw ng mga ito. Sigurado s'yang hindi ito mga magnanakaw.

Because of her curiosity she came closer, while she holding her breath.

After a minute she kept more closer. Just to be surprised for what she saw and to feel disappointed.

Si Joaquin at Angela, habang naghahalikan sa dilim. "Paano nila ito nagagawa, meron ba silang relasyon? Hindi na sila nahiya, mga walanghiya sila!" Bulong n'ya sa isip.

Naikuyom n'ya ang mga kamay dahil sa bugso ng samot-saring emosyon. Ngani-ngani n'yang sugurin ang mga ito at komprontahin.

Subalit agad rin s'yang natigilan at nakapag-isip bago pa man n'ya naiangat ang mga paa.

Sinikap n'yang pigilan ang sariling gumawa ng anomang ingay. Sumandal s'ya sa ding-ding upang saglit na pakalmahin ang sarili.

Mas pinili pa rin n'yang h'wag gumawa ng anomang hakbang na makakagambala pa sa mga ito.

Tahimik at walang kilatis s'yang tumalikod at dahan-dahang lumakad pabalik ng kanyang kwarto. Mabuti na lamang at nasa dulong bahagi ito ng pasilyo papuntang veranda. Kaya't hindi na namalayan pa ng mga ito ang kanyang presensya.

Bukod sa dahilang wala s'yang karapatang sitahin ang mga ito. Ang katotohanan na isa lang s'yang basura na pinulot sa kung saan. Ang pumigil sa kanya na gawin ang nais. Ano nga ba karapatan n'ya na sumbatan ang mga ito?

Ano bang pakialam n'ya kung may namamagitan man sa dalawa. Sino ba s'ya sa bahay na ito? Sunod-sunod n'yang tanong sa kanyang isip.

Subalit hindi pwedeng basta lang n'ya ito palagpasin!

Kailangan n'yang mag-isip kung dapat ba n'yang sabihin kay Joseph ang nakita n'ya? Pero paano n'ya 'yun gagawin, ngayon pa ba wala na s'yang pruweba? Bakit ba hindi ko agad naisip? Sana nakakuha man lang ako ng picture o video ng nakita ko kanina, ay ang tanga ko talaga! Bakit ba hindi ako naging handa, pagkakataon ko na sana ito para sirain s'ya?

Pero kapag ginawa n'ya 'yun sigurado magkakaproblema s'ya. Kaya't kailangan n'ya itong pag-isipang mabuti. Hindi n'ya kabisado ang isip ni Joaquin. Pihadong madali lang para dito ang paalisin s'ya sa bahay na ito. Bigla n'yang naisip, hindi pa p'wede!

Hindi pa s'ya maaaring umalis sa bahay na ito at sa buhay ng walanghiya at sinungaling na babaing iyon!

______

Masaya at magaan ang pakiramdam ni Angela ngayong umaga. Kahit pa gabing gabi na s'ya nakatulog ng nagdaang gabi. Masigla pa rin ang bawat kilos n'ya, napapangiti pa s'ya habang tila lumilipad ang isip. Maya't maya rin ang pagsalat n'ya sa kanyang labi gamit ang likod ng mga daliri.

Para kasing nararamdaman pa rin n'ya ang mga labi ni Joaquin na nakadikit sa kanyang mga labi. Hindi pa rin maalis sa kanyang isip, ang mga halik na pinagsaluhan nila ng nagdaang gabi.

Mabuti na lamang at nagawa pa nilang pigilan ang kanilang mga sarili. Bago pa man sila makarating kung saan o makagawa ng bagay na hindi pa dapat.

Nakakaramdam man s'ya ng guilt, dahil sa nangyari kagabi. Hindi n'ya maiitatangi na wala s'yang pinagsisihan sa kanyang ginawa. Dahil hindi na rin n'ya kayang pigilan, ang pag-usbong ng damdamin para sa lalaki.

Sigurado na rin s'ya na ito ang nilalaman ng puso n'ya at hindi si Joseph.

Kasalukuyan s'yang nagluluto na ng almusal. Kasabay ng paghahanda n'ya ng pagkaing babaunin ni VJ sa school. Para sa gaganaping Christmas party nito ngayong araw.

Maaga s'yang gumising para makapagluto at maihanda ang mga kailangan n'yang gawin. Bago pa s'ya umalis ng bahay, ngayon din kasi ang punta n'ya ng Resort. Ihahatid lang n'ya si VJ sa school kasama ng yaya nitong si Didang.

Mabuti na lang laging nakaagapay si Nanay Soledad sa kanya, kaya napabilis ang kanyang pagluluto. Nakaluto na sila bago pa man magising ang lahat.

Gumawa s'ya ulit ng veggie omelette na ginamitan n'ya ng broccoli at inihulma n'ya sa ibat-ibang kulay ng malalaking bell peppers. Katulad ng ginawa n'ya noon na dinala pa n'ya sa suite nila Joaquin noong nasa Venice pa ito. Hindi lang nito nagawang tikman dahil sa paghatid nito sa kanya ng sunduin n'ya si Joseph sa San Marco, Airport.

Naisip n'yang ulitin ang pagluluto nito. Sigurado ring magugustuhan ito ni VJ dahil sa korte nitong pabilog at magandang kulay.

Bukod pa sa eggplant roll at cordon bleu na babaunin nito sa Christmas party. Nagprito din s'ya ng dinaing na bangus na s'ya mismo ang gumawa. Gusto kasi ito ng kanilang Papa Liandro.

Kahit pa uso na rin ngayon na mag-order na lang sa mga fast food. Gusto pa rin n'ya na s'ya ang personal na magluto para sa kanyang anak.

Iniwan na n'ya si Nanay Sol sa kusina. Para maihanda na n'ya ang mga niluto sa dining table, nang biglang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Batid n'yang si Joseph ito base sa kanyang pakiramdam.

Nakompirma n'ya ito ng batiin s'ya nito at halikan sa pisngi.

Kahit dati naman nito iyong ginagawa, nakaramdam pa rin s'ya ng pagkailang hindi lang n'ya pinahalata.

Ang hindi lang n'ya alam kung dahil sa guilt o may iba pang dahilan?

Ilang segundo rin sila sa ganoong posisyon, nang pareho silang magulat ng biglang may tumikhim mula sa kanilang likuran.

"Ehem!"

Sabay pa sila ni Joseph na napalingon kay Joaquin na nakatayo sa gilid ng dining table.

Walang eksaktong ekspresyon ang mababakas sa mukha nito. Maliban sa nakapinid ang mga labi nito at palipat-lipat ang tingin sa kanila.

Hanggang sa mapako ang tingin nito sa kamay ni Joseph na nakahawak pa rin sa kanyang baywang. Naging dahilan iyon upang bahagyang gumalaw ang panga nito at lumiit ang tingin sa kanila.

Nang muling tumaas ang tingin nito, at tumingin sa kanya ng makahulugan. Bigla s'yang napalayo kay Joseph na ikinakunot naman ng noo nito.

Nasa mukha ni Joseph ang pagtataka dahil sa naging reaksyon n'ya.

Napatingin itong bigla sa kapatid na ngayo'y nakatingin na rin sa huli. Saglit itong tila nagsusukatan ng tingin. Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng kaba at pagkaalarma.

Subalit ang hindi n'ya maintindihan kung bakit bigla na lang tila ba gusto pa yata ng mga itong magsabong ng kay aga-aga? Nasa isip n'ya.

"Anak ng butiki naman" Bulong ng isip n'ya, dahil sa naiisip na posibilidad.

Huminga s'ya ng malalim at isa lang ang naisip n'yang gawin..

Humawak s'ya sa kamay ni Joseph upang pakalmahin ito. Dumausdos naman ang kamay nito at pinagitan ang mga daliri sa kanyang mga daliri. Tila ba ipinapahiwatig ng mga kilos nito na wala na itong balak na bitiwan pa s'ya.

Dinala pa nito ang kanyang kamay sa tapat ng dibdib at saka ngumiti, na tila ba nakaramdam ito ng assurance mula sa kanya. Kaya kay dali napawi ang alalahanin sa mukha nito.

Hindi tuloy n'ya magawang tingnan man lang si Joaquin ng deretso. Namimigat ang kanyang mga mata at pigil ang sariling emosyon. Para bang walang namagitan sa kanila ng nagdaang gabi.

Habang si Joaquin na nakatitig lang sa kanya, mariing napahawak ang dalawang kamay nito sa isang silya upang pigilan rin ang emosyon.

Hanggang sa tumingala ito at napamura na lang sa isip. Pagharap nito sa kanila nakangiti na ito ng mapakla.

Habang sa isip nito sinasabing may nanalo na naman at sa sandaling ito s'ya na naman ang talo. Ang buong akala ni Joaquin, dahil sa nangyari kagabi. Matapang na nilang haharapin ang ano mang namamagitan sa kanila.

Pero ano itong nangyayari? Sa nakikita at nararamdaman n'ya ngayon. Pakiramdam n'ya "secret lover" na naman ang ganap n'ya ngayon.

Mapait s'yang napangiti at humarap sa mahal n'yang kapatid.

As to pretend that nothing happened a while ago and no hurt feelings involved.

"Hey bro! Kay aga naman n'yan mag-almusal muna tayo ah." Sabi na lang nito sa kabila ng nadaramang sakit sa dibdib.

"Okay lang tol, kapag s'ya naman ang katabi ko okay lang sa'kin na hindi ako mag-almusal." Sabi ni Joseph sabay kindat pa nito sa kanya. Pinilit n'ya ang isang masayang ngiti upang hindi na ito mag-isip ng ano pa man.

Pagbaling n'ya ng tingin kitang kita n'ya ang kapaitan sa mukha ng lalaking kanyang itinatangi.

No one can read his emotions, except me. Because just the same what she feels now.

Melancholy?

Pero ano bang magagawa n'ya? Hinihingi ng pagkakataon na gawin n'ya ito. Hindi s'ya handa at hindi n'ya alam kung kailan pa s'ya magiging handa?

Kahit alam pa n'ya ang gustong nitong mangyari. Hindi n'ya ito kayang pagbigyan, hindi pa sa ngayon.

"Please h'wag mo naman akong tingnan ng gan'yan!" Bulong ng puso at isip n'ya habang nakatingin sila sa isa't-isa.

Parang gustong manlabo ng kanyang paningin. Dahil sa nagbabadyang luha na gustong mag-unahan sa pagpatak. Subalit kailangan n'ya itong pigilan at magpanggap na walang nararamdaman.

But how to pretend no one feels? If the reason why you are hurting is here in front of you.

Nakikita mo kung gaano s'ya nasasaktan ng dahil sa'yo.

Instead of saying the words..

"You're my missing piece and you're the only one for me."

But my love for you will remains, the secret that only the two of us can understand.

As a secret lover of yours..

"Ah, iha narito pa 'yung ginawa na.." Naudlot ang sinasabi ni Nanay Sol na palabas ng kusina, bigla itong natigilan pagkakita sa ayos nilang tatlo.

Una s'yang bumaling ng tingin sa ibang direksyon. Maingat at mabilis na pinahiran ng mga daliri ang umalpas na luha sa kanyang mga mata. Pinilit na maging normal ang kilos n'ya na parang balewala lang ang lahat at sinikap na ngumiti.

"Ah, gutom na ba kayo sandali lang hindi ko pa tapos ayusin itong mesa. Pero sandali na lang naman ito." Pilit n'yang inabala ang sarili kahit na nalilito na sa kanyang ginagawa.

"Tutulungan na kita d'yan anak, okay ka lang ba?" Sabi nito, nasa isip ang pagtataka sa ikinikilos n'ya at pagkalito.

"O-oo naman po nay, okay lang po ako. Kayo po ba okay lang?" kunwari'y tanong pa n'ya upang iligaw ang sitwasyon.

Habang ang magkapatid ay muling napatingin sa isa't-isa. Pero muli ding nagbawi ng tingin at nanatiling walang kibo. Kung ano man ang nasa isip nila, tanging sila lamang ang nakakabatid.

Eksaktong namang tapos na nilang ayusin ang lahat sa mesa ng dumating ang maglolo at kasunod na rin ng mga ito si Maru'.

"Wow! Mukhang ang sarap ng almusal natin ah. Tito Joseph nauna ka ring gumising? Good morning tito, good morning po Mama, Lola Sol." Isa-isang binati nito ang lahat, maliban lang kay Joaquin na ngayon ay nakaupo na sa pwesto nito sa left side.

"Iho, bakit hindi mo batiin ang Daddy Joaquin mo?" Tanong ni Nanay Sol ng paupo na ang bata.

Napatingin tuloy ang lahat sa bata, na saglit na tumingin sa ama. Pero agad din nitong binawi ang tingin at tuluyan ng umupo.

"Bakit ko s'ya babatiin eh, hindi rin naman n'ya ako binati?" May kasupladuhang tugon nito.

Ikinagulat ng lahat ang naging tugon nito. Lalo ni Liandro at Angela, nagkasabay pa ito sa pagsaway sa bata.

"VJ, anak!"

"Iho, h'wag ganu'n ha!"

"Hayaan n'yo na s'ya Pa, tama naman s'ya hindi ko naman talaga s'ya binati." Tumayo ito at lumapit kay VJ. "Good morning anak, pasensya na ha? Nakalimutan kong batiin ka agad, promise hindi na mauulit. Mula ngayon palagi na kitang babatiin." Hinalikan pa ito ni Joaquin sa noo at ginulo ang buhok nito. Tumingin muna kay Angela ang bata, bago ito muling nagsalita.

"Good morning po, Daddy." Nakayukong saad nito at yumakap pa sa braso ni Angela na tila nagpapasaklolo. "Mama" bulong pa nito sa kanya.

Kulang na lang isubsob nito ang mukha sa kanya na tila ibig mahiya.

Habang si Joaquin na tuwang-tuwa sa narinig na sinabi ng anak. Hindi nito maipaliwanag ang tuwang nararamdaman. For the first time na tinawag s'ya nito ng Daddy.

Ang sarap pala sa pandinig at pakiramdam. Alam ni Joaquin na malayo pa ang hahabulin niya. Bago pa sila lubusang magkalapit na mag-ama. Pero maganda na itong simula para magkaroon s'ya ng pag-asa.

"Okay lang 'yun anak, kain ka na! male-late ka na sa party n'yo sige ka.." Sabay hinalikan ni Angela ang noo ng anak.

Pagtaas n'ya ng mukha nakangiting si Joaquin ang nabungaran n'ya. "thank you" bulong pa nito habang nakangiti. Bago bumalik sa dati nitong pwesto.

"Mabuti pa kumain na tayo mukhang masarap nga itong niluto mo, iha ang bango nakakagutom." Saad ng kanilang Papa Liandro.

Nagsimula na ngang kumain ng tahimik ang lahat, si Joseph na tahimik na mula pa kanina at si Maru' na tila nakikiramdam at panay ang buntong hininga.

Ang mag-ama na patuloy lang sa maganang pagkain na kung pagmamasdan iisa ang kilos at galaw, maging si Liandro ay maganang kumain. Nang bigla mapansin nito si Maru' na tila hindi mapakali.

"Ah, iho okay ka lang ba, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" Tanong ni Liandro kay Maru' ng mapansin ito.

"Ano po, ah nagustuhan po, masarap naman po talaga!" saad nito na pinilit ngumiti.

"Para kasing hindi ka komportable may dinaramdam ka ba iho?" Tanong pa nito.

"Wala naman po, medyo napuyat lang kasi ako kagabi. Kulang lang po siguro ako sa tulog." Pagdadahilan nito, habang kunwari'y hinahaplos ang batok.

"Bakit ka napuyat hindi ba maaga kang pumanhik kagabi?" Nagtatakang tanong ni Joseph kay Maru'.

"Ah ano kasi Sir, hindi ako pinatulog nu'n dalawang pusa na nakita ko sa dilim kagabi habang palabas ako ng Veranda. Mukha kasing gumagawa pa yata sila ng milagro?" Simulang kwento nito.

"Pusa, may nakapasok na pusa sa loob ng bahay?" Gulat na tanong ng kanilang Papa. Habang si Joseph napaangat ang mukha napaisip itong bigla. Si Angela napahigpit ang hawak sa kobyertos.

Habang si Joaquin napangisi na lang sa sinabi nito. Parang alam na nito ang ipinahihiwatig ng katabi. Habang pinipigilan rin ang sariling h'wag itong maingudngud sa lamesa.

"A-ano po kasi Sir, natakot din akong lapitan 'yung mga pusa. Baka kasi lalong mag-ingay, lalong makabulahaw kaya hinayaan ko na lang, alam din naman po siguro ng mga pusa na tres passing sila!hehe" Bahaw na pagtawa pa nito na kunwari'y nagbibiro lang ito.

Bahagyang tumawa naman ang kanilang Papa, tahimik na tumango-tango lang si Joseph. At si Angela na nakayuko lang at nakikiramdam.

Bigla s'yang kinabahan, habang sa isip n'ya "posible kayang nakita sila ni Maru' kagabi?" Hindi n'ya naiwasang itanong sa sarili.

"Mabuti naman at hindi mo na inabala 'yung mga pusa. Kasi kung minsan ang mga pusa mapanganib din, lalo na sa mga kumakalaban sa kanila. Kaya mag-iingat ka sa pakikialam sa mga pusa, okay?" Sabi n'ya na hindi man lang nag-abalang tumingin kahit kanino. Habang abala ito sa pagpira-piraso ng kinakain na omelette at isinubo ng sunod-sunod at nginuya pagkatapos nitong magsalita.

Parang balewala lang dito ang mga sinabi nito. Kahit halata namang may diin ang bawat salita at gigil ang mga kilos nito. Tuloy-tuloy lang ito sa pagkain.

Hindi naman nakatiis si Joseph na hindi magreact sa sinabi n'ya. "You're talking seriously, Bro? It's just only the cats, right?" Patutsada nito sa hindi mapigil na pagbangon ng inis sa kanyang kapatid.

"Yeah, you're right bro! It's only a cats, right Maru'?" Baling nitong tanong kay Maru' na nasa tagiliran nito kung saan ito nakaupo.

"Ye-yes Sir, pusa lang talaga!" Sagot nito, hindi naman talaga n'ya intensyon na gumawa ng gulo. Lalo na kung malalagay s'ya sa peligro.

Hindi pwedeng mangyari 'yun marami pa s'yang plano na kailangang gawin. Masyado pang maaga para layuan n'ya ng tuluyan ang babaing ito.

Deretso s'yang humarap kay Angela na nakatingin rin sa kanya at saglit pa s'yang nakipagtitigan dito. Hanggang sa una itong nag-iwas ng tingin at yumuko.

"Ang galing mo talagang umiwas, paano mo nagagawang titigan ako na parang hindi mo ako kilala? Hindi mo man lang ba naisip na kamukha ako ng Tatay." Bulong ni Maru' sa sarili.

"Now you heard him right, Brother? Did you think anything else?" Tanong pa ulit ni Joaquin na sadyang nang-iinis.

"Bakit, may dapat pa ba akong isiping iba?" Makahulugan nitong tanong ayaw man n'yang bigyang kulay ang hinala sa isip n'ya.

"Well, why don't you ask to your dog. Baka naman may alam pa s'yang iba? Besides, you believe him right?" Saad ni Joaquin na kanina pa pala naiinis dahil kay Maru'. Hindi n'ya gusto ang nakikitang ginagawang pagtitig nito kay Angela. H'wag lang itong magkakamali, banta ng isip n'ya.

"Shit! Ano bang problema mo ha, kanina ka pa ah?" Hindi na nakatiis na sigaw ni Joseph kay Joaquin.

Kanina pa s'ya naiinis sa kapatid, alam n'yang may ipinahihiwatig ito.

Hindi n'ya gusto ang ganitong pakiramdam, ayaw rin n'yang isipin na tama ang kutob n'ya.

Dahil hindi n'ya ito mapapatawad kung sakaling totoo man ang nasa isip n'ya.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa, ha?" Tanong ng kanilang amang si Liandro na biglang naalarma. Dahil sa tono ng pananalita ng dalawang anak na lalaki at hindi n'ya maintindihan kung anong nangyayari sa mga ito?

"Bakit hindi n'yo itanong d'yan sa magaling n'yong anak. Kung may problema s'ya, sana h'wag s'yang mandamay ng iba." Mariing salita ni Joseph.

"Kuya, wala akong problema. Ikaw yata ang may problema sa akin eh, bakit hindi mo na lang sabihin kung anong gusto mong sabihin. Sige na makikinig naman ako! Ano bang gusto mo?" Sarkastikong saad ni Joaquin.

"Eh, gago ka palang talaga..!" Si Joseph na marahas na tumayo na ikinagulat ng lahat.

Napayakap namang bigla si Angela kay VJ na nagulat din. Agad n'yang tinakpan ang tainga ng bata upang hindi nito marinig ang mga salitang hindi nito dapat marinig.

Pagkakita dito ni Joaquin, naikuyom nito ang mga palad at marahas ring napatayo.

"Enough! Magsitigil kayo! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ha? Can we finish to eat our food. Before you continue to fight?" Malakas na sigaw ni Liandro na sinabayan pa ng paghampas nito sa ibabaw ng lamesa, na ikinagulat naman ng lahat.

Gulat rin silang napalingon sa kanilang ama.

* * *

By: LadyGem25

Hi po sa lahat, ❤️

Pasensya po at natagalan ulit ang pag-updated. Sana na-enjoyed n'yo pa rin ang pagbabasa. Dahil po sa mga nagdaang mga okasyon kaya delayed na naman tayo.✌?✌?✌? sorry po!

Salamat din sa inyong pagbabasa at suporta at nariyan pa rin kayo at naghintay palagi.❤️

Feel free to votes and comments at sana i-rate n'yo rin ang story na ito upang malaman natin kung nagugustuhan n'yo talaga?

Sana all.. HAHAHAHa

SALAMUCH!!❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts