webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · สมัยใหม่
Not enough ratings
131 Chs

C-29: YOU CHOOSE HIM, OVER THAN ME

Kailangan na n'yang makabalik agad ito ang nasa isip n'ya, habang sakay ng isang Transport bus pagkahatid niya kay Joseph sa Airport. Dahil alam n'yang sa mga oras na ito may naghihintay sa kanya sa Hotel at dapat na rin n'ya itong harapin.

Hindi nga s'ya nagkamali dahil pagbaba pa lang n'ya sa harap ng Hotel. Hindi pa s'ya pumapasok, kusa na itong lumapit sa kanya.

Nagulat pa s'ya ng hawakan s'ya nito sa braso at pilit hinila palapit sa sasakyan nito na nakapark sa harap ng Hotel. Tila ba sadya s'ya nitong hinihintay.

Gusto sana n'yang hilahin ang kanyang braso, subalit lalo lang humihigpit ang paghawak nito sa kanya. Kaya wala na s'yang nagawa. Batid n'yang galit ito sa kanya, kaya nagagawa nito ang ganitong bagay.

Pilit s'ya nitong pinapasok sa loob ng sasakyan at nang maisara na nito ang pinto umikot na ito sa driver seat at walang anumang pinasibat nito ang sasakyan.

Hanggang sa huminto ito sa lugar na walang gaanong tao. Inihinto lang nito at itinabi ang sasakyan sa gilid ng daan.

"Naging masaya ka ba?" Biglang tanong nito.

Napasinghap s'ya sa tanong na iyon.

"Napasaya ka ba n'ya ng husto kaya nalimutan mo na'ko? Mas masaya ba s'yang kasama, ha?"

Sunod-sunod at galit nitong tanong.

"I'm sorry!" Malungkot n'yang saad.

"Put***ina! Sorry, 'yun lang ba ang sasabihin mo? Magkasama kayo buong maghapon at hindi pa kayo nasiyahan. Nagsama pa kayo sa iisang kwarto sa buong magdamag. Tapos sasabihin mo sa'kin, sorry? Bakit, ano bang ginawa n'yo ha? Sobra ba kayong nasabik sa isa't-isa kaya hindi n'yo na nagawang maghiwalay?" Tuloy-tuloy nitong sumbat sa kanya.

"Tama na, Joaquin!" Pigil n'ya sa sinasabi nito.

"Anong ginawa n'yo ha, mas masarap ba s'yang humalik o sadyang masarap lang s'yang katabi sa kama? Naka-ilang round ba kayo, ha?!"

Tuloy tuloy at malakas nitong sumbat sa kanya at puno ng sama ng loob.

"Tumigil ka na! Sinabi ng tama na, tama na!" Galit n'yang sigaw dito at pinagbabayo pa ito sa dibdib, dahil sa sobrang inis n'ya sa lahat ng sinabi nito.

"Tumigil! Bakit ako ang dapat tumigil?" Balik tanong nito sa kanya.

"Dahil hindi mo alam ang sinasabi mo! At sa pagkakaalam ko wala ka rin karapatang sumbatan ako o makialam sa ano mang gusto kong gawin?!" Sigaw n'ya.

"Tama ka, wala nga pala akong karapatan. Kasi wala ka namang obligasyon sa'kin, hindi ba?"

"Joaquin!"

"Alam mo ba na halos mabaliw ako sa kaiisip kung ano ba ang posibleng ginawa n'yo sa loob ng kwarto?"

Nagngangalit ang ngipin nito sa pagsasalita at nagsimula na ring pamulahan ng mga mata.

"Alam mo rin bang sumagi rin sa isip ko na itakas ka na lang at dalhin sa isang lugar na hindi ka na nila makikita. Kung saan hindi ka n'ya maaagaw sa akin o kahit ng sino man. Para hindi na maulit ang nangyari noon. Pero pinigilan ko pa rin ang sarili kong gawin 'yun! Kasi kahit paano gusto kong umasa na totoong mahal mo rin ako?"

Saglit muna itong huminga at lumunok upang maalis ang ano mang bara sa lalamunan. Bago muli itong nagpatuloy. Habang si Angela na hindi na rin napigilan ang emosyon.

"I was expecting that you choose me. Because you love me more, than to my brother. But instead, you choose him over than me."

Malungkot itong tumingin sa kanya..

"Then you say, I have no right? Alam mo ba kung gaano 'yun kasakit para sa akin?! Put***ina! Kasi mahal lang naman kita! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yun, kung bakit ako nagkakaganito ngayon?"

Pasigaw na sabi nito sa nagngangalit na bagang at patuloy na pagkabog ng kamao sa sariling dibdib.

"Hindi mo ako maiintindihan ngayon, mag-usap tayo kapag hindi na mainit ang ulo mo!" Sabi na lang n'ya na biglang nakaramdam ng tensyon.

"Dalawang bagay lang naman ang gusto kong marinig sa'yo. Kung mahal mo ba ako at ako ang pinili mo?" Mariin nitong bigkas.

"Hindi mo kasi naiintindihan si Joseph s'ya ang nag-alaga sa amin ni VJ simula pa noon." Aniya.

"Magagawa ko rin naman 'yun sa inyo, kaya rin naman kitang alagaan. Kung gusto mo kukunin ko s'ya, kukunin ko ang anak ko. Aalagaan ko kayo pareho, bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Kahit tayo lang, ilalayo ko kayo. Pupunta tayo kung saan tayo magiging masaya, sige na."

Biglang nagbago ang expression nito at hinawakan pa nito ang kanyang kamay at tumingin na parang nakikiusap sa kanya.

"Hindi pwede!"

"Bakit hindi pwede? Hindi ba mahal mo rin naman ako? Sabihin mo kung anong gusto mo, gagawin ko. Basta ako ang piliin mo, please?" Sabi nito sa malumanay na salita.

"Hindi nga pwede.."

"Bakit nga hindi?" Sigaw nito ulit.

"Dahil ayoko! Hindi ko kayang biguin ang kapatid mo, hindi si Joseph. Sana maintindihan mo?" Tuluyan na s'yang napa-iyak.

"So, s'ya pa rin ang pinipili mo? At ako kaya mo akong iwan para sa kanya, tama?" May kapaitan nitong tanong.

"Hindi mo kasi naiintindihan."

"Ano ba ang hindi ko naiintindihan, ha? Ang katotohanan na napakaswerte naman ng kapatid ko. Dahil narito man s'ya o wala s'ya pa rin ang panalo. Dahil s'ya pa rin ang pinili mo at hindi ako."

"Dahil mas makakabuti para sa atin na kalimutan na lang ang lahat. Marami ka pang ibang makikilala na mas higit sa akin, dahil hindi ako ang para sa'yo."

"Wala akong pakialam sa ibang babae dahil ikaw lang ang gusto ko. Kaya hindi mo ako kailangan ipasa sa iba at turuan ng dapat kong gawin."

"H'wag mo sanang isipin na madali para sa akin ang gawin ito. Dahil nahihirapan din ako, ginagawa ko ito para sa ikabubuti natin pareho. Kaya sana maintindihan mo rin ako. Hindi ko kayang iwanan ang pamilya mo, dahil sila na rin ang pamilya ko. Hindi naman ako katulad mo na pwedeng maglakbay. Kahit saang sulok man ng mundo, ang naisin mo. Dahil ako isa lang ang tahanan na pwede kong uwian, iyon ang tahanang iniwan mo. Pwede bang hayaan mo na lang ako na makasama sila. Dahil du'n lang ako magiging masaya."

Mahabang paliwanag n'ya na lalo namang ikinasakit ng loob nito. Maya maya bumaba ito ng kotse at gumitna ito sa daan. Bigla tuloy s'yang kinabahan, lalo ng may parating na bus.

Bigla tuloy s'yang napalabas ng sasakyan. Pero ng kumaway ito na tila pumapara ng sasakyan saka lang n'ya ito naunawaan. Subalit nagtataka pa rin s'ya kung bakit nito iyon ginagawa. Balak ba nitong iwanan s'ya dito?

Napalapit tuloy s'yang bigla sa gawi nito at inihanda ang sarili sa ano mang balak nito..

"Ito naman ang gusto mo hindi ba? P'wes sumakay ka na sa bus na 'yan at umuwi kang mag-isa. Dahil magmula sa araw na ito hindi na tayo magkakilala, naiintindihan mo?! Alis na, ayoko ng makita ka!" Galit na pagtataboy nito sa kanya.

Nabigla man s'ya sa inasal nito, wala na s'yang nagawa kun'di sumakay ng bus at gaya ng sabi nito umuwi s'yang mag-isa at iniwan ito sa lugar na iyon.

Habang patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Wala na s'yang pakialam kahit pa sa kanya nakatingin ang lahat. Kahit pa hilam sa luha, sinikap pa rin n'yang tanawin ang lalaki. Habang patuloy itong lumiliit sa kanyang paningin. Dahil sa mabilis na takbo ng bus.

"Good bye, love." Nagawa pa n'yang sabihin kahit na tanging s'ya lang ang nakarinig. Bago s'ya tuluyang napahagulgol ng iyak.

Si Joaquin ng mga sandaling iyon, walang sawa itong sumigaw ng sumigaw hanggang kusa itong mapagod. Tila ba ibinuhos nito ang lahat ng sama ng loob sa pamamagitan ng kanyang pagsigaw. Makalipas lang ang ilang saglit, sumakay na ito ulit ng sasakyan.

"Ayaw na kitang makita, kahit kailan!" Galit na bulong pa nito.

Naging t'yak ang sumunod na pagkilos nito. Muli nitong pinaandar ang sasakyan. Habang inilalagay ang earphone sa kanyang tainga.

"Russel, umuwi na tayo sa Australia, ayoko na dito!"

"Ha! Sigurado ka na ba d'yan Boss?!"

Si Angela na hindi na nagawang makapasok ng araw na iyon. Nagkulong na lang s'ya sa apartment ng buong araw.

Hanggang kinabukasan pagpasok n'ya hindi na sila nagkita ni Joaquin. Nalaman na lang n'ya sa kilalang bellboy na kahapon pa ito nagcheck-out sa Hotel. Wala ring nakakaalam kung kailan ito babalik o kung babalik pa?

Nakaramdam man s'ya ng sobrang lungkot, pero naisip din n'ya na ito na 'yun pinaka mabuti para sa kanila. Wala rin namang patutunguan kung magkakaroon sila ng relasyon.

Kailangan n'yang mamili sa pagitan nito at ni Joseph at si Joseph at si VJ ang pinipili n'ya. Hindi n'ya kayang iwanan ang mga ito ng ganu'n lang tulad ng nais mangyari ni Joaquin.

Ang mga ito ang naging buhay n'ya sa loob ng limang taon ito ang naging pamilya n'ya. Hindi n'ya pwedeng basta na lang balewalain ang lahat ng nagawa ng mga ito sa kanya.

Kahit pa ang kapalit nito ay ang kanyang pagkabigo at sakit na nararamdaman n'ya ngayon. Sakit na hindi n'ya alam kung kailan ba mawawala? Dahil ngayon pa lang pakiramdam n'ya parang hindi na s'ya makahinga at parang hindi na rin n'ya alam kung paano s'ya mananatili dito ng hindi na ito nakikita?

Ngayon n'ya na-realized ang tunay na kaguluhan ng nabubuhay na parang isang robot, kung ano ang sabihin sa kanya 'yun lang ang gagawin n'ya. Mas gusto kasi n'ya ang maging manhid na lang na walang pakiramdam.

Kailangan pa rin kasi n'yang tapusin ang training niya, bukod pa sa trabaho n'ya dito sa Hotel.

Gumawa na rin s'ya ng resignation n'ya para ipapasa na lang n'ya bago s'ya umalis.

Gustong gusto na n'yang umuwi pero kailangan pa rin n'yang tatagan ang kanyang sarili. Dahil hindi naman s'ya maaaring umuwi ng ganito ang kanyang kondisyon.

Ilang araw pa lang ang lumilipas, pero parang gusto na n'yang pagsisihan ang kanyang naging desisyon. Lalo na kapag dumadaan s'ya sa hallway papuntang kitchen. Naalala n'ya ang presensya nito sa tuwing makikita n'ya itong nakangiti at bigla na lang itong susulpot sa kung saan.

Ganu'n din ang pakiramdam na palagi lang itong nakamasid sa kanya kahit hindi n'ya nakikita. Pero ngayon wala na ito, alam n'ya na kahit suyurin pa n'ya ang buong kapaligiran wala nang Joaquin, Jeremy, Mr. Dawson o kahit Sir J. s'yang makikita.

Wala na rin ang mga magagandang bulaklak na natatanggap n'ya tuwing umaga at mga sweet messages nito na nakagagaan sa kanyang pakiramdam.

Pero kailangan n'yang kalimutan ang lahat ng ito. Kung ayaw n'yang magkaroon ng heart attack. Bukod pa sa ito lang ang paraan para s'ya makamove-on at bumalik sa normal tulad ng dati. Noong wala pa ito sa buhay niya at hindi pa nito ginigising ang puso n'ya.

Matuling lumilipas ang mga araw at Linggo. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan na rin n'yang lisanin ang Venice. Nakakaramdam man s'ya ng lungkot sa kanyang pag-alis.

Batid naman n'ya na magiging masaya s'ya ulit pag-uwi n'ya ng Pilipinas. Napakalungkot ng mga huling araw n'ya dito sa Venice, kahit marami ang nakapaligid sa kanya. Pakiramdam n'ya nag-iisa pa rin s'ya.

Marami ang nangyari sa kanya dito sa Venice at dito mismo sa loob ng Hotel, mga alaala na magiging bahagi na ng buhay n'ya.

Dito n'ya naramdaman ang maging malaya, walang nagpapaalala sa kanya na s'ya ay may sakit. Dahil normal ang tingin sa kanya ng lahat at dito malaya n'yang nagagawa ang lahat ng gusto n'yang gawin.

Nang walang nag-aalala sa kanyang kakulangan at kahinaan. Dahil dito nagtiwala ang lahat sa kanyang kakayahan at hindi n'ya naramdaman na mayroon s'yang sakit.

"Hoy! Bakit nakatulala ka pa d'yan, anong oras na? Baka malate pa tayo sa flight." Bigla s'yang napatingin kay Alyana ng paalalahanan s'ya nito. Bigla n'yang naisip kung kanina pa ba s'ya nakatulala?

"Okay ka lang ba ate Angela?" Tanong naman ni Diane.

"Oo naman, okay lang ako. H'wag kayong mag-alala." Aniya, sabay sabay silang pumunta dito kaya magkakasabay din silang uuwi at babalik ng Pilipinas.

Kahapon pa naman sila nagpaalam sa Hotel. Binigyan pa nga sila ng farewell party. Nagbigay na rin s'ya ng resignation.

Kahit gusto ng Admin na manatili pa s'ya doon kahit ngayong seasons week lang pero tumanggi na s'ya kahit inalok din s'ya ng malaking salary.

Napakalungkot na nga niya nitong mga huling araw. Ayaw naman n'yang abutan pa s'ya ng pasko dito. Baka hindi na n'ya kayanin ang lungkot at lalo lang s'yang naho-homesick. Sobrang nami-miss na n'ya ang pamilya n'ya lalo na si VJ.

Kaya kailangan na n'ya talagang makauwi. Bigla tuloy s'yang nagkaroon ng lakas, naging mabilis ang kanyang pagkilos.

After a few minutes, natapos din silang mag-ayos ng mga gamit nila. Sinigurado rin n'ya na wala s'yang maiiwan. Kung pwede nga lang kahit ang mga bulaklak n'ya dadalhin n'ya.

"Tayo na nariyan na ang taxi sa ibaba." Si Diane.

Saglit pa n'yang nilingon ang apartment pagkatapos ay tuloy-tuloy na silang umalis.

______

"Papa aalis na ako baka ma-trapik pa ako papuntang Manila. Hindi na ako nagpaalam kay VJ baka umiyak pa hindi ako makaalis. Nandito naman si Maru' pagnagising sila, sabihin n'yo na lang s'ya muna ang bahala kay VJ. Okay sige na tuloy na'ko."

"Okay sige na anak ako na bahala dito, tumuloy ka na at baka tanghaliin ka pa ma-trapik na!"

"Okay po!"

"Sige mag-iingat ka, iuwi mo s'ya agad dito ha? Bukas na kayo magdate."

"HAHAHAHa si Papa talaga! Sigurado namang dito agad ang tuloy nu'n! Baka nga iwanan na ako sa Manila nu'n sa sobrang pagkamiss nu'n sa inyo!"

"Oh, s'ya sige na!"

Matapos humalik sa pisngi ng ama tuloy-tuloy na s'yang umalis at bumibyahe papuntang Manila International Airport.

Super excited na s'yang sunduin si Angela, kahit 3 weeks pa lang silang hindi nagkikita mas lalo pa s'yang nasabik dito ngayon.

Pagdating n'ya sa Airport makalipas lang ang mahigit kalahating oras dumating na rin ito. Agad na n'ya itong kinawayan ng makita n'ya ito habang nasa waiting area. Agad naman s'ya nitong nakita, tumatakbo pa itong sumalubong sa kanya.

Matapos ang batian at kamustahan, agad na rin itong nag-aya pauwi ng Batangas gaya ng kanyang inaasahan. Parang hindi nito iniinda ang pagud sa byahe, hindi na ito nagpahinga.

Gusto nitong dumeretso na sila ng Batangas at sa byahe na lang sila magkwentuhan. Kaya naman hindi na s'ya nagtaka ng makatulog ito habang masaya sanang nakikipag-usap sa kanya.

Saglit n'yang inihinto ang sasakyan para ayusin ang pagkakasandal nito sa upuan, para mas higit itong maging komportable. Kinabitan din n'ya ito ng seatbelt, may tatlong oras pa kasi silang bibyahe at nakalagpas pa lang sila ng south express way.

Nang malapit na sila sa bahay nila sa Batangas saka lang n'ya ito ginising.

"Hey! Sleeping beauty malapit na tayo, gising na." Pero bumiling lang ito.

Nasa loob na sila ng bakuran ng bahay ng muli n'ya itong gisingin. Hinawakan n'ya ito sa pisngi at sa tingin n'ya tila ba para itong nanaginip. Bahagya pang iminulat nito ang mata pero saglit lang pero pumikit ito ulit. Pero nagulat s'ya ng bigla itong magsalita..

"Hmmm, Jeremy.."

"Huh? Angela!" Napalakas n'yang pagtawag dito.

Nagulat naman ito at napadilat..

"Huh! Nasaan na tayo?" Gulat na tanong nito.

"Nandito na tayo sa bahay siguradong hinihintay na nila tayong bumaba."

Umikot ang tingin ni Angela sa labas at tama si Joseph, dahil natanawan na n'ya ang mag-lolo na tila excited na sa kanyang paglabas.

Biglang nag-ulap ang kanyang mga mata at nagsimulang mangilid ang kanyang mga luha pagkakita n'ya sa kanyang anak.

Awtomatikong tinangka n'yang buksan ang sasakyan, pero naka-lock pa rin ito. Bumaling s'ya ng tingin kay Joseph.

"Naka-lock pa 'yun pinto, gusto ko nang bumaba." Ngunit imbis na sagutin s'ya ni Joseph. Bigla na lang itong nagtanong.

"Sino si Jeremy?"

Bigla s'yang nabalot ng kaba pagkarinig sa pangalang nabanggit nito.

"Je-Jeremy?" Nauutal n'yang sagot.

"Nanaginip ka yata kanina 'yun ang pangalang binanggit mo."

"Hi-hindi ko alam nagsalita ba ako habang tulog?" Balik tanong n'ya.

"Never mind na lang, baka nga panaginip lang, kalimutan na lang natin 'yun!" Sabi na lang nito at lumabas na ito ng sasakyan umikot sa kabilang side upang ipagbukas s'ya ng pinto.

"Sige na, hinihintay ka na ni VJ, ako na ang bahala sa mga gamit mo." Sabi nito at binigyang daan ang kanyang paglabas.

"Thank you!" Hinalikan pa n'ya ito sa pisngi, bago n'ya ito iniwan at hinagilap ng mga mata ang kanyang anak.

"Si Mama, yehey! Nandito na si Mama ko, Mama!" Tuwang-tuwa sigaw nito at tumakbo palapit sa kanya.

"VJ anak, nandito na'ko!"

Sinalubong n'ya ito ng yakap at tuwang-tuwa rin itong yumakap sa kanya. Binuhat pa n'ya ito at pinupog ng halik, tuwang tuwa naman ito. Itinaas pa nito ang kili-kili at pinahalikan sa kanya. Tawa ito ng tawa at naglambitin pa sa leeg n'ya.

"Mama miss na miss kita!"

"Ako din anak, na-miss ko kili-kili ng anak ko!" Tuwang tuwa ito sa sinabi n'ya.

"Mama hindi ka na ba aalis, hindi mo na kami iiwan?" Inosenteng tanong nito.

"S'yempre hindi na anak, dito na ako palagi." Sagot naman n'ya.

"Yehey!" Sigaw nito na tuwang-tuwa.

"Nakuh! Baka nahihirapan na ang Mama mo bumaba ka na d'yan iho." Napalingon s'ya bigla dito.

"Papa!" Nginitian s'ya nito at hinalikan sa noo. Napayakap naman s'ya dito at ginantihan din s'ya ng yakap nito.

"Kumusta ka anak, hindi ka ba nahirapan sa byahe?" Tanong nito habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Hindi naman po! Kayo Pa, hindi ba kayo nahirapan dito?"

"Hindi naman anak, mas mahirap nga lang na wala ka? Pero ngayon siguradong hindi na ako mahihirapan. Pero h'wag mo munang alalahanin 'yun anak kararating mo lang, kumain ka na ba hindi ka ba nagugutom."

"Okay lang po ako!"

"Mama alam mo bang may bago na akong Tito? Si Tito Maru' dito na rin s'ya titira." Pagmamalaki nito sa kanya.

"Hmmm, talaga anak? Nasaan s'ya gusto ko na s'yang makilala." Curious n'yang tanong.

"Ibaba mo na s'ya anak, baka nahihirapan ka na mabigat na ang batang 'yan!" Tinulungan pa s'ya nitong ibaba ang apo nito.

"Halika na Mama, ipapakilala na kita kay Tito Maru'." Excited nitong hinawakan ang kanyang kamay at hinila s'ya nito papasok ng kabahayan. Nagpatianod na lang s'ya dito.

Pero bago pa sila makapasok sa loob napahinto na ito..

Dahil sa presensya ng isang taong biglang humarang sa kanilang dereksyon. Palabas naman ito ng kabahayan..

"Oh, bakit ka huminto?" Takang tanong n'ya at bumaling s'ya sa direksyong tinitingnan nito...

Gulat s'yang napatingin sa mukha ng taong tinitingnan nito. Nabuhay rin ang kaba sa kanyang dibdib.

Subalit nagawa pa rin n'ya itong saglit na pasadahan ng tingin.

Nakasuot ito ng gray t-shirt na hakab sa katawan nito at bahagya ring naka-expose ang mga tuhod nito sa suot na slash blue denim.

Pagtaas n'ya ng mukha... Dahil sa taas nito patingala n'ya itong pinagmasdan. Malinis at makinis ang mukha nito, clean cut na rin ang tabas ng buhok.

Mukhang kaliligo lang, base sa basa pa nitong buhok. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang ginawa nitong pagbasa at pagkagat sa pang-ibabang labi dahilan para lalong namula.

Pakiramdam tuloy n'ya parang nanayo ang mga maliliit na balahibo sa kanyang batok at bigla s'yang napalunok. Parang bigla na lang nanuyo ang kanyang lalamunan na tila gusto pa yata n'yang sinukin.

Huling-huli rin n'ya ang biglang pag-arko ng kilay nito ng magkatapat na ang kanilang paningin.

Bigla naibulong n'ya sa kanyang sarili..

"OMG! Bakit ba ang gwapo naman talaga ng lalaking ito?" Hindi niya napigilang komento, na tanging sa sarili lang naman niya kayang sabihin.

* * *

By: LadyGem25

OMG! Sino kaya ang gwapong 'yun? ❤️

Ano kaya ang masasabi nila sa chapter na'to? ❤️

Medyo napahaba ng konti!❤️

Maraming salamat ulit sa mga nagbabasa nito!

Sa mga nagvo-votes at comments, salamat sa suporta nin'yo.

Sana all?! HAHAHAHa ❤️

Thank you!❤️

LadyGem25creators' thoughts